Chapter Four

3014 Words
Chapter Four ELORDE KAAGAD naman akong napatingin sa direksiyon na itinuro ni Shane. Shuta! Muntik pa akong mabulunan sa kinakain kong burger. Paglingon ko, wala naman akong nakitang Henyo na bumalik dahil pinagtitripan lang ako ng magaling kong kaibigan. Kaya naman nakatikim siya ng sabunot mula sa akin. Syempre slight lang. “Sis, crush mo talaga siya no?” natatawang aniya. “Gaga ka. Muntik na akong mabulunan akala ko naman bumalik talaga siya. Oo crush ko na siya simula pa lang noong una,” talak ko. “As if namang gusto ka niya. Bata ka pa uyy kaya umayos ka,” “What ever! Tara na nga,” aya ko sa kanya saka kami nang abang ng tricycle dahil hindi naman siya susunduin ng kanyang daddy. NANG makarating kami sa tapat ng bahay ay niyaya ko muna siyang bumaba. Saka kami pumasok sa loob. “Sis nandiyan ba yung pinsan mong pogi?” tanong niya. Gwapo rin kasi si Jake pero syempre bata pa siya kasi 20 pa lang yata niya or 19. “Hindi ko alam. Baka nasa school pa. Bakit?” “Wala. Tinatanong ko lang naman,” saka siya ngumiti. Naku! Alam ko na yang ganyang mga ngiti. “Hoy gaga ka. Bata pa yun no. 19 pa lang tapos lalandiin mo na,” “Sis naman, matagal ko kaya siyang hinintay na mag19 tapos pagbabawalan mo lang ako? Huwag ganun. Saka second year college na siya. Suportahan mo na lang ako kasi sinusuportahan naman kita. Bahala ka, isusumbong kita kay Tita,” pagbabanta niya. “Yung nurse na lang sa SLMC ang landiin mo. Huwag na yung pinsan ko kasi magagalit si Papa kapag nagkajowa na siya. Kaya tantanan mo rin yang kahalayan mo,” sabi ko saka pumasok sa loob siya naman ay humalukipkip lang na para bang isang batang napagalitan ng nanay. “Ma, may magpapaampon po,” sigaw ko kaya binatukan ako ng kaibigan ko. “Good afternoon po Tita,” saad ni Shane at nagmano kay Mama saka umupo sa sofa. “Kumusta ang araw niyo mga anak?” “Ay naku po Tita. Alam niyo po ba si..,” hindi na niya tinuloy dahil tinakpan ko ang kanyang bibig gamit ang aking kamay pero pinipilit niya parin ang magsalita kaya natatawa na lang si Mama. “Hayaan mo nga kasing magsalita si Shane anak,” Nang mapagod ako ay saka ko tinanggal ang aking kamay sa kanyang bibig. Lagot talaga ako nito kapag nagsumbong siya. Kakalbuhin ko talaga ang babaeng ito. “Ano nga ulit yun Shane?” tanong ni Mama. “Si El po, sobrang takaw kumain sa 7/11,” sagot niya at saka naman parang nabunutan ako ng tinik. “Hayaan mo na anak. Mabuti nga yan para magkalaman pa siya hindi yung puro kung anu-ano ang kinakain niya,” pagsang ayon naman ng aking ina. Mabuti na lang talaga dahil nakakahiya kay Mama kapag sinabi ng bruhang ito. Kaya nag isip naman ako ng pwede kong pambawi kay Shane. “Ma, nandiyan na po ba si Jake?” tanong ko. “Naliligo anak. Halos kararating lang din niya galing sa eskwelahan. Bakit?” Ngumiti muna ako bago nagsalita. Si Shane naman ay seryosomg nakatingin sa akin “May malandi po kasing naghahanap sa kanya sa labas. Gusto niya raw makita si Jake,” nakangiting saad ko saka naman ako sinamaan ng tingin ng aking kaibigan. “Naku. Hindi pa pwedeng magkaroon ng karelasyon ang pinsan mo. Bata pa siya at kailangan niya munang makapagtapos sa kanyang pag aaral,” “Sana lang ay naririnig ng babaeng naghahanap sa kanya para tantanan na niya ang pantasya niya kay Jake,” “Sabihin mo kapag nagtanong siya ulit. O siya, maiwan ko muna kayo at ako ay magluluto na,” saad ni Mama saka magtungo sa kusina. Kaagad namana kong hinampas ni Shane ng unan kaya natawa na lang ako. “Girl hindi naman kita isinumbong ah. Bakit mo sinabi yun?” pagmamaktol niya. “Para maniwala ka na hindi pa siya pwedeng jowain,” sagot ko. “Pero ano kasi.