Chapter 2

1254 Words
Asper Reign’s Pov Dahil abala naman ang farm sa pagha-harvest ng ilang seasonal fruits, sinabihan ko na sina Lucky na itigil ang paghahanda para sa plano namin. Kailangan na pagtuunan ng pansin ang pagtatrabaho dito nang sa gayon ay makasanayan ko ang bawat proseso kaya ito muna ang pinagtutuunan ko ng pansin sa ngayon. Well, alam naman nila na hindi pa din kami makakakilos dahil kay Azure na mataman na nagmamasid sa bawat kilos ko. At sa totoo lang, pabor sa kanila ang nangyayari. Hindi naman talaga nila gusto ang mga pinapagawa ko sa kanila. Sadyang wala lang silang choice kundi sumunod sa mga ipag-uutos ko dahil hawak ko sila sa leeg. Kaya nga kahit magtanong ako ng tungkol kay Azure ay tikom ang bibig nila. Ang sabi ni Lucky, sapat nang sila lang ang kontrolado ko dahil mga simpleng caporegime lang naman sila ng mafia. Siguradong matatapakan ko ang pride ng grupo nila kung maging ang underboss nila ay magawa ko pang makontrol. Though, ngayon pa lang ay gusto ko nang matawa dahil siguradong lulugmok ang buhay nila kapag nalaman nilang mayroon akong pinanghahawakan na siyang posibleng magbigay sa akin ng pagkakataon upang mapigilan si Azure na mag-report kay Jyn ng mga nangyayari dito. “Did Miracle prepare everything for your comeback?” I asked Hector as he pack his things. Bukas na kasi ang alis niya dito sa farm at bukas na din ang pagbabalik niya sa palasyo para simulan ang plano namin. “Yeah,” sagot niya. “She asked Clea to personally pick me up in your mansion since she will be busy buying me time at the palace.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “Himala yata ang pagbalik ni Clea sa palasyo. Hindi ba’t wala siyang planong makisalo sa ganitong drama dahil abala na siya sa buhay niya sa labas bilang ordinaryong mamamayan?” Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko din inaasahan na nasa palasyo pala siya. I think something happened that is why she was forced to attend the ceremony even though her presence is really not needed there.” Kumunot ang noo ko. “Azaria doesn’t really value the woman in your family, huh.” “They only think of them as political tools,” he said. “A thing that they can use to strengthen their power and influence throughout the country.” “But they made an exception to Miracle.” “Well, she managed to make her own name behind our family’s knowledge so they can’t stop her whatever she wants to do,” sagot niya. “And they know that you will support her willingly so they see her value. Besides, kilala nila si Miracle. Uunahin nito ang kapakanan ng pamilya kaya kahit ito pa ang maging susunod na reyna ay hindi sila mahihirapan na kontrolin ito.” Ngumisi ako. “Are they too overconfident on how tight their leash is on the princes and princesses of this country?” Nagkibit-balikat siya. “They first thought they could control Miracle before and tried to marry her off to the young emperor of the Reveni Empire,” I said. “But that didn’t happen because your parents saw her ability to lead her squad that will protect your family in the dark. And they also thought they could control you. But that also didn’t happen because you fell in love with my sister and now, you are trying to be a better person for this country.” “I guess love can really change people.” Huminga siya ng malalim. “Miracle was too in love with Rajiv to let other people decide for her future. And I fell in love with your sister who made me realize that I should work my ass hard for everything that I will get in my life.” “And Clea?” I asked. “I heard they are planning to marry her off with Avenir Royals.” “Avenir doesn’t believe in arranged marriage anymore.” Tumayo siya matapos isara ang maleta pagkuwa’y nag-inat. “Isa pa, hindi na kailangan ng Avenir ng koneksyon mula sa ibang bansa tulad ng Hexoria. Masyado nang malakas ang pwersa nila lalo na’t nasa panig nila ang mga Xermin at Mirchovich.” Those clans have a lot of chain companies around the world. They are treated as the richest family in the whole world. But they never flaunt their wealth. They are living peacefully in their own country, minding their own business without getting involved in other countries’ conflicts even though a lot of people keep seeking their support. Ang mga Avenir lang ang sinusuportahan nila dahil ito ang namumuno sa bansang kanilang tinitirhan. “They already gave Clea a freedom, I don’t think they can take her back and make her do something she doesn’t want.” Tumingin siya sa akin. “So, may plano ka na ba para makontrol ang isang underboss ng Rioghail?” Tumango ako. “It was all planned. Nagpo-focus na lang muna ako sa harvest season,” I said. “After you convince your father to give you another chance to prove yourself on claiming the throne, we will start the operation.” Mas mapapadali sana ang laban niya sa kapatid para muling maging tagapagmana ng trono kung sasabihin niya sa pamilya na nasa kanya ang suporta ko. Pero dahil desidido siyang ipakita sa lahat na nagbago na siya ay handa siyang paghirapan ang lahat para lang masabi na karapat-dapat nga siya sa posisyon niya. “Then, I guess I will see you in a week.” Kumunot ang noo ko. “Just a week?” Ngumisi siya. “Do you really think it will be hard for me to convince my father?” Nagkibit-balikat ako. “Cloven is the love child, right? He might favor him more than you since you have been a problem child since then.” “It doesn’t matter to my father whether he is the love child, or I am the result of his pragmatic marriage with my mother,” he said. “He will favor the person who has the great potential to lead the country in its best interest.” “And that would be you?” Hindi siya nagdalawang-isip na tumango. “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nakipagtulungan siya kina Miracle para kalabanin ako at ipa-realized sa akin ang mga bagay na posibleng mawala sa akin?” That is when I remember what Miracle told me that she and her father don't really have a plan to make her the queen regent of this country. They just want to shake Hector to make him change his way of things. “Dad always wants me to become Hexoria’s next king,” he said. “And if he learned that I am trying to work hard for everything before claiming my right to become the crown prince, I am sure that he will support me.” Kung iisipin nga naman na sa tagal ng panahon na naging sakit sa ulo ang lalaking ito, sirang-sira pa ang pangalan niya sa buong bansa dahil sa dami ng hindi magandang balita tungkol sa kanya, kailanman ay hindi siya inalis sa pagiging crown prince. Kaya nga bumaba ang tiwala ng publiko sa kanila dahil wala itong ginagawa upang mapanagot si Hector sa mga mali bagay na ginawa nito. “Now that everything in my life has changed and I become what my father wants me to be, the main branch of our family will surely support me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD