Chapter 5
Reynold
Pinaimbistigahan ko kay Gilbert si Crystal at kung ano ang naging buhay nito. Pinapasundan ko kay Gilbert kung saan siya pumupunta. At nalaman ko na nasa hospital pala ang Tita niya at may breast cancer ito.
Inalam ko ang adress na tinutuluyan niya at ibinigay iyon sa akin ni Gilbert. Nalaman ko na rin na hindi na ito pumapasok sa opisina ni Mr.Moore. Nakaraang araw ay kinausap ko si Mr. Moore at Allysa. Humingi ako ng paumanhin kay Mr. Moore sa nangyari sa amin. Sino ba naman ang mag-aakala na may asawa na pala si Allysa?
Pero tanggap ko na rin iyon. Si Allysa na rin at Claris ang naging kaibigan ko sa New York noong panahon na kakare-cover ko lang sa sarili ko sa subrang depression na naranasan ko noong iwanan ako ni Crystal. Mula nang makilala ko si Crystal ay sa kaniya na umikot ang mundo ko. Siya ang nagpapasaya sa buhay ko noon.
Tiniis ko ang pagod sa pagta-trabaho sa contstuction, pagbubuhat ng palay at mga ani ng mga prutas. Kapag gabi ay driver at minsan naman ay mangingisda. Tiniis ko lahat para lang makuha ko ang mana ko at ako ang mamumuno ng lahat ng negosyo namin. Dahil ako lang ang nag-iisang lalaki na apo ni Lolo at Lola. Ang Lolo ko ay namayapa na at Iniwan ang yaman nito kay Daddy. At mapapasa akin lang lahat ng yaman kapag nagkaroon ako ng asawa at anak. Pero, hangga't wala pa akong asawa ay si Daddy pa rin ang chairman ng kumpanya.
Pilit nila akong ipapakasal kay Honey sa anak ni Tito Antonio na kaibigan ni Daddy para mailipat na sa akin ang buong kumpanya at ang lahat ng mga ari-arian namin. Pero ako ang ceo ng kumpanya at ipinakita ko sa kanila na kaya ko palaguin ang kumpanya. Lahat ng iyon ay kinaya ko para kay Crystal.
Pero, hindi ko akalain nang araw na 'yon kung kailan na ipakilala ko na siya sa pamilya ko at aalukin ko na siya ng kasal ay saka naman siya nakipaghiwalay sa akin dahil akala niya ay mahirap lang ako at hindi nababagay sa kaniya. Ang akala ko ay mahal niya ako at kahit ano pa ako ay tanggap niya. Akala ko iba siya sa mga babaeng nakilala ko na hindi mahalaga ang material na bagay sa kaniya. Lalo pa akong nainsulto noong sabihin niya sa akin kung ano ang ipapakain ko sa kaniya.
Masiyado niyang minaliit ang pagkatao ko. Hinusgahan niya agad ako. Masiyado siyang mapanghusga. Hindi ko akalain na gano'n siya.
Nang gabing pinag-usapan nang pamilya namin at pamilya ni Honey ang tungkol sa kasal namin ay nagkasundo na kami ni Honey. Na pagkatapos ng kasal ay mag-divorce kami after 6 month at sasama siya sa boyfriend nito. Honey is just like a little sister for me. Kahit siya ay parang kapatid na rin ang turing niya sa akin. Pero dahil sa old traditional ng mga magulang namin ay hito pinipilit kaming ipakasal.
Nagtungo kami sa isang restaurant at pagpasok pa lang namin ay nakita ko na agad ang dalawang couple na nakaupo malapit sa inupuan namin. May kung anong sumiklab na apoy sa puso ko nang makita si Crystal na may kayakap na lalaki. Masama ang mga tingin na ipinukol ko sa kaniya. Gusto kong wasakin siya. Gusto ko maramdaman niya ang sakit na ginawa niya sa akin noon.
Nagpapakasaya siya sa lalaki niya ngayon samantalang ako noon ay halos mamatay ng dahil sa kaniya. Hindi ko matanggap na iniwan niya ako. Halos kitilin ko na ang buhay ko noon. Pero ngayon siya naman ang pagdusahin ko. Hindi ako tititgil hangga't hindi magluray-luray ang puso niya sa sakit.
Lalo akong nagpuyos sa galit noong tinawag siyang love ng lalaki at pinapasok sa loob ng kitchen. Halos wala akong maintindihan sa pinag-usapan namin ng mga magulang namin ni Honey. At nasa isip ko ay kung paano ko madurog si Crystal.
Akala ko ay naka-move on na ako pero hito at gusto kong saktan ang damdamin niya. Tulad ng pananakit niya sa puso ko. Minahal ko siya ng lubusan. Pero pinaniwala niya ako sa huwad niyang pagmamahal.
Habang kumakain kami ng free taste na cake ay nagustuhan nila Tito Antonio at nila Daddy ang cake at pinatawag ang gumawa non. Tinannong nila kung ano ang cake na iyon at sinabi naman ng lalaki na Love & Hate ang tawag sa cake at kuwenento niya ang pinagmulan ng cake na iyon. At nabatid kong si Crystal ang tinutukoy nito.
Nang makaalis na sila ni Crystal ay pinasundan ko ito kay Gilbert. Para malaman ko kung saan sila pupunta at nang matapos ang pag-uusap namin tungkol sa kasal namin ni Honey ay pinauna ko na sina Lola at mga mga magulang ko. Si Honey naman ay sumama na rin sa mga magulang niya.
Sumakay ako sa sasakyan ko at tinawagan si Gilbet. "Sir, narito sila sa Apartment ni Ms. Hemenez. Pero umalis na po ang lalaki. Saka Sir kailangan ng opirahan ang Tita niya bukas dahil lalong kakalat ang cancer nito sa katawan."
"Okay, leave them tatawagan na lang ulit kita," utos ko kay Gilbert at pinatay ang cellphone. Nag-drive ako patungo sa apartment ni Crystal. Pagdating ko roon ay bumaba ako at sumandal ako sa sasakayan. I dont believe na ang babaeng mayaman noon at mataas ang tingin sa sarili ay dito nakatira sa isang apartment na parang banyo ko lang kalaki.
Maya pa ay nakita ko siyang lumabas ay lumapit siya sa akin. Nagsagutan pa kaming dalawa. Ginamit ko ang kahinaan niya para mapasa akin siya ngayong gabi. At hindi ko inaasahan na darating siya sa hotel na sinabi ko sa kaniya. At nang gabing iyon ay nakuha ko siya ng buo. Pero hindi ako dapat matangay ulit sa huwad niyang pagmamahal.
Nang gabing iyon ay iniwan ko siya sa hotel. Ipinamukha ko sa kaniya ang mga huling sinabi niya sa akin noon. Ngayong alam kong ako ang lalaking nakauna sa kaniya ay lalo kong sasaktan ang damdamin niya.
Nasa silid ako ng sasakyan ko nang tumawag naman si Tita Bernadette.
"Hello, Tita. Napatawag ka?" tanong ko.
"Reynold, tulungan mo naman akong patahanin si Scarlet. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Nagwawala siya sa loob ng silid niya at natatakot akong tangkain niya na naman ang buhay niya," iyak ni Tita.
"Sige, Tita pupunta na ako riyan," agad kong pinindot ang blutooth ear phone sa tainga ko at agad na pinaandar ang sasakyan.
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay nila Tita. Agad akong pumasok at sinalubong naman ako nito.
"Reynold, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa pinsan mong 'yan," nag-aalalang wika ni Tita. Nasa ibang bansa ang ama ni Scarlet at nag-iisang anak lang nila ito ni Tita Bernadette at Tito Benedict.
"Huwag kayo mag-alala Tita, ako ang bahalang kumausap kay Scarlet," at agad ako nagtungo sa tapat ng silid niya. Sumunod naman sa likuran ko si Tita.
Kinatok ko ang pintuan ng silid nang pinsan ko. "Scarlet, si Kuya mo Reynold 'to. Buksan mo ang pinto!" sabay katok ko ng malakas.
Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto hilom ang mga mata nito. "Kuya?" sabay yakap nito sa akin.
"Scarlet, ano ba ang nangyayari sa 'yo, ha?" tanong ni Tita sa anak.
"Tita, ako na ang bahala kay Scarlet," saka dinala ko si Scarlet sa labas. Pinapasok ko ito sa kotse
at dinala sa isang lugar na tahimik para makapag-usap kami ng maayos.
Nakaupo kami sa isang bench na mahaba. Tinitigan ko siya ng mabuti. "Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo."
Umiling-iling naman siya habang patuloy lang umiiyak. "Scarlet, paano kita matutulungan kong hindi mo sasabihin sa akin ang problema mo? Ano ang iniiyakan mo? 'Yong lalaking iyon pa rin ba?" tanong ko.
"Kuya, ang sakit. Anong mayro'n sa babaeng 'yon na wala sa akin? Sexy at maganda naman ako. Pero bakit niya ako ipinagpalit sa iba?" iyak nitong sumbong sa akin.
"Akala ko ba naka-move ka na? Pero, bakit bigla ka na naman naging ganito?" sabay haplos ko sa buhok niya.
"Mahal ko pa rin siya Kuya. Kung hindi dahil sa babaeng 'yon kami pa rin hanggang ngayon. Humanda sa akin ang babaeng iyon makikita niya!" galit pang banta ni Scarlet sa kung sino mang babae ng boyfriend niya.
"Mabuti pa kalimutan mo na ang lalaking iyon. Marami pa namang lalaki riyan na mas karapat-dapat sa 'yo. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sa 'yo. Maganda ka sexy at matalino tiyak na marami pang lalaki na mas karapat-dapat sa 'yo," wika ko.
"Kuya, mahina lang ako. Hindi ako katulad mo na mabilis kalimutan ang girlfriend mong muntik ng sumira ng buhay mo. Kahit anong pilit kung gawin ay tinitibok pa rin siya ng puso ko," aniya.
Niyakap ko na lang siya at pinatahan. "Tahan na makakalimutan mo rin siya. Ayusin mo ang sarili mo."
Nang tumahan na siya ay inihatid ko siya sa bahay nila. Hindi na ako pumasok sa loob ng bahay at sinabihan ko na lang si Tita na bantayan ng maayos si Scarlet.
Masiyado pa itong bata para maranasan ang ganito. Nag-drive ako ng sasakyan at nais ko sanang pumunta sa bar pero sa kahabaan ako ng hiway ay may nakita akong babae na nakaupo sa tabi ng kalsada. At hindi ako nagkamali ay si Crystal iyon.
Piinaatras ko ang aking sasakyan at huminto sa tapat niya. Kung hindi ako nagkakamali ay umiiyak siya habang nakahalukipkip ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib. Giniginaw ito at parang sisiw na iniwanan ng ina sa daan.
Bumaba ako at humarap sa kaniya. "What are you doing here?" tanong ko.
Umangat siya ng tingin sa akin at nakita ko na hilom ang mga mata niya sa kakaiyak. "Iniwan na ako ng lahat," aniya sa paos na boses.
Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko sa kalagayan niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Wala ng natira sa akin. Lahat ng tao na mahalaga sa akin ay nawawala. Anong mali sa akin at halos wala ng matira sa akin? Ano ang maling nagawa ko para parusahan ako ng langit ng ganito? Bakit pati si Tita ay kinuha sa akin? Bakit?" hagulhol nitong iyak.
HIndi ko alam kung paano siya aluhin at patahanin. Pero, bigla ko naisip ang ginawa niya sa akin. Tama lang na lahat ay mawala sa kaniya dahil matapobre siya.
Pero hindi ko rin natiis na makita siyang gano'n kaya hinawakan ko siya sa braso at pinatayo habang humagulhol siya ng iyak.
"Hindi ka dapat narito sa lugar na ito. Malalim na ang gabi kaya ihatid na kita," mahina kong sabi.
"Hindi na pupuntahan ko si Tita," lalo pa itong umiyak. Niyakap ko siya at hinayaan na munang umiyak sa aking dibdib.
Hinagod ko ang likod niya at pinatahan. "Tahan na, samahan kita na puntahan ang Tita mo."
Tumingala siya sa akin. "Sasakay na lang ako ng taxi baka hinahanap ka na ng girlfriend mo," mahina niyang sabi.
"Nasa bahay na nila siya. Kaya okay lang na samahan kita sa Tita mo," wika ko.
"Hindi na kailangan, Reynold. Isa pa baka may makakita sa 'yo na kasama ako. At baka ano ang isipin ng ibang tao lalo na at ikakasal ka na," aniya saka may kinuha ito sa bag niya.
"Ito ang pera na binigay mo sa akin kanina. Ibinabalik ko na sa 'yo dahil wala na si Tita," sabay punas niya ng mga luha sa kaniyang mga mata.
"Keep it. Bayad ko na 'yan sa virginity mo," madiin kong wika sa kaniya.
Pero pilit niya itong nilagay sa kamay ko. "Hindi ko kailangan ang pera mo. Kung ano man ang nangayri sa atin kalimutan mo na iyon. Dahil isama ko na rin iyon sa hukay ng Tita ko.''
"So, kailangn ba akong matuwa na ibinigay mo ng libri ang katawan mo sa akin? 'Di ba, money is important to you? Bakit ngayon kung kailan na wala ka ng pera ay sinasabi mong hindi mo kailangan ang pera ko?" insulto kong wika sa kaniya.
"Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo, kaya kung puwede huwag mo akong insultuhin ngayon. Kung ano man ang nangyari sa atin sa nakaraan may tamang oras para pag-usapan natin 'yan," sabi pa niya.
"Hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan, Crystal. Kaya, wala na dapat tayong pag-usapan tungkol sa nakaraan. inilibing ko na sa limot iyon. At para sa akin isa lang iyong panaginip at wala ng puwang sa buhay ko," seryoso kong sabi sa kaniya.
Magsasalita pa sana ito ng may tumawag sa kanniya. "Love! Let's go!"
Pareho kami napatingin sa kinaroroonan ng lalaki na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. Iyon ang lalaking kasama niya kanina ang nag-bake ng cake.
"Salamat sa oras mo. Aalis na ako," paalam niya sa akin at agad na nagtungo sa lalaki. Niyakap siya nito at pinapatahan. Inalalayan siya na pumasok sa loob ng kotse nito.
Lalong tumindi ang galit sa puso ko. Nakuyom ko ang pera na hawak-hawak ko. Nagtatagis ang mga bagang ko sa galit. Anong laro ang gusto mo Crystal? Iba ang boyfriend mo pero sa akin mo unang ibinigay ang p********e mo.
Naalala ko ang sinabi ni Mr. Moore noong nag-usap kami. If i love her then i kidnap her. Well i think darating ako sa puntong 'yan. Kidnapin ko kaya siya? At ano ang gawin ko sa kaniya gawin kong kabit? Napakamot na lang ako sa aking ulo at umuwi na ng bahay.