…,” naputol ang sasabihin niya dahil biglang dumating si Jake na nakatapis lang ng tuwalya at basa pa ang kanyang buhok saka pumasok sa kwarto. “Si..sis pengeng tubig,” aniya. “Tubig mo mukha mo. Umuwi ka na nga! Parang mali yata na pinababa pa kita sa tricycle. Bukas ka na lang lumandi sa SLMC diba nandoon naman yung nurse na bet mo kaya umuwi ka na,” pagtataboy ko sa kanya. “Ay grabe siya o. Sige na nga. Doon na lang bukas. Aalis na ako at hindi kita dadaanan bukas. Namimihasa ka na,” “Char lang! Sige na landiin mo na si Jake,” “Sure?” “Joke lang. Child abuse ka na girl. Sige na,” “Grabe siya. Nasa legal age naman na ang pinsan mo. Oo na. Tita uuwi na po ako kasi pinapauwi na po ako ni El,” sigaw niya kaya kinurot ko siya sa kanyang tagiliran. Si Mama naman ay nakangiting lumabas mula sa kusina. Sanay na siya sa ganitong biruan namin ni Shane. Pati na ang kanyang mga magulang. Nang maihatid ko na siya sa labas ay kaagad na akong pumasok para makapagshower na. Nagtungo ako sa kwarto para tanggalin ang aking uniform. Naalala ko na naman ang itim na cycling na sinasabi ni Nurse Henyo. Shocks! Bakit kasi nagkataon na ito pa ang isinuot ko. Nakakainis. Nang matapos akong magshower at mag ayos ng mga gamit ko para kinabukasan ay nagtawag na rin si Mama para kumain na. Ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan namin saka ako pumasok sa kwarto para makapagpahinga na rin dahil bukas ay bagong umaga. Sana lang ay hindi na niya ako sungitan. 5:00 A. M. na nang magising ako. Ayaw ko na ng 4:30 dahil baka antukin na naman ako mamaya. Nag inat muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman si Mama na nagluluto na. “Good morning Ma,” bati ko at saka naman siya bumati pabalik. Nagtungo muna ako sa banyo para makapaghilamos at saka lumabas dahil kakain muna ako bago maligo. Eksaktong 6:35 na nang matapos akong mag ayos. Kinuha ko na ang mga gamit ko saka ako lumabas mula sa kwarto. Ilang minuto pa ay tinatawag na ako ni Shane mula sa labas kaya nagmadali naman akong nagtungo doon. FIFTEEN minutes before Seven ay nakarating na kami sa San Lorenzo Medical Center. Nagtime in muna kami bago dumiretso sa Nurses' Locker Room. “Bes, huwag na muna tayong magsasalita baka kasi bigla na namang dumating si Nurse Camacho,” bulong sa akin ni Shane kaya tumango na lang ako. Ilang minuto pa ay dumating na siya saka naman namin siya binati ng good morning. Uhmmmm. Fresh na fresh ang smell. Tapos bumabakat ang kanyang matipunong dibdib at ang kanyang biceps sa suot niyang White Vneck na shirt. Naggigym siguro siya. Bakit ang macho niya? “Good morning din,” walang expresyong aniya. As in Poker face lang siya. My guss! Pinaglihi ba ito sa sama ng loob? Hindi man lang magawang ngumiti kapag binabati namin siya. “Pagkatapos niyo diyan, dumiretso na kayo sa office dahil may pag uusapan tayo,” aniya. Hala! Baka pagalitan na naman kami. But wait, wala naman kaming ginawang masama kaya ayos lang. Pagkasabi niya iyon ay kaagad din siyang lumabas para magtungo sa kanyang opisina. Saka naman kami sumunod makalipas ang ilang minuto. PAGKARATING namin doon ay kaagad namin siyang nakita na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nilalaro ang ballpen sa kanyang daliri dahil pure glass naman ang kanyang bintana kaya kita namin siya. Kumatok muna kami ng tatlong beses saka namin binuksan pagkarinig namin sa kanya. “Have a seat,” alok niya sa amin kaya naman kaagad kaming umupo ni Shane. Mahirap na kapag mag iinarte na naman kami baka makidlatan na naman. “Read all of these para hindi kayo mahirapan sa susunod. Hindi bale dahil igaguide