Chapter 1

1739 Words
Asper Reign’s Pov Mataman akong nakatingin sa bagong dating na bodyguard ko na ipinadala ni Jyn. Ang sabi ni Lucky kanina, ipina-pull out ng boss nila iyong dapat na limang dagdag at ipinalit ang isang ito. He introduced himself as Azure Lieste. At tulad ni Jyn ay galing din siya sa Avenir Siguro ay nakatunog si Rajiv na may kakaibang nangyayari dito at agad binalaan si Jyn kaya nagpalit sila ng idadagdag sa security ko. Taong alam nilang hindi ko basta maba-blackmail tulad ng ginawa ko kina Lucky. Underboss maybe? From what I know, Rioghail has seven underbosses. I already know Rajiv, Karyu, Schlain, and Dash. They might be friendly to me but they have this scary aura around them even though they are just standing in front of me. They’re intimidating at some point and this man has the same vibes as those five have. “So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “I don’t really have any choice but to accept you as one of my bodyguards, right?” Tumango siya. “That is right,” sagot niya. “If you try to shoo me away, Jyn will personally come here and kill those people who choose to cover you up.” I heard Lucky and others gasp as Azure glared at them. “Don’t you threaten these people, Mister Lieste,” madiin kong sabi. “I am the only one allowed to do that.” Those people groaned at my remarks, instead of feeling happy because I was backing them up in front of their underboss. Well, I can’t really blame them, since I was really the one who put them in this situation. “Anyway, you can stay for as long as you want.” Tumayo ako. “Feel at home.” “I heard the second prince of this kingdom is also here,” sabi niya bago pa ako makatalikod sa kanya. “Jyn also told me to keep an eye on that bastard.” “Nasa kulungan ng mga kabayo ang isang iyon,” sabi ko. “Though, hindi naman din siya magtatagal dito. Uuwi din siya sa pamilya niya.” Hector’s job here is done. I already got the list of the palace’s watchlist from him and we are already preparing our investigation. Though, tingin ko ay matitigil iyon dahil sa pagdating ng lalaking ito. But Hector has no reason to stay here any longer. At napagkasunduan namin na kailangan na niyang bumalik sa palasyo, ibalik ang titulo niya bilang prinsipe at paghirapan sa harap ng lahat ang karapatan niya bilang crown prince. Kaya naman aalis na din siya by the end of this month. Eksaktong araw kung kailan babalik si Cloven sa palasyo. “Just ask Manang Judith where you will be staying.” Bumaling ako kay Lucky. “I will be staying in the study room. Kayo na muna ang bahala dito.” Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita at agad nang tinungo ang silid. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano makakakilos nang hindi binabalik kay Jyn itong kaibigan niya. I am not really sure if I can manipulate him into doing what I want, or even made him not say anything to Jyn. It is not easy to take advantage of a mafia underboss. They are equally dangerous like Jyn so I had to be careful when dealing with this man. Ayaw ko na masayang ang lahat ng paghahandang ginawa ko dahil lang hindi ako nag-ingat sa lalaking ito. Bumaling ako sa nightstand nang mag-ring ang landline na naka-connect sa baba. Dinampot ko iyon at tinapat sa tainga ko. “What?” “Seriously, Asper?” Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Miracle mula sa kabilang linya. “Ganyan talaga ang isasalubong mo sa akin pagkatapos kong malaman na mismong underboss na ni Jyn ang ipinadala niya dahil naghihinala silang may kalokohan kang ginagawa.” “Oh.” Naupo ako sa gilid ng kama. “Oh? Iyan lang ang isasagot mo sa akin?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya. And I can’t blame her for that. Sino nga bang mag-aakala na sa paglipat ko dito ay mismong undeboss na ng Rioghail ang magbabantay sa akin. “What the hell is happening there? At ano itong nalalaman ko na may pinaplano si Kuya Hector na bumalik dito?” Napapikit ako. How the hell did she learn about that? Sinabi ba ni Hector sa kapatid? “Answer me, Asper?” Bumuntong hininga ako. “Have you talked to your brother?” “Siya nga ang nagsabi sa akin ng plano niyang pagbalik,” sagot nito. “He is asking me to buy some time for him on the day of crowning Cloven as the heir to the throne. He specifically told me not to intervene with the renewal of his right but only meddle when it is time for our father to name Cloven as his heir.” Ah, that was a smart move for someone like him. Higit ngang may kakayahan itong si Miracle para bigyan siya ng pagkakataon na mapigilan ang seremonyang iyon. “He decided to go back to the palace, claim his position as prince and work his ass hard to become a good crown prince of this country,” I said. “Desisyon niya ang lahat ng iyon.” “Why?” tanong niya. “I mean, siya mismo ang bumitaw sa titulo at posisyon niya. Mahigit isang buwan pa lang ang nakalipas nang gawin niya iyon, hindi ba? Tapos magdedesisyon siya bigla ng ganito.” “You should be asking your brother about this, Mira,” sabi ko. “It is not my story to tell, especially when it has something to do with his reason.” “What the hell?” sigaw niya. “Huwag mo akong gamitan ng ganyan, Asper! I know you don’t really care about someone’s personal reason. Kaya sabihin mo na sa akin.” Muli akong bumuntong hininga. “Fine,” sabi ko. “Binitawan niya ang posisyon niya dahil pina-realize sa kanya ng babaeng nagugustuhan niya na hindi niya iyon deserve at para patunayan dito na kaya niyang mabuhay nang wala ang mga iyon.” “Then?” “Ang babaeng iyon din ang dahilan ngayon kung bakit siya babalik at ipakita sa lahat na karapat-dapat siyang maging susunod na pinuno ng bansang ito.” “What?” gulat niyang sabi. “Sino ba ang babaeng iyon at bakit ganito na lang ang epekto niya sa kapatid ko? At bakit kailangan niyang bumalik para sa babaeng iyon?” “Si Aasiyah ang babaeng iyon, Mira,” “Oh my god!” Iyan lang ang nasabi niya. Halos wala nang naidugtong. Nagtangka man ngunit hindi pa din naituloy hanggang sa bumuntong hininga na lamang siya. “So, he is going back to stop your family from trying to involve my sister with your eldest brother,” dagdag ko. “He will fight your brother for the throne just like how you fought him before to ensure that Azaria will stop coming after Aasiyah.” “You are the one who gave her that idea, right?” “Yeah,” sagot ko. “Alam ko naman na hindi papayag si Dad na ma-involve muli ang pamilya namin sa parehong issue na naging dahilan ng pagtakbo ko at alam ko din na hindi mo pababayaan ang kapatid ko. Pero hindi mapakali ang kapatid mo kaya binigyan ko siya ng pagpipilian kung ano ang maaari niyang gawin.” “Then, you are really doing something dangerous there?” Napasapo ako ng noo nang ma-realize na nagawa niyang ibalik sa topic na ito ang pinag-uusapan namin. At mukhang napagtagpi-tagpi niya ang mga sinabi ko para makumpirma ang tungkol sa bagay na ito. “Rajiv said that the bodyguards that they put there with you are acting strange, as if they are hiding something and they concluded that you have done something to hold them in your side,” sabi niya. “At kung gumagawa ka ng bagay na sinisiguro mong hindi makakarating kina Jyn, isa lang ang ibig sabihin noon.” Ginulo ko ang buhok ko. I don’t really have any choice but to tell her. Mapagkakatiwalaan ko ang babaeng ito at alam kong hindi siya magsasalita kay Jyn, kahit pa kay Rajiv. “Yeah, I am doing something dangerous that will help me and your brother,” I said. “Though, ibang-iba ito sa una kong plano bago ma-involve ang kapatid mo.” “Should I be worried?” “Nah,” sagot ko. “I can deal with it. Besides, just like what you all thought, the bodyguards that Rioghail lent to me are now working under me.” Bumuntong hininga siya. “I won’t ask for anything. Just make sure that you will be fine while doing what you are planning.” “I can promise that,” I said. “But now that you reach out to me, can I ask one favor?” “What is it?” “Any useful information about Azure Lieste,” sabi ko. “I need to deal with him first before making any move. Ayaw kong makarating kay Cee ang mga ginagawa ko dahil siguradong mag-aalala lang iyon.” Mabuti na iyong mag-focus na lang siya sa sarili niyang issue. Hindi niya kailangan ng distraction ngayon. “What kind of information?” “Something that I can use to make him under my control,” sabi ko. “Para lang hindi siya mag-report kay Cee.” Hindi siya sumagot. Dinig ko pa mula sa kabilang linya ang tunog ng pagbuklat niya sa mga papel kaya marahil ay naimbistigahan na din niya ang lalaking iyon. “You have something?” “Hmm? I don’t know if you can use this but it has something to do about Jyn’s younger sister.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “I will send everything in your email. Just read it and think if you can use it.” “Okay, thank you, Mira.” “No worries, Asper,” she said. “Just be careful, okay?” “Yeah.” Binaba ko na ang telepono at lumapit sa desktop kung saan nakabukas ang email ko. Nai-send na agad ni Miracle ang kailangan ko kaya agad ko na iyong binasa. At napangiti na lang ako nang makita ang impormasyon na iyon. “Well, it is more than enough.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD