Episode 7

2159 Words
Chapter 7 Crystal Maayos na ang burol ni Tita. Kaming dalawa lang ni Frany ang nasa lamay. Wala naman kasi kaming mga kamag-anak rito sa Holand. At mamayang gabi pa makikiramay ang mga kaibigan ni Frany. Ako naman ay hindi ko na inisturbo muna si Allysa. Alam kong may hinaharap pa itong problema. At Hindi lang 'yon kundi hindi niya pa ako maalala. May hinaharap rin silang problema ni Mr. Moore. But speaking of Mr. Moore ay nakita ko ito na bumaba sa sasakyan niya at pumasok sa burol ni Tita. Sinalubong ko naman ito. "Good morning Mr. Moore," bati ko. "Condolence kanina ko lang nalaman ang nangyari sa Tita mo. Hindi mo naman sinabi na may problema ka pala sana natulungan kita," sabi pa nito sa malumanay na boses. Humaba ang kaniyang buhok at begoti. "Maupo po muna kayo Mr. Moore. Ipagtimpla ko muna kayo ng kape," alok ko sa kaniya. "N need, Crystal.. Pumunta lang ako rito para iabot itong kaunting tulong ko," sabay abot nito sa akin ng isnag sobre. Tinanggap ko naman iyon. "Salamat, kamusta ang mga bata? Si Allysa, kamusta?" tanong ko. "Matagal na akong wala sa mansyon. Pero alam kong maaayos naman siya at ng mga anak namin," malungkot nitong wika sa akin. "Hindi niya pa rin pala kayo naalala? Huwag mo na iparating sa kaniya ang tungkol sa akin. Ayaw kong madagdagan ang alalahanin niya," wika ko kay Mr. Moore. "Isa pa pala ang pinunta ko rito ay para imbitahan ka sa anniversary ng FGM Company. May passion show na gaganapin at ang kaibigan mo ang special roon. Dahil siya ang magsusuot ng set ng jewelry na ipinagawa ko para sa kaniya. Pero, bilang Areana De VIlla." Natuwa naman ako sa sinabi niya. Sino ang mag-aakala na si Areana De Villa ay ang matalik ko pa lang kaibigan na si Allysa. Ang akala ko noon ay wala na siya. Pagkatapos kasi nang kasal nila ni Gabrel noon ay wala na akong balita sa kaniya. Basta nabalitaan ko na lang na wala na ang kaibigan ko. Lagi pa ako noon pumupunta sa puntod niya. At nagulat na lang ako na isang araw ay makita ko siya sa Mall. Sinabi sa akin ni Gabriel ang lahat na buhay pala si Allysa at siya ang sikat na disigner na iniidolo ko. Ang mga design ng damit na gawa niya ay wala akong pinalampas noon. Kahit na kapos ako sa pera ay binibili ko iyon. Ang iba ay dini-display ko sa botique ko sa San agustin. Pero dahil nagkasakit si Tita ay hindi ko na ito maasikaso kaya nagsara na rin. "Excited akong makita ang kaibigan ko na magrarampa sa stage Mr. Gabriel. Pero may problema ba kayo ni Allysa? " tanong ko. "Gusto niya makipag-divorce sa akin. Ayaw ko na masaktan ang kaibigan mo Crystal. Ayaw kong nasasaktan siya dahil sa akin. Kaya, minabuti ko na lang munang lumayo sa kaniya," anito sa malungkot na boses. "Mr. Gabriel, huwag mo sana sukuan si Allysa. Ngayon ka niya higit na kailangan. Kaya, intindihin mo na lang ang pagkatupakin ng asawa mo," wika ko sa kaniya. "Paano aalis na ako. May pupuntahan pa kasi akong mahalagang bagay. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin," aniya sabay tapik ng wking balikat. "Salamat Mr. Gabriel," sabay kamay ko sa kaniya. Pagkatapos ay umalis na ito. Inilagay ko naman sa bag ko ang ibinigay niyang pera sa akin at ang laki no'n. Kahit paano ay may ipanggastos na ako sa burol ni Tita. Makalipas ang ilang sandali ay iniwan ko muna si Frany sa burol ni Tita. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya naglakad-lakad muna ako sa labas. Malapit lang sa paaral ang pinagburolan kay Tita. Kaya naglakad-lakad ako sa malawak na park roon. Nakita ko naman na may batang tinutukso ang mga kalalakihan at parang inaagaw nito ang note book nito sa mga lalaking estudyante. "Ano ba! Akin na nga 'yan sabi, eh!" wika ng batang babae na mangiyak-ngiyak na. "Agawin mo. Sabihin namin ito kay Jason na crush mo siya, hahahaha..." sabi naman no'ng may hawak nang note book niya. Pinagtatawanan siya ng mga kalalakihan na kasing edad niya rin. Naawa ako sa kaniya, kaya kinuha ko ang notebook niya sa lalaki. Nagulat naman ito ng hablutin ko ang notebook sa kamay niya. "Bakit kailangan niyong kunin ang notebook niya? Wala ba kayong note book at wala ba kayong pasok?" tanong ko da kanila. "Vacant po namin. Bakit kaano-ano mo ba siya?" sarkastikong tanong nang isang binatilyo. Tumabi naman sa akin ang dalagita at iginiya ko ito sa aking likuran. "She is my little Sister " at isa-isa ko silang pinagdilata ng mata. "Kapga tinukso niyo pa ang kapatid ko. Isusumbong ko na kayo sa guidance niyo. Huwag niyong kunin ang bagay na hindi sa inyo. At huwag niyong apihin ang mahina sa inyo, lalo na at babae. Wala ba kayong mga Ate o magulang? Oras na awayin niyo pa ang kapatid ko malalagot kayo sa akin!" banta ko sa apat na binatilyo. "S..sorry po," paumanhin naman ng isa. "Hindi kayo dapat sa akin humingi ng sorry. Kundi sa kapatid ko," wika ko sa kanila. Yumuko naman ang mga ito at humingi sila isa-isa ng sorry sa dalagita. "Sorry Sha," sabi no'ng kumuha ng notebook ng dalagita. "May big Sister ka pala. Ang ganda rin ng kapatid mo," sabi naman no'ng isa. "Syempre sa kaniya ako nagmana!" proud namang sabi ng dalagita. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.. How i wish na sana ay mayro'n rin akong kapatid na babae na kasing ganda niya. Pagkatapos nilang humingi ng sorry ay umalis na ang mga ito. Ibinigay ko naman sa kaniya ang notebook niya. "Maramng salamat po, Ate Ganda," ngiti nitong wika sa akin. "Walang ano man. Sa sunod huwag kang pumayag na binu-bully ka ng iba" wika ko sa kaniya. "Opo, ako nga pala si Shany. Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin. Kaya nginitian ko naman siya. "Tawagin mo na lang akong, Ate Crys. Wala ka bang pasok at narito ka sa labas ng school ninyo?" tanong ko sa kaniya. "Wala na po, saka hindi na po muna ako nagpasundo sa driver namin dahil nabo-bored lang ako sa bahay dalawang subject ko po walang pasok," wika nito sa akin. "Bakit ka naman nabo-bored? Mabuti pa umuwi ka na kaysa narito ka at pinagti-tripan ng mga ka-klase mo." sabi ko. "Ayos lang po 'yon, Inaabangan ko kasi ang crush ko rito," ngiti nitong wika sa akin at kinilig pa ito. "Hmm.. Si Jason? Guwapo ba siya?" ngti ko sa kaniya. "Opo Ate, crush ko na po siya last year. hehehe.." ngiti pa nito. Naupo kami sa damuhan at nagkuwnetuhan. "Hindi masama na magkaroon ka ng crush. Gawin mong inspirasyon siya para makapagtapos ka ng pag-aaral. At huwag ka rin basta-basta maniniwala sa mga matatamis na salita ng mga lalaki. Dahil kapag oras na makuha nila ang gusto nila sa'yo ay iiwanan ka lang nila," wika ko sa kaniya. "Thank you, Ate. Sana naging Ate na lang kita. Puwede ko ba makuha ang number mo?" tanong niya sa akin. "Sure, anytime puwede mo akong tawagan " sabay kuha ko ng notebook niya at isinulat ko ang number ko roon. "Ate Ganda, paano kaya ako mapansin ng crush ko?" tanong pa niya sa akin.. "Kapag crush ka ng crush mo mapapansin ka niya. Lalo na at maganda ka. Pero, tandaan mo ang sinabi ko hindi masama ang magkaroon ka ng crush. Basta huwag mo lang pabayaan ang sarili mo," payo ko pa sa kaniya. "Opo, Ate. Mabuti ka pa nakakausap ko ng maayos. Samantalang si Kuya ang strikto niya huwag daw muna ako magcrush-crush " aniya. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Natatakot lang ang Kuya mo dahil bata ka pa. Kaya mag-aral ka lang ng mabuti. At kapag tapos ka na at magkita kayo ng crush mo may ipagmamalaki ka sa kaniya at malay mo ligawan ka pa niya." "Talaga Ate? Salamat Ate," wika nito at yumakap ito sa akin. Ang lambing naman ng batang ito. "Ate Ganda. Malapit ka lang ba rito?" tanong naman niya. "Medyo malayo. Pero sa ngayon kasi ay nariyan ako sa funeral dahil patay ang Tita ko," sagot ko sa kaniya. "Gano'n po ba? Puwede ba kita puntahan kapag wala akong makausap?" tanong pa nito sa akin. "Oo, naman. Basta huwag ka mag-cuting class at baka mapagalitan ka." Tumango lang ito sa akin. Nakita ko naman na may lumilipad na bola ng baseball bat at matatamaan siya. Kaya initulak ko siya at ako ang natamaan sa noo. "Ouch!" bigla kong tili at sinapo ang noo ko. May naglalaro kasi ng Baseball at natamaan ako sa ulo. Matigas ang bolang iyon kaya ang sakit ng noo ko. Tiyak na nabukulan ako napangiwi ako sa subang sakit. Bumangon naman si Shany at tiningnan ako. "Hala, Ate. Ang noo mo may tumubong sungay." Lumapit naman ang mga naglalaro ng baseball sa kinaroroonan namin. "Ate, ayos lang ba kayo? Sorry po hindi ko sinasadya," paumanhin naman ng binatilyo. "Hala Jason nabukulan si Ate," sabi naman ng isang binatilyo. Tumingin ako kay Shany at nakita ko namumula ang pisngi nito kaya nabatid ko na ito ang crush niya. "iI's okay alam ko naman na hindi mo sinasadya. Pero kung hindi ko isinangga ang sarili ko ay si Shany sana ang natamaan," sabi ko. "Shany, I'm sorry," hingi ng paumainhin ni Jason kay Shany. "Okay lang ako. Pero ang Ate ko ang nasaktan," malungkot na wika ni Shany. "Ate mo pala ito? Ang ganda niya rin katulad mo, Sha," sabi naman ni Jason. "Ehem, ehem. My litle sister aalis na muna ako, ha? Jason puwede bang isali mo si Shany sa laro niyo?" paalam ko kay sa kanila. "Tumingin naman sa akin si Shany na may kahulugan. "Ate, hindi ako marunong maglaro ng baseball." "Hayaan mo, Shany. Tuturuan kita" wika ni Jason kay Shany. "Oh, tuturaan ka naman pala, eh," sabay siko ko kay Shany at kindat. Tudo naman ang ngiti nito. " Paano Jason, ikaw na muna bahala sa kapatid ko,ha?" sabay tapik ko sa kaniyang balikat. "Umuwi ng maaga, ha?" "Opo, Ate. Salamat po," aniya at yumakap pa ito sa akin. Kahit ngayon lang kami nagkita ni Shany ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Bumalik ako sa funeral at nakita ko naman na maraming tao akala ko kung sino ang mga 'yon. Mga barkada pala ng kapatid ko. Nang makita nila ako ay nagsibatian naman sila sa akin. Si Frany naman ay nagtaka sa kaniyang nakita sa aking noo. "Ano ang nangyari riyan sa noo mo Love? Bakit may sungay na tumubo riyan?" "Natamaan ng baseball. Bakit ang dami ng mga barkada mo? Magpapatayo ka ba ng gang?" tanong ko. "Tsss.. kahit ganiyan ang mga 'yan mapagkakatiwalaan ko ang mga 'yan. Hali ka e-cold compress natin 'yang bukol mo sa noo. Saka huwag mo nga ikunot 'yang noo mo. Parang kang demonyita tingnan," wika pa ng bruho sa akin. "Batukan kita riyan, eh. Hayaan mo na ito. Aalis muna ako mamili lang ako ng mga kakailanganin pa rito sa burol ni Tita," paalam ko sa kaniya. "Sige, kami na ang bahala rito," anito. Umalis ako at nagtungo sa mall na malapit lang roon. Nag-ikot ikot lang muna ako. sa loob ng mall. Maya pa ay nakasalubong ko si Reynold at kasama nito ang girlfriend niya. Hindi na ako nakaiwas sa kanila dahil ngayon ko lang sila napansin. Kaya patay malisya na lang ako na kunyari hindi ko siya kilala. Pero humarang siya sa akin at nagsalita. "Ang liit talaga ng Holand at lagi tayong nagkikita, Crystal " sabi nito sa sarkastikong boses. "Who is she?" ngiting tanong sa kaniya ng babae at lumitaw pa ang dimples nito sa magkabilang pisngi. "She is my old friend," sabi naman niya sa girlfriend niya. "Crystal, she is my wife to be. Hon, this is my friend Crystal," pakilala ni Reynold sa akin sa kaniyang girkfruend, Parang sinundot naman ng karayon ang puso ko. Nanadya ba talaga siyang saktan ako? Bakit hindi niya na lang sinabi na parausan niya ako. Natakot ba siya na awayin siya ng girlfriend niya? "Hi, Crystal glad to meet you," sabay lahad nito ng kamay niya sa akin. "Glad to meet you, too," sabay abot ko ng kamay niya at kinamayan siya at bumitaw rin kaagad. "What happen to your head?" tanong ni Reynold no'ng mapansin ang bukol ko sa ulo. "'Natamaan ng bola. Sigem mauna na ako sa inyo," saka humakbang na ako. Hindi ako makahinga kapag kaharap ko si Reynold. Kaya dali-dali na akong umalis doon. Lumabas na lamang ako ng mall. Bakit ba naman sa dami ng Mall rito sa Holand ay dito pa ako pumunta? Nasalubong ko na naman tuloy si Reynold at ang girlfriend niya. Ang sakit sa puso na hindi na ako ang kasama niya. Nagtungo na lamang ako sa apartment ko at nagbihis. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa burol ni Tita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD