Asper Reign’s Pov
Naging maayos ang pagbabalik ni Hector sa palasyo.
Though, maraming hindi magandang balita ang kumalat tungkol dito, mayroon din na hindi nagdalawang-isip na sumuporta sa laban niya para muling makuha ang posisyon na dati niyang pinanghahawakan.
At tingin ko ay naging malaking tulong din ang inilabas na press conference ni Reina Cassiela tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya nang gabing inakala ng lahat na namatay siya.
Nilinaw niya sa lahat na walang kinalaman si Hector sa pagkawala niya. Sinabi din niya na kailanman ay hindi siya ginawan ng masama ng lalaking iyon. At isa lang din itong biktima ng pagkakataon dahil dito isinisi ang lahat ng nangyari.
Pero syempre, mayroong nagbibigay ng ibang kahulugan sa conference na iyon at ipinapakalat na pinilit lamang ng mga Azaria na magsalita si Reina upang linisin ang pangalan nito.
Kaya alam kong hindi pa din sapat ang mga iyon upang masiguro ang pagkapanalo ni Hector para muling maging tagapagmana ng trono.
At isa lang ang maaari kong gawin upang matulungan siya.
Huminga ako ng malalim at diretsong tumingin kay Azure nasa harap ko.
Walang emosyon siyang nakatayo at sinasalubong ang tingin ko sa kanya.
Tapos na ang pagha-harvest dito sa farm kaya naisipan ko nang simulan ang plano ko para masiguro na hindi magre-report ang lalaking ito sa mga ginagawa ko dito.
Inilapag ko sa lamesa na siyang nasa gitna namin ang isang folder. “I don’t really know if this is enough but please see the content of this folder.”
Kumunot ang noo niya habang nakatitig doon. “Are you trying to buy me so I will do what you want me to do?”
Umiling ako. “Lucky and the others are enough to do what I want. Hindi ko na kailangan ng tulong mo tungkol sa bagay na iyon.”
“Then, what is that?”
Nagkibit-balikat ako. “Why don’t you see for yourself?”
Mapaghinala ang tingin niya. Bakas ang pagdadalawang-isip na kunin iyon ngunit sa huli ay dinampot na din niya at binuksan.
At hindi ko maiwasang mapangisi nang makita ang panlalaki ng mga mata niya. “Is that enough?”
Bahagya siyang napaatras at ibinaba ang folder na ngayon ay nilalamukos na ng kanyang kamay pagkuwa’y dahan-dahang tumingin sa akin. “H-how did you…”
Lalong lumapad ang ngiti ko. Sa reaksyon niyang ito, tingin ko ay sapat na ang nilalaman ng folder na iyon upang mapigilan ko siya sa pagre-report kay Jyn.
“Jyn didn’t know that, right?” sabi ko. “Do you want me to tell him? Or maybe I can just tell that to his sister?”
Inis niyang ginulo ang buhok at bakas ang matinding inis sa mga mata. Ilang beses din siyang napamura pagkuwa’y binigyan ako ng matalim na tingin. “You are enjoying this, young lady.”
Umiling-iling ako. “Of course, not!” Pero hindi ko na napigilan na matawa dahil sa reaksyon niya. Hindi ko inaasahan na sa ganito kadaling paraan ko siya mahahawakan sa leeg. “s**t! Sorry. I just didn’t expect this.”
“Tsk!” Inirapan niya ako pagkuwa’y nilamukos ang mga papel na nasa loob ng folder. “Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol sa ganito kapersonal na bagay.”
Huminga ako ng malalim upang maikalma ang sarili ko. “I have a friend who is great at gathering information, including the deepest secret of someone.”
“Damn it!” mahina niyang mura. “Then, it is true you are close with Miracle Azaria.”
Tumangu-tango ako. “Yeah.”
Muli niyang ginulo ang buhok pagkuwa’y sumandal sa pader matapos ilagay ang kanyang kamay sa loob ng bulsa niya. “So?” Tumingin siya sa akin. “What do you want me to do in exchange for not telling a soul about the content of those papers?”
“You don’t really need to help me with my plan,” sabi ko. “Tulad nga ng sinabi ko kanina, sapat na sina Lucky para gawin ang mga bagay na gusto ko. Ang gusto ko lang ay huwag mong sasabihin kahit kanino ang mga gagawin ko, lalo na kay Jyn.”
“So, you want me to keep it a secret.”
Tumango ako.
“Hindi mo ba naisip na posible kaming patayin ni Jyn kapag nalaman niya na sinuway namin ang utos niya?”
Umiling ako. “Jyn will not kill you as long as I have you back. That is something I can promise you.”
Tinitigan niya ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “You are taking advantage of his love for you, Asper Reign. Maging ang rules ng Rioghail ay plano mong pakialaman.”
“Ginagawa ko naman ito para sa aming dalawa kaya hindi ako magdadalawang-isip na gamitin ang lahat ng bagay na pwede kong gamitin para makamit ang layunin ko,” sabi ko. “If it means taking advantage of his love for me, then so be it.”
Sa tulong ni Lucky, unti-unti ko nang pinag-aaralan ang kalakaran ng Rioghail. Para sa akin, ginagawa ko ito upang hindi ko masagasaan ang grupo sa bawat pagkilos na gagawin ko laban sa mga kalaban nila.
At para kina Lucky, ginagawa nila ang pagtuturo nang sa gayon ay magkatuluyan man kami ni Jyn sa huli ay alam ko na kung paano ang kalakaran ng grupo at hindi na ako mahihirapan pang mag-adjust oras na maging kabilang ako dito.
I have been venturing into their world, and Jyn cannot do anything to hide me from it anymore. Falling in love with him means getting involved with nightmares for the rest of my life. That is what I realized after learning everything about the mafia.
“So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Will you cooperate with me?”
“Do you really think I have a choice regarding that matter?” asik niya. “You just ask me to choose how I like to get killed. Lalo na kapag sayo pa nanggaling, siguradong hindi magiging maganda sa pandinig niya na malaman ang tungkol sa bagay na iyon.” He sighed again. “Fine. I won’t tell Jyn what you are up to, but you need to include me in your plan.”
Kumunot ang noo ko. “And why should I do that?”
“Iyong nilalaman ng papel na iyan…” Itinuro niya ang folder na nilamukos niya kanina. “... I still have a chance to live if he hears about it. He will just ban me from leaving Avenir and never invite me again to their family gatherings. But letting you hurt or worse, die on my watch, that is what makes me face death in the hands of that man for sure, so I cannot let some caporegime handle everything you want to do.”
Napaisip ako. Hindi ako sigurado kung dapat ko nga ba siyang isama sa mga plano ko.
Yes, may advantage kung tutulong siya sa amin. Alam kong higit na mas mataas ang kakayahan ng tulad niyang underboss. Pero nagdadalawang-isip pa din ako dahil hindi pa ako nakakasiguro kung talaga bang sapat ang nilalaman ng papel na ipinakita ko sa kanya para hindi siya magsabi ng kahit ano kay Jyn.
“Don’t tell me you planned to leave me here whenever you hunt your prey?”
Napaiwas ako ng tingin dahil iyon talaga ng plano kong gawin.
Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko kailangan ang tulong niya sa mga plano ko dahil alam kong sapat na sina Lucky para doon. Kaya gusto ko sana na maiwan na lang siya dito kung sakali man na makuha ko ang kooperasyon niya.
“Well, if that is what you are going to do, then so be it!” Kinuha niya ang kanyang cellphone. “I’d rather let him know my secret rather than let you go on that mission without me. Dahil kapag nalaman ito ni Jyn, ako pa rin sa huli ang talo.”
“Wait!” Mabilis kong pigil sa kanya. “Are you really going to cooperate with me? Hindi ka talaga magre-report kay Jyn?”
Diretso siyang tumingin sa akin pagkuwa’y tumango. “As long as you promise not to put yourself in danger. And you will let us handle the operation. Just focus on strategy and planning.”
Iyan din naman ang bilin sa akin nila Lucky.
“And you have to learn some self-defense techniques.”
Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”
“Hindi sa lahat ng oras ay kasama mo kami kaya mas mabuti na iyong may kakayahan kang protektahan ang sarili mo,” paliwanag niya. “With that, kahit hindi agad kami maka-responde sayo ay hindi ka agad mapapahamak.”
May background naman ako sa martial arts dahil minsan na ako in-enroll ni Lola noon sa taekwondo. Pero hindi ko iyon masyadong napagtuunan ng pansin dahil naging abala ako sa pagtulong sa foundation kapag may libre akong oras.
Pero mukhang wala akong choice kundi tanggapin ang kondisyon ng lalaking ito.
Bumuntong hininga ako at tumango. “Fine. I will do that.”
“Then, we had a deal.” He offered his hand in front of me.
I accepted it and shook it. “Then, let’s get it done once and for all.”