Prologue

3385 Words
CRYSTAL "Hi, Wifey!" bati sa akin ng boyfriend kong si Reynold. Papalabas na ako ng mall ng hapon na iyon at matiyaga niya akong hinintay sa labas. "Kanina ka pa ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya na puno ng pagmamahal. "Yes, Wifey! Gusto kong mag-date tayo ngayon dahil kakasahod ko lang," aniya sabay akbay niya sa akin. ''Saan mo na naman ako dadalhin sa turo-turo? Itabi mo na lang ang pera mo para may pambili ka ng bago mong damit. Bukas pupunta ako sa Holand para bisitahin ang isa pa naming mall roon at dalawin ko rin ang kaibigan ko," nakangiti kong sabi sa kaniya habang nakapulupot ang aking kamay sa beywang niya. Naglalakad kami patungo sa aking sasakyan. Wala naman kasing sasakyan itong boyfriend ko. Minsan ay nagta-trabaho siya sa construction na nasa tapat ng mall na pagmamay-ari namin. Ako na ang pinamahala ni Daddy sa mall at ngayon pinoproblema ko pa ang mga gamot ni Daddy sa hospital. May cancer si Daddy at nakaratay siya ngayon sa hospital. Kahit na sinasabi na ng doktor na hindi na kaya gamutin ang sakit ni Daddy, patuloy ko pa rin itong pinapagamot. Hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot na tinuturok sa kaniya ngunit hindi pa rin ako sumusuko. Naibinta ko na ang shares namin ni Daddy. Marami na akong utang at ngayon maba-bankrupt na ang bahay namin pati ang mall ay nalulubog na rin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kay Reynold na lang ako kumukuha ng lakas ng loob ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ko sabihin ang problema ko sa kaniya. Minabuti ko na lang na isarili ang problema ko dahil alam ko na wala naman siyang maitulong sa akin sa financial kong problema. Nang makasakay kami sa aking sasakyan siya na ang nag-drive. Marunong naman siya mag-drive dahil minsan driver rin siya ng jeep. Minsan kargador, minsan naman pangingisda ang hanap-buhay niya, at hindi lang iyon minsan magsasaka pa. Hindi ko alam kung paano ako na in-love sa kaniya, kaya minsan na guilty ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya magawang ipakilala sa Daddy at sa Tita Eloisa ko na matandang dalaga. Kapatid ni Daddy si Tita Eloisa at ito ang nagbabantay kay Daddy ngayon sa hospital. Habang nasa biyahe kami ni Reynold, malalim ang iinisp ko. Hindi ko alam kung paano ko mapakilala si Reynold sa mga kaibigan ko lalo na sa kaibigan kong si Allysa. Ang suwerte ni Allysa kay Gabriel dahil bagay na bagay sila ni Mr. Finn Gabriel Moore. Bukod sa gwapo ito, matangkad din at isa sa pinakamayamang tao sa Holand City, kaya lang itong kaibigan ko ay umaayaw pa kay Mr. Moore. Siya na nga itong papakasalan siya pa itong nag-iinarte. Hindi katulad ni Reynold na walang permamenteng trabaho. Siguro ang kasal na gusto ko ay hindi niya maibigay sa akin kahit na kumayod pa siya ng kumayod hindi pa rin magiging sapat ang kinikita niya. Guwapo naman si Reynold, matangkad at mapagmahal at palabiro. Laging nakangiti at isa iyon sa nagustuhan ko sa kaniya ang pagiging mabait at palangiti niya. Lalo kasi siyang pumupogi. "Wifey, bakit ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" tanong ni Reynold sa akin nang mapansin niyang tulala ako. Ngumiti lang ako sa kaniya ng tipid. "Wala, Mahal ko. Napagod lang ako sa trabaho. Saan ba tayo pupunta?" "Nakalimutan mo na ba Wifey, ha! May nakalimutan ka yata," nakangiti nito sa akin habang nagda-drive. Nag-isip ako ng bahagya kung ano ang nakalimutan ko? Birthday niya ba? "Birthday mo?