Chapter One

2972 Words
Chapter One ELORDE “MANONG, dito na po ako,” saad ko sa mamang tricycle driver dahil nasa tapat na ako ng hospital kung saan kami magoOJT. Iniabot ko na sa kanya ang bayad saka bumaba mula sa tricycle. Sobrang hassle lang ang magkomyut dahil suot ko ngayon ang uniform naming skirt and blouse na kulay puti. Haller?! Skirt yun ang hirap gumalaw nakakainis. “Hoy bruha ka talaga! Napakatagal mo. Late na tayo. Alam mo ba iyon?” talak sa akin ni Shane, best friend ko. “Girl, pasensiya na traffic kaya at saka hinintay ko pa si Mama dahil maaga siyang namalengke,” “Traffic traffic mo mukha mo! Ang sabihin mo late ka lang nagising kaya late ka na rin dumating. Palusot ka pa. Hindi na uubra sa akin yan. Tara na nga,” sabad niya saka akmang hihilain ako ngunit tinabig ko lang ang kamay niya. “Wait lang naman. Haggard ba ako? Magreretouch lang muna ako sis. Malay mo lalaki yung head nurse natin tapos single tapos hot,” wika ko saka inilabas ang salamin at lipstick ko. “Ayuuuuun! Mag oOJT ka ba o ano?” “Mag oOJT syempre. Five seconds,” Habang naglalagay ako ng lipstick ay hinila na niya ang kamay ko at ang ending, hindi maayos ang pagkakalagay nito sa aking labi. “Sis bitiwan mo nga muna ako. Aayusin ko lang yung lipstick ko. Nakakainis naman to eh. Baka magmukha akong clown mamaya niyan,” reklamo ko. “Sige at nang mapagalitan ka. Bruha ka talaga anong oras na? Late na tayo. Nagtext na si Camille sa akin. Nandoon na raw ang mga head nurse. Matatapos na raw silang magmeeting tapos iaassign na tayo kaya kailangan nating magmadali. Kapag napagalitan tayo, bubugbugin talaga kita,” iritang sabi niya. “Oo na sige na! Ito na, porket nakapag ayos ka lang eh,” sagot ko saka ko inilagay sa loob ng bag ko ang lipstick at salamin. Shocks. Hindi ko pa naaayos! Baka pagtawanan lang ako. Nang makarating kami sa labas ng office ng Chief Executive Officer ng San Lorenzo Medical Center ay sakto namang lumalabas na ang mga doctor and mga nurse na galing doon. Nadatnan din namin ang walo pa naming mga kasamahan na nakatayo rin sa labas dahil ano mang oras ay magtatawag na ang lahat ng head nurses. Paglabas ng mga nurse ay parang nakakita ako ng mga artista. My geeesh! Nakasurgical mask pa mga yan ha. Shockss! Bakit ang gugwapo ng mga nurse sa hospital na itooooooo?! Promise. Mukhang magiging exciting ang aming internship kung sila ang magiging kasama namin araw araw. “El! Tumigil ka nga. Ang aga aga ang halay na ng nasa isip,” saway ng utak ko. Nang isa isa nang lumabas ang mga nurse ay umayos na rin kami ng tayo at isa isa na silang nagtawag ng mga pangalan namin. Pogi naman nilaaaaaaa! Kahit nakamask sila. Shocks! Ang gaganda kaya ng katawan nila so malamang pogi rin sila. Nakatingin lang ako sa iisang nurse. Ang ganda kasi ng mata nkya kaya hindi ko mapigilang tumitig sa kanya. “Elorde Ysabelle Castillo raw,” bulong sa akin ni Shane kaya agad naman akong bumalik sa katinuan. “Ahh. Pe...Present po nurse,” sagot ko saka tumingin ako sa nurse at agad ding napayuko. My gosshhh! First day Elordeeeee! Pahiya ka! “Shane Ramirez,” tanong ulit nung nurse. “Present po,” sagot naman ng haliparot na kaibigan ko na parang nagpapabebe pa. Kung sabunutan ko kaya?! “Please follow me,” ani poging nurse pero mukhang masungit. Mabuti na lang at magkasama kami ng bruhang ito. Pero syempre dapat hindi na lang dahil baka agawin niya sa akin si nurse na masungit. Kaagad namin siyang sinundan at nagtungo kami sa Pediatric Department meaning dito kami maaassign ni Shane. Okay lang dahil I love kids. Wala kasing bata sa bahay dahil nag iisa lang akong anak. Malungkot na masaya. Ewan ko