By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
-------------------------------
Bibo rin si Matthew. Dahil sa kanya ay masaya ang outdoor dinner naming iyon. Hindi ko magawang hindi tumawa sa mga ginagawa niyang kakengkoyan. Napahanga tuloy ako sa kabaitan niya, lalo na't ako talaga ang inaliw niya.
Nang matapos na ang outdoor dinner, bumalik na kami sa kanya-kanyang mga kuwarto. Hinatid pa ako ni Matthew na pumasok sa loob. Kung gaano siya kabibo sa outdoor dinner naming iyon ay kabaligtaran naman nang nasa loob na kami. Nang naupo ako sa gilid ng kama, umupo rin siya sa tabi ko. "Are you okay?" ang sambit niya nang mapansin ang paglungkot ng aking mukha.
"I'm fine, I guess." Ang sagot ko.
Nahinto siya nang bahagya. "Don't worry. I'll stay by your side tomorrow during the wedding. I'll take care of you." Ang sambit niya habang tinitigan ako.
"Why are you so good to me?" ang tanong ko.
"Because you have made this family happy. You saved my brother, and now, you are responsible why I'm oozing with love!"
Napatawa na naman ako. "Waaahh! Don't say that!" ang nasambit ko bagamat sa kaloob-looban ko ay may kilig akong nadarama.
"No. You really brought love into my heart." Sabay pisil sa aking bibig at bago pa man ako makasagot ay tumayo na siya at, "Tomorrow on Basti's wedding, I won't let you cry. Trust me." Ang sambit niya sabay halik sa aking pisngi atsaka umalis.
Tila hindi ako makapaniwala sa inasta ni Matthew. Halos matulala na lang ako nang umalis siya sa kuwarto. "Nililigawan ba niya ako?" ang malaking tanong ng utak ko.
Tinumbok ko ang shower at naligo. Nang nahiga na ako, si Basti naman at ang kanyang kasal ang bumabagabag sa aking isip. Lungkot na lungkot ako. Tila gusto kong tumalon sa bintana o maglaslas ng aking pulso.
Ang venue ng kasal ay sa kanilang bahay lang ni George. Malaki naman kasi ang kanilang lobby kagaya nang sa isang mamahaling hotel. Mataas pa ang kisame nito na parang sa isang simbahan. Maganda kung sa maganda.
Nang magaalas-6:00 na ng umaga, doon ko na naramdaman ang pagod at depression. At parang ayaw ko na ring bumangon. Maya-maya lang ay may kumatok. Dahil hindi naka-lock ang aking kuwarto, hinawi niya ang pinto nito at sumilip.
Si Basti. "Julie... magbihis ka na." ang mahina niyang sambit na seryoso ang mukha. Agad niyang isinara ito. Hindi man lang siya pumasok kahit saglit, makipag-usap sa akin na kaming dalawa lang bago siya ikakasal. Hindi tuloy maiwasang mag-isip ako na natakot siyang baka i-seduce ko siya o mapagalitan ni Nadia. Ang sakit lang. Doon pa lang ay pumatak na ang aking mga luha. "Nag-iba na talaga si Basti..." ang bulong ko sa aking sarili.
Dali-dali akong bumalikwas at naligo. Tamag-tama namang dumating ang katulong na Pinay nina George, nagdala ng pagkain. Alas 8:00 raw ang kasal at baka gutumin ako. Sina Nadia at Basti raw ay kumain na rin sa kanilang kuwarto. Sina George naman daw ay hindi sanay kumain ng breakfast. Siya na rin daw ang tutulong sa akin sa pagbibihis.
Mag-aalas 8 na nang matapos ako. Nang nakababa na, napahanga ako sa ganda ng lobby. Halos mabalot sa mga rosas ang paligid. Walang ibang bulaklak na nakahalo, puro rosas lahat, iba't-ibang kulay. May mga ribbons at balloons, may naggagandahang iba't-ibang kulay na blinking lights. Nakakamangha ang ganda.
Nang tiningnan ko ang mga tao, naroon na ang ibang mga bisita. Naroon na rin si Basti kasama si Junjun na parehong terno ang suot. Napahanga ako sa kapogian ni Basti. Noon ko lang siya nakita sa ganoong ayos. Bagay na bagay siya sa kanyang suot. Nang tiningnan ko naman ang aking suot, doon ko napansin na terno pala kaming tatlo. "Sabagay, best man nga." Ang bulong ko sa aking sarili. Gusto ko sana siyang lapitan siya ngunit nahiya na ako. Kahit kumakaway si Junjun sa akin at nagmuwestra na lapitan ko sila, minuwestrahan ko na lang din ang bata na saka na.
Maya-maya lang ay lumapit naman sa akin si Matthew na terno rin ang suot sa akin. Natawa na naman ako. Nag-bow pa talaga siya at inabre-siyete pa niya ang aking kamay sa kanyang bisig.
Nang nagsimula na ang tugtog ng organ pumila na kami sa center aisle upang maghanda sa pamartsa patungo sa altar. Naroon na rin si Nadia, naka-bestida ng pangkasal. "Napakaganda niya!" sa isip ko lang. May lungkot na naman akong nadarama. Iyon bang nainggit, nagsi-self-pity, nangarap na sana ay ako iyong nagsuot ng pangkasal at kami ni Basti ang ikakasal. Ngunit pinalakas ko na lang ang aking kalooban upang huwag bumigay.
Nakahanda na kami sa pagmartsa nang bumukas ang malaking TV monitor sa dingding sa pinakataas na bahagi ng altar. Lumabas ang mukha ni Basti. Nagsalita. "First of all, I would like to thank the Lord for this new life. I thank him for giving me the people who truly care and love me. To the Smith family who sponsored my hospitalization, medical, and this life-changing event of my life. No amount of words can describe how truly grateful I am..."
Palakpakan ang mga tao.
"I would also make a special mention to the only best friend of my life, Julie who has been responsible for all of these. Without her, I wouldn't have been around now. I owe my life to her. Thank you very much Julie."
Napangiti ako sa pagbanggit niya sa aking pangalan.
Nagpatuloy siya. "I would also like to thank my live-in partner Nadia for giving me an adorable boy, you have made my life complete. Thank you for the understanding, for giving your best to make me and my son happy. I can't thank you enough for the understanding and love you gave me... Saying thank you every moment of my life would not be enough for the happiness you gave me."
Napatingin ang mga tao kay Nadia, nagpalakpakan. Napayuko na lang ako, hindi ko kasi namalayang pumatak na ang aking mga luha. Sobrang naawa ako sa aking sarli. Lihim kong pinahid ang nabasa kong pisngi.
Nagpatuloy uli si Basti. "Now, before this wedding proceeds, I have to ask one question to the one I love.... "I don't really want a no for an answer."
Napahagalpak sa tawa sa mga audience. Ngunit nalito ako sa salitang iyon. Nagpatuloy uli si Basti, "Julie... will you marry me?"
Doon na nagsisigawan ang mga tao. Tila babagsak ang lobby sa ingay ng hiyawan ng mga tao. Tumayo ang lahat at nakatutok sa amin ang kanilang mga mata. "Pangalan ko ba talaga ang binanggit?" ang sigaw ko sa aking sarili. Doon ko na rin napansin ang spotlight na nakatutok sa akin. At kung gaano kabilis ang mga pangyayari ay tila ganoon din kabilis ang pagsulpot nina Basti at Junjun sa aking harap.
Ibinigay sa akin ni Junjun ang isang kumpol ng mga rosas, kagaya ng ibinigay niya sa akin sa airport. "Tita, galing po iyan kay papa." Ang sambit ng bata.
Tawanan ang mga tao, doon ko lang napansin ang maliit na mikropono na naka-clip sa collar ni Junjun. Nang nakita ko si Basti ay nakaluhod na ito sa harapan ko, hawak-hawak ang singsing sa kanyang kamay, pansin kong may maliit na mikropono rin sa kanyang collar. "Will you marry me?"
Napalingon ako sa paligid. Litong-lito talaga ako. Tiningnan ko si Nadia na nakasuot pangkasal. "P-paano si Nadia?" ang tanong ko.
"Just ask later! I'm trembling and my prosthetics numbs. Oh look! The priest is waiting, dammit!" ang pabiro namang sabi ni Basti habang itinuro ang pari na naghintay sa altar.
Tawanan uli ang mga tao.
"Don't worry Julie. I am Nadia's groom." Ang pagsingit naman ni Matthew na bumulong sa aking tainga. "This is a double wedding for you and Basti, and Nadia and me." Ang dugtong niya.
"Say yes Tita!" ang sambit naman ni Junjun.
Tawanan uli ang mga tao.
Napatingin ako kay Junjun. "Aba... Englisero ka na ah!" ang biro ko. At, "Yes!!!" ang isinagot ko kay Basti.
Nagpalakpakan ang lahat.
Iyon, natuloy ang double wedding.
Pagkatapos ng kasal ay may salo-salo. Hindi ko lubos maipaliwanag ang matinding saya na naramdaman ko sa sandaling iyon. At si Junjun, hindi na rin humiwalay sa akin. Ramdam ko ang kagalakan niya na sa wakas ay may maituturing na rin siyang "mama" sa buhay niya. Doon ko napag-alaman na nang makapagsalita na si Basti, diretsahang sinabi niya kay Nadia na hindi na siya makikipagbalikan pa sa kanya. Tanggap naman daw ni Nadia ang lahat dahil nga nagkasala siya. Isa pa, naawa rin daw si Nadia sa akin. Ngunit nakisuyo siya kay Basti na hayaan niyang alagaan muna siya ni Nadia. Nagkasundo sila na gawin ang sorpresa nilang iyon sa akin. Ang isa pang kasunduan nila ay ipaubaya ni Nadia sa amin ni Basti si Junjun. Doon na pumasok sa eksena si Matthew na naawa kay Nadia at sa paglipas ng ilang buwan ay nagka-developan na.
Nagkaroon muna kami ng dalawang linggong honeymoon sa isang mamahaling resort, gastos pa rin ng daddy ni George. At syempre, kasama rin namin si Junjun na masayang-masaya at sobrang nagi-enjoy.
Pagkatapos ng honeymoon, bumalik kami sa Pilipinas, sa aming isla, at doon ay tuluyan nang nagsama bilang mag-asawa.
Lumipas pa dalawang taon, at napaganda ko pa ang isla, sa tulong ni Basti na isang engineer. Lalo pang lumago ito at mas dumami pa ang mga turistang dumadayo. Syempre, lalo pang umangat ang kabuhayan ng mga taga-isla at masaya ang lahat.
Sa sakit naman ni basti sa buto, may mini-maintain siyang gamot. Ngunit kahit sa Amerika lang ito nabibili, walang kamin inaalala dahil naroon sina George at Nadia na nagpapadala sa amin nito.
At si Nadia? Sa Amerika na sila naninirahan, kasama ang kanyang ina. At may dalawa na silang anak ni Matthew, isang lalaki at isang babae.
********
"Naalala ko mo ba isang araw na nasa kubo tayo, may sinabi ako sa iyong pangarap?" ang tanong ko habang nakaupo kaming dalawa ni Basti sa isang bahagi ng dalampasigan na palagi naming pinupuntahan noong aming kabataan. Nakaharap kami sa papalubog na raw habang tanaw namin si Junjun na naglalaro sa mga mararaahang naghahampasang alon sa dalampasigan.
Napangiti si Basti. "Oo. Ang sabi mo, 'Kung magkaanak ka lang sana, kumpleto na ang pagsasama natin. Buong-buo na tayo bilang isang pamilya."
"At hindi ka sumagot noon."
"Kasi... hindi naman puwede, di ba?"
Napatingin ako kay Basti. "Tama. Ngunit nariyan siya..." turo ko kay Junjun. "Isang napakatalino at napakabait, at napakaguwapong bata. At ikaw ang nagbigay sa kanya sa atin..." ang sagot ko.
Hinawakan ni Basti ang aking kamay atsaka idinampi ang kanyang bibig sa aking mga labi...
Marahil ay wala na akong mahihiling pa. Maliban sa isla na mahal na mahal ko, may Basti ako, at may Junjun pa. Kay Junjun kami humuhugot ng lakas at inspirasyon upang pagtibayin pa ang aming pagmamahalan.
Salamat sa isang pagkakamali. Dahil dito, natuto akong magsikap, at maging matatag. Salamat din sa isang pagpapatawad. Dahil dito, nabuong muli ang aking buhay, ang buhay ng mga taong mahal, at ang mga nawasak na mga pangarap.
Salamat sa mga sulat sa buhangin. Dito nagsimula ang lahat.
WAKAS.