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. "Tssskk.. . Tssskk... Hahay, ang Wifey ko makalimutin na," aniya sabay iling-iling . "Ano nga 'yon, Mahal? Sabihin mo na kasi! Alam mo naman na pagod ako sa trabaho ko.'' Napagod ako sa isang araw na pagta-type sa computer, kaya hindi ko alam kung ano ang mayroon ngayon. "Okay, okay, mamaya ko na lang sasabihin kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin," wika niya saka nag-focus na sa pag-drive. Sumandal na lang ako sa upuan at ilang sándali pa nakaidlip ako. Ilang minuto pa ang nakalipas naramdaman ko na lang ang paagtapik ni Reynold sa akin. "Wifey, narito na tayo." Iminulat ko ang aking mga mata. Hindi pamilya sa akin ang lugar, kaya tinanong ko siya. "Saan na tayo?" "Ipikit mo muna ang mga mata mo. May surprise ako sa'yo," nakangiti niyang Sabi at binuksan ang pinto ng kotse. Nang nakababa na ako nilagyan niya ng pairing ang aking mga mata. Hawak-hawak niya ang dalawa kong braso para alalayan ako sa paglakad. "Dahan-dahan lang sa paglakad. Natitiyak ko na magugustuhan mo ang inihanda ko para sa'yo." ''Ano ba itong surprise mo, Mahal?" excited kong malaman kung ano ang surprise niya sa akin. "Easy, kaya nga surprise, eh!" aniya at patuloy lang kami sa paglalakad. Ilang sandali pa kami naglakad bago kami huminto. Dahan-dahan niyang kinuha ang piring sa aking mga mata, dahan-dahan ko rin iminulat ang aking mga mata. Napaawang ang aking labi nang makita ang surprise niya sa akin. Nasa isang lilim kami ng puno at may mesa roon na may mga pagkain at mayroon din candle sa paligid namin. Napangiti ako at sobrang namangha sa ginawa niya. Napaka-romantiko niya rin pala. "Ito ba ang date na sinasabi mo? Ikaw ang ang nag-prepare nito?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "Yes, Wifey dahil ikaw ang lahat sa akin, kaya inihanda ko ito para sa'yo happy anniversary," bati niya sa akin at may kinuha siyang isang box sa kaniyang bulsa. Napakagat labi ako dahil hindi ko naalala na anniversary pala namin ngayon. "A-ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa hawak niya na maliit na box. "Regalo ko ito para sa'yo, kaya gusto ko lagi mo itong isuot kahit saan ka man pumunta." Binuksan niya ang box at isang simpleng kuwentas ang laman. Hugis puso at kulay silver na may infinity sa loob. Isinuot niya ito sa aking leeg. "Kapag suot-suot mo ang kuwentas na ito isipin mo lang na lagi ako sa tabi mo. At habang suot mo ito patunay lang na mahal mo ako," sabay harap niya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "Habang buhay ko itong susuutin at iingatan, Reynold, happy anniversary, I'm sorry wala akong regalo sa'yo. Hindi ko alam na anniversary pala natin. Habang narito ito sa dibdib ko hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Mahal na mahal kita, Reynold," puno ng pagmamahal na sabi ko sabay yakap sa kaniya. Hinalik-halikan niya ang aking ulo at hinaplos ang aking buhok ko. "Ikaw ang Crystal ng buhay ko, Wifey. Mahal na mahal kita. Lahat kakayanin ko para mabigyan lang kita ng magandang buhay. Huwag