NANG MAKITA ni Chris na wala na si Maria Virginia ay kaagad na pinalupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Jaime na tumingin kaagad sa gawi niya. “Easy, wala na siya. Solong-solo na kita,” nakangiting aniya. “Tsk! Para kang unggoy kung kumapit, bitiwan mo nga ako baka makita pa tayo dito ng mga nakilala sa atin–” “Heto naman ang kj mo, huwag ka ngang overthinker–” “I am just being careful. Ikakasal na ako ngayon, Chris. Ayaw kong hindi iyon matuloy–” “Oo na, oo na,” pagsuko niya at binitawan ang braso ng lalaki at lumayo dito. “Panahon na din siguro maghanap na ako ng kapalit mo,” aniya. Mabilis siyang nilingon ng lalaki nakangiti niya. Alam na alam niyang ayaw ni Jaime na maghanap siya ng ibang lalaki. “What did you say?” magkasalubong ang kilay na tanong nito. “Sabi ko, maghah