Chapter Seven
ELORDE
NANGINGINIG ang kamay kong pinindot ang 'answer' sa phone ko saka ko inilagay sa aking tenga.
Help me Lord. Baka po pagalitan na ako.
“He..hello po,” saad ko saka kinagat ang ibabang labi ko at pumikit.
Jusko! Katapusan na po ba ng pangarap ko? Huwag naman po sana.
“Hello Ms. Elorde Ysabelle Castillo,” sabi ng nasa kabilang linya.
Shocks! Mukhang ang Campus Executive Officer nga ng school.
“He..hello po sir. Good morning po. Ano po ang maipaglilingkod ko?” tanong ko.
“Please report here at San Lorenzo Medical Center. Kulang ng nurse dito sa Pedia ward kaya bilisan mo,” maawtoridad na wika ng nasa kabilang linya.
San Lorenzo Medical Center? Pedia Ward? Ibig sabihin hindi si CEO yung tumawag?
O m g! Ligtas na ba ako? Pero wait? Sino itong kausap ko?
“Ms. Castillo, did you hear what I just said? Bilisan mo kung ayaw mong tuluyan kong isend ang letter sa school niyo. Before mag alas onse, dapat nandito ka na,” aniya saka namatay ang tawag.
Juice coloreeeeeeeed! Is it real?!! Si Nurse Henyo yung tumawaaaaaaaag! My gosh.
Mabilis pa sa alas kwatro ang galaw ko kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo. Mahaba na yung limang minuto kaya ginawa ko na lang na apat. Char!
10:25 na nang matapos ako sa lahat ng kaekekan ko kaya kinuha ko na ang lahat ng gamit ko saka nagtungo sa tindahan para magpaalam kay Mama.
“Akala ko ba next week ka na ulit magduduty?” tanong niya sabay abot sa ng pera.
“Pinatawag po ako Ma eh. May absent daw po na nurse sa Pedia ward kaya kailangan kong pumunta doon. Alis na po ako Ma,”
“Okay sige anak. Mag iingat ka,”
Kaagad akong nag abang ng tricycle at mabuti na lang dahil dalawang minuto lang akong nakatayo at saka naman dumating ito.
“Kuya sa San Lorenzo Medical Center po,” saad ko.
Kagaya nang sinabi ni Nurse Camacho ay dumating ako doon bago pa mag alas onse. Dumiretso muna ako sa Nurses' locker room para ilagay ang mga gamit ko at saka mag ayos.
Nagmadali naman akong pumunta sa Pedia Ward para kausapin si Nurse Henyo.
Pagkarating ko doon ay sinabi ng isang nurse na nasa Nurse Station daw siya kaya nagtungo naman ako kaagad doon.
“Good morning po Nurse Henyo,” bati ko sa kanya saka naman siya tumango bilang sagot.
Himala ah. Sumasagot na siya kahit tango lang. Dati kasi hindi eh. Bumait na ba siya?
“Icheck mo yung vital signs ng bata sa Room 7 bago mo painumin ng gamot. Mamaya na tayo mag usap sa office after lunch,” aniya kaya tumango rin ako bilang sagot saka ngumiti.
Umalis na rin siya kaya kaagad na akong nagtungo sa Pedia Ward para sa inutos niya.
Nadatnan ko naman si Shane sa Room 7 na nagpapainom ng gamot doon sa isang bata at nagulat siya sa pagdating ko. Dahil may ginagawa siya ay nginitian ko na lang siya saka dumiretso sa batang papainumin ko ng gamot.
Pagkatapos kong icheck ang body temperature at blood pressure niya ay lumabas na rin ako kasama si Shane.
“Girl bakit ka nandito? Nakita ka na ba ni Nurse Henyo? Nandito ka ba para kausapin siya?” sunod sunod na tanong niya na parang reporter.
“Bes, tinawagan niya akooooo,” saad ko saka tumili ng impit.
“Totoo ba? Baka ineechos mo lang ako ah. Ano ang sinabi niya?”
“Pinapunta niya ako rito. At saka hindi pa siya nakakapagsend ng feedback sa school kaya ligtas na ako bes. Makakahinga na ako nang maluwag,”
“Mabuti naman kung ganun. Nag usap na ba kayo?”
“Later na lang daw. Pagkatapos kumain kaya naman dalhin na natin ito sa nurse station at dumiretso na tayo sa break room. Kararating ko lang at hindi na ako nananghalian sa bahay dahil nagmadali na akong pumunta rito,” sabi ko sabay hila sa kanya.
“Aray ko ah. Pero nireremind lang kita ha, baka may jowa na yang si Nurse Henyo,”
“Wala akong pakialam. Basta, crush ko siya at malay natin, magustuhan niya rin ako,” maarteng saad ko pero binatukan lang ako ng kaibigan ko.
Ang harsh ah.
“Sinasabi ko sa 'yo Elorde,”
“Char lang. Syempre hindi na ako papalpak at sinisiguro kong magiging proud din siya sa akin. Patutunayan ko na sa kabila ng mga kapalpakang ginawa ko ay pupurihin niya rin ako. Trust me. Gumamit ako ng trust pills,”
“Trust pills mo mukha mo. Mag dianne pills ka nga para naman lumaki laki yang bogelya at pu*et mo,”
“Malaki naman ah,”
“No comment,” natatawang aniya kaya kinurot ko siya sa kamay.
NANG matapos kaming kumain ay nagtungo muna ako sa locker room. Syempre mag aayos pa ako. Nakakahiya naman kung may tinga pa ako tapos bigla akong ngumiti. Baka mas lalo lang magalit sa akin si Nurse Henyo.
“Bes antayin mo na lang ako mamaya sa nurse station. Kailangan ko nang pumunta sa office ni Nurse Camacho,”
“Oo na. Magmouth wash ka. Binagoongan pa naman yung inulam natin,”
“Noted girl. Bye,”
Pagkaayos ko sa sarili ko ay naglakad na ako papunta sa opisina niya. Siyempre with poise and grace.
I knocked three times bago ko pinihit ang door knob.
“Hi po Nurse,” bati ko saka ngumiti nang malawak.
“Please take your seat,” utos niya kaya kaagad naman akong umupo.
“Bakit hindi ka sumasagot kanina?” aniya.
“Akala ko po kasi kayo yung Dean or CEO ng school namin. Nabigla lang po ako. Pasensiya na po,”
“Natatakot ka pala kapag tumawag sila sa 'yo,”
“Siyempre naman po. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag may nagawa kang kasalanan tapos maisusumbong ka,”
“Ngayon narealized mo na ang pagkakamali mo? Sana kasi nagbilin ka na lang sa iba,”
My gus! Mukhang sesermonan na naman niya ako. Ang ganda ganda ng araw ko eh.
“Pasensiya na po talaga. Hindi na po mauulit. Promise po babawi ako,”
“Siguraduhin mo lang Ms. Castillo na hindi ka na papalpak dahil kapag pumalpak ka pa ng isang beses, at patients na naman ang involve, talagang isesend ko na itong letter. Nakagawa na ako kaya ayusin mo yang trabaho mo,”
“Opo Nurse. Salamat po,”
“Very good. Any way, naibigay na ba sa 'yo ni Shane yung mga ipinabibigay ko sa kanya?”
“Yes po. Ibinigay niya po kahapon,”
“Okay. Basahin niyo ang lahat ng iyon para hindi na kayo mahirapan. Now, do your work. Gusto ko nang maayos,”
“I promise po. Babawi po ako,” sagot ko saka ngumiti.
“Pagpasensiyahan mo na rin yung mga nasabi ko. Nadala lang ako dahil pagod ako sa mga oras na iyon,”
O my gus! Talagang bumabait na siya sa akin. Is this real?
Ngumiti na lang ako sa kanya pagkasabi niya ng mgai iyon.
Nagpaalam na rin ako sa kanya saka nagtungo sa Nurse station.
Well. Happy na ako at least wala na akong iisipin kaya babawi ako kagaya nang sinabi ko. Hindi na ako papalpak promise.
Pagkarating ko sa Nurse station ay niyaya ko na si Shane para magpunta sa Pedia ward.
“Ano ang sinabi ni Nurse Henyo sa 'yo girl?” tanong kaagad ni Shane habang naglalakad kami patungo sa Pedia ward.
“Hindi naman niya ako pinagalitan or what. Binilin niya lang ako na dapat hindi na raw ako pumalpak dahil kapag nakaisa pa ako, good bye na,”
“Good bye? Anek?”
“Meaning, itutuloy niya na raw ang pagrereport sa akin kaya this time, hindi na talaga ako gagawa ng kalokohan,”
“Ah see. Very good kung ganon bes. Mahirap na kapag naireport ka. Shongkal ka na ditey kapag nagkataon,”
“At saka alam mo ba bes, mukhang nagbago na si Nurse Henyo. Hindi tulad ng dati na halos hindi pa siya magresponse kapag binabati natin. Parang bumait na siya,”
“Mabait naman daw talaga siya ayon sa mga nurse na nadito sa Pedia ward. Yun nga lang, masungit daw siya sa mga taong nagmamagaling at pasaway na kagaya mo,” natatawang sagot niya.
“Ay grabe siya. Hindi naman ako nagmamagaling, pasaway lang,”
“Oo na. Nalaman ko din na hindi pala siya taga San Lorenzo girl dahil taga San Gabriel pala siya,”
“True ba? Kaya pala maaga siyang umuuwi. Pero bakit nadatnan natin siya kahapon na natutulog sa office niya?”
“Nagnight duty daw siya. Kasi nga may bagong naadmit na pasyente tapos si Nurse Gretchen naman na kanyang assistant nurse na nakanight duty ay umuwi dahil nagkaproblema raw sa kanilang bahay,”
“Ah see. Araw araw pala siyang bumabyahe. Minsan nga umangkas tayo,” pagbibiro ko at nakakuha naman ako ng sabunot mula sa kanya.
“Ayan! Feeling jowa te?”
“Bakit? Pwede lang naman. Ang bango kaya niya kung alam mo lang. Ang sarap niya kayang yakapin,”
“Ihhh, si Jake lang ang gusto kong maamoy girl,”
“Gaga! Hindi pa pwede no. Yung nurse na lang na nakita mo noon. Pagpantasyahan mo na lang,” suhestiyon ko.
Bata pa yung pinsan ko kaya huwag muna. Paulit ulit kong sinasabi.
“Ayaw ko na yun. Nakita ko kahapon sa labas may kasama siyang girl. Baka jowa niya kasi nakayakap pa sa kanya,”
“Awit! Kawawang Shane,” saka nagpunas ako ng mata kunwari.
“Epal ka. Akala mo naman walang jowa yung bet niya,” natatawang aniya.
Saka ko naman siya tinampal ng slight. Tumigil lang kami nang pumasok na kami sa patient's room 12 para magcheck ng vital signs at magbigay ng gamot.
Ito lang naman ang ginagawa ng mga nurse sa Pedia Ward kaya hindi naman masyadong nakakapagod.
Pagkatapos naming gawin ang dapat gawin ay dumiretso na kami sa study room para pag aralan ang mga binigay ni Nurse Camacho sa amin.
HENYO
MAAGA akong umuwi sa bahay kahapon dahil dirediretso naman ang duty ko pero maaga din akong pumasok dahil baka abutin ako ng traffic sa daan. Market day kasi ngayon sa San Gabriel kaya maaga akong umalis ng bahay.
Naabutan ko naman si Shane sa Nurse station dahil dumiretso ako doon bago nagtungo sa locker room.
Oo nga pala. Hindi ko pala pinapasok si Elorde kaya mag isa si Ms. Ramirez ngayong araw.
Pagkagaling ko sa locker room ay nagtungo na rin ako sa opisina.
Binuksan ko kaagad ang laptop ko para hanapin ang letter na isesend ko sana sa CEO ng San Lorenzo University pero dahil nasabi ni Shane na buong araw daw umiyak si Elorde ay naawa ako kaya binura ko agad ang letter.
Wala namang nangyaring masama sa bata at naagapan naman kaagad saka kailangan talagang unahin ni Ms. Castillo ang sarili niya sa mga oras na iyon. Ang mali lang niya ay dapat nagbilin siya sa ibang nurses para hindi inapoy ng lagnat yung bata.
Anyway, napagpasyahan ko nang pabalikin siya dahil ayaw kong ito ang maging dahilan ng hindi niya pagtupad sa kanyang pangarap. Tutal nandito naman sila para matuto. Siguraduhin lang niya na wala na siyang ibang kapalpakan na gagawin dahil huli na iyon.
Chineck ko lang ang ibang records na ibinigay nila sa akin at pagkatapos nun ay hinanap ko ang numero ni Elorde sa kanyang documents.
“Hello Miss. Elorde Ysabelle Castillo,” saad ko.
Sumagot naman siya pero nauutal siya. Natatakot ba siya?
“Please report here at San Lorenzo Medical Center. Kulang ng nurse dito sa Pedia ward kaya bilisan mo,”
Mukhang napipi na nga ang isang ito dahil hindi na sumasagot.
