Chapter 9 - Veronica

1534 Words

SUCCESSFUL ang naging operasyon ni Nanay. Ngayon ay nasa healing stage na siya. Kailangan na lang niya magpalakas para tuluyan na siyang makalabas dito sa ospital. "Alam mo ba 'Nay na may manliligaw na si ate," pagbibida ni Kevin na ikinalaki ng aking mga mata. "T-Talaga?" utal-utal na tanong ni Nanay. Hindi pa siya gaanong tuwid magsalita dahil kakatanggal lang ng tubo na inilagay sa kanya noon. Alanganin akong tumingin kay nanay. "'Wag ka maniwala kay Kevin 'nay. Kapatid po ng amo ko 'yun si sir Lyndon," depensa ko. Totoo naman kasi na hindi ko siya manliligaw. "Ayieee, si ate namumula!" kantiyaw naman ni Anna. Hinawakan ko ang aking mga pisngi na nag-iinit na sa sobrang hiya. "W-Wala n-namang... p-problema k-kung may m-manliligaw ka, a-anak," saad naman ni Nanay. Tuluyan na akon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD