Chapter Two

3074 Words
Chapter Two ELORDE UNANG araw ko pa lang sa San Lorenzo Medical Center pero parang puro kahihiyan ang pinaggagagawa ko plus may napakasungit pang head nurse. Well... hindi uubra sa akin ang kasungitan niya. Pero wait? Ilang taon na kaya siya? Pero kahit nasa 30 na siya ay nagmumukha pa rin siyang nasa 20's at mukhang malakas pa naman siyang tumusok. Ay! Pasmado besm. Shoccks! Paano kaya siya tumusok? Dirty minded ka El! Hindi naman kami masyadong napagod ni Shane dahil nag observe lang naman kami ng mga ginagawa ng mga nurses kaya nakauwi kami ng maaga. So far, okay naman kami sa Pediatric Department dahil nakakawili nga naman talaga ang mga bata. I like kids kaya kung pwede lang sana ay buntisin na ako ni Nurse Eugenio. Char! Landi landi talaga, unang araw pa lang. “Sis, daan muna tayo sa 7/11. Gusto kong kumain ng Cheesedog na ipapalaman sa tinapay. Libre na kita,” ani Shane habang sinasara niya ang kanyang bag. Ito ang gusto ko sa bestfriend ko eh. Hindi niya talaga ako ginugutom. Pero syempre kapag nililibre niya ako ay ganun din ang ginagawa ko sa kanya. Mabait naman kasi talaga si Shane. Masasabi kong may kaya sila sa buhay dahil pulis ang Daddy niya and teacher naman ang kanyang Mommy pero napakahumble niya. We are bestfriends since grade six dahil saktong kalilipat pa lang nila noon dito sa San Lorenzo at parehas kaming nag aral sa San Lorenzo Elementary School hanggang sa ito nga college na kami and same course pa. “Awiit! Ako Cheesedog lang. Enough na sa akin 'yon,” sagot ko sabay dila sa aking ibabang labi. “Yuck ka El! Ang manyak mo talaga. Baka ibang cheesedog yang nasa isip mo?” “Ay grabe siya. Napakainosente mo naman po. Kung anu- ano yang iniisip mo bakla ka,” “Bakit mo kasi dinidilaan yang labi mo?” sabad niya habang nakangiti. “Malamang nagdadry. Kailangan kong basahin. Ayan o namamasa na nga,” nakangiting wika ko. “Sino ang namamasa na?” biglang tanong ni Nurse Camacho kaya nagulat kami ni Shane at kaagad nagkatinginan. Bakit ba kasi siya biglang sumusulpot sulpot? Ano ba yan! Pauwi na nga lang tapos may bonus pang kahihiyan but wait, wala naman akong sinabing iba diba? At grabe siya sa tanong niyang SINO. “A..ah wa..wala po nurse. Yung labi lang po ni El,” nag aalangang sagot ng kaibigan ko at ako naman ay nakayuko lang dahil alam kong namumula na naman ang aking pisngi. Mali kasing gamitin ang word na namamasa. Gosh! Baka kung ano na ang isipin niya. Nakakahiya. “Ah see. Okay,” tanging sagot niya saka tumalikod sa amin. K! Napakasungit pa rin talaga. Sa buong araw na kasama namin siya, saka lang siya ngingiti kapag chinecheck niya yung mga pasyente sa loob ng Pediatric Department. Pero base sa mga galaw niya doon, halatang gustong gusto niya ang mga bata. O my g! Parehas kami. Gusto niya ang mga bata, gusto ko ng mga bata, baka pwede din naming magustuhan ang isa't isa para makagawa na ng mga bata! Bright idea na ba 'yon? Well, I think so. Yun ay kung wala pa siyang jowa. Pagkalabas namin sa hospital ay naglakad na kami papunta sa 7/11 dahil 5:50 pa lang naman ng hapon. Mabuti na lang at day shift kami kaya hindi kami masyadong mahihirapan. “Ikaw na umorder,” utos ko sa kaibigan ko saka ako umupo sa bakanteng upuan sa labas ng store. Pagkabalik ni Shane ay may bitbit na siyang isang tray na may lamang dalawang Cheesedog na nailagay na sa tinapay at dalawang Pine-Apple juice in- can. “Napakatagal mo,” bungad ko sa kanya. “Bakla ka. Syempre pinauna ko na yung nurse,” saad niya sabay lapag ang tray sa mesa. “Sinong nurse? Si Nurse Henyo ba?” excited kong tanong. “Gaga! Hindi. Babae siya, nurse din sa San Lorenzo Medical center. Nakita ko sa I.D niya,” “Ah so, pa impress ka girl kaya pianuna mo na siya?” “Tanga hindi. Matagal lang talaga siyang pumili kaya ayun. Mukhang maggogrocery nga kanina eh,” “Sige na nga. Hayaan mo na. Hindi ka ba niya tinanong kung saan ka nagoOJT?” “Bobo ka talaga. Alam na niya yun dahil palaging SLMC lang naman ang partner ng San Lorenzo University at saka hindi ko naman siya kilala. Baka taga ibang department siya,” “Sabagay, kung sa Pedia Ward din siya eh di sana nakita na natin. Wait ha, bakit ba natin siya pinag uusapan?” “Ewan ko sa 'yo. Dami mong alam Elorde,” sabad niya sa akin kaya tinawanan ko na lang siya. Pagkatapos naming magmeryenda ay nag abang na kami ng tricycle pauwi. Nauna akong bumaba kaya nagpa alam na ako sa kanya. “Sis, agahan mo naman bukas jusko baka maghintay na naman ako ng ilang oras,” reklamo niya pagkababa ko. “Daanan mo na lang ako para sabay tayo,” sagot ko sabay taas baba ng aking kilay. “Oo na. Sige na. VIP ang gaga. Bye!” saad niya saka pa nagroll eyes. Nang makaalis na siya ay saka naman ako pumasok. “Ma, nandito na po ako,” wika ko sabay lapag sa sofa ang aking mga gamit. “Kamusta ang unang araw anak?” ani Mama paglabas niya mula sa kusina. Kaagad ko naman siyang sinalubong at nagmano. “Okay lang naman po Ma. Hindi pa naman masyadong stress. Mabuti na lang at parehas kaming naassign ni Shane sa iisang department,” saka ako umupo sa sofa. “Mabuti naman kung ganun. Magpalit ka na at ako ay magluluto na,” “Tumawag na ba si Papa?” “Oo nak. Nakauwi na raw siya sa boarding house nila,” Si Papa kasi ay nagtatrabaho sa Taiwan bilang isang factory worker kaya nakapagpundar sila ni Mama ng isang maliit na grocery store dito sa tabi ng bahay dahil hindi naman sila nahihirapan sa aking pag aaral. Soon, kapag nakapasa na ako sa board at nakapasok sa work, pauuwiin ko na si Papa para naman makapagpahinga na yung kanyang katawan. Sa ngayon, kasama namin ni Mama dito sa bahay ang aking pinsan na si Jake Raphael, isang Second year Criminology student sa San Lorenzo University. Dito na siya tumira simula noong maghiwalay ang kanyang mga magulang. Kapatid kasi ni Papa ang kanyang Nanay. “Sige po Ma, magshoshower lang po ako,” saka ako nagtungo sa kwarto para kumuha ng pamalit at towel. Pagkakain namin ng dinner ay kaagad na akong pumasok sa kwarto dahil tatapusin ko pa ang mga binigay nilang sasagutan namin bilang isang OJT student. Pagkatapos ay saka ako natulog. Kriiing.… Kriiiing.…Kriiiing.. TUNOG iyon ng alarm clock ko. Alas kwatro y medya pa lang ng umaga at tinatamad pa akong bumangon ngunit kaagad din akong napatayo ng maalala kong kailangan ko pa lang gumising nang maaga palagi dahil araw araw akong makakakita ng gwapo na head nurse. Kaya kaagad na akong bumangon at nagtungo sa kusina para magluto dahil mukhang tulog pa si Mama. Pagkatapos kong nagluto ay saka ako kumain then naligo. 5:45 na nang matapos ako sa lahat ng gawain ko. Nakapagmake up na rin ako and of course naglagay ng light lang na lipstick baka kasi pagalitan na naman ako ng aking Nurse Camacho kapag super Red ang aking lipstick. “I am ready,” wika ko sa harap ng salamin saka ako nagfinger heart. Sana naman hindi na ako pumalpak sa araw na ito. Gosh! Matuturn off ang bebe Eugenio ko kapag ganun. Kinuha ko na ang aking bag saka lumabas na ng kwarto ko. “Aba himala. Masyado pang maaga anak,” natatawang saad ni Mama habang siya ay nagkakape sa sala. “Ma naman eh. Syempre po practicum na namin kaya dapat maaga ako,” sabi ko sabay lapag sa sofa ang aking mga gamit. “Bakit kahapon nalate kang gumising? Naku naku. Mukhang may naaamoy akong iba,” “Wala po Ma. Kaya po ako maaga ngayon, pambawi na rin po sa muntikan kong pagkalate kahapon,” pagdedeny ko dahil sa loob loob ko, gumising ako ng maaga para sa masungit naming head nurse. “Oo na sige na. Lumabas ka na at mag abang ka na ng masasakyan mo,” “Dadaanan po ako ni Shane Ma para sabay na kami,” sabay upo ko sa sofa. “Yung baon mo?” “Ay oo nga pala. Mabuti na lang po at pinaalala niyo,” saka ako tumayo para kunin ang lunch bag ko at kaagad ding bumalik sa sala. Alas sais y medya na nang dumating si Shane kaya agad na akong nagpaalam kay Mama na kumakain sa kusina saka ako lumabas. “Good morning po Tito,” saad ko pagkasakay ko sa kanilang kotse. “Good morning din hija,” sagot naman ni Tito saka pinaandar ang sasakyan. “Hindi ka ba maggoodmorning sa akin?” reklamo naman ng kaibigan ko sabay taas ng kanyang kilay. “Huwag na. Alam ko namang mas maganda ako sa umaga mo,” pagbibiro ko at nakakuha naman ako ng batok mula sa kanya. Pagkarating namin sa San Lorenzo Medical Center ay kaagad na kaming bumaba at nagpaalam sa daddy ni Shane saka kami pumasok sa loob. Dumiretso kami sa Nurses' locker room para makapag ayos muna bago magsimula. “Sis, alam mo ba. Ang aga kong nagising. 4:30 pa lang kanina,” wika ko kay Shane habang nag aayos ng buhok. “Aba! Dahil ba ito sa cheesedog kahapon?” natatawang aniya. “Hindi gaga. Dahil kay bebe Camacho,” saad ko saka nagpakawala ng impit na tili. “Bebe kaagad? Sis baka di ka niya type at saka mukhang hindi siya pumapatol sa mga bata,” “Oh? Tingin mo ilang taon na kaya siya?” tanong ko. “I think,” aniya saka inilagay ang hintuturo niya sa kanyang baba na kunwari ay nag iisip. “Sis kung sa katawan and face mga 23 or 25 siguro pero kapag sa kasungitan. Jusko! Mukhang nasa 30 na siya,” “Grabe siya! Tanungin ko kaya kung ilang taon na siya,” “I am 29,” “Ay bakla!” saad ko dahil nagulat ako sa biglang nagsalita saka ko siya nilingon. Nakakunot naman ang kanyang noo dahil siguro sa sinabi ko. “Goo..good morning po Nurse,” sabay naming bati ni Shane at wala man lang kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Goosh! Para talaga siyang kabute. Kung saan saan sumusulpot. Lagot kami ngayon ni Shane dahil pinag uusapan namin siya. “Sino ang bakla?” masungit niyang tanong saka inayos ang kanyang gamit. “Ah eh. Wala po nurse,” sagot ko saka ako yumuko. Si Shane naman ay nagtakip ng kanyang mukha gamit ang mga palad niya dahil na rin sa pagdedescribe niya kay Nurse Camacho. “Ang aga aga pinagchichismisan niyo ako. Oo 29 na ako at salamat sa pagpuri sa akin Miss Ramirez,” wika niya na halatang sarcastic ang kanyang pagkakasabi. Yumuko naman ang kaibigan ko dahil na rin siguro sa kahihiyan. My gosh! Ang sungit niya talaga. Nakakainis. “Bilisan niyo na diyan at dumiretso na kayo sa Pedia Ward,” utos niya at tumango lang kami ni Shane saka siya naglakad palabas. “Bakla ka! Ayan tuloy beast mode na naman ang bebe ko,” sabay hampas ko sa kanya. “Bruha ka! Hindi ko naman alam na maaga rin pala siya. Okay na yun atleast nalaman mong 29 years old na siya kaya tigilan mo na ang pagnanasa mo sa kanya dahil parang hindi kayo bagay,” “Porket malayo ang agwat hindi na bagay?” “Oo, baka mapagkamalan siyang sugar daddy mo. Kaya umayos ka na. Maghanap ka na lang ng iba,” “Crush lang naman eh. At saka malay mo gusto rin pala niya ako,” “Tanungin mo kaya siya hindi yung nag aassume ka na naman,” “Okay. Tanungin ko siya mamaya. Bilisan mo na diyan at tara na,” sagot ko saka ko siya hinila. Nang malapit na kami sa Pedia Ward ay nagpaalam muna ako kay Shane na magbabanyo lang saglit kaya nauna na siya. Pagkabalik ko ay nandoon na rin si Nurse Camacho at may kinakausap na batang tantiya ko ay nasa pitong gulang. Mas gwapo pala siya kapag nakangiti. And super makalaglag bra at panty yung kanyang jaw line mga baklaaaaaa. Ang lakas makamasculine ng panga niya. Masaya silang nag uusap ng bata. Ilang sandali pa ay binulungan siya ng batang kausap niya at lumingon siya sa akin kaya kunwari ay tinitingnan ko ang aking notes. Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Shocks! Nalove at first lust nga yata talaga ako sa kanya. Kaagad siyang tumayo at tinawag ako. My gussss! “Miss Castillo, icheck mo yung body temperature ni Ivan pati na rin ang ibang bata. For now, yan muna ang gagawin mo tapos si Miss Ramirez ay sa blood pressure. Kapag nalilito kayo, magtanong kayo sa ibang mga nurse dito,” utos niya sa akin saka ako tumango at kinuha ang thermometer at lumapit sa bata. Ang batang sinasabi niya ay yung kinakausap niya kanina. Sobrang cute niya. Ang sarap panggigilan. “Ivan, kukunin lang ni Miss Nurse ang body temperature mo ha? Behave, okay?” malambing na sambit ni Nurse Camacho sa bata saka siya lumabas. “Noted Nurse Henyo,” masiglang saad ng bata. So Henyo pala ang nickname niya. Tama nga yung sinabi kong pinoy henyo. “Nurse Ganda, ano po ang name niyo? At bakit nakatitig po kayo kanina kay Nurse Henyo? Crush mo po ba siya?” mahinang tugon sa akin ng bulilit. Grabe itong batang 'to. Sunod sunod na agad ang tanong. “My name is Elorde Ysabelle Castillo but you can just call me El,” masiglang sagot ko. “Pakisagot po yung second and last question ko,” utos niya. Aba! Iba deeeeen. “Ah hindi naman si Nurse Henyo yung tinititigan ko eh. Ikaw dahil ang pogi pogi mo,” saka ko pinisil ang kanyang pisngi. Syempre tinitingnan ko rin siya kanina pero ang main target ng aking eyes ay ang pogi and hot na si Nurse Eugenio Camacho. “Ako ang crush mo?” nagtatakang tanong niya. “Hah?” “Ang sabi ko, ako ba yung crush mo kasi tinititigan mo po ako. Seven years old pa lang po ako nurse,” Natawa naman ako sa sinabi ng bata. “Naku, wala akong crush. Ang sabi ko, sobrang cute mo kasi kaya kita tinitingnan kanina. Wala kasi akong kapatid na bata eh,” saad ko saka nagpout na parang bata. “Ganun po ba,” aniya saka naman ako tumango at chineck ang thermometer kung ilan ang body temperature niya. “Wala ka ng lagnat. Magaling ka na Ivan,” “Thank you po Nurse ganda,” Pagkatapos kong icheck ang temperature ng tatlong bata ay saka ako nagpaalam kay Shane na lilipat ako sa kabilang room. “Sis, pasimpleng move ka naman diyan. Gusto mo lang naman siyang sundan,” pabulong na ani Shane. “Bruha! Ginagawa ko lang yung iniuutos niya. Baka pagalitan na naman niya ako,” “Okay gooooooo,” saad niya saka ako tinulak palabas. Grabe talaga itong kaibigan ko. “Miss Castillo, napakabagal mo,” bungad niya sa akin pagkapasok ko sa isang room. Ayan na naman po ang masungit na nilalang. “Icheck mo ang heart beat ni Clyde. Marunong ka namang gumamit ng stethoscope diba?” “Oo naman, baka want mong icheck ko pa ang heart beat mo baka sakaling gusto mo rin ako,” wika ko pero sa utak ko lang. Ang totoong sinagot ko ay tango lang. Mahirap na baka makidlatan na naman ako ng isang to. “Good. Sige nga gawin mo at titingnan ko,” aniya. Shocks! Baka hindi ako makapagconcentrate nitooooo. “Bakit ka nanginginig? Sabihin mo lang kung hindi mo alam,” masungit niyang sabi. Alam ko pero bakit hindi ako makapaconcentrate. Nakakainis. “Ano ba naman Miss Castillo, napakasimpleng bagay na pinagagawa hindi mo pa magawa ng tama. Nasaan ba ang puso ng tao?” malumanay paring aniya pero alam kong naiinis na siya. Gosh! Nagmumukha akong bobo nito. Paano kapag mababa ang rate na ibigay niya sa performance ko? Patay ako neto! “Ganito kasi yan,” dagdag niya sabay hawak sa kamay ko at itinapat niya sa dibdib ng bata.. My gossssh! Holding hands na kami mga baklaaaaaaa. “Bilisan mo diyan,” utos niya saka kaagad na lumabas. Ang lambot ng kanyang palad. Sana palaging ganun. HENYO PUMASOK ako nang maaga dahil kailangan kong iguide ang dalawang OJT Nursing student ko na sina Miss Castillo at Miss Ramirez kahit na may inutusan naman akong mga nurse na maggaguide rin sa kanila ngunit hindi ko inaasahan na pinag uusapan pala nila ako dahil pagkapasok ko sa locker room ay narinig ko ang apelyido ko. Bakit hindi ako ang tanungin niya sa edad ko? At saka bakit kailangan niyang malaman? Naku mga kabataan talaga. Baka may balak pa silang kunin lahat ng detalye tungkol sa akin. Oo, 29 na ako at masungit ako sa mga taong matitigas ang ulo at makukulit gaya nitong dalawa. Tingnan ko lang kung pag usapan pa nila ako. Nang masabihan ko silang sumunod ay kaagad din akong lumabas mula sa locker room at saka nagtungo sa Pedia Ward. Dati ko naman nang suot ang aking uniform kaya hindi na ako nahirapan. “Wala na bang masakit sa 'yo?” tanong ko kay Ivan na paseyente ko pagkapasok ko sa kanyang room. Pang apat na araw niya pa lang dito pero nakuha ko na kaagad ang loob niya. At bukas ay makakauwi na siya dahil ayos naman na ang kanyang platelets. “Wala na po Nurse Henyo. Hindi na rin po masakit ang ulo ko,” mahinahong aniya. “Very good naman. Bukas pwede ka nang umuwi kaya huwag ka na naman kung saan saan ang pupuntahan mo para hindi ka kagatin ng mga lamok, ayos ba?” sabi ko sa kanya saka naman siya tumango. I love kids kaya sobrang malapit ang loob ko sa mga nagiging pasyente ko lalo na kapag nakikita kong gumagaling na sila. Ilang sandali ay bumulong siya sa akin na kaagad kong ikinagulat. Nilingon ko naman ang direksiyong itinuro niya ay naroon si Ms. Castillo at Ms. Ramirez. Kaya tinawag ko sila at iniassign sa sarili nilang mga gagawin bilang OJT Nursing students. Pagkatapos kong sabihin ang kanilang gagawin ay kaagad na akong lumabas saka nagtungo sa susunod na kwarto. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na si Ms. Castillo saka ko naman siya inutusan ulit. Mabuti naman at hindi na masyadong mapula ang labi niya hindi gaya noong isang araw na parang pumutok na sa sobrang pula. “Icheck mo ang heart beat ni Clyde. Marunong ka namang gumamit ng stethoscope diba?” wika ko at saka naman siya tumango. “Good. sige nga at titingnan ko,” dagdag ko. Nursing ang course niya kaya dapat ay alam niya kung paano gumamit ng stethoscope dahil kapag hindi aba, makakatikim ito sa akin. Inobserve ko lang ang ginagawa niya pero parang natetense siya dahil nanginginig ang kanyang mga kamay. Napakasimpleng bagay pero hindi pa niya magawa nang tama. “Ganito kasi yan,” saad ko skaa ko hinawakan ang kanyang kamay habang hawak niya ang stethoscope. At inilagay ko iyon sa dibdib ng bata. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay kaya mas hinigpitan ko saka dahan dahang binitawan. “Bilisan mo diyan,” litanya ko saka ako lumabas. Napakasimpleng bagay. Naku. Pinapainit niya ang ulo ko. Umagang umaga. Dumiretso muna ako sa Nurse Station para icheck ang papers ni Ivan for release. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa office ko. “Nurse Camacho, mukhang may secret admirer ka po,” bungad sa akin ng aking assistant nurse na labis kong ipinagtaka. “May chocolate ka na naman sa mesa mo,” “Hindi mo ba nakita kung sino ang nagbigay?” tanong ko saka kinuha ang sticky note. Binasa ko iyon at ang nakalagay ay 'Good morning'. “Hindi ko nakita eh. Basta nandiyan na yan kanina pagkapasok ko para ilapag yung ilang records. Akin na lang kaya yang chocolate,” “Gago baka kailanganin ko ito,” saka ko nilagay sa drawer ko. Sino kaya ang nagbibigay? Assistant nurses lang naman ang pwedeng pumasok dito. O baka nantitrip lang ang ilang kaibigan kong nurse dito sa ospital? May susunod pa kaya? End of Chapter Two
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD