Chapter 9 Reynold Pagkasabi ko na may bagsak si Shany ay bigla namang nag-histerical si Mommy. "What!? Shany, totoo ba na may bagsak ka?" Hindi naman umimik ang kapatid ko. "Shany, bakit hindi mo sabihin ang totoo kina Mommy at Daddy, hmmm?" galit kong wika sa kapatid ko. "And look, Mom! Pinatawag ang guardian niya pero ibang guardian ang dinala niya. Hindi ko alam kong sino sa inyo ni Daddy ang may anak sa labas at nagkaroon kami ng instant sister," sabi ko pa kina Mommy at Daddy. Bigla naman napatingin si Mommy kay Daddy. "Rafael, may anak ka sa labas?" tanong nito kay Daddy. "Son, huwag mo sabihin may apo ako sa labas?" sabat naman ni Lola. "Ano ba ang pinagsasabi ninyo? Syempre, wala!" ani Daddy at napakamot pa ito ng kaniyang ulo. "Shany, sino ang dinala mong guardian sa schoo