Chapter Six

2945 Words
Chapter Six HENYO PINATAWAG ko kaagad si El at binilin sa nurse na papuntahin siya sa office ko. Hindi ko na papalagpasin pa ang ginawa niyang 'to. Hindi tamang makaligtaaan niya ang gamot ng bata. Yun yung unang unang iisipin niya. Hindi ba niya alam iyon? “Hi po Nurse Camacho. Bakit niyo po ako ipinatawag?” nakangiting aniya pagkapasok pa lang sa opisina. “Saan ka galing?” “Galing po ako sa labas. May binili lang po,” “Umupo ka at may pag uusapan tayo,” maawtoridad kong saad. Sinunod naman niya kaagad ang sinabi ko saka tinanong kung ano ang pag uusapan namin. “Wala ka bang nakaligtaang gawin kanina?” “Wala naman po. Bakit po?” “Nagpunta ka ba sa Room 8?” “Opo. Bakit nga po?” “Alam mo bang may inaapoy na ng lagnat na bata doon dahil nakaligtaan mong painumin ng gamot?” “Po?! Sino po?” sabi niya pero binigyan ko siya ng konting oras para isipin niya iyon. “So...sorry po Nurse. Bumili lang po ako ng Pine-Apple juice dahil hindi po ako makapagbawas at sumasakot po ang tiyan ko,” saad niya saka yumuko. “Putcha Ms. Castillo!” litanya ko saka ako tumayo mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair at siya naman ay nanatiling nakayuko. “Nandoon sa kwarto yung bata. Napakataas ng lagnat. Kailangan mo bang unahin yang sarili mo kesa sa pasyente? Nakalimutan mo ba talaga o sinadya mong hindi painumin?” “Na..nakalimutan ko po kasi dumiretso na po ako sa Comfort Room kanina,” “Ano bang klaseng dahilan yan ha? Nurse ang kinuha mong kurso. Alam mo namang pasyente ang inuuna kaysa sa sarili diba?! T*nga ka ba?” “So..sorry po talaga,” mahinang wika niya na halatang paiyak na. “Gusto mo ba talagang gampanan ang trabaho ng isang nurse o gusto mo lang matawag na nurse?! Tanungin mo yang sarili mo. Diba sinabi kong ayaw ko ng tat*nga t*nga? Ayaw ko nang nagmamagaling! Hindi mo ba iyon naintindihan?” Naririnig ko na siyang humikbi pero hindi ako naawa sa kanya dahil may pananagutan siya. “Wala ka ng ibang ginawa kundi ang pumalpak Elorde mula noong unang araw hanggang ngayon. Hindi ka ba natututo sa unang pagkakamali mo?” “Pinalampas ko yung mga nakaraang kapalpakan mo, mga kalokohang ginawa mo. Pero ito? Hindi na pwedeng palampasin ito. Magpasensyahan na lang tayo,” “So.. sorry na po Nurse Henyo. Hi..hindi na po mauulit. Pangako po,” aniya habang umiiyak pa rin. “Huwag niyo lang po akong ireport sa school namin. Pangako pong hindi ko na uulitin. Hindi na po ako papalpak,” dagdag niya. “Hindi! Kailangan matuto ka. I will send a letter sa Campus Executive officer at sa Dean niyo. Hindi na ako magtitiwala pa,” wika ko saka ako umupo ulit at binuksan ang laptop ko at nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Nurse Henyo. Please po. Nakikiusap po ako sa inyo. Pagagalitan po ako ng mga magulang ko at baka po matanggal ang scholarship ko,” sabi niya nang nakahawak pa rin sa kamay ko habang umiiyak. “Masyado na yang kalokohan mo Ms. Castillo. Tandaan mo na nandito ka para magOJT dahil isang taon na lang ay gagraduate na kayo. Magpasensiyahan na lang tayo pero hindi pwedeng hindi malaman ng school niyo ito dahil involve ang pasyente sa nangyaring ito. Mapapalagpas ko pa yung pagtulog tulog mo pero iba ito. Huwag ka munang pumasok hanggang Martes next week,” “I will send an email to your school. Sige na. Maaari ka nang lumabas,” “Nurse. Please po. Huwag niyo na pong gawin. Parang awa niyo na po,” saka siya humagulgol. “No. You should learn from your mistakes. Now, go out. Leave the room and magpahinga ka muna sa bahay niyo,” Binitiwan niya ang kamay ko saka pinahid ang kanyang luha at walang imik na lumabas mula sa aking opisina. Kailangan kong gawin ito dahil buhay ng pasyente ang involved. Kailangan malaman ng school ang performance nila sa kanilang OJT. Pagkatapos kong gumawa ng letter para sa CEO at Dean ng San Lorenzo University ay nagtungo muna ako sa room ng pasyente para icheck kung okay na ba ang kalagayan niya. Pagkarating ko doon ay nadatnan ko naman si Shane at ang isa pang nurse doon. Kinukuhanan niya ng body temperature ang bata. “Kamusta siya?” tanong ko. “He is fine po Nurse Henyo. Bumaba na rin po ang lagnat niya,” sagot ni Shane “Very good. Next time, ayaw ko nang mangyari pa ito dahil hindi lang ako o ang ospital ang mapapahamak kundi pati na ang buhay ng bata,” mahinang wika ko saka naman sila tumango pareho. “Shane, puntahan mo muna si El,” utos ko at sinunod naman niya kaagad ang sinabi ko. Wala akong pakialam kung kainisan ako ng mga OJT nursing students ngayon. Hindi pupwede sa akin ang ganitong mga pangyayari. Bahala na sila kung isumpa nila ako. Wala akong pakialam. ELORDE KATATAPOS ko lang inumin yung binili kong Pine-Apple juice. Hindi kasi ako makapagbawas ng maayos kaya kailangan kong uminom ng ganun. At ilang saglit lang ay ready nang lumabas ang kanina ko pa hinihintay kaya halos patakbo akong nagtungo sa Comfort Room. And yes! It is a success. Pinagpawisan pa ako doon. Pasado alas nuwebe na kaya nagtungo na ako sa Pedia Ward. Habang naglalakad ako ay sakto namang nakasalubong ko ang isang nurse. “Elorde, pumunta ka raw sa office ni Nurse Camacho,” “Bakit daw?” tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. Kaya nagmadali akong pumunta roon dahil naeexcite ako sa kung ano man ang pag uusapan namin. Pagkapasok ko doon ay nakangiti pa akong bumati sa kanya pero iba ang kanyang mood. May kasalanan ba ako? At nang tanungin niya ako kung may nakaligtaan ba ako, naalala kong may hindi pa pala ako napapainom na pasyente. Shocks! Lagot ako nito. Alam kong iyon ang kasalanan ko pero binigyan niya ako ng pagkakataong isipin kung ano iyon. Saka ako nagsorry sa kanya pero hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil galit na galit na siya. Galit na ngayon ko lang nakita dahil hindi naman siya ganito kagalit sa mga nagdaan kong kapalpakan. Ano ba ang nangyari sa bata? Nakaligtaan ko lang namang painumin ng gamot. “Nandoon sa kwarto yung bata. Napakataas ng lagnat. Kailangan mo bang unahin yang sarili mo kesa sa pasyente? Nakalimutan mo ba talaga o sinadya mong hindi painumin?” galit na saad niya. Ano? Mataas ang lagnat? Goshhh. I am sorry po. Hindi naman ako papayag na hindi niya pakinggan ang side ko kaya I tried to explain. Hindi naman masamang depensahan ang sarili ko diba? “Ano bang klaseng dahilan yan ha? Nurse ang kinuha mong kurso. Alam mo namang pasyente ang inuuna kaysa sa sarili diba?! T*nga ka ba?” Paulit ulit ko paring sinasabi ang sorry dahil alam kong may kasalanan ako at natatakot ako sa inaasta niya ngayon. Ganito ba siya magalit? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag unahan na nga ang mga luha ko. Madali lang kasi akong masaktan eh. “Gusto mo ba talagang gampanan ang trabaho ng isang nurse o gusto mo lang matawag na nurse?! Tanungin ko yang sarili mo. Diba sinabi kong ayaw ko ng tat*nga t*nga? Ayaw ko nang nagmamagaling! Hindi mo ba iyon naintindihan?” Masakit na siyang magsalita. Oo may kasalanan ako pero kailangan niya bang sabihin ang mga ganoong salita? Hindi na lang ako umimik dahil alam kong mas matanda siya sa akin at siya ang head nurse namin pero masyadong masakit na kasi ang mga sinasabi niya. “Wala ka ng ibang ginawa kundi ang pumalpak Elorde mula noong unang araw hanggang ngayon. Hindi ka ba natututo sa unang pagkakamali mo?” Pinagalitan lang niya ako nang pinagalitan hanggang sa sabihin niyang irereport niya ako sa school. Nagmakaawa ako dahil kapag nalaman iyon ng mga magulang ko ay pagalitan nila ako at baka mawala ang scholarship ko and worst baka hindi ako grumaduate. Huwag naman sana. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya umiyak na lang ako nang umiyak. Pinigilan ko pa siya ngunit desidido na talaga siyang mag email sa school. “No. You should learn from your mistakes. Now, go out. Leave the room and magpahinga ka muna sa bahay niyo,” Binitiwan ko ang kanyang kamay saka pinahid ang aking luha. Wala na akong magagawa. Kasalanan ko rin naman. Lumabas ako ng silid na iyon na para bang pasan pasan ko ang buong daigdig. Wala na. Tapos na. Siguradong hindi ako makakatapos nito. Patuloy pa rin akong umiiyak hanggang sa makarating ako sa locker room para kunin ang mga gamit ko. Magpapaliwanang na lang ako sa mga magulang ko. Sana lang ay hindi nila ako pagalitan nang todo. Ngunit nang maisip ko ang Papa ko na nasa abroad, nadudurog ang puso ko. Tan**na. Napaupo na lang ako at saka naihilamos ang aking mga palad sa aking mukha. “Sh*t napakabobo mo talaga Elorde! Hindi ka nag iisip. Bakit kasi sobrang napakamakakalimutin mo! Ayan tuloy!” talak ko saka ko pinagsusuntok ang aking ulo at patuloy pa rin ako sa pag iyak. Kinakausap ko na ang sarili ko dahil nababaliw na ako kung ano ang gagawin ko. Tiyak hindi na magbabago ang isip ni Nurse Henyo dahil ganun naman siya eh. Kung ano yung sinabi niya, yun na yun. “Bes, hoy ano ba ang nangyayari sa 'yo? Bakit ka umiiyak at bakit mo pinagsusuntok yang ulo mo?” sabi ni Shane saka inawat ang kamay ko. Sumandal lang ako sa kanya habang patuloy paring umiiyak. “Ano ba ang sinabi ni Nurse Henyo sa 'yo? Pinagalitan ka ba niya? Ano? Sabihin ko naman,” Pinahid ko ang luha ko saka ako tumayo. “Mukhang hindi na ako makakagraduate bes. Nagsend na kasi ng letter si Nurse Camacho sa CEO ng school at sa Dean natin. Napakatanga ko eh. Inuna ko pa kasi ang sarili ko kesa sa pasyente,” “Kausapin mo siya. Baka sakaling magbago pa ang isip ni Nurse Henyo. Hindi mo naman intensyong kalimutang painumin yung bata eh,” wika niya sabay hagod sa likod ko dahil umiiyak na naman ako. “Saka ko na siya kakausapin bes. Pinauuwi na nga niya ako eh at hindi na raw muna ako papasok hanggang Martes,” “Ako na ang kakausap baka sakaling pumayag siya,” “Huwag na Shane. Diba nga sabi niya, ayaw niya yung namimilit. Kaya huwag na bes. Hayaan mo na,” Kinuha ko ang bag ko saka ko isinabit sa aking balikat. “Saan ka pupunta ngayon?” “Uuwi na ako. Sana lang ay wala pa si Mama sa bahay dahil hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko,” “Kaya mo bang umuwi mag isa? Sasamahan na kita,” “Kaya ko na bes. Baka madamay ka pa. Sige na. Mauuna na ako. Iupdate mo na lang ako,” tugon ko saka ko siya tinalikuran at naglakad palabas. “Ma'am saan po kayo?” tanong ng tricycle driver. “Sa Calle Venus po kuya,” “Sige po. Sakay na po kayo,” Pagkasakay ko ay lutang ang isip ko at kinakabahan ako habang papalapit sa bahay namin. “Ma'am,” tanong ng tricycle driver kaya kaagad ko naman siyang nilingon. “Nakadaming tanong na ako pero tulala po kayo diyan. May problema po ba kayo? Ngiti naman po kayo ang ganda ganda ng araw oh,” “Pasensiya na po. Marami lang po akong iniisip,” “Ganun po siguro talaga kapag nursing student. Pati nga po yung anak ko eh. Ganyan din po noong nagOJT. Lagi raw kasi siyang napapagalitan pero sa.awa ng Diyos, hindi naman siya sumuko kaya ayun, Registered Nurse na siya at naasign sa San Agustin. Kaya kung ano man yang pinagdadaanan mo, maaayos din yan,” aniya saka ako ngumiti. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko base sa sinabi ni kuya. Madami pa siyang kwinento hanggang makarating kami sa bahay. Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya saka pumasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at wala pa si Mama kaya walang magtatanong kung bakit namumula ang mga mata ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko saka kumuha ng pamalit at nagtungo sa kusina dahil ramdam ko na ang gutom dahil sa pag iyak iyak ko kanina. Pagkakain ko ay pumunta na ako sa kwarto para magkulong at magmukmok dahil sobra akong kinakabahan. Hindi ko maexplain kung ano itong nararamdaman ko. Ano na ang mangyayari sa akin? Paano ko sasabihin kay Mama na hindi ako papasok hanggang Martes? Gossssh! Naiistress na ako. Ano ang gagawin ko? Nang mapagod akong nag isip ay nakaramdam ako ng antok kaya napagpasyahan kong matulog muna. Nagising ako ng mga bandang alas dos dahil dumating na ang pinsan kong si Jake. Lumabas ako mula sa kwarto dahil nagugutom ako. “Oh Ate, maaga ka yata?” tanong niya kaya tumango lang ako. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. “Ikaw bakit ang aga mo? Baka gumala ka na naman ah,” “Hindi ah. Wala na kasi kaming klase kapag ganitong oras kaya umuwi na lang ako kesa tumambay doon,” “Mabuti naman. Magbihis ka na at bumili ka ng hopia doon sa bakery at magtitimpla ako ng juice,” saad ko sabay kuha ng pitsel sa ref. “Ayun! Sakto nagugutom din kasi ako eh,” Kaagad namang sumunod si Jake sa sinabi ko kaya nagsimula na rin akong magtimpla ng juice. Pagkalipas ng dalawang oras ay nakauwi na rin si Mama. Shocks! Baka mahalata niyang umiyak ako. “Maaga ka yatang nakauwi nak?” aniya saka naman ako tumayo at nagmano sa kanya. “Kaninang tanghali pa po yata yan nandito tita. Kagigising niya lang po kaninang dumating ako mga bandang alas dos,” sabad naman ni Jake. Kinakabahan ako. “Hindi ba kayo nagduty?” tanong ulit ni Mama. My gosssh! Ano ang sasabihin ko. “Ah Meron po Ma. Umuwi po ako kasi sumakit yung tiyan ko. Uminom na po ako ng gamot kaya ayos na po ako,” pagdadahilan ko pero totoo namang sumakit kanina doon sa ospital. “O siya sige. Magluto na ka na dahil may icocompute lang ako. Ipasok mo na sa tindahan yung mga pinamili ko Jake,” Galing kasi si Mama sa bayan at malamang nagtagal na naman siya sa bahay ng kumare niya. Ilang sandali lang ay dumating si Shane at mula sa labas ay rinig ko na ang boses niya. Isa pa 'to. Baka magkwento na naman kay Mama. “Pasok ka anak. Nasa kusina si El, nagluluto,” “Sige po tita,” rinig ko namang sagot niya. “Oy girl. Ano? Nagmukmok ka ba maghapon?” “Hindi no. Bakit ko naman gagawin yun? Kanina lang yun at kaya kong lusutan, saka papakiusapan ko na lang ulit si Nurse Henyo,” “Ayun! Mabuti naman at hindi ka nagseself pity. Bumawi ka na lang. Ipakita mo na kaya mo at hindi mo na uulitin pero paano mo siya kakausapin? Hindi ka naman pinapapasok hanggang Martes?” “Eh di imessage ko siya,” “May number ba siya sa 'yo?” tanong niya saka naman ako umiling iling. “Haller, may f*******: naman no at saka i********:. Hanapin mo na lang siya doon tapos ichat mo,” suhestiyon niya. Oo nga no? Mabuti na lang at may isip itong ko. “Siya nga pala bes. Speaking of Nurse Henyo, may pinabibigay siya sa 'yo?” Kaagad namang nagliwanag ang mukha ko