mo kalimutan na may isang Reynold na nagmamahal sa'yo ng tapat at totoo." Pagkasabi niyang iyon agad niya akong hinalikan sa aking noo. "Reynold, salamat dumating ka sa buhay ko. Pangako ikaw lang ang mamahalin ko. Sa tamang panahon ipakilala rin kita sa mga mahal ko sa buhay. Magiging bahagi ka ng pamilya ko. Ikaw lang ang gusto ko maging ama ng mga anak ko, mahal na mahal kita," tugon ko at lalo ko pa siya niyakap ng mahigpit. "Ako rin, Wifey. Sa tamang panahon ihaharap kita sa altar na may dangal at puno ng pagmamahal. Ipakilala kita sa mga magulang ko pagdating ng tamang oras," wika nito saka kumalas sa pagkayakap sa akin. "Hali ka, tikman mo itong inihanda kong pagkain para sa'yo." Inayos niya ang upuan saka dahan-dahan niya akong pinaupo sa upuan. Pagkatapos umupo rin siya sa kabilang upuan na kaharap ko. Naghiwa siya ng beef steak at ibinigay sa akin. Hiniwa niya rin ang cake at inilagay sa aking plato. Kumuha rin siya ng para sa kaniya at iniabot niya sa akin ang bulaklak na nasa mesa. Siguro kung bilhin iyon ay nasa 10k rin. Inamoy-amoy ko pa ang bulaklak habang nakangiti. "Salamat sa mga bulaklak. Saan ka naman kumuha ng pera para sa mga ito, Mahal? Sana bumili ka na lang ng bagong damit para isama kita sa Holand. Ipakilala kita sa mga kaibigan ko roon," turan ko sa kaniya. "Huwag mo na isipin kung saan ko kinuha ang pera na pinanghanda ko sa anniversary natin. Saka hindi pa ako makakasama sa'yo sa Holand dahil kailangan na namin mtatapos ang building na pinapatayo sa tapat ng mall ninyo. Saka na lang ako sasama sa'yo kapag tapos na ang trabaho ko. Gusto ko kapag humarap sa mga kaibigan mo ay nakabili na ako ng bagong damit. Pag-iipunan ko iyong damit na nakita ko, para naman kapag ipakilala mo na ako sa mga kaibigan mo hindi ka Nila mamaliitin." Ngumiti ako sa kaniya nang sinabi niya iyon. Kumain kami ng inihanda niyang pagkain. Panay tawanan kami habang nagku-kuwentuhan. Pagkatapos naming kumain ni Reynold, naupo kami sa ilalim ng puno. Alas-siete na iyon ng gabi. Habang nakaupo siya nakasandal naman ako sa kaniyang dibdib. "Kapag nalulungkot ako, dito sa lugar na ito ako tumatambay. Ito na rin ang magigiging tagpuan natin. Hintayin kita rito tuwing hapon," wika niya habang nakayakap siya sa akin. Nakasandal siya sa puno at ako naman ay nakasandal sa kaniyang dibdib. "Sige, lagi ako pupunta rito. Kapag malungkot ka pupunta ako rito para makita mo ako. Mahal, kung magkamali man ako minsan sana muli mo akong mapatawad at mahalin," malambing ko na wika sa kaniya habang hawak-hawak ang mga kamay niya. "Wifey, kahit ano man ang pagkakamali mo lagi kitang tanggapin at oras-oras kitang mamahalin. Bawat sigundo ay sa'yo lang titibok ang puso ko. Titigil lang ito sa pagtibok kapag patay na ako," sabay halik niya sa mga kamay ko. Tumingala ako sa kaniya at ngumiti." ''Lagi mong tandaan mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko at nagpapalakas sa akin, Reynold," seryoso kong sabi . Hinubad ko ang suot kong bracelet na yari sa tela. "Isuot mo ito. Ito ang tanda ng pagmamahal ko sa'yo. Habang sa kamay mo to ibig sabihin lagi akong nariyan sa puso mo," dugtong kong sabi saka itinali sa kamay niya ang bracelet na iyon. "I love you, Wifey! Ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin. Ikaw ang nagbibigay sigla sa araw-araw ko. Ikaw lang din ang nais ko na maging ina ng mga anak ko. Balang-araw bubuo tayo ng masayang pamilya, kaya panghahawakan ko ang bracelet na ito at mga salita mo," turan niya at hinalikan niya ako sa mga labi. Matagal naming ninamnam ang labi ng bawat isa, kaya ng lumayo na ang mga labi namin pareho kaming naghahabol ng hininga. Hinalikan niya muna ako sa noo saka tumayo ito at inilahad ang kamay niya para makatayo ako. "Ihahatid na kita dahil gabi na," aniya at inabot ko ang kamay niya at tumayo na. Inihatid ako ni Reynold sa hospital. Bumaba lang ito ng kotse ko at sumakay ng taxi. Gusto ko siya ipakilala kay Daddy at Tita, pero naduduwag ako. Ayaw ko mabigo sa akin si Daddy. Malaki ang expectation nila sa akin na mayaman rin ang mapapangasawa ko, pero anong magagawa ko kung kusa lang tumibok ang puso ko kay Reynold? Kaya ko pinapabili si Reynold ng damit dahil punit-punit na ang sinusuot nitong mga damit. Kung hindi lang ako baon sa utang ngayon ako na sana ang bibili para regalo ko man lang sa kaniya. Napapangiti ako nang mahawakan ko ang kuwentas na suot-suot ko habang naglalakad sa pasilyo ng hospital. Habang papalapit ako sa silid ni Daddy nakita ko si Tita at ang mga nurse at doctor na tumatakbo sa loob ng silid ni Daddy. Pilit naman nilang pinapalabas si Tita Eloisa, kaya dali-dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni Tita. "Tita, anong nangyari kay Daddy?" kinakabahan kong tanong na napahawak kay Tita. Humahagulhol na ito ng iyak. "Bigla na lang bumaba ang bp ng Daddy mo Crystal. Saka naging one line na lang ang nakikita sa monitor. Huhuhu... Alfonso! Kapatid ko lumaban ka." Napaupo ako sa gilid ng pader at umiyak na rin nang umiyak. Si Tita, panay ang hiyaw nito. Makalipas ang ilang sandali lumabas ang doktor ni Daddy, kaya agad akong napatayo at lumapit sa doktor. Ganoon din si Tita. "Dok, kumusta si Daddy?" Niyugyog ko ang balikat ng doktor. "I'm sorry, Ms. Hemenez. Ginawa na namin ang lahat, ngunit sumuko na ang katawan ng Daddy mo. I'm sorry, patay na siya." Para akong nawalan ng lakas sa sinabi ng doktor. "No! Nonono..." Umiiling-iling ako habang humahagulgol na umiiyak. Napatakbo akong pumasok sa loob ng silid ni Daddy. Pagpasok ko nanlumo ang buo kong katawan. Halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Wala na talaga si Daddy, tinanggal na nila ang mga aparatos na nakakabit sa katawan niya. He has a pancreas cancer. At matagal na pala niya iyon iniinda, kaya huli na noong nalaman namin at malala na. Unti-unti akong lumapait sa kinaroroonan niya. "Daddy, gumising ka! 'Di ba, sabi mo kapag ikinasal ako ikaw ang maghahatid sa akin sa altar? Bakit mo ako iniwan, Dad?" nanginginig na boses kong tanong sa katawan ni Daddy na wala ng buhay. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng damdamin ko sa pagkawala ng aking ama. "Alfonso, paano na kami ni Crystal ngayon? Tatlo na nga lang tayo sa mundong ito iniwan mo pa kami!" hagulgol ni Tita nang pumasok sa silid ni Daddy. Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha ng oras na iyon. Hanggang sa kinuha na ng funeral ang labi ni Daddy at inayos ito. Ibinurol ang labi ni Daddy sa isang chapel na malapit lang sa bahay. Hindi siya puwedeng iburol sa bahay dahil kukunin na ng banko ang mansion namin. Lubog ako sa utang dahil sa gastusin sa hospital subalit hindi rin na dugtungan ang buhay ng aking ama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Marami ang nakiramay ng mga oras na iyon. Three days lang ang burol ni Daddy at kailangan na siya naming ipalibing ni Tita. Simula noong namatay si Daddy hindi na kami nagkita ni Reynold. Hindi na ako nakapunta sa tagpuan namin dahil naging busy ako sa burol ni Daddy at hindi rin ako nakapunta sa Mall. At kay Clara Delfin, ko na lang ibinilin ang lahat na kung may meeting ako e-cancel niya na muna, siya kasi ang secretary ko. Makalipas ang tatlong araw ay inilibing na namin si Daddy. Nang matapos ang libing ni Daddy bumili ako ng maliit na bahay na kasya lang sa amin ni Tita. Mabuti na lang at may kaunti pa akong naitabi, kaya may pambili pa ako ng maliit na bahay. Nauna ng umuwi si Tita pagkatapos ng libing ni Daddy. Ako naman nagtungo sa tagpuan namin ni Reynold. Tuwing gabi pumupunta ako roon. Ang akala ko darating siya pero kahit anino ng mahal ko hindi ko na nakikita. Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at nagtungo ulit ako sa tagpuan namin ni Reynold. Umupo ako sa puno at nagbabaka sakali na dumating siya, pero mag-alas nuebe na ng gabi hindi pa rin siya dumating. Bakit kung kailan na kailangan ko siya saka naman siya wala? Nagdesisyon na lang akong umuwi sa bahay, ngunit sa 'di kalayuan natanaw ko si Reynold na may kasamang magandang babae at sexy. Nakaupo sila sa isang retaurant habang kumakain. Hindi napigilan na hindi pumatak ang aking mga luha. Madilim sa gawi nila ngunit lumapit ako sa kanila na hindi nila napapansin. Naupo ako sa likurang bahagi ni Reynold para marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila. "Honey, believe me. Kahit ako hindi makapaniwala. So, lahat ginawa ko para lang pumayag sila," sabi ni Reynold sa babae. Parang tinusok ng punyal ang puso ko nang tawagin niyang honey ang babae. Ibig sabihin girlfriend niya rin iyon? "Pero, Reynold? Alam mo naman na pareho lang tayo, 'di ba?" wika ng babae na problemado ang mukha. "Honey, kailangan muna nating magpanggap hanggat hindi ko pa nakukuha ang pera. Kapag nakuha ko na ang pera, ang mall at ang bahay lalayo tayo. Walang sino man ang gagalaw sa ating dalawa trust me," pangungumbinsi ni Reynold sa babae at hinawakan niya ang mga kamay nito, nakikita ko iyon sa salamin. "I trust you, Reynold. So, please do your best," wika ng babae. "Yes, Honey. Trust me. Pera lang naman ang habol ko at kapag nakuha ko na ang puso niya at tiwala lalayo tayo at magsimula tayo ng panibagong buhay. Sa ngayon kailangan nating magpanggap para pareho tayong makinabang. Lets go, ihahatid na kita sa inyo," wika ni Reynold sa babae sabay tayo nito at hinawakan sa braso ang babae at inalalayan ito saka lumabas sila. Parang pinagpira-piraso ang puso ko sa narinig. Ibig sabihin gusto niya makuha ang loob ko at akala niya ibibigay ko ang yaman ko sa kaniya? "Nagkakamali ka Reynold. Hindi mo ako magagamit para lang sa babae mo. Sinungaling ka! Manloloko ka. Babaliin ko ang sungay mo. Kahit gaano kasakit para sa akin hindi ako papayag na gamitin mo at perahan. Wala kang makukuha sa akin. Isang hampas-lupa ka lang at hindi ako nababagay sa katulad mo! " tanging sigaw ng isip ko. Umuwi ako sa bahay at pinakawalan ang mga luhang masaganang dumadaloy mula sa aking mga mata. Natulugan ko na lamang ang pag-iyak. Hindi ko Akalain na lolokohin ako ni Reynold. Nag tiwala ako sa kaniya at minahal ko siya, pero bakit ganito ang ginawa niya sa akin? Kinabukasan pumasok ako sa mall at nang hapon sa aking paglabas nakita ko ang boyfriend ko na naghihintay sa akin sa labas ng mall. Nanibago ako sa postura nito. Naka-polo shirt siya at nakamaong. Lalo lumitaw ang kapogian niya sa suot niya ngayon. Hindi ko naman nakakalimutan ang natuklasan ko kagabi. Nang nasa harapan ko na siya ang ganda pa ng ngiti niya sa akin. "Hi, Wifey! Guwapo ba ako sa suot ko?" tanong nito sa akin habang nakangiti. Hindi ako ngumiti sa kaniya bagkos ay masakit na tingin ang iginawad ko sa kaniya. "May gana ka pang ngumiti sa akin? At kahit anong isuot mo hampas-lupa ka pa rin, Reynold!" galit kong sabi sa kaniya. "W..Wifey, a-anong sinasabi mo? Look, bumili ako ng bagong damit." "Wala akong pakialam! Namatay ang Daddy ko pero nasaan ka, ha? Kailangan ko ng karamay pero wala ka. Tapos may gana ka pang magpakita sa akin, kaya lumayo ka sa akin!" sigaw ko at tumakbo na ako palayo sa kaniya. "Wifey, please! Mag-usap tayo!" sigaw niya at hinahabol niya ako. Patuloy na naman sa pag-agod ang mga luha ko. Gusto kong lumayo sa kaniya subalit naabutan niya ako. Niyakap niya ako mula sa aking likod. "Bitiwan mo ako!" agad kong pagpupumiglas sa kaniya. "Please, mag-usap tayo. H-hindi ko alam na namatay na pala ang Daddy mo. Hayaan mo ako magpaliwanag, please?" sumamo niya sa garalgal niyang boses. "Bitawan mo ako!" sabay tulak ko sa kaniya, kaya nabitawan niya ako. "Simula ngayon wala na tayo. Kalimutan ko ang araw na minahal kita. Kalimutan mo ang araw na ito, Reynold. Simula sa araw na ito break na tayo. Huwag mo kalimutan ang araw na ito kung paano mo winasak ang puso ko!" sabay duro ko sa kaniya sa nanginginig kong mga kamay. "Wifey, please makinig ka sa akin," aniya at lalapit sana siya pero binalaan ko siya. "Huwag kang lumapit. Pakinggan mo ang sasabihin ko sa'yo. Hindi ka nababagay sa isang katulad kong mayaman at may dangal. Nababagay ka sa kauri mong putik. Hindi mo mabibili ang mga luho ko, kaya ano ang ipapakain mo sa akin kapag kasal na tayo? Papakainin mo ako ng lupa, graba, o buhangin? Lumayo ka sa akin at huwag mong dungisan ang dangal ko dahil isa ka lang hampas lupa at hindi ka nababagay sa akin. Oo nga pala hindi kita mahal, Reynold. Kailan man ay hindi kita minahal. Sa tingin mo mamahalin ko ang isang katulad mong hampas lupa? Kaya, doon ka sa kauri mong hampas lupa rin" galit kong sabi sa kaniya at tuluyan ng lumayo.Hindi na ako lumingon pa sa kaniya. Tumakbo ako nang tumakbo at hindi na lumingon pa. Sobrang sakit ng puso ko habang binibitiwan ang mga salitang iyon sa kaniya. Halos madurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Sinabi ko lang iyon sa kaniya para hindi ako magmukhang tanga. Ang sakit na malaman mo na ang lalaking minahal mo ng husto ma Ibang gustong babae at pera lang pala ang habol niya sa akin. Kung akala niya maloloko niya ako. Puwes, nagkakamali siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD