Episode 1

2902 Words
Chapter 1 Reynold After a few years Sa ilang taon ang lumipas ay nakabaon pa rin sa puso ko ang masakit na salitang iyon sa akin ni Crystal. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muli nagkrus ang mga landas namin. Akala ko ay lubos ko na siyang nakalimutan, pero heto at kaharap ko siya ngayon. Matalim ang mga titig ko sa kaniya. Matapos kong makipagsuntukan kay Mr. Moore dahil kay Areana, kaharap ko ang babaeng dumurog ng puso ko at nag-insulto sa pagkatao ko. Sino ang umaasa na pagkatapos kong mabasted sa nililigawan kong si Areana may asawa na pala ito? At dadalhin lang pala ako nito sa babaeng ito na halos sumira sa buhay ko. "Why can't you look at me, Crystal Hemenez? Don't you remember me?" nakakainsulto kong tanong sa kaniya. "Re-Reynold?" banggit niya sa pangalan ko sa nanginginig niyang boses. "Ku-kumusta ka na?" "Nakikita mo naman putok ang labi ko. Can we talk?" tanong ko sa babaeng minahal ko noon, pero kinamumuhian ko na ngayon. Napatango siya sabay lingon sa kasama niyang babae. "Clares, mauna na ako." Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse at maingat naman siyang pumasok. Pumwesto ako sa driver seat at pinaandar ang sasakyan. "Long time no see, Miss Crystal!" nang-uuyam kong sabi sabay tingin ko sa kaniya ng masakit. Hindi siya makatingin sa akin. "Puwedeng dumaan muna tayo sa hospital? Para magamot ang sugat mo," wika niya sa akin. "Huwag kang mag-alala sa akin, Crystal. Ang sarili mo ang alalahanin mo. Ang laki yata ng pinayat mo? Saka anong ginagawa mo sa building na iyon?" tanong ko habang naka-focus ako sa manobela at sa dinadaanan namin. "Temporary secretary ako sa kompanya ni Mr. Moore." “Ow! Anong nangyari sa mayamang babae na katulad mo? Isa ka na lang secretary ni Mr. Moore?" insulto kong tanong sa kaniya. Pinamulahan siya ng mukha at hindi makatingin sa akin. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya na parang hindi mapakali. "Saan mo ba gusto? Gusto mo ba sa langit o sa empyerno?" nakakaloko kong sagot sabay ngisi sa kaniya. "Ibaba mo na lang ako. Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa'yo rito. Hindi ka naman matinong kausap," tugon niya sa akin na halatang naiireta na. "Relax, hindi naman kita kakainin," insulto kong sabi. Hindi na siya umimik pa. Now, it's my turn kung paano mo ako ininsulto noon, Crystal. Kung paano mo muntik ng sirain ang buhay ko. Kung paano mo pinamukha sa akin na hindi ako karapat dapat sa'yo dahil mayaman ka at mahirap lang ako? Well, let see kung ano ang masasabi mo kung malalaman mo kung sino si Reynold Jonhson? Dinala ko si Crystal sa restaurant na pag-aari ko lang naman. At hindi lang basta restaurant kundi mga kilalang tao ang kumakain rito. "Hali ka, don't worry ako ang magbabayad, kaya order ka lang kahit ano ang gusto mo." Pinamukha ko sa kaniya na kaya kong bayaran lahat ng kakainin niya. "R-Reynold huwag na. Isa pa nagmamadali ako dahil nasa hospital ang Tita ko," aniya. Tatalikuran na niya sana ako, pero agad ko naman siyang hinawakan sa braso. "Why? Akala mo ba wala akong pera na pambayad sa ganito kamamahaling restaurant?" sarkastiko kong tanong sabay hila ko sa kaniya sa loob ng restaurant. "Let’s eat here." Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa paghila ko sa kaniya. "Welome to RJ Restaurant, Sir, Ma'am," bati ng security guard habang pinagbuksan kami ng pintuan. Agad ko siyang dinala sa bakanteng mesa. Nagtaka man si Crystal ngunit hindi ito nagtanong kung bakit basta na lang kami umupo sa vip table. Mabilis kaming nilapitan ng waiter para batiin. “Good Afternoon, Sir, Ma’a.” "Bigyan mo kami ng special menu," utos ko sa waiter. Pinaupo ko si Crystal sa upuan na kulay ginto. Wala kang ibang kulay na makikita sa loob ng restaurant kundi puro ginto. "Anong nangyari sa Ante mo?” tanong ko sa kaniya. "She is under chemotherapy because of her breast cancer," tipid niyang sagot. "I see," tinitigan ko siyang mabuti. Malaki ang pinayat niya, pero lalo naman siyang gumaganda. Nasa mga mata niya pa rin ang pagiging inosente tingnan. Hindi ko alam kung paano ako nabaliw sa kaniya noon? At hindi ko makakalimutan ang huling sinabi niya sa akin noon. "So, hindi permamente ang pasok mo kay Mr. Moore?" tanong ko. "Hindi, pumayag lang naman ako na maging secretary niya para mapalapit ako sa kaibigan kong si Allysa. She is my best friend." "Best friend mo si Allysa o Areana?" gulat kong tanong. Tumango-tango siya. "Oo, kaya pumasok ako sa kompanya ni Gabriel,para mapalapit ulit sa best friend ko. At alam ko na nagka-amnesia siya. Hindi ko akalain na buhay pala siya. Masaya ako at bumalik siya," maluha-luha niyang sabi. "Hindi ko inaasahan na matalik mo pa lang kaibigan si Allysa. Paano mo siya naging kaibigan dahil napakadalisay ng puso niya?" nakakainsulto kong tanong sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mata. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na nagtutubig. "Hindi mo na dapat itanong pa. At kung sinasabi mo na hindi dalisay ang puso ko it's up to you. Wala akong pakialam sa mga pang-iinsulto mo sa akin," aniya na malungkot ang boses. "Ow! Nainsulto ba kita? Well, I'm sorry kung sa palagay mo ay iniinsulto kita," sarkastiko kong sabi. Magsasalita pa sana siya nang dumating na ang order namin. "Sir, this is your order," wika ng waiter at inilapag niya ito sa harap namin ni Crystal ang mga pagkain pagkatapos ay pinaalis ko na ito. "Let’s eat. Kainin mo ang lahat ng gusto mo. At least this time hindi na sa turo-turo kita pinakain," pamang-uyam kong sabi at hinawakan ang kubyertos. "Sobrang nagbago ka na," mahina niyang sabi. Napatiim bagang ako. ''Lahat ng tao nagbabago. At hindi lahat ng oras ay nasa itaas ka at nasa ibaba ako," malamig kong sagot. Nagbuntonghininga ako ng malalim. "Eat!" Kumuha siya ng kapiranggot na pagkain at kumain. Bakit nasasaktan pa rin ako? Akala ko hindi ko na ito maramdaman pero nang makita ko siya muli, heto umaapoy na naman ang puso ko. Hindi niya alam kung paano niya ako pinatay ng buhay pa. Hindi niya alam na kung paano ko tinakasan ang libingan para lang mabuhay ulit. At maging normal ang buhay habang wala siya. Paano niya nasasabi ang matatamis na salitang iyon sa akin noon kung sa huli ay itutulak niya lang pala ako sa libingan? "Paano kayo nagkakilala ni Allysa?" tanong niya habang kumakain na kami. "Nagpunta ako abroad at namuhay ng maayos. Doon ko nakilala si Allysa. Nag-attend ako sa isang event sa New York at doon kami nagkita. May asawa ka na?" Bigla siyang inubo sa tanong kong iyon sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit ko naitanong ‘yon. "Wala na sa isip ko ang mag-asawa. Isa pa kailangan kong makabangon ulit para lang mabuhay si Tita," mahina niyang sagot sabay subo niya ng pagkain. May kung ano namang sumipang kasiyahan sa puso ko nang marinig kong wala pa siyang asawa, pero naroon rin ang kirot. Hindi ko na dapat maramdaman ang kahit isang pagmamahal para sa kaniya. Hindi ako dapat madala sa damdamin ko. Hindi ako dapat magpapadaya sa puso kong ito na walang ibang tinitibok kundi siya. Walang ano-ano tumunog ang cellphone niya. "Excuse me sagutin ko lang ito," aniya at sinagot ang sino mang tumawag sa kaniya. "Hello, Frany? Nasaan ka?" aniya sa kabilang linya. "Ay sige malapit ka lang rito sa kinaroroonan ko. Daanan mo na lang ako sa RJ Restaurant," tugon niya saka pinatay ang cellphone. May kung anong umusbong na selos sa puso ko. But who care's? Hindi kaya boyfriend niya iyon? "Mauna na ako," paalam niya saka tumayo at kinuha ang pouch niya. "Okay! See you again kapag palarin," malamig kong sabi habang tinitingnan siya ng masakit. Napatango lang siya at agad na umalis palabas ng restaurant. Mayaman ba ang Frany na iyon at nababagay sa kaniya? Hindi mo alam kung sino ang pinakawalan mo, Crystal. Halos lahat ng babae gusto ako. Pero tiniis ko ang lahat para lang makuha ang mana ko at mabigyan kita ng magandang buhay, pero hinusgahan mo agad ang pagkatao ko. Tiniis ko magtrabaho ng isang taon maging kargador, mangingisda, driver at magtrabaho sa construction para lang makuha ang mana na bigay sa akin ng Lolo at Lola. Pero, ano ang ginawa mo? Hiniwalayan mo ako dahil lang mahirap ako at hindi bagay sa'yo? Tumayo ako at sinundan siya. Gusto ko makita ang Frany na iyon. Tinawagan ko si Gardo ang driver ko. "May papasundan ako sa'yo at siguraduhin mong hindi mawala sa paningin mo, maliwanag?" agad kong utos kay Gardo sa kabilang linya. "Yes, boss," tugon nito. "E-text ko ang plate number ng sasakyang susundan mo," sabi ko saka pinatay na ang cellphone. Nakikita ko ang kinaroroonan ni Crystal, maya-maya pa may sasakyang huminto sa tapat niya. Agad namang bumaba ang sakay niyon; isang lalaking matangkad at mukhang mayaman rin ang lulan ng sasakyan. Agad itong humalik sa pisngi ni Crystal at pinagbuksan niya ng pintuan ng sasakyan si Crystal. Mukhang mas bata ang lalake kaysa kay Crystal. Huwag niyang sabihin na kahit bata sa kaniya pinatulan niya? Nagtatagisan ang mga bagang ko nang sumakay na siya sa sasakyan ng lalake. Agad kong senend kay Gardo ang plate number ng Frany na iyon. Pinagpasyahan ko na lang na umuwi na muna sa mansyon. Kaya, pagdating ko sa bahay agad naman akong sinalubong ni Mommy. "Ow, ow, ow! Anong nangyari sa mukha ng unico hijo ko?" natatarantang tanong ni Mommy sabay haplos sa labi ko. Dumating naman si Daddy at namulsahan pa ito. "What happen to your face, Son?" "Nothing, Mom, Dad. May baliw lang na sumuntok sa akin kanina, kaya nakipagsuntukan ako," alibay ko dahil alam ko na marami na namang imbistagador ang magaganap mamaya. "Huwag mo sabihin na pinatulan mo ang baliw?" taas kilay na tanong ni Mommy. "I'm tired, Mom. Gusto kong magpahinga na muna," sabi ko at sabay halik sa noo ni Mommy. Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. "Son, we need to talk about you and Honey," ani Daddy sabay sinyas ng ulo nito. Patungo ito sa veranda. Sumunod naman ako sa kaniya at si Mommy. "Saan si Shany?" tanong ko nang hindi ko makita ang kapatid ko sa sala. "Naroon sa mga kaklase niya at gumagawa sila ng homework," sagot ni Mommy. "Mom, lagi niyo na lang hinahayaan ang kapatid ko na gumala. Puwede naman sila rito pumunta sa bahay at dito na sila gumawa ng homework nila," naiinis kong sabi kay Mommy. Mahal na mahal ko ang kapatid kong babae at ayaw kong may masamang mangyari rito o tumulad sa ibang kabataan na malaman-laman mo na lang ay buntis na, pero may tiwala naman ako sa kapatid ko. Grade-eight na ito at malaki ang agwat ng edad namin. "Sa bahay lang naman sila ng kaklase niya, Iho," rason naman ni Mommy at umupo na ito sa tabi ni Daddy. Maya pa ay lumabas naman si Lola sa silid niya. "Anong nangyari riyan sa mukha mo, Reynold? Sinong hayop ang sumuntok sa’yo, ha?" "La, relax. Malayo ito sa bituka," ngiti kong sagot kay Lola na nag-alala sa akin ng husto. "Hay, ikaw talagang bata ka. Maria!" tawag niya sa aking Yaya. "Yes, Madam?" agad namang sagot ni Yaya. "Tingnan mo itong alaga mo, oh! Kumuha ka ng gamot at gamutin mo ang sugat niya," utos ni Lola kay Yaya. Kinindatan ko na lang si Yaya para hindi ito magtatalak. Daig pa nito si Mommy kapag makasermon sa akin. Siya na kasi ang nagpalaki sa akin, kaya sa halip na magsermon pa ito ay nagpigil na lang ng bunganga niya at kumuha ng first aid kit. "Dad, ano po ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko kay Daddy. "Kailangan ituloy mo na ang pagpapakasal sa anak ni Mr. and Mrs Harris." Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. "Dad, akala ko ba tapos na ang isyung ito? Hindi kami nagmamahalan ni Honey. Saka wala akong pananagutan sa kaniya, kaya huwag niyo ng pakialaman ang buhay ko," naiirita kong sagot sa magulang ko sabay bagsak ng likod ko sa sofa. "Aigo, aigo, apo, kapag pinakasalan mo ang anak ni Mr. Harris, tiyak na lalo pang lalaki ang income natin," sabat naman ni Lola. "Huwag niyo akong pilitin, Mom, Dad, La. Magpapakasal lang ako sa babaeng gusto ko. Saka may boyfriend si Honey," naiinis kong sagot. "At ano ang gusto mo? Tatanda kang walang asawa? Abay, baka naman gusto mo na kami bigyan ng apo?" si Daddy. Alam kong sabik na sila magkaroon ng apo sa akin. "Dad, time will come, okay?" "At kailan naman 'yon? Kapag patay na ako? Sige na, apo, pakasalan mo na si Honey," lambing pa ni Lola sa akin. "Huwag mong sabihin na hanggang ngayon mahal mo pa rin ang babaeng iyon? Hanggang kailan mo ba hindi makalimutan ang babaeng nagdulot sa'yo ng sobrang depression?" galit namang wika ni Mommy. "Mom, how many times do I have to tell you na wala na sa akin ang babaeng iyon? And I dont even love her anymore," sabi ko ngunit kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko ngayon. "Kung naka-move on ka na talaga sa ex-girlfriend mong 'yon magpakasal ka kay Honey. Baka nakakalimutan mo ang ginawa niyong katarantaduhan ni Honey sa amin?" mesyo galit na paalala ni Daddy sa ginawa naming plano ni Honey noon para hindi matuloy ang kasal namin. "Dad, bakit gusto niyo bang ikasal ako kay Honey? Eh, nalaman niyo na nga na nagpanggap lang kami noon na magkasintahan dahil hindi niyo ipapamana sa akin ang kayamanang iniwan ni Lolo. At tingnan niyo naman, dalawang taon ko pa lang pinapatakbo ang buong kompanya natin triple na ang ipinasok kong profit.” Malalim na nagbuntonghininga si Daddy at napkunot ang noo sa sinabi ko sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo na hawak ko pa rin ang buong kompanya at ako pa rin ang chairman "I know, Dad, so this is your trick para pakasalan ko si Honey?" naiinis kong tanong sa kaniya. Ngumisi naman si Daddy sa tanong kong iyon sa kaniya. “Kung hindi ka lang sana nagpakabaliw sa ex-girlfriend mong iyon nakapangalan na sana ang buong kompanya sa’yo." Umayos ako ng upo dahil parang sumisikip ang daluyan ng hininga ko. Nape-pressure ako kina Daddy. "Pag-iisipan ko ang alok ninyo, Dad, at siguro oras na rin para makapag-asawa ako," wika ko na lang kay Daddy para wala ng maràming salita. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila na pumasok sa aking silid. "Apo, bigyan mo agad ako ng apo sa tuhod," habol pang wika ni Lola bago ako pumasok sa aking silid. Sadyang makukulit talaga ang pamilya ko, pero napaka-protective nila sa amin ni Shany. Nahiga ako sa kama at binalikan ang nakaraan namin ni Crystal. Umalingaw-ngaw sa pandinig ko ang mga huli niyang sinabi noon na hindi ako nababagay sa kaniya dahil mayaman siya at mahirap lang ako. Putik na 'yan! Sinusumpa ko ang araw na iyon. Iyon sana ang araw na magpropose na ako ng kasal sa kaniya dahil pumayag na sina Mommy at Daddy na magpakasal ako sa babaeng gusto ko at hindi kay Honey. Hanggang wala pa akong asawa ay hindi mapapasaakin ang kompanya. Kaya, napilitan kami ni Honey na magpanggap na magboyfriend. Para lang ipamana nila sa akin ang iniwan ni Lolo na ako naman talaga ang tagapagmana. Kaya, lang marami pang pagsubok ang ipinagawa sa akin si Daddy para raw hindi ako maging sugapa sa kapangyarihan at maramdaman ko ang pagod at hirap ng mga empleyado at pahalagahan ko ang kayamanan na iniwan ni Loloa. Dahil doon natoto ako. Nang matutunan ko ang lahat ng bagay saka naman kami nabuking ni Honey. Si Honey kaibigan ng pinsan kong si Scarlet. At alam lahat ni Scarlet ang mga plano ko. Kaya nga lang nadulas siya at sinabi kay Daddy ang totoo. Sinabi ko kina Daddy at Mommy lahat sa kanila na may girlfriend ako at may-ari ng C.H mall sa bayan ng San Agustin. Pumayag ang mga magulang ko na pakasalan si Crystal, pero kung kailan na handa ko na siyang ipakilala saka niya naman sinabi ang mga bagay na iyon at pinamukha niya sa akin na hindi ko siya kayang buhayin. Hindi ko alam na namatay na pala ang Daddy niya. Kinailangan ko noon pumunta sa Holand dahil pinatawag nga ako ni Daddy dahil nalaman nito ang plano namin ni Honey na kapag nakuha ko na ang pera ay pareho kaming tatakas at sasama siya sa boyfriend niya at ako naman ay isasama ko si Crystal. Halos mabaliw ako noong panahon na nakipag-break si Crystal sa akin. Araw-araw akong laman ng club noon at halos hindi na mabuhay. Simula noong nalaman ko na pera lang pala ang mahalaga sa kaniya at hindi ako ay parang nagunaw ang mundo ko. Naging misirable ang buhay ko at nagtangka pa akong magbigti noon. Mabuti na lang at sumagi sa isip ko na hindi ko dapat pag-aksayahan ang walang kuwentang babaeng iyon. Sa tulong ng pamilya ko ay muli kong naibangon ang sarili ko mula sa hukay na ginawa ni Crystal sa akin. Pinanghawakan ako sa mga sinabi niya na mahal niya ako. Pero sa isang iglap lang ay nagbago siya. Matatanggap ko pa sana kung ang dahilan ay wala ako sa tabi niya noong mga panahong namatay ang ama niya. Bumalik ako sa ulirat ko nang pumasok si Yaya. May dala itong gamot para sa aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD