Chapter Fourteen ELORDE NANG SABIHIN niya iyon ay sinabi kong hindi ko naman ibinigay ang cellphone number ko. “Teka nga lang Nurse Henyo, nagseselos ka ba?” pabirong tanong ko. “Sira, bakit naman ako magseselos? Ang akin lang, diba sinabi ko sa 'yo na kilalanin mo muna para sa huli ay hindi ka masaktan. Tingnan mo ang nangyari sa akin. Sa labis kong pagtitiwala ay iniwan ako ng taong mapapangasawa ko na sana. Kaya ikaw, umayos ka dahil baka dumating yung puntong iiyak iyak ka,” “Grabe siya. Part naman ng pagmamahal yun Nurse kasi kapag hindi ka nasasaktan minsan, baka hindi love yun,” “Eh ano? Hindi mo pa masasabi yan dahil wala ka pang naging karelasyon at hindi mo pa naranasang pasukin iyon. Kay tigilan mo ako diyan. Ako ang kuya mo,” natatawang aniya. “Basta,” sabad ko. At ano