naman kayo ng iaassign kong nurses. Nandito na rin yung mga gagawin niyo ngayong araw. Magcheck ng vital signs, magbigay ng gamot and so on,” sabay lapag niya sa mga papers. “Kaya niyo yan. Ienjoy niyo lang ang company niyo with the kids and of course, with us,” dagdag niya. Huwaw! First time niya kaming icheer. “If you have questions regarding the things I gave you, huwag kayong mahihiyang magtanong sa mga seniors niyo at huwag na huwag kayong magmamagaling kung hindi niyo naman alam,” sabi niya at kami naman ni Shane ay nakatingin lang sa kanya. “Ayaw na ayaw ko yung nagmamagaling kaya umayos kayo. Dadalawa lang kayong naassign sa Pedia ward kaya I want the best para sa inyo,” Emegessh! Kinilig ako doon. Concern naman pala ang bebe Henyo. “Malayo pa naman ang shifting schedule niyo kaya hindi pa kayo mapapagod ngayon. Paghandaan niyo ang night shift dahil puyat ang kalaban niyo. Drink and eat a lot,” Yieeehhh! True ba itis? Habang sinasabi niya iyon ay pinipigilan ko ang ngumiti. “Magiging worth it ang OJT journey niyo. I assure you dahil ganyan ako noon yun nga lang, hindi ko kailan man naranasan ang mapagalitan dahil nakatulog ako sa oras ng duty,” aniya nang nakatingin sa akin kaya yumuko ako. Gosh! Bakit kailangan niya pang ipaalala na naman iyon. Nakakahiya. “Okay, that's all. Pwede niyo nang simulan ang work niyo for today,” saka kami tumayo at nagpaalam. Akmang lalabas na sana ako nang bigla niya akong tawagin. “We need to talk,” seryosong aniya. Is there something wrong? Kaagad namang lumabas si Shane saka ako umupo ulit. Ano ba ang pag uusapan namin? Sasabihin niya na rin ba na crush niya ako? Omoooo. “Ilusyonada!” saway ng aking brain. “Ano ang ikwinento mo sa mga bata sa Room 24?” Nagtaka naman ako bigla sa tanong niya ngunit bigla akong nahiya nang maalala kong sa Room 24 ako natulog at nakipagkwentuhan sa mga bata. Gossshh! Nagsumbong ba sila? “A..ano po iyon Nurse Camacho?” nag aalangang tanong ko pero alam ko naman yung mga sinabi ko sa mga bata. “Sige deny pa nga. Alam mo ang rason kung bakit hindi ko magawang ngumiti sa 'yo dahil na rin sa kapalpakan mo kaya ayusin mo at huwag ka nang magsabi ng kung anu- ano sa mga bata baka malason yung utak nila,” Grabe siya sa lason. Haller?! Totoo namang ang sungit sungit niya sa akin. “Para hindi kita sungitan, gawin mo yung dapat mong gawin, galingan mo dahil alam kong kaya mo. Magperform kayo nang mabuti. Sige na yun lang,” Shocks! Performance? Try kaya natin Nurse para malaman mo kung gaano ako kagaling. Ay! Biro lang. No experience at all akis pero ang mga mata ko ay madami ng experience. Alam niyo na kung paano. Nagpaalam na ako sa saka lumabas ng kanyang office. Hinihintay naman ako ni Shane sa labas at syempre nakichismis na naman ang bruha. Chineck muna namin ang first thing na gagawin namin sa Pedia Ward saka dumiretso sa Nurse Station. Bumalik ang ngiti sa labi ko nang maalala ko yung kanyang mga sinabi. Drink and eat a lot? Performance? My gusss. Let us see. HENYO AS usual, maaga na naman akong pumasok dahil baka traffic na naman. Pagkarating ko sa locker room ay iilan pa lamang sila kasama na sina Elorde at Shane. Mabuti na lang at hindi ko na naman sila nadatnan na pinag uusapan ako dahil malilintikan talaga sila sa akin. Pagkatapos kong mag ayos para sa trabaho ay kaagad ko silang pinasunod sa opisina dahil ibibigay ko sa kanila ang mga dapat nilang basahin tungkol sa mga ginagawa ng mga nurse sa Pediatric Department. Totoong hindi pwedeng hindi nila maranasan ang night shift kaya binilin ko na rin sila. Lahat ng advice na pwede kong ibigay sa kanila ay nasabi ko na. Nagsisimula pa lang sila sa OJT nila at marami pa silang mararanasang hirap. Nang masabi ko na sa kanila lahat ay tinawag ko ulit si Ms. Castillo para sa kasalanan niya kahapon. Hindi naman big deal sa akin iyon dahil likas akong masungit kapag hindi ko gusto ang mga ginagawa ng isang tao. Sanay naman na sa akin ang mga nurse na nasa kinabibilangan ko dahil limang taon na rin akong nagsisilbi sa San Lorenzo Medical Center. Pagkatapos kong suriin ang ilang files ay nagpasya na akong isupervise ang mga nurse sa Pedia Ward pati na ang mga OJT Nursing student na nasa pangangalaga ko. Nadatnan ko naman silang nagtatrabaho kaya hindi ko na lang sila pinakialaman. Nagtungo rin ako sa Nurse Station para icheck kung tama ang records na ibinibigay ng mga Nurse- on- duty. “Nurse Henyo, kumusta naman ang mga OJT mo?” tanong ng isang nurse sa nurse station. “Maasahan naman sila nurse dahil base sa records na pinasa nila dito sa San Lorenzo Medical Center ay mga matatalino,” sagot ko habang binubuklat ang records ng patients. “Magagaling talaga ang mga estudyante sa San Lorenzo University. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay pumasa silang lahat sa board exam at mag apply silang lahat dito,” “Oo nga eh. May mga angkin silang galing. Mula nga noong naging head nurse ako sa Pedia Ward, lahat ng mga OJT nursing students na naassign sa akin ay magagaling,” “Syempre naman Nurse. Isang magaling na nurse ba naman na gaya mo ang magguide sa kanila. Automatic na mas lalo pa silang gagaling,” puri niya. “Naku, hindi naman,” “Napakahumble mo pa rin talaga Nurse Henyo kaya nga mahal na mahal ka ng mga bata,” “Magaling naman kasi tayong lahat kaya hindi nagsasawa ang SLU para dito dalhin ang kanilang mga estudyante,” “Tama ka diyan,” pagsang ayon niya. Pagkatapos kong icheck ang ilang impormasyon ay nagpaalam na rin ako sa kanya at bumalik sa Pedia Ward. Nasa hallway pa lang ako pero naririnig ko ng may umiiyak kaya nagmadali ako. Nakabukas ang Room 19 kaya pumasok ako at tama nga ako dahil may umiiyak na pasyente. Nang makita ako ng bata ay kaagad lumapit sa akin saka nagtago sa likuran ko. “Bakit umiiyak 'to?” tanong ko kay Ms. Ramirez. “Nag away po sila ni El Nurse Camacho eh hindi namin siya maawat dahil nagwawala na. Yung Mommy niya lumabas saglit dahil may bibilhin raw po,” sagot naman niya saka ako lumuhod at hinarap ang bata. “Ethan, bakit ka umiiyak?” tanong ko. “Ayaw niya tasi pahilam yung sheppon niya,” bulol na saad niya. Si Ethan ay three years old pa lang at naadmit siya noong isang araw dahil nagkadengue fever siya. “Diba bawal kang gumamit ng phone? Diba yun yung sabi ko?” mahinahong wika ko sabay pahid sa luha niya. “Gutto ko sheppon,” pagpupumilit niya at mas lalo pa siyang umiyak. “Huwag na lang cellphone, iba na lang. Toy car na lang, gusto mo?” suhestiyon ko at baka sakaling tumigil. “Ayo to!” pagmamaktol niya. “Motorcycle na laruan na lang,” sabi ko at saka naman nagliwanag ang mukha niya. Pero saan ako kukuha ng motor na laruan? Patay! “Oh sige. Bibili ako mamayang hapon tapos ibibigay ko sa 'yo bukas okay ba yun?” saka ako nagcrossed fingers dahil baka hindi pumayag. “Opo. Gutto ko two,” saka niya tinaas ang dalawang daliri niya. Tapos! “Okay sige. Bibilhan kita ng dalawa pero magsorry ka muna kay Nurse El,” “Ayo to. Papalo niya ato,” aniya kaya tiningnan ko si El nang masama. “Ethan, kahit na. Mas matanda sa 'yo si Nurse El kaya say sorry to her,” utos ko at saka naman niya ako sinunod. “Nurse El, let us talk outside,” sabi ko saka ako naglakad palabas na kaagad naman niya akong sinundan. “Bakit mo siya pinalo? Ano ba ang nangyari?” “Eh kasi po Nurse Henyo sinapak niya ako dito,” sumbong niya na parang bata sabay hawak sa kanang pisngi niya. Makapagreact naman ito. Akala mo naman malakas talagang sumapak ang isang tatlong taong gulang na bata. “Tapos pinalo mo na? Hindi mo ba alam na magagalitin din yung mommy niya? Paano na lang kung magreklamo yung nanay niya? Eh di lagot ka. Magkakaroon ka ng record dito kapag nagkataon,” “Sa kamay lang naman po at saka hindi naman masamang disiplinahin ang bata diba?” sagot niya. “Hindi masama pero nakalimutan mong pasyente siya at wala kang karapatan. May sakit yung bata. Sana pinagsabihan mo na lang siya na mali yung ginawa niya hindi yung papaluin mo siya. Future nurse ka kaya dapat alam mo yan,” hindi ko na napigilan ang inis ko at nakayuko lang siya. “Paano kapag hindi pa siya tumigil at dumating yung Mommy niya, ano ang ipapaliwanag mo?” “Eh di sasabihin ko po yung ginawa ng anak niya. Karapatan ko naman pong ipagtanggol yung sarili ko kapag nagkataon. Hindi naman ako papayag na ganun ganun lang,” depensa niya. “Kausapin mo pa rin yung bata. Tandaan mo El, pasyente siya. Ayaw ko nang mauulit pa ito dahil kapag naulit pa ito. hindi na talaga ako magdadalawang isip na magbigay ng negatibong feedback sa eskwelahan niyo,” wika ko saka huminga nang malalim “Ayaw mo ba sa mga bata?” “Gusto po. Wala naman akong sinabing ayaw ko,” Aba at sumasagot pa. “Magsorry ka sa kanya pero bilhan mo muna siya ng laruan,” utos ko. “Pero Nurse, nasa duty pa po ako,” reklamo niya. “Alam ko at kasali na iyon sa duty mo,” hindi na siya sumagot at saka siya nagkamot ng kanyang ulo. Akmang tatalikod na siya ngunit tinawag ko ulit. “Ano na naman po? Pupunta na po ako,” aniya. “Nagrereklamo ka ba? Bakit? May pambili ka ba?” tanong ko kaya ngumiti lang siya ng pilit. “Sumama ka sa akin sa office,” “P..poo? Ano po ang gagawin natin doon. Hindi pa po ako ready,” sagot niya na ipinagtaka ko naman nang labis kaya kumunot ang aking noo. “Wala akong dalang pera rito. Ano ba yang sinasabi mo?” “Ah…eh wala po nurse. Char lang po iyon,” Pagkasabi niya iyon ay naglalad na ako papunta sa opisina para bigyan siya ng pambili. Sumasakit talaga ang ulo ko sa babaeng ito. Pangatlong araw pa lang niya pero grabe na ang dulot niya sa akin. Baka hindi ako makapagpigil at maireport ko na siya dahil sa mga kalokohan niya “Alam mo namang pumili ng laruang panlalaki diba?” tanong ko. “Hindi po. Wala naman po kasi akong kapatid kaya hindi ko alam at saka Nurse Henyo mahirap po ang sasakyan ngayon malamang naglunch na yung mga tricycle driver,” reklamo niya. “Eh ano ang gusto mong gawin ko? Tumuwad ka na lang at tatadyakan kita baka sakaling makarating ka sa bilihan ng mga laruan,” seryosong saad ko pero sa loob loob ko ay natatawa na ako dahil sa sinabi ko. “Seryoso po ako. Ang init init kaya. Sayang yung kojic ko,” pag iinarte niya. “Okay sige. Huwag ka na lang bumili at hahayaan kong awayin ka ulit ng bata bukas kasama ng nanay niya. Gusto mo?” “Sabi ko nga po, pupunta na ako. Malamig po pala sa labas,” aniya saka lumabas kaya naman sinundan ko siya. May sira na yata ang isang to. “Elorde, yung pera hindi mo pa kinukuha,” saka siya bumalik sa kinaroroonan ko. “Ang bagal mo po kasi eh. Madami ka pang sinasabi,” reklamo na naman niya at halata ko sa mukha niyang naiinis na siya. Kinuha niya ang pera saka naglakad paalis. Naku po talaga! Siya lang ang OJT ko na grabeng magbigay ng sakit ng ulo. Paano nga kaya kung wala talagang siyang masakyan ngayon? Maglalunch pa naman. Hayaan mo na. Bahala na siya. End of Chapter Four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD