Chapter Fifteen HENYO NGAYON lang ulit nagkaroon ng tsokolate at sticky note sa mesa ko. Gaya nang ginagawa ko sa mga naunang mga ganito , inilalagay ko lang ang mga iyon sa drawer ko. Lumabas na ako sa office ko saka nagtungo sa locker room para makapag ayos na. Mukhang tinanghali na naman ako ng gising. Habang naglalakad ako papunta sa locker room ay nakasalubong ko sina Shane at El. “Good morning Nurse Henyo, bakit ang pogi mo pa rin kahit bagong gising ka?” sabi ni El. “Naku! Mukhang may kailangan ka ha,” natatawang sagot ko. “Wala kaya. I am just telling the truth,” “Oo nga po. Baka naman may pa-7/11 kayo later,” sabad ni Shane habang nagtataas baba pa ang kanyang mga kilay. “Sabi ko na nga ba eh. Oo na. Sige na, magduty na kayo at mag aayos muna ako. I will go at the Pedi