Chapter Thirteen HENYO NANG MAKARATING kami sa bahay nila ay pinatuloy na naman ako ng Mama niya. Hindi na ako tumanggi dahil wala naman akong irarush na gagawin. “Napapadalas na yata ang paghahatid mo kay Ysabelle Nurse Henyo. Baka po naaabala na kayo,” wika ng kanyang ina sabay umupo sa katapat kong sofa. “Naku, ayos lang po iyon Tita. Malapit lang naman po kaya hinatid ko na kesa naman mag isa siyang nag aantay ng masasakyan niya. May pinuntahan kasi ang kaibigan niya kaya hindi sila nagsabay,” “Salamat naman kung hindi ka niya naaabala. Maiba tayo Nurse Henyo, may alam ka ba na pwedeng manligaw kay Elorde?” biglang tanong niya kaya nagulat ako. “Ma ano na naman yang sinasabi mo. Nakakahiya ka talaga,” sabad ni El na kalalabas lang mula sa kanyang kwarto. “Bakit? Nagpapatulong la