Chapter Three
HENYO
NANATILI lang ako sa opisina ng ilang oras at bumalik din sa nurse station para icheck ang records ng iba naming nga pasiyente saka ako bumalik sa Pedia Ward.
Pagkapasok ko sa room 24 ay nadatnan kong nakahiga si Ms. Castillo sa bakanteng hospital bed at mukhang natutulog kaya naman nilapitan ko siya.
“Nurse Henyo, kanina pa po siya tulog pagkatapos naming magkwentuhan,” ani Christian, 10-year old patient na may pneumonia.
Pambihira naman itong OJT student na ito. Ang oras ng duty ay ginawang oras ng tulog.
“Ayaw niya bang gumising?” tanong ko saka inilagay ko ang aking mga kamay sa aking bewang.
“Ayaw po niya Nurse Pogi,” malambing na saad ni Kate, isang nine years old.
“Naku! Huwag niyong gagayahin ito ha? Oras ng trabaho niya tapos tulog,” wika ko sa dalawa.
“Ms. Elorde Ysabelle Castillo!” habang nakaharap ako sa kanya.
Halatang masarap ang kanyang tulog dahil humihilik pa siya. At dahil ayaw niyang gumising sa pagkakatawag ko sa kanya ay niyugyog ko siya.
“Ano ba naman yan! Kita niyong natutulog yung tao eh. Nang iistorbo kayo,” reklamo niya nang hindi niya minumulat ang kanyang mga mata saka tumagilid sabay kamot sa kanyang singit na kita na ang kulay itim niyang cycling dahil suot niya ang uniporme niyang kulay puti na palda kaya tumalikod ako mula sa kanya.
Nang alam kong natutulog na siya ulit ay dahan dahan akong humarap dahil baka biglang may bumulagta na naman.
Ang tatlong mga bata ay nagpipigil ng kanilang tawa habang nakaupo sa kanilang hospital bed.
“ELORDE YSABELLD CASTILLO, GIGISING KA BA O IBABAGSAK KITA SA EVALUATION!” madiing wika ko kaya naalimpungatan siya at kaagad na bumangon.
“So..sorry po Nurse Camacho,”
“Oras ng duty mo tapos natutulog ka. Baka gusto mong ireport kita sa school niyo?!”
“Sorry po. Hi..hindi na po mauulit,”
“Napuyat ka ba?” iritang tanong ko ngunit hindi siya sumagot.
“Natapos ka na ba sa mga pinagagawa ko?” tanong ko ulit.
“Hi..hindi pa po. Sorry po,” mahinang tugon niya saka siya yumuko.
“Sabihin mo lang sa akin kung nahihirapan ka sa mga pinagagawa ko. Puwede ka nang magpapull out sa school niyo,”
“So..sorry po talaga. Maaga po kasi akong nagising eh kaya medyo inaantok pa po ako,”
“Tapusin mo na yan at kumain na kayo pagkatapos.Tandaan niyo, Eight hours ang duty niyo kaya ayusin niyo yang mga pinagagawa sa inyo,”
“Sorry po talaga. Hindi na po mauulit,” saad niya saka ko siya tinalikuran ngunit tumigil ako at hinarap ulit siya dahil may nakalimutan akong sabihin.
“And next time, huwag ka ng magsusuot ng itim na cycling dahil hindi bumabagay,” litanya ko na siya namang ikinagulat niya ngunit hindi ko na siya pinansin at naglakad na palabas sa Pedia Ward.
Parang kasalanan ko pa na maaga siyang nagising eh responsibilidad niya naman iyon bilang estudyante. Kabataan nga naman oh. Kapag umiral na ang katamaran, wala na. Tssk.
Pagkakain namin ng mga kasamahan kong nurses ay bumalik na kami sa kanya kanya naming opisina.
Wala naman akong ibang ginagawa dahil every three hours lang naman ako pumupunta sa Pedia Ward para bisitahin ang mga pasyente kaya tiningnan ko muna ang mga record ng aking mga OJT Nursing students.
Sa tingin ko naman ay parehas na magaling ang dalawang estudyanteng naassign sa akin yun nga lang parang ang titigas ng kanilang mga ulo lalo na yung Elorde Castillo na yun.
Mukhang sasakit ang ulo ko sa kanila sa buong OJT period.
Nang matapos na ako sa pag usisa ng kanilang mga record ay chineck ko muna ang oras bago ako nagpasyang lumabas para pumunta sa Pedia Ward.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko yung dalawa.
“Saan kayo pupunta?” tanong ko sa kanila.
“Ah Nurse Camacho, gusto ko lang pong magsorry dahil sa nangyari kanina,” saad ni Elorde habang nakayuko at nilalaro ang kanyang kamay na parang bata. Sabagay, bata pa naman talaga siya aa edad niyang bente uno.
“Oo na. Sige na. Huwag na sanang mauulit dahil ififeedback ko iyon sa school niyo,” seryosong wika ko.
“Naku Nurse. Huwag niyo na pong sabihin sa school namin baka po kasi mawala yung scholarship ko. Promise po hindi na yun mauulit,” aniya sabay taas ng kanyang kanang kamay bilang tanda ng kanyang pangakong hindi na niya uulitin.
“Oh siya sige. Ayusin niyo na yung records ng mga batang pasyente na chineck niyo kanina tapos dalhin niyo na sa nurse station kung tapos na kayong kumain,” utos ko saka ko sila tinalikuran.
“Totoo po bang hindi niyo na ako isusumbong?”
Paulit ulit siya. Narinig naman na niya kanina ah. Naku! Hindi lang siya bingi, makulit pa. Kaya naman hindi ko na lang siya sinagot at dirediretsong naglakad.
“Hello baby girl, how are you?” malambing na tanong ko kay Kate, isa sa pinakamalambing na pasyente ko kahit dalawang araw pa lamang siya rito.
“Hi Nurse Pogi. Okay lang po ako,” aniya saka kumapit sa braso ko.
“Hindi na ba masakit yang lalamunan mo?”
“Hindi na po masyado. Ayos na po ako,” sagot niya kaya tumango tango na lang ako.
“Nurse Henyo, madami pong kwinento kanina si Nurse El,” singit ni Christian.
“Tulad ng?” sagot ko saka umupo sa may hospital bed ni Kate.
“Kung gaano ka raw po kasungit,” aniya sabay takip sa kanyang bibig na para bang malaking kasalanan ang nasabi niya.
“Lagot ikaw Christian. Sabi ni Nurse El, huwag mo raw sasabihin kay Nurse Pogi diba? Halla ka,”
“Diba sabi ko bawal mag lihim Kate?” sabad ko.
“Yun po kasi ang sabi ni Nurse El eh,”
“Huwag niyo nang pansinin yun. Nakagawa kasi ng kasalanan kaya ko siya sinusungitan. Kaya kayo, huwag kayong gagawa ng kalokohan para hindi ko rin kayo sungitan, naiintindihan niyo?” wika ko pero hindi sila sumagot.
“Bakit sinabi po niya na wala naman daw po siyang kasalanan pero sinusungitan niyo pa rin daw po siya?”
Naghahanap ng kakampi ang babaeng iyon. Naku po.
“Kasi, masungit ako sa mga taong makukulit at pasaway kaya dapat lagi kayong magpapakabait dito pati na sa mga bahay niyo,”
“Paano po kapag ayaw namin?” tanong ni Christian. Mukhang nalason na nga ni El ang utak ng mga bata. Sa kanya lang naman ako masungit dahil sa mga kaartehan niya.
“Gusto niyo bang sungitan ko rin kayo?” tanong ko.
“Syempre hindi po Nurse Pogi. Love ka kaya namin,” sagot ni Kate.
“Kung ganoon, huwag kayong magpapaniwala sa sinasabi ni Nurse El. Ayos ba iyon?” wika ko saka naman sila tumango.
Lagot talaga sa akin ang batang iyon. Naku talaga. Mas lalo niyang pinasasakit ang aking ulo.
ELORDE
NAGULAT ako nang marealize ko kung sino yung taong gumigising sa akin. Kaya naman agad akong napabangon at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. It is so embarrassing.
Juice colored! Kanina pa ba siya rito? Patay na naman ako nito. Tiyak na susungitan na naman niya ako ng buong araw.
Shocking! Nakakahiya talaga yung nagawa ko. Pagkatapos ko kasi sa kabilang patients' room ay lumipat ako kaagad sa kabila ngunit nakadama ako ng antok pero nakipagkwentuhan na muna ako sa mga bata hanggang sa tuluyan na nga akong antukin at humiga sa bakanteng hospital bed saka hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Hindi ko pa pala natatapos icheck yung body temperature ng mga bata. Naku po talaga Elorde!
“Tapusin mo na yan at kumain na kayo pagkatapos.Tandaan niyo, Eight hours ang duty niyo kaya ayusin niyo yang mga pinagagawa sa inyo,”masungit niyang saad saka naglakad at natitiyak kong galit na naman siya dahil sa kapalpakan ko.
Napalingon ako sa kanya nang tumigil siya sa paglalakad saka ako hinarap.