“Ms. Castillo, did you hear what I just said? Bilisan mo kung ayaw mong tuluyan kong isend ang etter sa school niyo. Before mag alas onse, dapat nandito ka na,” wika ko saka pinatay ang call.
Kapag wala pa siya ng alas onse dito, mapililitan akong magfeedback sa SLU. Madali lang naman gumawa ng letter kaya huwag niya akong subukan.
Pagkatapos ng pagtawag ko kay Elorde ay lumabas muna ako ng opisina para bisitahin ang mga pasyente. Nakakatuwa dahil nakikita ko na ang ngiti sa kanilang mga labi na noon lang ay umiiyak sila dahil sa nararamdaman nilang sakit.
Nakipagkwentuhan lang ako sa mga bata sandali at saka nagtungo sa nurse station para sa records ng mga pasyente.
Ilang sandali lang ay dumating na si Elorde at nakangiti pa. Tiningnan ko muna ang oras at 10:46 pa lang ng umaga.
Mabuti naman at tinupad niya ang sinabi ko. Mukhang nagsisimula na nga siya.
Kaagad niya akong binati nang makapalapit siya sa akin kaya tumango naman ako bilang sagot.
Ibinigay ko rin sa kanya ang dapat niyang gawin saka ako nagtungo ulit sa opisina.
Nang makapasok ako sa loob ay nabigla na naman ako sa chocolate at sticky note na nasa table ko. Binasa ko iyon at tatlong heart lang ang nakalagay.
Ano naman kaya ito? Bakit may ganito na naman? Bahala nga yung nagbibigay kung ayaw niyang magpakilala.
Inilagay ko lamang sa drawer ko iyon saka nagsimulang harapin ang aking laptop.
Pagkatapos nun ay lumabas na ako at saka nagtungo sa break room para kumain.
Kaagad din akong bumalik sa office para hintayin si Elorde dahil mag uusap pa kami.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na siya. Pumasok siyang nakangiti na nakadagdag sa kanyang angking ganda at nakita ko sa kanyang mga mata ang labis na tuwa. Binati niya ako nang nakangiti pa rin at saka ko naman siya pinaupo sa upuan na nasa harap ng aking mesa.
Nag usap lang kami tungkol sa mga bagay na hindi na niya dapat ulitin pa. Sinabihan ko siya sa lahat ng kanyang gagawin. Sana lang ay huwag na siyang pumalpak.
Humingi na rin ako ng pasensiya sa kanya dahil sa mga nasabi ko. Nadala lang ako dahil pagod pa ako that time. Narealized ko din na parang ang sungit sungit ko talaga sa kanila lalo na sa kanya. Hindi ko man lang kayang ngumiti kapag binabati nila ako. Pero mas mabuti na iyon para hindi naman nila samantalahin ang closeness namin kapag nagkataon ngunit nakikita ko naman sa kanila na nirerespeto nila ako bilang head nurse nila kaya baka pwedeng bawas bawasan ko na ang pagsusungit sa kanila.
Pagkatapos ng aming pag uusap ay lumabas na rin siya. Inayos ko muna ang mga papel sa table ko saka ako nagpasyang lumabas para imonitor ang galaw ng nurses.
Palihim ko namang inobserbahan ang ginagawa ni Elorde dahil kailangan kong makasiguro na hindi na siya gumagawa ng kalokohan.
Infairness naman sa kanya dahil ginagawa na niya nang mabuti ang kanyang respnsibilidad sa mga pasyente. Madali lang naman ang kanilang ginagawa kaya hindi sila masyadong nahihirapan.
Nang masiguro kong ayos naman ang galaw nila ay nagtungo ako sa opisina ng Director para ireport ang performance ng mga On-the-Job Training Nursing students sa buong linggong ito.
Siyempre hindi ko na binanggit ang mga kapalpakan ni Elorde dahil baka suspendihin pa siya ng ni Doc. Queroda. Ayaw ko namang mapahamak ang pangarap ng bata.
Mabilis lang nagdaan ang oras kaya eksaktong alas sais ay nagtime out na ako saka nagtungo sa locker room para kunin ang aking mga gamit. Mabuti na lang at day shift pa rin ako hanggang ngayon.
Nadatnan ko naman sa labas ng ospital sina Shane at Elorde na nag aabang ng kanilang masasakyan. Hindi naman pwedeng pareho silang iangkas ko dahil nakapalda silang dalawa.
