HE even cleaned up after us. Ayaw n'ya akong patulungin. Magpahinga na lang daw ako at pagod ako sa pagsagwan kanina. My arms are a little sore but it is bearable. I work out regularly anyway. Nang matapos s'ya ay pinuntahan n'ya ako sa tent.Naiihi na ako.
"O, anong problema? Bakit mukhang hindi ka mapakali?"
"Naiihi na ako."
"Tara, sasamahan kita."
"Ayoko nga, baka silipan mo ako."
Napatawa naman ito. "Sa dilim na 'yan, sa tingin mo may makikita ako sa 'yo?"
Tanging liwanag lang ng buwan ang tanglaw namin at ang kaunting apoy mula sa bonfire kanina. He's got a point.
"Fine. Samahan mo ako pero -- huwag na huwag kang titingin!"
"Scout's honor."
Itinaas pa nito ang kamay. Sira talaga itong si Rye. Dala ko ang flashlight at naglakad kami palayo sa tent. There was a big rock not too far from here. Doon ako nagtago at umihi. May dala akong bote ng tubig panghugas sa sarili ko. I like feeling fresh down there at all times. I went back to him when I was done.
"Tapos ka na?"
Tumango ako. "Oo, okay na."
We started walking and I noticed how the breeze was getting cooler. Nang tingnan ko ang oras ay alas otso na pala ng gabi. He put his arms around me and pulled me closer to him.
"Hindi chansing 'yan. Mukhang nilalamig ka kasi."
Inirapan ko s'ya pero hindi naman ako lumayo sa kanya. In fact, I quite enjoy his warmth. Ang bango pa ni Rye kahit kanina pa nag-iihaw. I noticed that he changed his shirt too. Bukod sa diver's watch na suot n'ya ay wala ng ibang alahas na suot. Boardshorts lang ang suot at simpleng tshirt.
"Baka matunaw na ako n'yan. Sige ka, hindi mo ako matitikman."
He even had the gall to wink at me! See what I mean? He can be so silly even at times like this. I hate to say this, but I do enjoy his company. Masaya ako na nagtago s'ya sa speed boat. Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ng hindi tungkol sa trabaho. Noon kasi ay puro drawing lang ang pinag uusapan namin at mas madalas pa na magkaiba kami ng suggestion. Mabibilang ko sa mga daliri ko kung ilang beses kaming nag-agree sa mga designs. Minsan, talagang matigas lang ang ulo ko. Nang marating namin ang tent ay pinauna na n'ya akong pumasok at baka magkasakit pa daw ako.
"Go inside the tent, nilalamig ka na. Baka magkasakit ka pa."
"Why? Where are you going?"
"Dadagdagan ko lang ng kaunti pang kahoy ang apoy. It can give us a little bit of heat. Susunod ako sa yo," taboy n'ya sa akin.
Mayamaya lang ay sumunod nga s'ya. Bukas ang flashlight ko at naaninag ko s'ya. Medyo masikip ang tent dahil dalawa kami at pareho pa na matangkad, but we managed. Hindi ako makatulog. First time kong may katabi na ibang lalake sa higaan. Nang lingunin ko s'ya ay pikit at nakapatong ang braso sa noo.
"Are you still awake?"
Pumihit s'ya paharap sa akin. "Why? You need to pee?"
He was about to get up when I stopped him. "No, silly. Hindi ako naiihi."
"Okay. Gisingin mo lang ako kapag magpapasama ka. I don't want you walking outside by yourself."
Nahiga s'ya uli at bumalik sa dati n'yang pwesto. How do I tell him that I am cold? Huwag na nga lang. Makakatulog naman na siguro ako ng ganito. But my damn body was shaking, naramdaman ko na lang na may brasong humapit sa baywang ko.
"Come here. You're shaking."
Hindi na ako tumanggi ng yakapin n'ya ako. My body relaxed instantly when I felt his warmth. Ang kinikilig ngayon ay ang puso ko. I can feel his hot breath fanning my neck. Damn it! This is such a bad idea but what am I to do? Manigas sa lamig o subukang pigilan ang sarili kong halikan s'ya?
Then I felt his lips leaving tiny kisses on my neck and nibbling my ear. I can feel his growing erection. Sa halip na lumayo ay mas lalo ko pang idinikit ang sarili ko sa kanya. His kisses are driving me wild and I want more. Ang gabing malamig ay nagmistulang pugon sa init. He touched me everywhere and I crave it when it leaves my skin. The next thing I know, I have given myself to him.
Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog kagabi pero si Rye ay mahimbing pa rin na natutulog ngayon sa tabi ko. Nakapulupot s'ya sa akin. I remembered last night, nilinisan pa n'ya ako. Ang loko, may baon pang wetwipes! I wonder what else is in his bag, nagugutom na rin kasi ako. Maingat kong inalis ang braso at binti n'ya na nakadantay sa akin. Suot ko ang damit n'ya. Alam kong dapat hindi pakialaman ang bag n'ya pero naubos ko na ang prutas ko. Baka may natitira pa s'yang snacks. Pero hindi pagkain ang nahanap ko -- kundi cellphone. Mataas pa sa kalahati ang battery at naka-silent mode!
Tinampal ko ang binti n'ya. "Rye! Get up!"
Pikit s'yang nagsasalita. "W-what? Inaantok pa ako babe, come back here."
Ano daw? Babe?? Hindi naman ibig sabihin na may nangyari sa amin ay kami na.. pinagsasabi nito?
"Rye! Kapag hindi ka bumangon d'yan ay ibabalibag ko 'to sa yo."
Napilitan s'yang bumangon at daig pa n'ya ang sinabuyan ng malamig na tubig.
"I can explain ---"
"You better."
Humalukipkip ako at matiim s'yang tinitigan. Hindi ko alam kung anong lusot ang gagawin n'ya ngayon. The truth is -- hindi naman talaga ako galit sa kanya. If he told me yesterday that he had a phone, we wouldn't have spent the night together. Hindi ko makikita ang side n'ya na marunong mag-alala at ang skills n'ya sa pagluluto. He's a total dream guy -- if not for the women chasing him all the time. Ayaw ko ng may kahati. Nakakatakot s'yang mahalin -- hindi ko alam kung kailan s'ya magsasawa.
"Well," untag ko sa kanya.
"I'm sorry?"
Kakamot kamot ito sa leeg n'ya at parang bata na nahuling gumawa ng kasalanan. Darn! He looks so cute in the morning. Kahit gulo ang buhok ay hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan n'ya. Nag-sorry pero may question mark? Hindi ko alam kung pipilitin ko ang leeg n'ya o hahalikan s'ya ng mariin.
"Shut up and kiss me. Now."