pagkasabi niya iyon. Gosh! Ano kaya 'yon? “Bilisan mo bes. Naeexcite na ako,” “Wait lang naman. Nandoon sa sofa. Nilapag ko doon. At saka bakit nakangiti ka na diyan? Eh mga papel lang naman yung binigay niya. Basahin ko raw habang hindi ka nakaduty,” natatawang aniya. B*set! Akala ko naman kung ano na. “K ah. Pakisabi salamat at saka nakapagsend na kaya siya ng letter sa school?” “Ewan ko. Bago ako umuwi kanina, narinig ko namang may kausap siya sa telepono. Patay ka Elorde Ysabelle kapag nagkataon,” Pagkasabi niya iyon ay biglang sumikip ang dibdib ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Paano nga kaya kapag nasabi na niya? “Let us pray na lang na hindi pa and if ever nakapagsend na siya, I will help you to explain your side,” aniya. Iniisip ko pa lang yung mga posibleng mangyari kapag naifeedback na iyon sa San Lorenzo University, ay nanlulumo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Patuloy namang pinagagaan ni Shane ang pakiramdam ko pero syempre hindi pa rin mawala yung kaba ko. Pagkatapos naming magmeryenda ay nagpaalam na rin si Shane. Nang makapagdinner kami ay nagshower na ako saka pumasok sa kwarto. Naupo ako sa kama at tulala na tila ba pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko na naman napigilan ang pagbuhos ng aking luha nang maalala ko ang nagawa ko. Kapag nalaman ng school? Paano na ako? Paano na ang pangarap ko? Nang mapagod akong umiyak ay natulog na ako. Bahala na kinabukasan kung ano man ang mangyayari. NAGISING ako ng mga bandang alas sais na dahil kinatok ni Mama ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. Huwebes pa lang ngayon at malamang magtataka siya kung bakit hindi pa ako lumalabas. Kaagad naman akong bumangon at nagtungo sa kusina para sabihin na hindi ako papasok. Dinahilan ko na lang na next week ang resume ng duty ko. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong. Hindi na rin ako bumalik sa kwarto kahit inaantok pa ako kaya nagluto na lang ako dahil may inaayos si Mama sa tindahan. Nagtimpla muna ako ng kape bago nagprito ng hotdog saka itlog para may baunin ni Jake. “Wala ka bang duty ate?” “Wala. Sa Martes daw ulit,” simpleng sagot ko. “Pati rin si Ate Shane? Next week din ang duty?” “Hindi. May duty siya ngayon pati bukas. Ako lang ang wala,” “Sabihin mo nga sa akin, hindi ka ba pinagduty o ano?” Imbestigador din ang isang to. “Wala akong duty ano ba. Kumuha ka na ng mga plato para makakain na tayo. Napakachismoso mo,” “Poging chismoso,” aniya sabay kindat. Pogi naman kasi talaga siya kaya bet siya ng lukaret kong friend pero bata pa kasi kaya huwag muna. Pagkakain namin ay naghugas na rin ako ng plato saka nagtungo sa kwarto dahil aaralin ko pa ang nga binigay ni Nurse Henyo. Mag aalas dyes na noong magsimulang wala na ako sa focus dahil iniisip ko pa rin yung nangyari. Paano kung biglang tumawag ang Dean namin o di naman kaya ang CEO? Lagot talaga ako nito. Nagpagulong gulong lang ako sa kama dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi pwedeng hindi ako gumraduate dahil malilintikan ako sa mga magulang ko. Hindi pwede iyon. Sinubukan ko ulit magfocus nang sa ganon ay mawala ang mga negatibong gumugulo sa isip ko. Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong tiningnan iyon pero hindi ko masabi kung sino dahil unknown number naman siya. Kaya bigla akong kinabahan nang sobra. May gossh! Ito na nga ba ang sinasabi ko! Baka si Dean na ito or ung CEO sa school. Ano ang gagawin ko? Ano ang sasabihin ko? End of Chapter Six
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD