Chapter Twelve ELORDE NAGTEXT lang naman sa akin si Nurse Henyo. Shooocks! “Hi El. Pakisabi kay Tita salamat ulit. Ang sarap ng bilo bilo. Nakauwi na rin ako. Thank you din sa 'yo. And please be reminded na maaga kayo tomorrow dahil may iaannounce ako,” Ito ang laman ng kanyang text. O m g! Kinikilig akooooooo. “Ano naman kaya ang nakakakilig diyan?” ang kontrabida kong utak. Siyempre kinikilig yung heart ko dahil pinaaalam niya sa akin na nakauwi na siya. Basta kinikilig ako at walang sinuman ang makakapigil sa akin. Nang gabi ding iyon ay natulog akong may ngiti sa aking mga labi dahil sa text niya. KINAUMAGAHAN, nagising ako ng alas kwatro y medya dahil kailangan maaga din akong pumasok. Ako na ang nagluto and all. Nang makapagbihis na ako ay hindi ko na ginising si Jake kaya