Episode 6

2180 Words
Chapter 6 Crystal Nang matapos kong ibigay ang sarili ko kay Reynold nang gabing iyon ay para akong sinakluban ng langit. Matapos niiya sa akin sabihn ang mga salitang lumabas sa labi niya ay parang pinagpira-piraso ang puso ko. Agad akong nagbihis noong lumabas siya ng hotel. Pero hindi ko pinagsisihan na ibinigay ko sa kaniya ang katawan ko. Alam ko galit siya sa akin. Ako ang nagtulak sa kaniya para magalit siya sa akin. Kung nakinig lang sana ako noon sa kaniya hindi sana kami umabot sa ganito. Nagkamali ako sa naging kilos ko noon. Ngunit hindi ko naman alam ang buong katotohanan noon. Iiwanan ko siya at pinagsalitaan ng hindi maganda dahil akala ko ay niloloko niya ako. Pero kung mahal niya ako sana man lang sinuyo niya ako. Araw-araw ko rin sinusuot ang kuwentas na bigay niya sa akin. Matapos kong magbihis ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko tiningnan iyon pero ang nakalagay sa screen ay ang doktor ni Tita kaya agad ko itong sinagot. " H...hello, Dok?' "Ms. Hemenez, may masama akong balita sa 'yo. Huwag ka sana mabigla pero wala na ang Tita mo." Para akong namanhid sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama." D...Dok ,bakit? Sabi niyo ooperahan niyo si Tita bukas? P..panong wala na siya? May pera na ako para sa opera niya. Pero bakit nawala na siya agad?" garalgal kong tanong sa doktor. Pakiramdam ko nananaginip lang ako. "I'm sorry Ms. Hemenez, pero ginawa na namin ang lahat para mabuhay siya. Kaya lang bumigay na ang katawan niya at hindi na kinaya ng katawan niya ang cancer na kumalat sa isa niyang dibdib. I'm sorry," wika ng doktor sa kabilang linya. Umiyak na lang ako nang umiyak at parang wala ako sa sarili na bumaba sa hotel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa kalye. Hindi ko na alintana ang pagod. Malayo-layo na rin ang nilakad ko. Hindi ko alam kung sa'n papatungo. Nang makarating ako sa kahabaan ng Marco highway ay huminto ako at umupo sa tabi ng kalasada. Doon ko ibinuhos ang mga luha ko. Wala akong pakialam sa mga sasakyang dumaraan. Naiisip kong tawagan si Frany. Mabuti at sinagot niya agad ito. "Bakit na patawag ka, Love?" agad nitong tanong sa kabilang linya. "Frany, wala na si Tita. Patay na siya iniwan niya ako," iyak ko. "What? Saan ka puntahan kita." "Narito ako sa Marco highway hindi ko alam ang gagawin ko Frany." sabay hagulhol ko. "Shhh.. Tahan na Crystal. Hntayin mo ako riyan," sabay patay niya ng cellphone. Napalakas ang iyak ko. Ibinigay ko ang sarili ko kay Reynold para madugtungan lang ang buhay ni Tita. Pero wala na nawala na ang lahat sa akin. Bakit ganito kasama ang langit sa akin? Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko napansin na may sasakyang huminto sa tapat ko at nagulat na lang ako na si Reynold iyon. Natuwa ako sandali dahil sa pagkakataong ito ay narito siya para aluin ako. Pero nagbago ang lahat nang insultuhin niya na naman ang pagkatao ko. Noong mga panahon na kailangan ko siya noong nawala si Daddy ay wala siya. At ngayong nawala naman si Tita ay narito nga siya pero hindi upang damayan ako. Kundi insultuhin ako. Mabuti na lang at dumating si Frany kaya agad akong tumalikod kay Reynold at dali-daling lumapit kay Frany. Inalalayan ako ni Frany na sumakay saka siya sumakay sa driver seat. Isinuot ko ang seat belt at isinandal ang likod ko. "Si Mr. Reynold Johnson iyon. Bakit parang nagtatalo kayo? Magkakilala ba kayo?" tanong ni Frany at pinaandar ang sasakyan. Hindi ako kumibo kay Frany. Samot sari ang naramdaman ko sa ngayon. HIndi ko alam kung alin ang masakit. Ang nawala si Tita o ang masasakit na salita na binitiwan ni Reynold sa akin. Hindi na nagsalita si Frany. Alam niya na kapag tahimik ako ay may malalim akong problema. Nang makarating kami sa Hospital ay agad akong patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Tita. Nakita ko ang Tita ko na wala ng buhay. At natakpan ito ng puting kumot. "TIta!!" sigaw ko at niyakap ang katawan niya na wala ng buhay." Bakit mo ako iniwan? Sino na ang magpapaalala sa akin kapag nakalimutan ko ang bag ko? Sino na ang magluluto para makakain ako ng maayos? Sino na ang makakasama ko mamasyal sa Mall na dating pag-aari ko? Sino na ang mapagsasabihan ko ng problema ko? Tita, bakit mo ako iniwan?" hagulhol ko. "Shhh tahan na Crystal. Nandito pa ako. Aalagaan kita, hindi kita iiwan tayo na lang sa mundong ito kaya tahan na Love," sabay hagod ni Frany sa likod ko at batid kong umiyak na rin siya. "Bakit nawawala ang mga mahal natin sa buhay? Ipinanganak ba tayong dalawa para iwanan nila? Frany, hindi ko na alam ang gagawin ko," iyak ko na lumuhod sa harap ni Tita. Inalalayan naman ako ni Frany patayo at pinasandal sa balikat niya. Dumating ang funeral para kunin ang katawan ni Tita. Pilit ko pang pinipigilan sila na huwag kunin ang katawan ni Tita pero pinipigilan naman ako ni Frany. "Tita!! Tita gumising ka!" atungal ko. Niyakap ako ni Frany para tumigil ako kakahablqot sa katawan ni Tita na kinuha na ng mga taga-Funeral. "Tama na huwag ka na umiyak. Nandito pa ako. Mahal na mahal kita Crystal, kaya hindi kita pababayaan. Kaya, sana alalahanin mo naman ako. Hindi ko kaya na nakikita kang ganito," iyak na ni Frany habang yakap-yakap ako. Lalo lumakas ang iyak ko. Tama siya kami na lang dalawa ang natitira. Kaya dapat lalaksan ko ang loob ko para sa kaniya. "Ipangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan Frany. Hangang sa tumanda na tayo hindi mo ako iiwan," iyak ko. "Pangako, Crystal. Hanggang pumuti ang buhok mo at hanggang magiging Lolo at Lola na tayo ay narito lang ako sa tabi mo," naibsan ang sakit na naramdaman ko sa sinabi niya. Kumalas ako sa kaniya at hinaplos ang mukha niya. "Mahal na mahal kita. Ikaw na lang ang mayro'n ako. Ikaw na lang ang natitira sa buhay ko. Kaya kapag nawala ka baka mawala na rin ako. Baka mababaliw na ako, Frany." Pinisil niya naman ang ilong ko at ngumiti ito. "Huwag ka na umiyak. Pagkatapos natin asikasuhin ang burol ni Tita lulutuan kita ng Love & Hate cake na paborito mo." "Baliw! Gusto mo lalo akong umiyak? Gusto ko lutuan mo ako ng beef steak 'yong maraming brocoli para naman sumaya ang puso ko," lambing ko sa kaniya. "You love him so much. Sana makilala ko siya para masuntok ko ,an lang," mahina niyang sabi at hinalikan ako sa noo. "Asikasuhin na natin ang lugar kung saan iburol si Tita." anito sabay akbay sa akin at pinuntahan namin ang lugar kung saan namin ibuburol si Tita. _____________ Reynold Nang makaalis na ang sasakyan nang lalaking sumundo kay Crystal ay sinundan ko silang dalawa. At pagdating ko sa hospital ay nasaksihan ko kung paano ni Crystal iyakan ang Tita niya. Gusto ko siya damayan pero naroon ang litseng lalaking iyon sa tabi niya. Pero para saan pa na damayan ko siya? Nakakubli ako sa isang kurtina at rinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Parang sinusunog ang puso ko ng sabihin niya sa lalaki kung gaano niya ito kamahal. Dati sa akin niya lang sinasabi iyon. Pati sa pagtanda namin ay dapat magkasama kami. Anong klaseng babae ka Cystal? Sinasabi mong mahal mo siya pero sa akin mo ibinigay ang katawan mo? Natakot ba ang lalaking iyon na galawin ka dahil wala ka pang karanasan? Dahil mas bata pa iyon sa 'yo? Nagpupuyos ang puso ko sa galit napakasinungaling niya. Matapos niya ba makipaghiwalay sa akin ay ang lalaking ito kaagad ang ipinalit niya sa akin dahil mayaman ito? At hindi katulad ko noon na akala niyang pobre. Nang umalis na sila nang lalaking 'yon ay umuwi na ako sa bahay. Pagdating ko roon ay agad namang nagtaka si Yaya kong bakit matamlay ako. "Iho, gusto mo timplahan kita ng tea?" tanong nito nang naupo ako sa sofa. " Yes, Yaya please?" wika ko. "Sige at timplahan na kita," sabay talikod ni Yaya. Maya naman ay lumabas si Shany sa silid niya. "Hi Kuya!" bati nito sa akin at humalik sa pisngi ko. "Kamusta na ang baby ko, hmm?" hinila ko ito at pinaupo sa sofa. "I'm fine. But i'm bored. Wala kasi akong makausap," sabay haba ng nguso nito. "Bakit hindi ka pa kasi natutulog? Wala ka bang pasok bukas?" tanong ko. "Maayro'n po. Kaso hindi ako makatulog," ani Shany. "Drink your milk and go to sleep, okay?" wika ko. "Kuya may tanong ako sa 'yo." "what is it, hmm?" sabay akbay ko sa kaniya. "Kuya, if you love some one ano ang ibinibigay mo?" tanong niya sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata. "Huwag mo sabihin na nagkakagusto ka na?" "Heheheh.. crush lang naman, kuya," ngisi pa nito sa akin. "Shany, bata ka pa. Kaya ang pag-aaral mo ang atupagin mo at hindi ang crush mong 'yan, kung hindi bibitinin ko ng patiwarik ang lalaking 'yon," banta ko sa kaniya. "Hummmppp... Kuya naman para kang si Daddy strikto! Matulog na nga ako," sabay tayo nito at nagmartsa sa silid niya. Napapailing na lang ako. Ang bata-bata pa niya may crush na. Hindi ko napansin na dalagita na pala ang kapatid ko. Parang kailan lang ay baby pa ito. Pero ngayon dalaga na. Si Shany ang pinaka-tresure namin sa pamilya. Naalala ko noon na gusto ko magkaroon ng kapatid kaya lagi ko hinihingi kay Mommy at Daddy na gumawa sila ng kapatid ko. Kaya nang mabuntis si Mommy at ipinanganak si Shany ay tuwang-tuwa kami kaya nagpaparty kami sa mansion. Alagang- alaga ko naman ang kapatid ko. Maya pa ay daumating na si Yaya at may dala na itong tea para sa akin. Inilapag niya ito sa mesa at umupo sa tabi ko. "Reynold, wala ka bang sabihin kay Yaya?" sabay taas pa nito ng kilay sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman ang sabihin ko sa'yo, Yaya?" "Alam ko na may iniisip ka. At sigurado ang babaeng 'yon na naman. Si Crystal tama ba?" seryoso nitong tanong. Si Yaya ang nakakaalam sa lahat kong secreto. Alam niya ang lahat tungkol sa amin ni Crystal. Kaya siya unang nasaktan noong sinabi ko na hiniwalayan na ako ni Crystal. Sa kaniya rin ako nagpaturo magpagawa ng cake at beef steak para sa anniversary namin ni Crystal. "Yaya, Nakuha ko na ang virginity niya," sagot ko. "What? Oh, my God. Huwag mong sabihin na ibingay niya sa 'yo 'yon! Nagkabalikan ba kayo?" gulat na gulat pa ito sa sinabi ko. "Hind, iYaya. She have no choice. Kailangan niya ng pera para sa Tita niya," sabi ko. "At ginamit mo ang kahinaan niyang iyon para para makuha mo ang katawan niya? Reynold, hindi kita pinalaki para manlamang sa kapwa mo. Pinalaki kita ng maayos at ipinanganak ka ng Mommy mo na sakto sa buwan. Kahit na sinaktan ka niya. Pero hindi pa rin tama na lamangan mo siya," sabi pa ni Yaya. Mas strikta pa si Yaya kaysa kay Mommy. "uPmayag naman siyang ibigay ang katawan niya sa akin. At kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon she deserve of that pain. At wala na akong pakialam sa kaniya, Yaya. After all muntik ko ng sirain ang buhay ko dahil lang sa babaeng iyon. Kaya dapat lang mawala sa kaniya ang lahat," sabay inom ko ng tea. "Hindi pa ba sapat sa 'yo na ikaw na ang may-ari ng mall niya? Pati ang mansyon nila ay kinnuha mo na rin sa kaniya. Halos wala na ngang matira sa kaniya. Pati ba naman ang dangal niya ay kinuha mo rin?" ani Yaya. "Mali siya ng taong sinaktan, Yaya. Kaya ngayon namnamin niya ang karmang ginawa niya sa akin," wika ko kay Yaya habang nakakuyom ang aking kamao. "Tssk..tsskk.. Kawawang Crystal, para siyang nabasag sa mga kamay mo. Hindi niya ba alam na ikaw ang nakabili ng mall niya?" tanong ni Yaya. "Hindi niya na kailangan na malaman, Yaya. Kanina nakita ko siya na kayakap ang lalaki na ipinalit niya sa akin. Narinig ko ang mga matatamis nilang usapan. Ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Paano kung pati ang lalaking iyon ay ilalayo ko sa kaniya? Para wala ng matira kahit isa sa kaniya Yaya? Ano sa palagaynmo?" sabay tagis ng mga bagang ko. "Reynold, hayaan mo na lang si Crystal. Hayaan mo na siya, Iho. Naka-move on ka na. Isa pa malapit ka na rin ikasal kay Honey. Ano na lang ang iisipin ng mga Hariss kung malaman nila na may nangyari sa inyo nang ex mo? Masasaktan mo ang damdamin ni Honey," sabay haplos ni Yaya sa kamay ko. Hindi alam ni Yaya ang plano namin ni Honey. Wala akong puwedeng pagsabihan at baka hindi na naman matuloy ang plano namin ni Honey. Tumayo ako at nagpaalam na kay Yaya na magtungo na sa aking silid. Ipapahinga ko na lang muna ang pagod ng aking katawan pati pagod ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD