Chapter Two
DESPICABLE. That Mindy woman? She’s despicable. I mean… may mga kilala akong babae na wala talagang hilig magpa-under sa lalaki. Mamu, for one. They like to call themselves Alpha females. Pero ibang level ng kademonyohan ‘yong i-frame up mo ‘yong lalaki at akusahan mo ng r**e ‘tapos ipabugbog mo to the point of almost killing the guy. That’s Satan level of evilness.
“Sa tingin ko naman naririnig mo na ang pangalan ni Keith dati pa. He’s an international performer. He also acted in various international musicals and he’s very fond of playing drums and guitar. Dahil nga sa insidente, hindi na niya magagawa ‘yon.”
Tinignan ko si Kayedee, who wants to be called Kaye, by the way. Habang kinukwento niya ang mga nangyari kay Keith Nixon, may genuine sympathy sa reaksyon niya. Noong binabanggit nga niya ang ginawa ni Mindy, feeling ko gusto niya pang resbakan ‘yong demonyita na ‘yon, eh.
Sabagay. Ako ngang ‘di kilala si Keith, nakakaramdam din ng urge na lapirutin ‘yong n*****s ni Ate girl sa inis, eh.
“So what happened to the trial?” I asked in all curiosity. “Nakakulong na ba si Mindy Luciano?”
Umiling si Kaye at nakita kong nagtiim ang kanyang bagang. “No, she was never tried in the first place. Ibinasura lang ng korte ‘yong kaso kasi walang sapat na ebidensya sina Keith para iturong si Mindy nga talaga ang salarin.”
“But how about the r**e charge?”
“Naabswelto si Keith doon dahil likewise, walang sapat na ebidensya. But it already served its purpose, I suppose. The damage to Keith’s reputation has been done. Add to that, the physical damage that rendered him incapable of playing his instruments any longer.”
I bit my lip in contemplation. I can vividly imagine what happened in my mind. Iyong trauma ni Keith sa pambubugbog. Iyong pagharap niya sa korte habang naka-wheelchair at maraming pasa at galos sa mukha. I saw one photograph of him on the news six months ago. Halos purple pa ang kulay ng mga pasa niya sa mukha no’n pero walang pakundangang inere ng mga news outlets ‘yon.
“But aside from the physical damage,” pagpapatuloy ni Kaye sa pagkukwento na pumukaw sa atensyon ko. “He’s now suffering post-traumatic episodes from the incident. Magaling na ang lahat ng sugat at galos niya, Ana. It had been half a year anyway. But it was the mind which ultimately paid the price for what happened. And that’s where we come in.”
“Uhm… do we have any triggers?”
“He just started the counseling a few weeks ago but basing on the details na ibinabahagi niya during the session, his PTSD normally manifests through nightmares. During the early weeks of this, hindi na siya natutulog for fear that the same dream will manifest itself again.”
Aw, s**t. Napakawalang puso no’ng gumawa sa kanya no’n. I mean, if the news and rumors are to be believed, the guy may somehow deserve it pero OA naman ‘yong extent ng punishment.
Mindy Luciano. I mentally took note of that name for future reference.
Nagbilin lang si Kaye ng mga pwede kong gawin habang wala siya. She’ll have two sessions with Keith every month here on this house. To closely monitor him, mananatili ako ng dalawang buwan dito.
“Pero kung may kailangan ka o may emergency, tawagan mo ako kaagad,” sabi niya habang iniikot ako sa malaking bahay. “You can do whatever you want to do here during your free time. Sa gabi lang naman lumalabas ng kwarto niya si Keith. Rare lang na lalabas siya ng daylight so you pretty much have all the time in the world to write your dissertation proposal.”
“Noted, Doktora. May mga dapat ba akong iwasan pagdating kay Keith?”
“Uhm… there’s one actually.” She paused for a second there. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako ng seryoso. “Please don’t have s*x with him.”
Agad na umigkas ang kilay ko at napanganga sa gulat sa sinabi niya. “Uh… come again?”
“I gathered you’re not going to do that but just have to warn you anyway. Many before you have failed the test, Ana. You’ve no idea how many.”
Napangiwi ako. Mukhang may katotohanan ‘yong mga blind items sa The Buzz, ah.
“But then again,” patuloy ni Kaye na bahagya pang natawa. “I figured you’re not the type to like someone like Keith. After all, you’re an heiress. Ano lang ba naman ang aktor at musikero sa mundo ng mga nagtatanyagang pangalan sa business at politics, ‘di ba?”
Internally, I groaned. Minsan talaga mas may dala pang sumpa ‘tong surname ko kaysa swerte, eh. Kailan kaya maiintindihan ng mga people na wala akong pakialam sa mga ganyang bagay? Kalokohan lang ‘yan.
Haven’t I flaunted Xanderone enough for them to know na hindi ako nadidiktahan ng pangalan ko?
Me is so inis!
HINDI ko sure kung tama ‘tong ginagawa ko, eh. Like… ano talagang silbi ko rito? Eh para lang akong nagbabakasyon, eh. Seriously though… hindi nga talaga siya lalabas ng kwarto niya buong araw? Eh paano kumakain ‘yon?
I went down in the kitchen during lunch. Inabutan ko roon ‘yong maid na sumalubong sa akin kaninang umaga at may mga pagkain siyang inilalagay sa tray.
Ano ngang pangalan nito ni Ate girl? Edna? Eden? Damn it, Ana, you really suck at rememberig names.
Tumikhim ako para tawagin ang atensyon niya. “Hi.”
Nag-angat siya ng tingin habang hawak-hawak ang mga utensils na ilalagay niya sana sa tray. “Ay, Ma’am, kayo pala. Ipaghahain ko na ho ba kayo?”
“Uh…” I looked back to the stairs, hoping I’d see Keith Nixon there and when I didn’t, I looked back at her and watch her place the utensils in a particular arrangement while trying to figure out kung paano ko itatanong sa kanya iyong gusto kong itanong. Ah, to hell with it. “Si… Sir Keith?”
Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Naku, Ma’am Nera, hindi ho ‘yon bababa.” She wrinkled her nose and leaned in a little bit closer to whisper. “Para ho yatang si drakula ‘yang si Sir Keith. Tuwing gabi lang ‘yan lumalabas.”
Kinagat ko ang labi ko. My heart jumped a bit when she called me by my best friend’s name. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na magpapanggap talaga akong ibang tao para lang maitawid ‘to. Holy s**t, dude. This is scary as f**k!
But then my academic life is what’s at risk here. So, Nera, akin muna ‘yong identity mo, friendship. Balik ko na lang sa ‘yo two months from now.
Tinuro ko ‘yong tray na inaayos niya. “Dadalhin mo sa kanya ‘yan?”
“Opo, Ma’am.”
“Gusto mo ako na lang ang magdala, friend?”
“Eh, Ma’am… hindi ho ako nakakapasok sa kwarto no’n ni Sir Keith, eh. Iniiwan ko lang ho ‘tong tray sa labas ng pinto ‘tapos kakatok lang po ako at sasabihing nando’n na ‘yong pagkain pero hindi ako pagbubuksan no’n ng pintuan. Naku, ewan ko nga ba. Parang may superpowers ‘yang si Sir. Nalalaman niya kung nasa pinto ka pa o wala ka na ro’n.”
Napangiwi ako. Ano ba ‘tong gig na pinasok ko? Nakakaloka naman ‘tong si Nixon. Paano ko siya makikilala at makakasundo nito?
“So… never mo pang nakita si Sir Keith?”
“Nakita na. Tuwing may session siya kay Doktora, saka lang siya nagpapakita. Saglit lang din.”
Bumuntong hininga ako at hinawi ang buhok kong parang alambre na sa tigas. Ano bang gagawin ko?
“Eh sige. Ako na lang ang mag-aakyat nitong tray. ‘Tapos sabayan mo na ako sa pagkain. Uhm…” Hindi ko talaga maalala ang pangalan niya. Hooo, hirap! “Ano ngang pangalan mo ulit, sorry?”
Natawa siya ng bahagya saka iniabot sa akin ang tray. “Ella, Ma’am. Makakalimutin ho pala kayo.”
Alangan akong ngumiti sa kanya. Ni isa sa mga hula kong pangalan niya, hindi man lang tumama. Anak ng tupa ka, Ana.
“S-sige, Ella. Salamat. Maghain ka na. Kain na tayo after ko ihatid ito.”
Tumango siya at tumalima na para siguro maghain.
Dinala ko ang tray sa second floor, kung saan ko naalalang itinuro ni Kaye iyong silid ni Keith. Pagdating doon, inilapag ko ang tray sa tapat ng pinto. I raised my fist to knock on the door but I hesitated. Instead, I tried the knob. Locked.
I sighed. Kumatok na lang ako para bigyan siya ng hudyat. “Sir Keith? Uh…” Oh shuta. Ano na sasabihin ko? “Si… si Nera ‘to, Sir. Ako ‘yong intern ni doktora. Dinalhan ko po kayo ng lunch.”
How old was he again? Thirty one? Thirty two?
“Sir Keith?” Kumatok ulit ako ng tatlong beses. Just for good measure.
“Go away. Iwan mo ‘yong pagkain.”
Napakurap ako sa tinig niya. It was… cold, but soothing nonetheless. Baritone and manly but I can’t help thinking… It reminds me of something. Sadness. Yes. It was the kind of voice that you associate with sadness. Hindi ‘yong tono o ‘yong sinabi niya. It’s just plainly his voice.
“Sir… pwede ka naman pong sumabay sa amin ni—”
“I said go away!” he growled that had me backing up a step.
Bumuntong hininga ako at pilit na ni-restrain ang sarili ko. I had the urge to yell back at him whilst kicking the door open. Because honestly, I can do that in a blink. But I have to remember I’m here as a hired help. Kahit naman sobrang iksi ng pisi ng pasensya ko, I know how to empathize and understand.
He’s going through a lot right now. He probably doesn’t need me pestering him.
Without a word, I backed away. Noong nasa dining area na ako, pinakinggan ko ng maigi kung magbubukas o magsasarado ang pintuan sa itaas. Minutes later, it actually did.
Ella may or may not be correct. I wouldn’t be quick to eradicate the theory na baka may superpowers nga ‘tong si Nixon.
I started writing my thesis proposal that day. Hindi ko na halos namalayan ang oras sa katunayan. Kaya nga siguro no’ng marinig kong may bumukas na pintuan ‘di kalayuan sa kwarto ko ay umalerto ako. I looked at the small clock on the bedside table. It’s 1:36 AM.
Gosh. Multo ba siya?
Inilapag ko sa kama ang Macbook ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba at nakita kong nakabukas ang dim light sa kusina. Dali-dali akong bumalik sa kwarto para isuot ang salamin ko saka ko tinungo ang kusina.
Papalapit palang ako pero kitang-kita ko na siyang nakatindig sa harapan ng bukas na refrigerator. He’s wearing a wife beater top and a low cut denim jeans. And he’s barefooted. Likuran palang ang nakikita ko pero nakakatawag talaga ng pansin iyong lapat na lapat na wife beater sa kanyang katawan. I admit he’s really fit and masculine lean. Of course, I knew that from all the Google Image searches I made from time to time. But who knows na nakakatulo pala talaga ng laway ‘tong lalaking ‘to?
I watch him close the fridge and turn on his heel bringing something with him. Nang makita niya ako, he jumped in utter surprise. “Holy f**k!”
That surprised yell came with the tupperware tumbling from his hand down to his top. Namilog ang mga mata ko. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ‘yong kare-kare na niluto ni Ella kaninang hapunan. Nag-mantsa ‘yon ng malala sa puti niyang pang-itaas.
“Oh my Lord…”
“What the f**k are you doing there?” angil niya na nagpahinto sa akin sa akmang paglapit. “Tang ina, akala ko multo!”
Ngumiwi ako at tinignan ang suot ko. May multo bang nagsusuot ng shorts at pink top? Gwapo na sana, may problema lang sa visual capacity.
I looked back to him again. “Hindi po totoo ang multo, Sir Keith.”
“Alam ko. I realized that. And I gather that even ghosts would refuse to wear those hideous eyeglasses of yours!”
Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya. What do you call a person who judges your eyeglasses? Eyeglassesist?
Tinitigan ko siya habang abala siyang kumuha ng paper towel para punasan ang suot niya. I decided to help him out by handing him lots of it kasi siguradong hindi niya ako papayagang punasan ‘yong dibdib niya ‘noh.
Tama si Kaye. The traces of the wounds are not visible in his face anymore. Parang wala lang nangyari. His chiselled jaw and sharp nose are still the same as those in the images I saw. He didn’t have a boyish charm like the typical male celebrities or actors locally. His was a different type of handsomeness you couldn’t put your finger to. Gwapo siya pero hindi nakakaumay na gwapo. And his eyes are very expressive and very attractive. I decided then and there that his eyes are probably my most favorite part of his anatomy as of the moment.
But then, that’s always going to be debatable.
“Anong ginagawa mo rito at gising ka pa? Binabantayan mo ba ako?” agad na pag-a-akusa niya sa akin nang matapos ang pagpupunas niya sa kanyang damit. The stain is still there but he probably doesn’t care about it now.
“Sinusulat ko ‘yong thesis ko, Sir, hindi kita binabantayan. Pero kung gusto mo naman, wala namang problema sa akin. Ano ho ba kasing kailangan n’yo?”
I looked at the wasted food. Nagugugtom siguro siya.
Nang balikan ko siya ng tingin para sana kulitin siya sa sagot ay nakita kong sinusuri na niya ako mula paa paitaas sa ulo. He then grinned and tilted his head in wonder. “s*x. Kaya mong ibigay?”
Lumuwa ang mga mata ko sa pagkaprangka niya. Nahablot ko na ang rolyo ng paper towel at iaangat na sana para ibato sa kanya. Nahimasmasan lang ako nang maalalang pasyente nga pala siya.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sino bang santo ang tatawagin ko para humingi ng karagdagang pasensya? First day palang ito pero present na ang murderous thoughts ko.
“Sir…” I gritted, suppressing my annoyance towards this man who might quite possibly be a monster in the making. “Parang hindi ho kasama sa job description ko ang maging p****i the snowman?”
Umismid siya at saglit na nailing. “Anong nasa job description mo? Baby sitter habang nag-aalaga si Kayedee ng totoong baby?”
Witty. Kaso hindi funny.
“I-forward ko na lang kaya sa e-mail mo ‘yong resumè ko para mas malinaw?”
He remained grinning bitterly and staring at me as if he expects me to back down. Or say something else perhaps. Ngunit ilang sandali na ang lumilipas at namamayani na ang katahimikan nang mapagtanto niya marahil na wala akong sasabihin na gusto niyang marinig. His smiled faded away and he straightened.
“What’s your name?”
I wet my suddenly dry lips. Hindi ko alam pero parang may kung anong urge sa akin na sabihin ang totoo kong pangalan. Or was this because I am not really accustomed to lying?
“Nera. Nera Vargas, Sir.”
“Nera…” He tried saying it. He tilted his head again and his tongue darted out very quick;y to wet his lips too. “The name doesn’t suit you. You don’t look like a Nera.” Luh. Ano raw? “But whatever.”
One last lingering look and then he left. Pinanood ko siyang tumalikod, pumanhik sa hagdan at maghubad ng top niya habang naglalakad. Agad na tinakpan ko ang mga mata ko.
Hay, ang laswa ng encounter na ‘to!