NAPALINGON si Jaime sa may ari ng kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran, nasa loob siya ng mga sandaling iyon sa kanyang rest house sa baguio. “Kung ano-ano na naman ang pinapangako mo sa kanya–” “Shut up, huwag mo ako pakialam,” galit na angil niya at tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo. “Come on, Jaime. Ano ba talaga ang atensyon mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang siya bitiwan–” Galit na nilingon niya ang babae. “Pwede ba, Chris, huwag mo nga akong pakialam! Kung ano man ang plano ko kay Maria, akin na iyon!” “Eh, paano ako?” Magkasalubong ang kilay na titingan niya ang babae. “Anong pano ka?” “God!! Jaime, ano plano mo sa relasyon natin?” “Relasyon?” Tumawa siya tapos pinatay ang kanyang sigarilyo at nilapitan ang babae. “Baka nakakalimutan mo, wala tayong relasyon,