ba. Basta yun na yun. Hindi naman kami mayaman. Sakto lang. I am a scholar kasi sa San Lorenzo University kaya hindi nahirapan sina Mama at Papa sa pagpapaaral sa akin and isnag taon na lang, magtatapos na rin ako. “Good morning Ms. Castillo and Ms. Ramirez,” saad niya saka tinanggal ang kanyang surgical mask. Sabi ko na nga baaaaaaaaaaaa! He is so pogiiiiiiiiii! Ang sexy kaya nang pagkakasabi niya sa name ko. Like duhhh! Syempre sa isip isip ko lang iyon. “Good morning po nurse,” sabay naming sagot ng kaibigan ko. “So I am Eugenio Camacho, a Pedia Nurse. You are assigned here in a Pediatric Department with me and I will be your head nurse in your entire internship,” Nakakasexy naman yung apelyido niya! Gussss! Camacho? Tapos macho pa siya. Uhmmm perfect. Juice colored! Parang gusto ko na ang magpainject ng anti-biotic dahil sa kahalayan ko! Pero bakit anti-biotic. Gaga! Anti-halay na lang mga sis kung meron. “Alam niyo naman na siguru kung sino ang mga pasyente natin dito, diba?” “Yes nurse,” “Very good. Put your things first sa nurses locker room and I will be discussing things with you sa nursing staffs room. Clear?” aniya kaya tumango naman kami ni Shane saka siya tumalikod at umalis. Room? Saang room? Bakit kailangang tatlo kami??? Ano to? Dapat kaming dalawa lang! Char! “Bruha! Ang halay ng utak mo kahit kailan,” ang aking brain. “Shockss bessssss! I am gonna die. Bakit ang hot ni nurse Camacho. Yung biceps niya. Uhmmm,” kinikilig na saad ko saka ko pinisil ang braso ni Shane habang papunta kami sa locker. “Aray ko naman! Tigilan mo nga ako Elorde. Unang araw pa lang ito ha. Naku po, umayos ka at baka bigla tayong tanggalin dito,” masungit na saad ni Shane. “Ang arte mo ghourl! Akala mo naman hindi kinikilig sa nurse na yun,” saka ko siya kiniliti. At tama nga ako dahil kinikilig din ang bruha dahil tumili siya nang bahagya. “Hoy akin lang yun ha. Humanap ka na ng iba dahil namarkahan ko na iyon,” saad ko. “Agad agad? Oo na sayong sayo na siya. Good luck na lang kung matipuhan ka niya. May nakita na akong lalandiin ko. Nakita ko kanina sa labas habang hinihintay ka,” “Pogi ba?” “Oo naman. Mas pogi pa sa head nurse na yun,” “Ahhh basta! Kahit na mas pogi yung sa 'yo, mas hot naman sa akin. Parang gusto ko na lang mamalagi sa Pediatric Ward lara maging pasyente,” sagot ko. “Haliparot! Hindi ka na pwede doon dahil Twenty One ka na. Haller! Hanggang Eighteen lang ang pwede doon,” “Ahh basta. Siguro aalagaan niya rin ako no?” “Oo na. Bilisan mo na diyan dahil naghihintay na yun,” Kaya naman binilisan namin ang aming mga galaw para makabalik sa kinaroroonan ni Eugenio my love. Love agad? Basta. Yun na yun. Pagkarating namin sa nurses room ay kumatok muna kami. Pinagbuksan naman kami ng pinto ng isa pang hot na nurse. My gosh talaga! Bakit napakadaming masasarap dito? Parang gusto ko na lang ang maging pasyente para maalagaan talaga nila ako. Busog ako araw araw kapag sila. Nakita naman namin ang aming head nurse na nakaupo sa may swivel chair sa kanyang table saka may tinitingnan na mga paper. Siguro chinecheck niya ang profile namin. Nandiyan na rin po ang address and contact number ko. Just text or call me and I will be there. Sabi ko sa loob loob ko. “Good morning po ulit Nurse Camacho,” wika ko baka sakaling maimpress. “Nabati na kita kanina. Tama na yung isa,” sagot niya without looking at me. Ito namang kasama ko ay tumawa ng bahagya at saka ako bumusangot. Pangalawang bese na ito ah. Bakit napakasungit niya? Sayang gwapo pa naman. “Anyway,” panimula niya saka tinigil ang kanyang ginagawa. “Get a chair first. Ayaw ko yung nakatingala ako habang kausap ko kayo,” kaya nagmadali kaming kumuha ng upuan sa gilid. Pwede namang ako ang tumingala sa 'yo. Awiit! Dirty sis. Nagulat naman ako nang masagi ko ang basong nasa kabilang mesa at nahulog sa sahig saka nabasag. Patay! Bagong kahihiyan na naman El!Kaya nagkatinginan kami ni Shane dahil hindi namin alam ang gagawin. Three points! Sh*ta! Tiningnan ko ang aming head nurse na nakatingin sa akin at mukhang naiinis. Parang nangangain ang tingin niya. Ready naman na akong makain, kahit now na. “So..sorry po. Lilinisin ko na po,” saka ako umupo at hinawakan ang basong nabasag. Nawala sa isip ko na maaari pala akong masugat doon kapag nagkamali ako nang hawak. At ayun nga. Dumugo na ang aking daliri kaya napasigaw ako nang kaunti. “Gosh bes. Dumudugo na. Bakit mo kasi hinawakan? Hindi ka naman hero para hindi masugatan. Akin na nga at lalagyan natin ng band aid,” nag aalalang saad ni Shane. “Kaya na niya ang sarili niya. Kaya hayaan mo na. Nursing student kayo kaya magagamot niyo rin ang sarili niyo,” saway niya sa kaibigan ko. Kaagad ko namang kinuha ang alcohol na nasa table ni Sir saka binuhusan ko iyon. Ang hapdiiiiiiii! My gosh! Wala man lang bang pag aalala sa mukha ng head nurse na ito? Okay fine. Certified masungit nga talaga siya pero syempre, hindi yan uubra sa akin. “Bilisan mo na diyan at nang makapagstart na tayo,” masungit na aniya kaya agad akong umupo sa kabilang upuan. Diniscuss niya sa amin ang mga do's and don'ts sa loob ng Pediatric Ward and ang mga ginagawa ng isang Pedia Nurse at assistant nurse. Bilang siya ang head nurse ay tungkulin niyang gabayan kami sa lahat ng gagawin namin dahil kami ay interns pa lamang. Aalalagan niya rin kaya ako? Char! Landi! Nakatitig lang ako sa kanya dahil ang sexy niyang magsalita, his lips, jaw line, adams apple and everything. Nakakturn on mga sissssss! Parang gusto ko na siyang sibasibin agad agad. Bumalik ako sa realidad nang patunugin niya ang kanyang daliri sa aking mukha. “Hah..hah? Ba.. Bakit po?” kinakabahang tanong ko. “Ang sabi ko Ms. Castillo, ayaw ko ng tatanga tanga,” masungit na aniya. “A..ah opo nurse,” nag aalangang sagot ko. “Kaya kung ayaw niyong makatikim sa akin ng talak araw araw, umayos kayo sa trabaho niyo,” Sa pagkakasabi niya ng mga iyon ay parang may iba akong gustong tikman. Juice colored! “Okay lang po kung ikaw ang titikman ko,” pabulong kong saad at nilingon naman ako ni Shane saka tiningnan nang masama. “May sinasabi ka Ms. Castillo?” “Wa.wala po. Ang sabi ko po ay susunod kami sa inyo,” saka ako ngumiti ng bahagya. “Okay. Good luck on your first day. Hoping for your good performance as interns. Meeting adjourned. ,” aniya saka mabilis na ngumiti. O my gosssh! Smile pa nga. Nakakalaglag ng bra yung pagngiti niya kahit fake. Paano pa kaya kapag totoong ngiti na niya. Juicecolored! Siguro malalaglag lahat ang buhok ko sa katawan. Oo pati na sa baba. “May kailangan ka pa ba Ms. Castillo?” tanong niya kaya bumalik ako sa tamang pag iisip. Hindi pa kasi ako tumatayo dahil naaattract ako sa jaw line niya. “Ah..Wala na po. Okay na. Sige lo. Thank you,” Akmang tatayo na ako ngunit tinawag niya ulit ako sa apelyido ko kaya kaagad akong umupo nang maayos. “Yes po?” saka ako ngumiti nang malawak. My gus! Kahit last name basis ay okay naaaaa! Atleast tinawag niya ako. Is this the start of our love story? Is he my Romeo? “Ayaw ko ang makapal na lipstick. At dahil sa kakapalan ng lipstick mo ngayon, nakarating na sa ngipin mo,” saad niya without any expression. Kaagad napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at isinara ko kaagad ang bibig ko saka ako tumango at kaagad na tumayo at dire diretdo sa labas. Totoo ba?! O emmmmmm giii! Ayaw ko na sa Earth. Bakit hindi man almg sinabi sa akin ni Shane? Nakakainis. Panglimang beses na yata akong napahiya. Wala na. Naturn off na siya sa akin. Nakakahiya talaga. Pigil na pigil naman ni Shane ang kanyang tawa dahil sa sinabi ng aming head nurse. Lagot talaga sa akin ang bruhang ito. Pagkalabas na pagkalabas namin sa room na iyon ay kaagad kong sinabunutan ang kaibigan ko. “Bakit hindi mo man lang sinabi ghourl? Nakakainis ka naman eh!” “Hoy hindi ko naman napansin at saka malay ko ba. Diba nga nagretouch ka kanina?” natatawang sagot niya. “Kasalanan mo 'to. Kung hindi mo sana ako hinila hila kanina eh di sana nakapag ayos ako ng mabuti,” mangiyak ngiyak na wika ko saka ko inilabas ang panyo mula sa bulsa ng aking blouse para tanggalin ang lipstick at saka pinulot ang nalaglag kong ballpen. “Hayaan mo na yun. Ayaw mo ba nun? Lagi mo na siyang maaalala kapag natapos na tayo sa OJT natin. Kahihiyan memories nga lang,” saad niya habang nagpipigil pa rin ng kanyang tawa. “Gaga ka talaga. Matuturn off na sa akin yung crush ko,” “Bruha ka! First time mo pa lang mameet crush mo na kaagad?” “Bakit? Kapag ba crush kelangan matagal mo nang nameet? Pwede nga kahit segundo lang kayong nagkita,” “Aba! Iba den! Landi ghourl ah. Nandito tayo para magtraining hindi para lumandi,” “Pwede naman nating pagsabayin yun ah,” natatawang sabad ko saka niya ako binatukan. Well, kaya ko naman talagang pagsabayin iyon. Nagtetraining habang lumalandi. Diba bongga? Kaya yun ang gagawin ko. “Crush ko na talaga siya bessss or baka mahal ko na rin siya,” “Naku poooo! Elorde Ysabelle Castillo tantan.….,” talak niya sa akin ngunit biglang naputol dahil parang huminto amg mundo niya at napadpad sa ibang planeta. “Ha..hi!” malanding aniya sa dumaang lalaki at kinindatan naman siya nito. “Huwwaaaaaaw! Shane, tantanan? Landi ka rin ghourl. Tantanan pala ha. Training pala ha,” saad ko rin sa kanya saka ko hinila nang kaunti yung kanyang buhok. “Besssss. Siya yung sinasabi kooooo,” aniya saka tumili ng impit. “Akala ko ba bawal ang landi?” saka ako humalukipkip. “Ghourl naniniwala na ako sa 'yo. Pagsabayin na natin ang training saka landi,” mahinang saad niya saka naman kami nag apir bilang pagsang ayon. “Wala nang urungan bes, dapat kapag natapos na natin ang OJT, magkajowa na tayooooo,” masiglang saad ko saka muling nakipag apir sa kanya. Natigil lang kami nang sitahin kami ng aming head nurse. Ano ang problema niya bakit napakasungit niya? Itong pinoy Henyo naman na 'to napakaKJ. Jowain kita diyan eh. Syempre sa isip ko lang ulit. Mahirap na at baka makick out nang wala sa oras. Kaya nang makalagpas siya sa amin ay bahagya ulit kaming napatili ni Shane. “Magpicture muna tayo girl para naman may maipost tayo, pang my day ganun dahil first day natin,” saad ko sabay kapa sa aking phone ngunkg hindi ko iyon mahanap. Shocckings! Nasaan na yun? Naalala ko naman ang pagkatabig ko sa baso kanina sa loob ng nursing staffs room at ang biglang pag upo ko. Gosh! Tingin ko nalaglag doon sa sahig sa loob. Paano ko kaya makukuha iyon? Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng room at saktong lalabas ang isa pang nurse kaya nagpaalam ako kung pwedeng pumasok. Mabuti na lang at pinayagan niya ako. Happy memories yata ang magaganap sa isang taon naming internship. Ang saya sayaaaaaaaaa. HENYO KARARATING ko lang sa San Lorenzo Medical Center nang biglang tumawag ang isang nurse na kasama ko sa Pediatric Department. Tinawagan niya ako dahil kailangan na raw nila kami sa office of the chief para maiassign na raw ang mga nursing interns na galing sa San Lorenzo University. Taon taon kasing nagkakaroon ng mga OJT students ang San Lorenzo Medical Center dahil sa ito ay malapit sa eskwelahan. Ngunit kaunti lang ang naaasigned dito dahil mas maganda kung matututukan namin sila sa mga training para makumpleto ang kanilang final year. Nagmadali akong nagtungo sa aking locker para ilagay ang mga gamit ko saka nagtungo sa Chief-Executive-Officer's office para sa mga papers ng mga batang interns. Twenty four lang naman sila kaya madali lang ang aming meeting with the CEO para sa kanilang assigned department. Pagkalabas namin ay naroon na rin sila at naghihintay. Naagaaw ng atensiyon ko ang isang intern na mukhang sinusuri kami paglabas pa lang namin mula sa office ni CEO. “Elorde Ysabelle Castillo,” saad ko ngunit walang sumasagot sa akin kaya inulit ko iyon. “Ahh.. Pe.. Present po nurse,” sagot nang babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya pabalik at mukhang nahiya kaya yumuko na lang siya. Lutang yata ang isang ito. Kaagad ko naman silang pinasunod sa akin sa Pediatric Department. Nang makarating kami doon ay nagpakilala ako bilang kanilang head nurse. “Very good. Put your things first sa nurses locker room and I will be discussing things with you sa nursing staffs room. Clear?” Mukhang naintindihan naman nila ang binilin ko kaya nagtungo na ako kaagad sa nursing staffs room para tingnan ulit ang profile niland dalawa. Pagkarating nila ay kaagad ko silang pinakuha ng upuan para komportable habang nag uusap usap kami. Ewan ko sa isang magiging intern ko. Mukhang lampa. Nasagi niya lang naman ang basong nasa tabing mesa at nalaglag sa sahig kaya nabasag. At saka bida bida, dahil pinulot ang mga bubog gamit ang kanyang kamay. Hindi ba siya nag iisip? Hindi naman walis ang kanyang kamay. Naku! Mukhang may babagsak sa practicum. Nang maorient ko na sila ay tinapos ko na ang meeting naming tatlo. Yung isa parang wala sa sarili dahil mukhang nagdedaydream. Tulog yata ang diwa niya. “Ms. Castillo,” tawag ko sa kanya nang akmang tatayo na siya. “Yes po?” saka siya ngumiti nang malawak. “Ayaw ko ang makapal na lipstick at dahil sa kakapalan ng lipstick mo ngayon, nakarating na sa ngipin mo,” saad ko. Kababaeng tao tapos ganito mag ayos? Kinakain na ba ngayon ang lipstick para sa mga kabataan? Tssk. Halatang napahiya siya dahil namula nang bahagya ang kanyang mukha at saka itinikom niya ang kanyang bibig. Kaagad din siyang tumayo at mabilis na nagtungo sa labas. Iniligpit ko na ang mga paper saka nagtungo sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ay may naririnig na akong tumitili kaya tiningnan ko kung sino iyon at nakita kong sina Ms. Castillo at Ms. Ramirez. “Bakit pa kayo nandito? Diba dapat nandoon na kayo sa Pediatric Department? Nandito kayo para magtraining at hindi para tumili lang,” masungit na saad ko saka ko sila nilampasan at nagtungo sa malapit na cafeteria. Nagkape muna ako dahil parang sumakit kaagad ang ulo ko sa isang intern na nasa akin. Unang araw pa lang pero sablay na siya. Sana lang ay hindi na ganito bukas. Pagkaubos ko ng kape ko ay kaagad din akong bumalik sa loob ng hospital. Dumaan muna ako sa Pediatric Ward para silipin kung nandoon na sila at kamustahin ang ilang pasyente. Kaagad din akong nagtungo sa nursing staffs room dahil nakalimutana ko ang aking cellphone. Pagkarating ko sa aking table ay nagulata ako sa nakita ko kaya agad kong kinuha iyon at binasa ang nakasulat. Isang sticky note na may nakasulat na, ‘Have a great day,’ at may isang maliit na Kitkat Chocolate. Kanino galing ito? End of Chapter One
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD