NARINIG ko s'ya kaninang kausap ang staff sa resort. Sabado ngayon at balak n'yang pumunta sa kabilang isla para magcamping. Who the f*ck likes camping? I certainly don't! I like sleeping in a comfortable bed and the tent is not going to give me that. Narinig ko pa na nagrenta s'ya ng speedboat. Can she even drive that? But I can't let her go alone, baka kung ano pa ang mangyari sa kanya ay kargo de konsensya ko pa.
Kung magsasabi naman ako na sasama sa kanya ay siguradong hindi s'ya papayag. The woman doesn't like me. Kahit magkaklase kami noong highschool at parehas ang mga klase namin sa Architecture ay kibuin dili n'ya ako. If I initiate a conversation, it always lead to a dead end. Sa kanya lang talaga walang epekto ang kagwapuhan ko.
Kung hindi n'ya ako isasama then she doesn't leave me any choice. Sasama pa rin ako. Kaya heto, nagtatago ako sa speed boat. I did pack a small bag with extra clothes, snacks and a lot of water. Ang bigat tuloy ng bag ko. The island is not too far anyway, sampung minuto lang sa speed boat 'yon. Tingin ko ay malayo layo na kami at ng itigil n'ya ang makina ay nakahinga ako ng maayos. Ilang beses akong muntik muntikan na sumuka. Nagbaon pa nga ako ng ilang gamot. I hated camping pero boy scout ako -- laging handa. Narinig ko ang angkla kaya tumayo na ako. Imagine her surprise upon seeing me.
"Rye! Anong --"
"Surprise!"
Nakita ko s'yang natigalgal. "What the hell are you doing here? I don't remember inviting you in?!"
Lumabas na naman ang kasungitan n'ya. Daig pa ang buntis na naglilihi kung masinghalan ako. Paano na lang kung talagang buntis na s'ya sa anak namin? Wait, really? Rye naman, hindi mo pa nga nililigawan, anak na agad?! So what, doon din naman ang punta namin.
"Rye! I am asking you a question." Tuloy ang paghulog n'ya ng angkla.. pati pagsinghal sa akin.
Napangiwi ako sabay kamot sa leeg ko. "I was worried. Hindi mo ako isasama kapag nagsabi ako sa 'yo --"
She cut me off. "So you invited yourself on my camping trip?"
"Smart, huh!"
Pinaningkitan n'ya ako ng mata. "You hate camping. Anong pinaplano mo?"
"I just want to make sure you are safe.. and I want to spend time with you."
"Spend time with me?? Nababaliw ka na ba? Magkasama tayo araw araw! Style mo, bulok!"
Lana rolled her eyes and took her small bag. Ang bag ko ay nakasukbit na sa balikat ko. Ini-ready n'ya ang raft. Iyon ang sasakyan namin para makalapit sa isla. F*ck! Hindi ako marunong sumagwan. And this woman -- holy sh*t, she is f*cking skilled.
"Maiwan ka d'yan kung ayaw mong bumaba."
Nasa raft na pala ito dala ang kanyang bag. Ang sungit sungit talaga, pero ang labi n'ya -- parang sarap lamukusin ng halik. Lihim akong napatawa. Masosolo ko na s'ya. Mapapaamo ko rin si Lana. Ibinigay n'ya sa akin ang sagwan ng makababa ako at makasakay sa raft. But I was a disaster waiting to happen. Nabitiwan ko ang sagwan.
"Oops," nakangiwing sabi ko.
She let out an exasperated sigh. "What did you do now?"
Itinuro ko ang sagwan. "Sorry."
"Rye naman," nanggigigil n'yang sabi sa akin. Binalikan namin ang sagwan at inabot n'ya. "Ako na lang ang magsasagwan. Huwag kang malikot! Don't even move one bit! I'm telling you, ihuhulog na kita at languyin mo na lang ang isla!"
"Yes, Ma'am."
Siniringan n'ya ako. "Ma'am ka d'yan. Don't move and don't talk."
Patuloy s'ya sa pagsagwan at maya maya lang ay narating din namin ang isla. Umibis ako kasunod n'ya at tinulungan ko s'yang hilahin ang raft papunta sa buhangin malayo sa tubig. Iyon man lang ay magawa ko para sa kanya. Nanguha s'ya ng tuyong mga sanga at pinagsama sama saka gumawa ng apoy. Thank God! Akala ko naman ay magkikiskis pa s'ya ng dalwang bato para magpaningas ng apoy. May dala naman palang posporo.
"May dala kang pagkain?"
Tumango ako pero bago ako nakasagot ay nilayasan na n'ya ako ulit. Nagtayo s'ya ng tent. Sa itsura ay kasya ang dalawang tao. Tamang tama, may matutulugan na ako. Ang tanong, papatulugin n'ya ba ako sa tent n'ya?
Nang matapos ay binalikan ako sa may apoy. Naglabas s'ya ng prutas mula sa bag n'ya at nagsimulang kumain. Ni hindi ako inalok! Kaya ng inilabas ko ang container ko na may cold pack, inihaw ko ang dala kong apat na porkchops. Nakialam ako sa kitchen sa resort at nag-marinate. I maybe helpless when it comes to the things she excels at but I am a great cook. Tingna ko kung hindi magtubig ang bagang n'ya sa amoy nito. Hindi ko rin s'ya inalok. But I can feel her stares.
"What is that," tanong n'ya sa akin.
"Marinated pork."
"Who made it," tanong n'ya ulit.
Siguro ay ito na ang pinakamahabang conversation namin ngayong araw na ito na hindi tungkol sa trabaho. Posible pala 'yon? Kung alam ko lang ay matagal ko na sanang ginawa ito. Baka matagal ko na s'yang girlfriend ngayon. Who would have thought that one of the most sought after bachelors is secretly in love with a woman -- and he doesn't have the guts to tell her. But this time, I am ready. Tiwala lang, makakapagtapat din ako sa kanya.
"I said, who made it," untag n'ya sa akin.
Hindi ko pala nasasagot ang tanong n'ya. "Me."
Napakunot ang noo n'ya. "Ikaw? How? Wala namang lutuan sa suite ah."
"Nakialam ako sa kitchen nila the other night. I marinated it myself."
Pagdating sa pagluluto ay malakas ang kumpyansa ko. Mom's a great cook, bukod sa pagkanta at pag guhit. I got the cooking skills from her whereas my sister -- prito lang ang alam n'ya at ilang ginisa. Malapit ng maluto ang mga binabad ko at sobrang bango. Nakita kong ilang beses na lumunok si Lana. May ilan akong paper plates na dala. Inilagay ko doon ang mga inihaw ng maluto. Hindi ko muna s'ya inalok. Patuloy lang ang pagkain n'ya ng mansanas. Hindi rin ako nakatiis.
"Do you want a taste?"
"Hindi na, okay na ako sa mansanas."
Para pagkain lang ay pinapairal pa ang pride. "Sure ka? Masarap 'to. Baka magutom ka mamya."
"Fine. I'll have a piece."
Lihim na nagdiwang ang puso ko. The way to the woman's heart is through her stomach. Hindi lang applicable sa lalake 'yan, pati sa babae rin. Sino ba ang tatanggi sa masarap na pagkain? Besides, kapag kami na -- lagi ko s'yang ipagluluto. Agahan, tanghalian, hapunan -- kahit ano pa 'yan. Tahimik kaming kumain at malapit na n'yang maubos ang karne na n'ya ng bigla s'yang napamura ng malutong.
"Sh*t!"