Chapter Five
ELORDE
NAKAKAINIS yung bata. Ikaw pa naman ang sapakin sa mukha. Matatawa ka ba? Pero tama naman si Nurse Henyo, pasyente pa rin siya pero ano kasi, hindi naman malakas yung pagpalo ko sa kamay niya. Hindi naman masama yun diba? PERO MALI NGA KASI SABI NI PINOY HENYO!
Bilib naman ako sa pagpapatahan niya sa bata. Halatang malapit ang loob niya sa mga ito. Magaling talaga siyang mag alaga. Pwede na siyang maging daddy ng mga anak koooooo.
Ayan tuloy napagalitan na naman. Nakakainis. Araw araw na lang.
“Ayaw mo ba sa mga bata?” tanong niya sa akin.
“Gusto ko pero mas gusto kita. Awit,” sabi ko pero sa isip ko lang.
“Gusto, wala naman po akong sinabing ayaw ko,” sagot ko.
Tapos pabibilihin niya lang pala ako ng laruan. Kasalanan niya to. Bakit niya kasi sinabi sa bata at bakit hindi na lang siya ang bumili. Dinamay damay pa ako.
“Sumama ka sa akin sa office,” utos niya.
Shocks! Ano ang gagawin namin sa office niya? Huwag niyang sabihin na...Omoooooo. Bet niya na rin ba ako?
“P..poo? Ano po ang gagawin natin doon. Hindi pa po ako ready,” sagot ko sa tanong niya. Hindi ko namalayang nasabi ko pala iyon. Kaya kumunot ang kanyang noo.
Nakailang reklamo pa ako hanggang sa bantaan niya akong irereport niya raw sa nanay ng bata ang ginawa ko kaya sumunod na lang ako sa opisina niya para matapos na.
Hindi pa naman ako marunong pumili dahil wala naman akong kapatid at saka si Jake malaki naman na. Paano to? Tapos mahihirapan na naman akong sumakay neto baka kasi wala ng masakyan magtatanghaling tapat na. Gutom na rin kaya ako. Tapos ang init pa sa labas. Juice colooooored!
“Eh ano ang gusto mong gawin ko? Tumuwad ka na lang at tatadyakan kita baka sakaling makarating ka sa bilihan ng mga laruan,” seryosong saad niya.
What the efff! Tuwad tapos tadyak? Grabe siya ha. Pwede bang tuwad na lang tapos walang tadyak. ehe!
Panay pa rin ang reklamo ko dahil nafifeel ko na sobrang init sa labas. My gosh! My Kojic soap.
Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Baka ifeedback niya sa school ang kalokohan ko. Hindi pwede dahil paniguradong magagalit ang aking mga magulang.
Lumabas na ako at kamuntikan ko pang makalimutan ang perang pambili ng lintik na laruan na yan. Nagsuggest suggest pa kasi tapos ako pa ang uutusan. Nakakabanas!
Tinawagan ko muna si Shane at baka mag alala sa akin saka ako nagtungo sa locker room para kunin ang payong. Mabuti na lang at palagi akong girl scout. Pagkakuha ko ay lumabas na ako ng ospital.
Nakatayo lang ako sa labas habang naghihintay ng tricycle.
Gosh! Hanggang anong oras ako maghihintay? Mabuti sana kung pwede lang lakarin pero ang init kasi para maglakad and nakauniform pa ako.
Makalipas ang fifteen minutes ay wala pa rin. Antagal naman. Nagugutom na ako dahil mag aalas dose na pala.
After another fifteen minutes ay napagpasyahan ko nang bumalik na lang dahil nagugutom na talaga ako. Akmang papasok na ako ay may narinig akong pitada kaya nilingon ko iyon and O MY GOSSSSH! Si Nurse Henyo iyon.
Nakasakay siya sa kanyang napakapormang motorsiklo tapos nakasuot ng Black na jacket and then nakashades. Kahit nakafacemask siya ay halatang gwapo siya. My guuuuus! Why so hot and pogi bebe Henyo????