Tumigil ako sa harapan nila.
“Saan kayo dito sa San Lorenzo?” tanong ko.
“Calle Venus po kami Nurse, bakit po?” sagot ni Shane.
“Madadaanan ba ang Calle Adonis pagkapunta sa barangay niyo?” tanong ko ulit saka naman tumango si Elorde.
Pupuntahan ko sana yung magaling na tubero doon. Ipagagawa ko sana yung nasirang tubo at saka magpapapintura na rin sana.
“Sige salamat. Hindi ko naman kayo pwedeng isakay pareho dahil sa mga uniporme ninyo,”
Nakita ko namang biglang sumimangot si Elorde. Ani kaya ang problema nito?
“Mag abang na lang kayo ng tricycle. Mauuna na ako,” nakangiting paalam ko.
Pagkarating ko sa Calle Venus ay tumigil muna ako sa isang tindahan na malapit sa myay highway dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumili ako ng mineral water.
Uminom lang ako saglit saka sumakay ulit sa aking motorsiklo.
Mabuti na lang at kilala sa buong calle si Macario, ang all around taga ayos ng mga sira ng bahay.
Nakausap ko na siya at magpapadala na lang daw siya ng mga tao niya para magtrabaho sa bahay dahil may ibang schedule raw siya.
Pagkatapos naming mag usap ay umuwi na rin ako.
ELORDE
PAGKATAPOS naming mag aral ni Shane ay bumalik kami sa Nurse station para kunin ang mga gamot na ipapainom para sa pasyente.
Alas singko y medya na nang magtimeout kami ni Shane dahil uuwi na kami. Kaagad kaming lumabas at nag abang ng masasakyan.
Pagkalipas lang ng ilang minuto ay may humintong motorsiklo sa harapan namin at si Nurse Henyo iyon.
Napakapogi niya talaga sa ganitong lagay. Nakajacket siya ng Black na leather jacket tapos nakashades na naman siyaaaaa. Hindi niya suot ang helmet niya dahil nakasabit pa lang sa kanyang kamay.
“Saan kayo dito sa San Lorenzo?” tanong niya kaagad sa amin.
O my gus! Iaangkas niya ba kami? Pero wait, hindi kami kakasya dahil nakapalda kami ni Shane. Kaya pasimple kong kinurot si Shane saka naman niya ako nilingon kaya nagtitigan muna kami. Alam na niya ang ibig sabihin ng ginawa ko base sa tinginan namin.
Sinagot naman ni Shane ang tanong niya.
“Madadaanan ba ang Calle Adonis pagkapunta sa barangay niyo?” tanong niya ulit kaya tumango ako.
Shoccks! Kapag tinanong niya kung sino ang gustong sumabay, I will volunteer myself. May sasakyan naman sina Shane kaya pwede lang siyang magpasundo.
“Sige salamat. Hindi ko naman kayo pwedeng isakay pareho dahil sa mga uniporme ninyo,”
What???? My gosh! Totoo ba ito? Sana man lang tinanong niya kung sino ang gustong umangkas diba?
Yung ngiti ko kanina ay biglang napawi kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sumimangot.
Gosh! Nag expect pa naman ako. Nilingon ko naman si Shane at yun nga, nagpipigil ng tawa.
“Mag abang na lang kayo ng tricycle. Mauuna na ako,” nakangiting sabi niya.
K vyeeeeee!
Nang makaalis na si Nurse Henyo ay hindi na napigilan ni Shane ang kanyang tawa. Nakakainis.
“Ano girl? Asa ka naman kasi,” aniya saka tumawa ulit.
“Alam ko naman yung gusto mo eh dahil nagets na kita kanina pa. Ang kaso, ayaw niyang isa ang maiwan sa atin kaya tama lang yung ginawa niyang hindi niya tayo isinakay pareho,” dagdag niya at todo tawa pa rin.
Ako naman ay humalukipkip at nakasimangot pa rin.
“Yan ang napala mo. Asa pa more sis,” pambubully niya.
“Oo na. What ever. Malay mo next time iangkas na niya ako,”
“Ipagpray mo na hindi mo ako kasama sa mga oras na iyon. Laugh trip yun sis,” saad niya saka humagalpak ulit ng tawa kaya binatukan ko siya.
Tumigil lang siya nang may tumigil na tricycle sa harap namin kaya sumakay na kami.
Napahiya ako doon ah. Nakakainis talaga.
End of Chapter Seven