Ang Pagpaparaya

2059 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ------------------------------- Pagkatapos naming mag-usap at makuha ang mg detalye ng kanyang ina, tinawagan ko si George at ipinaalam ang aking desisyon. Nagulat man at sa una ay ayaw pumayag, wala rin siyang nagawa. Nakisuyo akong bilhan na ng ticket pabalik sa Pilipinas. Bumalik kami sa kuwarto ni Basti. Laking gulat namin nang nakitang naimulat na ni Basti ang kanyang mga mata. "Anong ginawa mo sa papa mo, Junjun?" ang tanong ko sa bata. "Hinalikan ko po si papa tapos kinausap. Sabi ko ay gumising na siya at nandito kami sa Amerika... Tapos, hayan nagising na po siya." ang inosenteng pagpaliwanag ng bata. Nagkagulo kami sa tuwa. "Basti! Narinig mo ba kami?" ang tanong ni Nadia. Ngunit hindi siya sumagot. Bagkus ay nanatili lang siyang nakatingin sa amin. Ramdam ko sa kanyang mga tingin ang saya. Gusto ko siyang yakapin ngunit nag-atubili akong gawin ito gawa nang naroon si Nadia. Nang tinawagan namin ang duktor, ipinaliwanag niyang simula pa lang ito sa pagbuti ng kanyang kalagayan. Kailangan lang daw na ipagpatuloy pa rin ang gamutan at ang physiotherapy upang lubusan nang maibalik ang kanyang paggalaw. "Nadia... p-puwede bang kausapin ko lang si Basti? M-magpaalam lang ako." Ang pakisuyo ko kay Nadia nang nakaalis na ang duktor at kami na lang ang naiwan. Tumalima naman si Nadia. Dinala niya si Junjun sa labas. Nang kami na lang dalawa ang naiwan, tinitigan ko si Basti. Nagtitigan kami. Nginitian ko siya. Bagamat hindi pa niya naigagalaw ang mga muscles niya sa mukha, mistulang nakita kong ngumiti rin siya sa akin. "Alam kong gagaling ka Basti. Lumaban ka. Kailangan ka ni Junjun. Oo nga pala... bukas na bukas din ay uuwi na ako. Nandito na si Nadia, at nagbago na siya para sa iyo. Noon pa man ay alam kong siya talaga ang nararapat para sa iyo dahil may anak kayo. Kapag gumaling ka na, buuin ninyo ang inyong pamilya upang lumaking masaya si Junjun. Huwag kang mag-alala dahil patuloy kitang tutulungan at susuportahan..." Nahinto ako sandali. Tinitigan kong muli si Basti na nanatili ring nakatitig sa akin. Alam ko ang mga titig na iyon, maraming katanungan, at may pagtututol. Maya-maya lang ay nakita ko ang mga luhang dumaloy sa kanyang mga mata. Doon na rin ako napaluha. "Oo... aaminin ko na noong nalaman kong naaksidente ka, sinundan kita sa ospital. Nangako akong tatanggapin kita, magsama na tayo, tayong tatlo ni Junjun. Ngunit ngayong dumating si Nadia at nangakong magbago para sa iyo, sino ba ako upang hadlangan ang pagtatama ng isang pagkakamali? Mahal kita, Basti. Ngunit mas nangangailangan ang mag-ina mo sa iyo. Kaya patawarin mo ako kung aalis ako at bibigyang-daan para sa puso mo si Nadia at Junjun. Basta, huwag mo akong iyakan. Kasi, tanggap ko ang lahat. Para ito sa iyong kaligayahan at sa kabutihan ng bata. Okay lang ako. Makakapag move on din ako. Promise." Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ni Basti. Ngunit dahil buo na ang aking pasiya, dali-dali akong tumalikod at lumabas ng kuwarto. Hindi ko na nagawang pahiran pa ang mga luha sa kanyang pisngi. Iyon na ang huli kong pagkakita kay Basti. Tinawagan ko si Nadia upang ipaalam na tapos na akong magpaalam kay Basti. Dumiretso na rin ako sa bahay ni George upang maghanda sa aking pag-alis. Kinabukasan ay inihatid ako ni George sa airport. Naroon din si Junjun na nag-iiyak dahil ayaw niyang umalis ako at iiwan ang papa niya. Nakaka-touch ang pagka-sweet sa akin ni Junjun. Ngunit sino ba ako sa buhay niya? Hindi naman ako ang tunay niyang ina. Nang nakarating na ako ng Pilipinas, agad kong tinungo ang ospital kung saan naman naroon ang ina ni Nadia. Iyon ang priority ko. Mahirap din ang kalagayan niya, tatlong operasyon ang ginawa sa kanya dahil may mga buto na na-dislocate at na-fracture. Ngunit ligtas na siya. Nagbigay ako ng partial p*****t at bumili rin ng mga gamot. Hindi ako umalis sa kanyang piling. Ako ang nag-asikaso sa lahat-lahat. Naappreciate naman ito nang sobra ng ina ni Nadia. Sa pag-asikaso ko sa kanya, parang nakikita ko rin sa kanya ang aking ina. Mangiyak-ngiyak siya habang kinakausap ako at pinapasalamatan. Tinawagan ko pa si Nadia sa telepono upang mag-usap silang mag-ina. Masarap din ang pakiramdam na may napaligaya akong mga tao. At naisip ko si Basti na siya kong inspirasyon upang gawin ang lahat nang iyon. Lumipas pa ang halos isang buawan at tuluyan nang gumaling ang inay ni Nadia. Nabayaran ko na rin ang lahat nang obligasyon niya sa ospital. Umuwi na rin ako sa isla, sa balik-normal na buhay. Dahil sa tulong na ibinigay ko sa inay ni Nadia, naging malapit kami sa isa't-isa. Para lang kaming magkapatid. Palagi niya akong ina-update sa kalagayan ni Basti. Minsan ay tatawag siya at ibibigay kay Junjun ang telepono upang makapag-usap kami sa bata. Nang tuluyan nang nakakalakad at nakakapagsalita si Basti, ako ang una niyang tinawagan. Masaya ako... na malungkot. Hinihintay ko kasi na sana ay tawagan ako ni Basti. Na-miss ko ang boses niya. Sobrang na-miss ko siya. Ngunit hindi tumawag si basti. Hanggang lumipas ang anim na buwan at napag-alaman ko mula kay Nadia na malapit na raw silang umuwi. Excited ako na malungkot. Excited dahil makikita ko na naman siya, at malungkot dahil alam kung wala nang chance na magiging kami pa ni Basti. Isang araw ay tumawag si George. "Hi Julie. I would like to let you know that Basti is coming home very soon!" "Yes, that's what I heard!" ang sagot ko. "But before they come home, Basti and Nadia want to get married." Mistulang may sumabog na isang malakas na bomba sa pagkarinig ko sa sinabing iyon ni George. Hindi agad ako nakapagsalita. "Er... good for them! C-congratulations!" "You have to say that personally to them because Basti wants you to be his best man! Is that okay with you?" "Er... no!" ang mabilis kong sagot ko. "Why not?" "George... you know the reason, right?" Hindi na ako napilit pa ni George. Ngunit kinahapunan, tumawag naman si Nadia. "Hi Julie... hindi na namin itutuloy pa ni Basti ang pagpapakasal." Nagulat ako sa narinig. "B-bakit?" "Desisyon ni Basti. Kung hindi ka raw mag best, huwag na lang. Ewan ko ba. Parang gusto ko na namang mainis pero ok lang. Ayaw ko ring masaktan ka. Ang dami mo nang naitulong sa akin, sa amin ni Basti. Ang dami mo na ring pinagdaanan. Kaya napag-isip-isip ko na kung hindi man matutuloy ang kasal ay mabuti na rin..." Napaisip ako sa kanyang sinabi. Nakonsiyensya. "No... Ayaw kong ako ang dahilan upang hindi matuloy ang kasal ninyo Nadia. S-sige, papayag na ako na maging best man sa kasal." Ang nasambit ko. "Talaga???" ang sigaw ni Nadia sa kabilang linya na tila nagtatalon pa. "Ang bait mo talaga Julie. Maraming salamat." Iyon ang naging desisyon ko. Nang malaman iyon ni George ay agad niya akong binilhan ng ticket at ipinaayos ang aking visa. Sa araw ng aking paglipad ay mistulang tinadtad ang aking puso, pinilit ko na lang ang aking sariling labanan ang lahat, iginiit sa aking isip na marahil ang dahilan kung bakit ako yumaman ay upang tulungan ang taong aking mahal. Kapag nakita kong masaya siya at ang pamilya niya, masaya na rin ako. At least, magiging malapit pa rin ako sa kanila. At kung ganyang magkaibigan pa kami ni Nadia ay bonus na. Iyon ang pakunsuwelo ko sa aking sarili. "Marahil ay ganyan lang talaga ang papel ng isang bakla sa mga lalaking kanilang minahal. Sa official status, best friends. Sa kasal, best man. Kapag nagkaanak na, ninong o di kaya ay ninang. At kapag nagkandahirap pa sa pamumuhay, social security kung hindi man Philhealth..." Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga. Sinalubong ako nina George at Junjun sa airport. Busy daw sina Nadia at Basti sa paghanda sa kanilang kasal kinabukasan. Hindi magkamayaw sa matinding tuwa si Junjun nang makita ako. Nagulat pa ako nang ipinalabas niya mula sa kanyang bag ang isang kumpol ng mga rosas. "Whaaa! Saan galing ito?" ang tanong ko pa. Parang instinct ba na baka nanggaling iyon sa isang taong mahalaga sa akin. Naalala ko kasi ang mga pagkakataon kung saan ay nag-aaral pa kami ni Basti. Habang kumakain kami sa botanical garden ng eskuwelahan, lihim siyang mamimitas ng bulaklak, at kapag nasa isla na kami at maglakad patungo sa kanya-kanyang bahay, ibibigay niya sa akin ang mga rosas. Doon na ako nagsimulang ma-in love sa kanya. "Sa akin lang po galing iyan." Ang sagot naman ni Junjun na mistula ring nagpabalik sa aking tamang katinuan. "Paano mo nalaman na gusto ko ang mga bulaklak?" "Kasi di ba Tita marami namang bulaklak sa bahay ninyo. Mayroong sa flower vase, mayroong sa altar, sa ibabaw ng mesa..." Natawa na lang ako. Niyakap ko siya, hinalikan, at kinarga. "Hmmm. Ang kulit pa rin!!!" Nang nakarating na kami sa bahay ni George, walang katao-tao maliban sa kanilang mga kasambahay na mga Pinoy din. Dumiretso ako sa kuwarto na ibinigay sa akin. Magpahinga lang daw muna ako at may outdoor dinner kinagabihan sa kanilang front lawn at naroon ang buong pamilya, kasama na sina Basti at Nadia. Doon na sumagi sa aking isip si Basti. "Ano na kaya ang hitsura niya?" Alas 7 ng gabi nang ginising ako ni George. Naroon na raw silang lahat sa kanilang front lawn at handa na ang mga pagkain. Sumunod ako. Nang narating na namin ang lawn, nagulat ako dahil naroon nga silang lahat. Ang mommy, daddy, at kapatid ni George na si Matthew. Syempre, naroon si Basti na nakakatayo na, si Nadia at si Junjun. Lahat sila ay nakatingin sa akin. At maliban sa mga pagkain ay may mga palamuting balloons, bulaklak at ribbons ang lugar at sa gitna ay may malaking streamer na ang nakasulat ay, "Welcome back Julie!" Napangiti na lang ako sa kanilang ginawa. Syempre, touched ako na kahit papaano ay nag effort talaga sila para i-welcome ako. Ngunit panandalian lamang ang aking saya. Nang nakita ko ang pagho-holding hands nina Nadia at Basti ay mistulang hiniwa rin ang aking puso. Parang gusto kong sa eksena pa lang na iyon ay tatalikod na ako at babalik na lang sa airport. Isa-isa silang lumapit sa akin at kinamayan ako. Si George na niyakap pa talaga ako, ang mga magulang niya, at sumunod naman ay si Matthew na ewan, parang nakakaloka ang kanyang mga ngiti na di ko mawari. In fairness, mas guwapo siya kaysa kay George at ang ganda pa ng katawan. Nang si Basti naman ang lumapit sa akin, halos hindi ko maigalaw ang aking katawan. Para akong nagfreeze na nakatitig sa kanya. Pakiwari ko ay mas lalo pa siyang gumuwapo. Lalo pang kuminis ang kanyang balat at medyo pumuti siya. Lalo na't bagong gupit pa siya at bagay na bagay sa suot niyang semi-fit na asul na sweatshirt at jeans. Parang gusto ko siyang yakapin at halikan. Marahil ay may 30 segundos kaming nagtitigan hanggang sa, "Musta Julie..." Ang sambit niya. Mistula rin akong nahimasmasan sa pagkarinig sa pagbati niyang iyon. "A, e... ok lang naman. M-mabuti at m-magaling ka na." ang sagot ko. "Oo... salamat sa iyo." "W-walang anuman iyon." Iyon lang. Kinamayan niya ako at pagkatapos ay nagbigay daan para kay Nadia na yumakap pa talaga sa akin at bumulong. "Maraming-maraming salamat sa iyo, Julie. Masayang-masaya ang nanay ko dahil sa pag-alaga mo sa kanya at ngayon, heto, pinasaya mo pa ako. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa mga ginawa mo sa buhay ko." Napangiti na lang ako. "OA ka ah!" ang sambit ko. Napangiti siya. Habang kumakain na kami, napansin ko naman ang pagpapapansin ni Matthew. Tumabi pa talaga siya sa akin sa pagkain at nariyan iyong iusog niya ang aking upuan upang makaupo ako, nariyan iyong lalagyan ng pagkain ang aking plato. Halos susubuan na lang ako. Ewan kung sadyang gentleman lang talaga siya, o ginawa niya iyon dahil alam niyang masakit ang aking kalooban at gusto niyang pawiin iyon. O hindi ko rin alam kung may iba pa siyang motibo. Kaya kahit nagdurugo ang aking puso sa nakitang pagka-close nina Basti at Nadia, tila may kilig naman ako sa mga pinaggagawa ni Matthew. At kumanta pa talaga siya habang hinahawakan ang aking kamay at tinititigan ako. "I'm in love, I'm in love, in a very foolish way..." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD