Asper Reign’s Pov
“It was your idea, right?” Mataman akong tiningnan ni Daddy na ngayon ay kausap ko sa isang video conference, together with the rest of our family. “Ikaw ang nag-udyok kay Prince Hector na bumalik sa palasyo para pigilan ang pagtatalaga kay Cloven na maging crown prince.”
Bumuntong hininga ako at tumango.
Wala namang saysay kung itatanggi ko pa, lalo na’t alam nila na dito nanggaling ang lalaking iyon bago ito biglang sumulpot sa palasyo kanina para pigilan ang tangkang pagtatalaga ng hari sa nakatatanda nitong kapatid na maging opisyal na tagapagmana ng trono.
And just like what Hector expected, the king and queen supported his plan and immediately launched the battle between the two princes who will undergo a lot of tasks just to prove to their family and the whole country that they are the rightful heir to the throne.
“Sa tingin mo ba ay hindi iisipin ng palasyo na tine-take advantage mo ang pagiging malapit mo sa mga prinsesa at prinsipe?” singit ni Kuya Jasper. “You are playing a dangerous game there, young lady.”
“Hindi ko siya pinilit na gawin ang bagay na iyon, okay?” depensa ko. “I simply gave him a suggestion that will ease his mind.”
“Ang gulo ng isip ng lalaking iyon,” ani Easter. “Nasa kanya na ang posisyon na iyon noon pero bigla na lang niyang binitiwan, tapos ngayon ay bigla na lang siyang babalik at kakalabanin pa ang kapatid para sa posisyon na dati naman ay walang hirap niyang nakuha.”
“Maybe that is the reason,” sabi ni Aasiyah na nagpakunot sa noo ng mga kapatid namin. “Maybe he realized that he only acquired his position before because he was born into their family. He realized that he took advantage of it and made a lot of mistakes because of it. And now, he wants to correct all those mistakes while proving to everyone that he deserves the throne, not just because he is part of the Azaria Clan, but also because he works hard for it.”
“Isn’t it a little too late?” singit ni Kezia. “Hindi maganda ang image ni Hector sa publiko dahil sa mga pagkakamali niya noon. Habang maganda naman ang imahe ni Cloven. Idagdag pa na nasa kanya din ang simpatya ng masa dahil itinago siya bilang anak sa pagkabinata ng kanyang ama.”
“His side actually uses the fact that his mother is a mere commoner and makes it look like he can relate to the masses while Hector couldn’t do that because he never had a commoner blood like him,” Easter added and sighed. “Though I should be telling you this, Cloven is actually worse than Hector.”
Kumunot ang noo ko. “You know him?”
Tumango siya. “You remember Joe Cragen? Iyong tumulong kay Ariya na maging sekretarya ko kahit na kulang siya sa mga required documents?”
I nodded. “I dropped the case as soon as we settled everything with him.”
“But I continued the investigation,” he added. “I have the feeling that what happened before is not only about the money and all the evidence that I got leads to Cloven Azaria. He wants to destroy our family in the hope that it would help him take back his right as the prince of this country.”
“What?” Bumaling ako kay Dad. “You know this, Dad?”
Tumango ito. “Yeah. Your brother told me when he got all the information,” he said. “That was the time when there was a rumor that our relationship with the Azaria was getting thin and our clan was plotting something against the crown.”
“Oh, kaya naisip niyang sirain tayo sa pag-aakalang may makukuha siyang reward mula sa palasyo.” s**t!
Wala man lang akong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon.
Though, I can’t really blame anyone because of that. Ako itong walang pakialam sa ibang bagay na nangyayari noon kaya hindi ko nilalaliman ang mga imbestigasyon na ginawa ko noon.
“Then, tama lang pala ang naging desisyon ni Hector,” sabi ko. “Hindi nga maaaring si Cloven ang maging susunod na tagapagmana ng trono dahil siguradong gagawin niya ang lahat para makuha si Aasiyah.”
Nanlaki ang mga mata ng mga kapatid ko nang marinig iyon na para bang hindi nila inaasahan ang sinabi ko. Habang si Daddy naman ay napasapo ng kanyang noo.
“What do you mean by that, Asper?” tanong ni Jasper. “Anong sinasabi mong kukunin ni Cloven si Aasiyah? At anong kinalaman ng naging desisyon ni Hector tungkol sa bagay na ito?”
“Ahm…” Napakamot ako ng ulo.
“Asper!” sigaw ni Kezia. “Don’t you dare hide things from us!”
Bumuntong hininga ako. Kapag ganito na ang boses ni Kezia ay siguradong hindi ako nito titigilan hangga’t hindi ako nagsasalita.
Sorry na lang kay Hector. Pero hindi ko maitatago sa mga kapatid ko ang lahat ng ito.
Huminga ako ng malalim at sinimulang sabihin sa kanila ang lahat.
Mula sa dahilan ni Hector kung bakit binitiwan ang pagiging prinsipe at tagapagmana ng trono hanggang sa muling pagbabalik nito sa palasyo at pagbawi ng lahat.
At inaasahan ko na ang pagkabigla sa mga mukha ng mga kapatid ko. Si Daddy naman ay tahimik lang na nagkakape na para bang may ideya na siya tungkol sa bagay na ito ngunit hindi lang nagsasalita.
“Dad?” Tinaasan ko siya ng kilay. “You knew, right?”
Umiling siya. “But I have the feeling that Aasiyah is somewhat connected with his decision because he was clearly changed after their unfortunate encounter,” paliwanag niya. “Dumagdag pa ang paghihinala ko nang bigla kang tumawag sa akin para ipaalam ang posibleng gawin ng mga Azaria kay Aasiyah ngayon siya na ang namamahala sa foundation.”
Oh. Mukhang alam niya ang pagkikita ng dalawa.
“Alam kong si Hector lang ang maaaring magsabi sayo ng tungkol sa bagay na iyon dahil kung ikaw lang ang nakaisip noon ay hindi ka na pumayag na tuluyang i-transfer sa kapatid mo ang foundation,” dagdag niya.
“Wait!” sigaw ni Kezia. “Seryoso ba talaga iyon? Na-in love talaga ang prinsipeng iyon kay Aasiyah?”
Tumango ako.”I can’t really say if it is a good thing or not. But as I already told you, wala naman siyang planong magtapat kay Aasiyah. Sa pag-iisip na mayroon siya ngayon, iniisip niyang hindi siya deserve para mapalapit man lang sa kapatid natin.”
Aasiyah looked flustered after hearing all of this.
Hindi siya siguro inaasahan na malalaman namin ang ginawa niya kay Hector. At lalo nga naman nakakagulat na malaman na dahil doon ay unti-unting nagbabago ang taong kinamumuhian ng buong bansa.
“At ngayon nga ay gusto niyang bawiin ang lahat upang iiwas si Aasiyah sa sitwasyon na tulad ng kinasangkutan ko noon,” sabi ko. “Hindi titigil ang mga Azaria hangga’t hindi nakukuha ang suportang natatanggap ng foundation kaya patuloy sila sa pagpilit na mapabilang ang mga Dahlia sa pamilya nila.”
“Paano tayo makakasiguro na hindi nga ipipilit ni Hector na pakasalan ni Aasiyah kapag siya na muli ang tagapagmana ng trono?” tanong ni Easter. “Paano kung palabas niya lang ang lahat ng ito upang makuha ang simpatya mo?”
Bahagya akong natawa sa tanong niyang iyon.
“Hector is not someone who can hide his true nature to everyone, Easter,” si Daddy na ang sumagot. “He is the most true person that I ever know. Lahat ng pinapakita niya sa tao ay totoo.”
Isa iyon sa mga bagay na naging kahinaan ni Hector kaya madali siyang nakontrol ng mga taong nananamantala ng posisyon niya. Pero ngayong natauhan na siya, isa din iyon sa magiging kalakasan niya na siguradong makakatulong para sa magiging laban niya sa nakatatandang kapatid.
“So, please stop worrying about that man, okay?” sabi ko. “Just focus on your own business and let him do what he wants to do.”
Alam kong hindi magiging madali ang mga bagay na kakaharapin namin, lalo na’t unti-unti nang nagbabago ang takbo ng buhay namin. Pero alam kong makakayanan namin ito.