Sinenyasan niya akong lumapit kaya kaagad akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya. Mabuti naman at naawa siya sa akin kaya siya na ang bibili dahil gusto ko nang kumain.
“Mabuti naman po at kayo na ang bibili. Sabi ko po sa inyo matagal ang sasakyan kapag ganitong oras eh. Ito na po yung pera. Papasok na po ako dahil nagugutom na po ako,” sabay abot ko ng pera kaso hindi niya kinuha kaya nagtaka ako.
Well, madami naman siguro siyang pera.
“Sumakay ka na at dalawa tayong bibili para mabilis,” aniya na kaagad kong ikinagulat.
Omooooooooooooooo! Is this real? Aangkas ako sa motor niya? Shoocks! Mas mabuti sana kung sa kanya mismo.Char!
“Po? Ikaw na lang po dahil hinihintay na ako ni Shane,” pagdadahilan ko kasi may konti pa naman akong hiya and wait? Baka dumadamoves na siya ha.
“Sino ba ang head nurse sa amin? Siya o ako?”
“Syempre ikaw po. Sige na sasama na po ako,” sabad ko pero hindi ko alam kung paano ako sasakay sa kanyang motor. Medyo mataas kasi kaya kailangan may makapitan ako bago makaupo. At dahil nakapalda ako, hindi naman pwedeng magspread ng legs no kaya magsaside na lang ako.
“Bilisan mo dahil ang init. Ano pa ang tinatayo tayo mo diyan? Kumapit ka kasi sa balikat ko para makasampa ka. Para kang pagong,” komento niya kaya ginawa ko ang sinabi niya.
Pwede naman kasi siyang pumunta ng mag isa lang. Bakit kailangan kasama pa ako?
Natigil ang inis ko ng maamoy ko ang pabango niya. Ang sarap sa ilong. Ewan ko kung downy ba iyon o ano.
Nang makasampa ako ay kaagad niyang pinaandar at pinaharurot. Muntik na akong malaglag kung hindi kaagad ako nakakapit sa kanyang balikat. Balak niya ba akong patayin?
Nang makarating kami sa mall ay kaagad kaming nagpunta sa kids section para bumili ng laruan. Medyo rinig ko na ang kumakalam na sikmura ko kaya naglakas loob akong sabihin sa kanya na nagugutom na ako dahil totoo naman.
Ewan ko kung ilan yung binili niyang laruan para sa bata. Ayan kasi di gumastos siya ngayon.
“Nurse Henyo, bilisan nating bumalik sa ospital,” saad ko sabay hawak sa aking tiyan.
“Bakit? Ano ang masakit sa 'yo?”
Wow concern.
“Nagugutom na po kasi ako kaya tumutunog na itong tiyan ko,”
“Okay sige. Kakain na muna tayo bago bumalik. Saan mo ba gusto?” aniya.
Siss! May I consider this as a date? Pero syempre kunwari ay ayaw ko. Kaya sinabi ko na lang na sa SLMC na lang kahit hindi ko naman na kayang tiisin.
“Okay, sabi mo eh,” sagot niya saka nauna nang naglakad.
Joke lang naman yun. Nakakainis. Ganun ba talaga siya? Hindi niya ugaling mamilit? K! Napakasama.
Ang ending, bumalik kami sa SLMC nang hindi kumakain kaya tinawagan ko kaagad si Shane na sa break room na lang kami magkita para makakain na.
“Girl bakit napakatagal mo? Kanina pa ako nagugutom,” reklamo ng kaibigan ko.
“The feeling is mutual sis. Nakakainis bakit ako pa kasi ang inutusan. Ay mali pala, ako pala ang isinama,”
“Sinama nino?”
“Ni Nurse Henyo. Nagpunta kami sa Mall para lang bumili ng laruang motor,” pagkasabi ko nun ay lumaki ang kanyang mga mata.
“Huwwwaaat sis?! Meaning kayong dalawa lang? O myyy!” tanong niya kaya tango ako bilang sagot.
“Meaning din, umangkas ka sa motor niya?” follow up question niya kaya tumango ulit ako.
“O my gosh sis! Ano ang amoy niya? Mabango ba? Kumapit ka ba sa bewang niya? Ano? Magkwento ka naman,”
“Daig mo pa ang imbestigador bes promise. Kumain na nga lang tayo dahil kanina pa tumutunog yung tiyan ko,”
“Ito naman. Nambibitin ka pa eh. Bakit? Hindi ka ba pinakain ni Nurse Henyo dun sa mall?”
“Hindi. Bakit naman niya ako pakakainin? Baka siya pa ang kainin ko. Pero niyaya niya ako kanina eh nag inarte pa kasi ako baka sakaling pilitin niya ako pero wala eh. Hindi pala mahilig mamilit ang Pinoy Henyo na iyon,” talaka ko pero ngumunguso nguso lang si Shane habang may tinuturo.
Paglingon ko? Nasa likod ko na pala si Nurse Camacho. Patay ka ngayon El. For sure manggagalaiti na naman ito sa galit.
“Tama. Hindi ko ugaling mamilit dahil ayaw na ayaw ko sa mga tao na nag iinarte kaya hindi ko na kasalanan kung nagutom ka nang sobra at saka bakit niyo na naman ba ako pinag uusapan? Pangalawang beses na ito ah. Mabuti sana kung hindi ko kayo nahuhuli,”
“So..sorry po. Last na po ito,” saad ko saka ngumiti.
“Imbes na kumain kayo nang tahimik, kung anu - ano pa ang pinag uusapan niyo,” sabi niya saka siya umupo sa harap ng mesa na malapit lang sa kinauupuan namin ni Shane.
Ayan na nga. Beast mode na naman ang bebe.
Akmang aalis na kami ni Shane mula sa kinauupuan namin nang tawagin kami ni Nurse Camacho.
“Bakit po?” tanong ko.
“Kunin mo yung laruang motor sa Nurse station at dalhin mo sa Pedia Ward. Ikaw na mismo ang magbigay sa bata,” utos niya kaya umoo na lang ako. No choice eh. Baka magsumbong yung bata na inaway ko siya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya kaya nagtungo kami sa Nurse station pagkatapos kumain.
Nang makuha ko ang laruan ay dumiretso na kami kaagad sa Pedia ward para ibigay kay Ethan ang laruan.
Pagkabukas ko sa room kung nasaan siya ay nadatnan namin siyang umiiyak habang yakap yakap siya ng kanyang Mommy.
Shocks! Baka kung anu- ano na ang sinabi niya. Lagot tayo nito.
“Bes, mukhang katapusan mo na,” mahinang sambit ni Shane.
“Gaga! Anong katapusan? Ieexplain ko yung side ko no,”
Naglakad ako papalapit sa bed ng bata at saka itinago ang laruan sa aking likuran,
“Ethan, may surpresa ako sa 'yo,”
Nakangiti naman ang kanyang Mommy. Kaya medyo nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
“Nurse, may toyo po eh. Nagpapabili ng laruan dahil may sinabi raw si Nurse Henyo,” mahinang saad ng kanyang Mommy.
Ngumiti naman ako saka sumenyas na huwag maingay kaya tumango naman siya.
“Ethan, diba sabi ni Nurse Henyo bibilhan ka niya ng motor. Gusto mo ba ngayon na?”
Kaagad naman siyang tumigil sa kanyang pag iyak saka humiwalay sa pagkakayakap ng kanyang ina at agad na ngumiti sabay tango.
“Tadaaaaa!” wika ko sabay labas sa laruang motor.
Kaagad niya namang kinuha iyon saka yumakap sa akin at niyakap ko naman siya pabalik. Ramdam ko kung gaano siya kasaya sa mga oras na ito.
“Tenchu po,” malambing na aniya.
“You are welcome baby Ethan. Say thank you also to Nurse Henyo ha?”
Tumango naman siya saka kaagad na ipinabukas ang kanyang laruan.
“Ethan, friends na ba kayo ni Nurse El?” tanong ni Shane at tumango naman si Ethan.
Naku! Sasabunutan ko talaga ito mamaya. Baka mahalata ng nanay niya.
“Thank you po Nurse El at sorry po sa inasal kanina ni Ethan. Nakwento po ng kasama namin dito sa room. Sinanay kasi ng Tito niya sa gadget kaya ayun po. Kapag nakakita ng cellphone, gusto nang maglaro,”
“Wala po iyon mommy. Pasensiya na rin po kayo,” sagot ko.
Hay! Mabuti na lang.
Pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa kabilang room para icheck ang vital signs ng mga bata at painumin sila ng gamot.
Mabilis lumipas ang oras at natapos na naman kami sa aming duty. Dumiretso na kami sa locker room para kunin ang aming mga gamit. Nadatnan naman namin si Nurse Camacho na nasa loob at may kinakausap sa kanyang cellphone.
“Wala ka na bang ibang ipapabili?” tanong niya sa kanyang kausap.
Pero waiiiiiiit?! My gossssh! Talo na ako. May jowa pala.
“Okay, antayin mo na lang ako diyan. Mag aout na ako,” dagdag niya.
At tumigil ang mundooooooooooo.
“Bes, may jowa naman pala. Confident ka pang magsabi ng single siya. O ayan. Magising ka na,” mega talak sa akin ni Shane.
“Bakit? Alam mo bang jowa niya yung kausap niya? Malay mo kaibigan o kamag anak,”
“Ano na namang binubulong bulong niyong dalawa diyan?” tanong niya.
Ayan na naman siya.
“Wala po Nurse Henyo. Ang sabi po namin uuwi na po kami,”
“Okay sige. Mauuna na ako,” aniya saka umalis na.
K fine. Wala akong pakialam kung may jowa siya.
HENYO
NAAWA naman ako bigla kay El dahil wala nga talagang masakyan kapag ganoong oras. Nakita ko siyang nakatayo sa labas kaya nagmadali akong kunin ang aking motor saka sumakay kaagad. Tumigil ako sa harap niya na kaagad naman niyang ikinagulat.
Ang kanyang mukha ay halatang naiinis na. Kasalanan niya 'to. Kung hindi niya lang sana pinalo sa kamay yung bata eh hindi iiyak at hindi ako mapapasubo.
Napakakupad niya talagang gumalaw.
Nang makarating kami sa mall ay kaagad na kaming nagpunta sa bilihan ng mga laruan para matapos na. Habang pumipili ako ng laruan ay hindi siya mapakali. At nagyayaya na siyang bumalik na raw kami kaagad sa hospital kaya medyo nag alala ako.
Kargo ko kasi siya kaya hindi pwedeng may masamang mangyari sa kanya kaya tinanong ko siya kung may masakit ba sa kanya.
“Nagugutom na po kasi ako kaya tumutunog na itong tiyan ko,” saad niya.
Naawa naman ako bigla dahil tanghali na at pasado alas dose na.
“Okay sige. Kakain na muna tayo bago bumalik. Saan mo ba gusto?” tanong ko ngunit sinabi niyang sa ospital na lang daw.
Okay. Madali lang naman akong kausap kaya inaya ko na siya para makabalik na kami kaagad sa SLMC.
Iniwan ko naman sa Nurse station ang binili namin saka nagtungo saglit sa office. Nagtawag naman na ang ibang nurses kaya nagpunta na kami sa break room para mananghalian.
Hindi ko inaasahan na maririnig ko na namang pinag uusapan ako ng dalawa.
Tama nga ako. Kunwari ayaw niyang kumain kasama ako pero nagpapapilit lang pala ang isang to. Ang arte arte. Hindi naman kasi ako yung taong namimilit pa. Pag sinabing gusto, eh di gusto. Pero kapag sinabing ayaw, hindi ko na pinipilit. Hindi ko ugali iyon.
Kaagad na rin akong umupo sa kabilang table para makakain na. Nang matapos silang kumain ay ibinilin ko na sa kaniya na kunin niya sa Nurse station ang laruan at ibigay kay Ethan. Tutal pinaiyak niya yung bata.
Pagkatapos kong kumain ay kaagad na rin akong bumalik sa opisin para ayusin ang kopya ng records ng mga pasenyenteng galing sa Nurse station.
Mabilis lumipas ang mga oras kaya dumiretso na ako sa locker room para makapag ayos ng mga gamit. Ibinilin ko na rin sa assistant nurse ang iba pang gagawin ng dalawang OJT nursing students na hawak ko.
Lumabas na ako para sumakay sa motor ko saka dumaan muna ako sa mall dahil may binili ako saka dumiretso na sa bahay.
ALAS otso na ng gabi nang tumawag ang assistant nurse ko na kailangan daw ako sa Pedia Ward dahil may bagong na admit na bata.
Nagmadali naman akong nagbihis saka pumunta sa hospital.
“Nurse Henyo, pasensiya na po kayo. May emergency lang po kasi sa bahay namin kaya kailangan kong umuwi,” saad ni Gretchen, ang aking assistant nurse na nakanight duty.
“Okay sige. Walang problema. Ako na ang bahala dito. Mag ayos ka na para makauwi ka na. May sasakyan ka ba?” nag aalalang tanong ko.
“Meron po. Nagpasundo na po ako,” sagot naman niya.
“Okay sige sige,” sabi ko at kaagad naman siyang umalis.
May dengue ang bata at kailangang salinan ng dugo. Nacheck na rin iyon ni Doc. Guevara. Chineck namin ang kanyang vital signs and all. Minadali namin ang mga test para mabilis ding maagapan ang pasyente saka namin dinala sa room.
Binilin ko na rin ang ibang nurse sa kanilang mga gagawin saka ako nagtungo sa opisina para ayusin ang records ng bata.
Nang makaramdam ako ng antok ay lumabas muna ako sa ospital para kumain at magkape. Marami rin kasing kantina sa labas ng ospital kaya hindi kami nahihirapang maghanap kapag gusto naming kumain.
Nadatnan ko naman doon si Tonyo na isang nurse sa Intensive Care Unit.
“Nurse Henyo, baka gusto mo ng balot. Mainit init pa,” pang aalok niya dahil siya ay kumakain din.
“Sige ba. Bigyan mo ako ng isa,”
“Anu ba yan. Hindi naman ako yung nagbebenta nito eh,” natatawang aniya kaya naman yung babaeng tindera na ang nagbigay sa akin.
“Naiba na ba ang schedule mo?” tanong niya.
“Hindi. Yung dati pa rin pero may emergency kasi kanina yung assistant nurse ko kaya kailangan kong bumalik. Ganun naman talaga ang trabaho natin, kapag kailangan kahit hindi oras ng duty, kailangang pumunta,”
“Naks! Oo nga eh. Mahirap pero at least kinakaya natin para sa mga paseyente. Kaya nga gabi gabi akong kumakain ng tig isang balot para naman hindi bumagsak ang katawan ko. Mahirap ang propesyon natin pero kakayanin,” aniya.
Walang madaling propesyon lalo na kapag isa kang public servant ngunit makita mo lang ang ngiti ng mga taong natutulungan mo, gumiginhawa na rin ang pakiramdam mo. Kumbaga yung mga ngiti nila ang nagsisilbing bayad sa kapaguran mo.
“Maiwan na kita Nurse Henyo. Babalik na ako sa loob. Magbibigay pa kasi ako ng gamot,” paalam niya.
“Sige sige Nurse Tonyo. Susunod na rin ako,” sagot ko.
Pagkaubos ko ng balot ay nagpatimpla naman ako ng kape para hindi ako antukin. Pagkatapos nun ay bumalik na rin kaagad ako sa loob at nagtungo sa opisina.
Ini- scan ko lang ang mga records na binigay ng mga nurses sa Pedia Ward. Habang tinitingnan ko ang mga iyon ay bumibigat na rin ang talukap ng aking mata. Kaya naman pumikit pikit ako at saka nag inat baka sakaling mawala ang antok ko ngunit hindi ko na talaga namalayan.
Nagising ako dahil sa pagpasok ni El at Shane. Kaya kinusot kusot ko muna ang aking mata bago iminulat nag mga ito.
“Good morning Nurse Henyo. Coffee po,” offer ni El. At si Shane naman ay may bitbit na bread.
Bakit ang aga naman yata ng dalawang ito? Tiningnan ko ang oras mula sa aking cellphone at nagulat ako dahil pasado alas otso na pala.
“Salamat. Pakilapag na lang diyan at magsimula na kayo sa duty niyo,”
“Nurse, ito na po. Nagsisimula na kami,” ani El.
Pagkasabi niya ng ganun ay kaagad namang kumunot ang noo ko. Anong nagsisimula?
“Ah ang ibig po niyang sabihin Nurse Henyo. Magsisimula na po kami. Sige po,” paalam ni Shane saka sila lumabas. Ako naman ay nagtungo na ako sa locker room.
Mabuti na lang at nakapagdala na ako ng damit ko kaya hindi na ako uuwi. Tumawag naman na ako sa bahay kaya ayos lang iyon.
Pagkatapos kong magkape ay nagtungo na ako sa banyo para makaligo. Mabuti na lang at wala pang masyadong tao.
Lumabas muna ako sa ospital pagkaligo ko at saka nagtungo sa kantina. Parang gusto ko kasi ng mainit na noodles ngayong umaga.
Pagkakain ko ay nagpunta na ako sa Pedia Ward para bisitahin ang mga pasyente.
“Good morning Nurse Pogi,” bati sa akin ni Kate habang binibihisan siya ng kanyang Mama dahil madidischarge na siya ngayong araw.
“Good morning baby. Congratulations dahil magaling na ikaw,” masayang saad ko saka naman siya ngumiti.
“Magaling po kasing mag alaga ang nurse ko eh tapos ang pogi pogi pa po,” aniya na parang kinikilig.
“Naku. Bolera talaga ang baby girl na ito. O siya, huwag ka nang magpapasaway ha para hindi ka na bumalik dito sa ospital,”
“Ihhh. Gusto kong bumalik dito,” sabi niya saka lumapit sa akin at niyakap ako. Malambing na bata kasi itong si Kate.
“Ahh? Gusto mo ulit magkasakit tapos maturukan ng injection? Masakit yun,”
“Ayaw ko na po. Gusto po kitang bisitahin soon,”wika niya saka ngumiti.
“Ah okay. Sige ba, aasahan ko yan,” sambit ko saka naman siya tumango at bumalik sa mama niya.
“Thank you po Nurse,”
“Walang anuman po Ma'am,”
Saka ako lumabas sa room at pumasok sa kabila. Lumapit naman ako sa bed ng isang batang mahimbing na natutulog. Nagtaka ako dahil parang namumutla siya kaya kinapa ko ang kanyang noo at sobrang init niya.
Supposedly wala na siyang lagnat dapat ngayon dahil hindi naman nakakaligtaan ng mga nurse ang magbigay ng gamot.
Kaagad kong tinawagan ang nurse na nakaassign sa bata.
“Nurse, ibinilin ko po sa OJT kanina pang mga 7:30,”
“Sinong OJT?”
“Si Ms. Castillo po,”
Si El? Ano ang ginawa niya? Bakit antaas ng lagnat ng bata?
End of Chapter Five