“And next time, huwag ka ng magsusuot ng itim na cycling dahil hindi bumabagay,” aniya saka naglakad palabas.
O my gosssh! Ano yung sinabi niya? Nagbigla ako doon kaya hindi ako nakaimik. Nakita niya yung cycling kooooooo. Anu ba yan!
Yung mga bata naman ay nagpipigil ng kanilang tawa samantalang ako ay parang kamatis na ang mukha dahil sa kahihiyan.
“Bes, kain na tayo nagugutom na ako,” sabi ni Shane pagkapasok sa room kung saan ako nahuli ni Nurse Camacho na natutulog.
Hindi ko nilingon ang kaibigan ko dahil nag iinit ang mukha ko kaya nilapitan niya ako.
“Halla! Ayos ka lang ba? May lagnat ka ba?” aniya sabay lapat ng kanyang kamay sa aking noo.
“Hoy Elorde Ysabelle! Tinatanong kita. Ayos ka lang ba?” tanong niya pero umiling lang ako bilang sagot.
“Ano ba ang nangyari? Inaway niyo ba siya?” tanong niya sa mga bata.
“Hindi po kami. Si Nurse Pogi po,” agad na sagot naman ni Kate.
“Sinong Nurse Pogi?”
“Si Nurse Henyo po,”
“Bes halika na. Ikukwento ko na lang sa 'yo mamaya. Tatapusin ko lang kunan ng body temperature yung isang bata,” sabad ko.
Pagkatapos ko ay nagpunta muna kami sa nurse station para ibigay ang records ng mga bata saka ko siya hinila kaagad papunta sa Comfort Room.
Pagkapasok namin ay kaagad akong pumasok sa cubicle at naupo sa may bowl habang nasa labas si Shane.
“Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Buntis ka na ba at parang ang tamlay tamlay mo?” agad na tanong ng kaibigan ko.
“Tanga! Buntis kaagad? Kung pumatong lang siya kaninang nakahiga ako eh di sana may mabubuo na,”
“A..ano? Teka lang ha. Hindi kita magets bruha!”
“Bes, nahuli niya kasi akong natutulog kanina. Nakakahiya tapos hindi ko pa natapos kanina yung pinagagawa niya,” nagmamaktol na saad ko at naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha.
“What the! Bakit ka kasi natulog eh hindi pa naman natin break. Napuyat ka ba?”
“Hindi naman. Maaga lang talaga akong nagising kaya medyo inantok ako kanina. Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako habang nakikipagkwentuhan sa mga bata,”
“Lagot ka niyan bes. Alam mo namang bawal diba dahil nakaduty tayo tapos doon pa mismo,”
“Ano ang gagawin ko? Baka ifeedback niya 'yon sa school. Malilintikan talaga ako,”
“Kausapin natin siya. Magsorry ka tutal kasalanan mo naman talaga. Naku po Elorde!”
“Samahan mo 'ko please,”
“Oo na, sige na. Lumabas ka na diyan at kumain na muna tayo. Nakakagutom kaya,”
Kaagad naman akong lumabas mula sa cubicle at saka inayos nang konti ang sarili ko.
“Bes may problema pa ako,”
“Ano na naman?”
“Nakita niya kasi yung cycling ko,” wika ko saka naman biglang lumaki ang mata ni Shane.
“What the f El! Ano ang sinabi niya? Malamang sa malamang bumakat yang isda mo,” natatawang aniya.
“Ewan ko kung paano niya nakita. Saka sabi niya, huwag na daw akong magsusuot ng color Black na cycling,”
“Bakit ka kasi nagsuot ng itim eh alam mong puti ang uniform natin. Hayaan mo na, hindi naman niya siguro type yang isda mo dahil bata pa at hindi pa pwedeng ulamin,” saad niya saka siya humagalpak ng tawa.
“Pwede na kaya. Ready na din yata akong magpakain,” malanding wika ko pero nakakuha lang ako nang batok sa kanya.
“Manyak mo. Bilisan mo diyan at kakain na tayo,”
Dumiretso na kami sa break room dahil maski ako ay nagugutom na. Pagkatapos ay nagtungo kami sa locker room para mag ayos dahil magsosorry ako kay Nurse Henyo. Shocks! Baka nasabi na niya or naimark na niya sa papers ko. Lagot ako sa nanay ko nito.
Naglakad na kami papunta sa office niya. Nang malapit na kami doon ay sakto namang palabas siya at kaagad niya kaming tinanong kung saan kami pupunta.
“Ah Nurse Camacho, gusto ko lang pong magsorry dahil sa nangyari kanina,” sabi ko habang nakayuko at nilalaro ang aking kamay na parang bata.
“Oo na. Sige na. Huwag na sanang mauulit dahil ififeedback ko iyon sa school niyo,” seryosong wika niya kaya nangako akong hindi ko na iyon uulitin.
Gosh! Baka ireport niya ako. Mawawala ang scholarship ko. Huwag naman sana.
“Oh siya sige. Ayusin niyo na yung records ng mga pasyente na chineck niyo kanina tapos dalhin niyo na sa nurse station kung tapos na kayong kumain,” utos niya saka kami tinalikuran.
“Totoo po bang hindi niyo na ako isusumbong?” paninigurado ko dahil mahirap na ang mascam pero hindi niya ako sinagot.
“Napakasuplado. Kaya siguro walang jowa,” mahina kong talak.
“Paano mo nalamang wala siyang jowa?” mausisang tanong ni Shane.
“Tinanong ko yung isang nurse sa Pedia Ward kanina. Ang sabi single daw siya,” palusot ko. Hinulaan ko lang naman baka sakaling magkatotoo.
“Sis stalker ka na. Baka mamaya niyan na sa 'yo na yung buong record niya,” natatawang ani Shane kaya ngumiti na lang ako.
Nagtungo kami ulit sa Nurse station para icheck kung anong oras magpapainom ng gamot sa mga pasyente namin sa Pedia ward. Si Shane na kaagad ang nagtanong. Alas dos pa naman daw paiinumin ang nasa Room 24 kaya nagtime in na muna kami saka pumunta sa study room para basahin at sagutan ang aming worksheet.
Pagkatapos naming sagutan ang mga iyon ay nagtungo na kami sa Nurses Station para kunin ang mga gamot. Pagkabigay sa amin ay binilin naman kami ng nurse na naggaguide rin sa amin mula din sa Pedia Ward.
Pagkapasok namin sa hallway ng Pediatric Department ay sakto namang palabas si Nurse Henyo mula sa isang room.
“Good afternoon po,” sabay naming bati ni Shane pero parang wala siyang narinig at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
“Gwapo nga pero sobrang suplado naman,” pabulong kong sabi at nagulat naman ako dahil bigla siyang nagsalita mula sa likuran namin.
“May sinasabi kayo?” tanong nito.
“A. ah wala po Nurse. Ang sabi po namin ay magandang hapon,” nakangiti kong saad.
“Walang maganda sa hapon. Ayusin niyo yang gagawin niyo dahil kapag namali na naman kayo sa pagpapainom ng gamot, baka ako na mismo ng magrequest para ipull out kayong dalawa rito,”
My gosh! Bakit ba siya galit? Baka kulang siya ng haplos. Haplos sa dibdib, uhmm. Pababa sa tiyan and ohhhhh. Doon na mismo.
Nagbalik lang ako sa katinuan nang bigla akong kurutin ni Shane. Nakakainis. Nagdeday dream kaya ako.
“Sasagot ka ba Ms. Castillo o ano?”
“Ah.. Ano po iyon nurse?” nag aalangang tanong ko.
“Natutulog pa yata itong kasama mo Ms. Shane? Ang sabi ko, saang room niyo dadalhin iyan?”
“Ro..roo. 24 po Nurse,”
“Sige na. Ayusin niyo,” wika niya saka naglakad na palayo aa amin.
“Hoy bruha ka! Ano ang nangyayari sa 'yo?” ani Shane sabay tampal sa balikat ko.
“Istorbo ka naman eh,” pagmamaktol ko na ikinagulat naman niya.
“Istorbo? Saan?”
“Ay! Char lang bes. Tara na nga at baka bumalik pa yung isang yun,”
Nang mapainom na namin ng gamot ang mga bata ay bumalik kami ulit sa Nurse station para idagdag ang record ng mga patient.
Mabilis lumipas ang mga oras ay nagtungo na kami ulit ng kaibigan ko sa Nurses' locker room para makapag ayos na dahil uuwi na kami.
Nadatnan naman namin si Nurse Henyo na may nandoon din at nag aayos na. Sabagay, day shift kasi siya kaya okay na sa kanya ang umuwi pero masyado pang maaga para sa out ng isang head nurse.
“Uuwi na po kayo Nurse?” feeling close na tanong ko pero wala akong nakuhang sagot. Naku! Nakakapanggigil.
“Agahan niyo na naman bukas tapos pag usapan niyo na naman ako. Mabuti iyon ha,” aniya.
Alam ko na ang kanyang tinutukoy. Nagsalita nga siya pero hindi naman niya sinagot ang tanong ko.
“Hindi na po mauulit Nurse,” sagot ni Shane.
“Good. Nasagutan niyo na ba yung mga work sheet niyo?”
“Tapos na po,” sambit ko.
“Okay. See you tomorrow,” aniya saka inilagay ang kanyang bag sa kanyang likod saka naglakad palabas.
Medyo kinilig naman ako sa kanyang see you tomorrow. Shocks!
“Hoy ngiting ngiti ka na naman diyan. Ano girl? Parang hindi napagalitan kanina ah,” nakangiting talak ng kaibigan ko.
“Well, let us say na napagalitan nga ako pero nawawala naman kaagad,” saka ko pinakurap kurap ang aking mga mata.
“Tara na nga. Libre mo 'ko, 7/11 ulit tayo,” yaya niya ska tumango na lang ako.
Kaagad na kaming lumabas mula sa ospital at kaagad na nagtungo sa 7/11. Pagkarating namin doon ay naupo na kami sa bakanteng dine table na nasa labas ng store.
“Ikaw na ang mag order. Tinatamad na ako. Masakit yung paa ko,” reklamo ng kasama ko kaya kaagad na akong nagtungo sa loob.
Agad din akong kumuha ng Cheesedog saka nagtungo sa may fridge para kumuha ng inumin.
Dahil hawak ng tig isa kong kamay ang dalawang tinapay na may cheesedog at yung wallet ko ay nakasabit sa aking kaliwang kamay, hindi ko alam kung paano bubuksan iyon kaya ginamit ko ang aking siko.
Nagulat naman ako nang may biglang nagbukas nito at kinuha ang limang yakult.
“Halla, akin yan eh,” sabad ko sa taong kumuha nang hindi ko siya nililingon dahil tinitingnan ko ang loob ng fridge baka may Yakult pa kaso wala na talaga.
“May nakalagay bang pangalan mo?” tanong niya at kilala ko ang boses na iyon kahit hindi ko siya tingnan. Jusko! Si Nurse Camachoooooo.
“Ah.. Si..sige po. Sa inyo na lang na lang. Mag paPine-Apple Juice na lang po kami,” nakangiting wika ko saka niya ako tinalikuran.
Best in talikod goes to him.
Mahirap na ang makipagtalo sa taong kulang yata sa haplos. No choice ako kundi kumuha na lang ng ibang inumin baka kapag inagaw ko pa iyon ay tuluyan na akong mapull out sa ospital.
Nagbayad na ako saka lumabas na at umupo sa tapat ni Shane.
“Ano na namang tinitingin tingin mo diyan?” agad na tanong niya.
“Nasa loob kasi si Nurse Camacho eh naagawan ako sa Yakult kaya ito na lang ang ang kinuha ko,”
Nasa pinakagilid kami na pwesto kaya malayo kami sa may pinto pero nakatitig lang ako sa direksyon na iyon baka sakaling lumabas na siya.
Hindi nga ako nagkamali, mula sa paglabas niya ay tinitigan ko siya hanggang sa sumakay siya sa motor at isinuot ang kanyang itim na jacket.
Mas gwapo siya sa lagay na yun. May gossshhhh.
Kinuha niya sa pastic ang dalawang yakult at siopao saka nagmeryenda. Yayain ko kaya siya dito anes?
Ang sarap ng kain niya sa Siopao. Sana ako na lang yung siopao at yakult.
Nang matapos niyang kainin iyon ay bumaba siya sa kanyang motor para itapon ang kanyang pinagkainan. Saka sumakay ulit at isinuot ang kanyang helmet. May gusss! Nakauniform siya ng pang nurse tapos nakamotor. So hooooooot!
“Psst! Bruha, wala ka bang balak kainin yan? Ako na lang ang kakain dahil mukhang nabusog ka naman na. Kanina ka pa titig na titig kay Nurse Henyo eh,” talak ni Shane kaya nagbalik ako sa katinuan.
“Sis ang hot niya lang talaga. Sana wala pa siyang jowa para ako na lang ang jowain niya,”
“Tigilan mo nga ako Elorde. Hindi ka niyan papatulan diba nga sabi ko sa 'yo bata pa yan?” sabay turo sa ibabang parte ng aking katawan.
“Diba sabi ko naman sa 'yo na okay na 'yon?” natatawang wika ko kaya pati siya ay natawa na rin.
“Ubusin mo na yan at nang makauwi na tayo,” suhestiyon niya kaya binilisan ko naman ang kain.
“O shocks bumalik siya El,” biglang tili ni Shane kaya napatingin naman ako sa direksiyon na itinuro niya.
Pambihira. Muntik pa akong mabulunan.
End of Chapter Three