Chapter 8
Crystal
Makalipas ang isang linggo ay nailibing na namin si Tita. Si Frany ang kasama ko at inalalayan niya lang ako. Pagkatapos ng libing ay nagpahatid na ako apartment ko kay Frany.
Habang nakahiga naman ako sa kama at umiiyak dahil sa pagkawala ni Tita ay may tumawag sa aking cellphone. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello?"
"Ate Ganda, si Shany po ito. Puwede po bang pumunta ka rito sa school?" ani Shany na parang may problema ito. Tatanggihan ko sana ito dahil nagluluksa pa ako kay Tita. Per,o hindi ko naman ito matiis dahil malambing ito sa akin.
"Sige, Shany. Hintayin mo ako riyan," Bumangon ako para puntahan siya.
"Salamat Ate," aniya.
Dali-dali ko naman kinuha ang shoulder bag ko at lumabas sa apartment. Pinuntahan ko si Shany sa paaralan nito. Medyo may kalayuan ang paaralan ni Shany pero pinuntahan ko pa rin ito. Baka kasi inaway na naman ito ng mga ka-klase niya.
Pagdating ko sa labas ng paaralan ni Shany ay nakaabang na ito sa labas ng paaralan. Nang makita niya ako ay agad itong patakbong pumunta sa akin.
"Ate!" sabay yakap niya sa akin.
"Oh! May problema ba? May nang-away ba sa'yo? Bakit ka umiiyak?" agad kong tanong at hinaplos ang buhok niya.
"Ate, tulungan mo ako. Mapapatay ako ni Mommy at ni Kuya," iyak niyang wika sa akin.
"Bakit? Ano ang ginawa mo?" alala kong tanong sa kaniya.
"Ate, may bagsak ako isang subject. Gusto kausapin ng adviser ko ang guidance ko. Ate, baka puwede ikaw na lang ang magpanggap na guidance ko," sabi pa nito sa akin.
"Shany, hindi ka dapat naglilihim sa mga magulang mo. Pagsisinungaling ang gusto mong gawin natin. Kapag pareho tayong mabuking tiyak na pagbabayaran natin ang kasinungalingang iyon," wika ko.
"Pero, Ate? Hindi mo kilala ang pamilya ko. Tiyak bibitinin ako ni Kuya ng patiwarik at ni Mommy at Daddy," sumbong pa nito sa akin.
"Ano ba ang magagawa ko, hmm?" tanong ko.
"Ate, sabihin mo sa teacher ko na ikaw ang eldest sister ko, please?" pakiusap nito sa akin..
Nagbuntong hininga ako ng malalim.
"Sige, pero pagkatapos nito sabihin mo sa mga magulang mo na may bagsak ka, ha?" sabay haplos ko sa buhok niya.
Tumango lang ito. Pumasok kami sa loob ng paaralan niya at kinausap ko ang adviser niya.
"Good morning," bati ko sa teacher niya.
"Good morning please come in," sabi naman nang guro.
Pumasok ako at si Shany naman ay nakahawak sa braso ko. Halatang takot ito.
"Ma'am ako ang guardian ni Shany. May problema po ba?" tanong ko.
"Ano ka niya?" tanong naman ng teacher.
"Ahmmm..Nakakatanda niyang kapatid," pagsisinungaling ko.
"Ah, okay. Akala ko lalaki lang ang nakakatanda niyang kapatid," sabi pa ng teacher ni Shany sa akin.
Nagkatinginan naman kami ni Shany. "Lagi kasi sa abroad si Ate, Ma'am. Doon na kasi siya lumaki, 'di ba, Ate?" sabay yugyog pa sa akin ni Shany.
"Ahh...Oo! Kakarating ko lang kasi. Saka busy ang parents namin," sabi ko naman sa teacher ni Shany. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakapagsinungaling ng ganito. Ano ba ang napasok kong ito? Baka mamaya problema na naman ang dala nito sa akin.
"Okay. May bagsak si Shany sa english subject niya. At lahat ng grades niya ay bumaba. Lagi rin siyang absent sa klase. Kaya, gusto ko malaman kung alam ba niyo ito at kung may problema ba sa bahay ninyo?" tanong ng teacher niya sa akin.
Tumingin naman ako kay Shany. Yumuko ito at parang may malalim itong problema.
"Wala namang problema sa bahay, Ma'am. Hayaan niyo po at kakausapin ko ng mabuti ang kapatid ko," wika ko sa teacher niya.
"Sige at kailangan niya makabawi sa sunod na markahan. Inaalala ko lang na hindi na siya mapasama sa top," sabi pa ng teacher sa akin.
"Sige, po Ma'am. Salamat po. Hayaan mo po at pagsabihan ko ang kapatid ko." sabi ko at nagpaalam na kami sa teacher niya.
Lumabas kami sa paaralan at dinala ko siya sa milk tea-han. Habang nakaupo kami roon ay kinausap ko siya.
"Shany?" tumingin ito sa akin.
"Ate?"
"May problema ka ba sa bahay ninyo? A..alam ba ng mga magulang mo na lumiliban ka sa klase mo?" tanong ko.
"Hindi Ate. Wala naman silang panahon sa akin,eh. Si Lola abala sa pagbo-bolroom dance niya. Si Mommy at Daddy abala rin sa mga kaibigan nila. Si Kuya naman abala sa trabaho at girlfriend niya. Kaya pakiramdam ko hindi na ako mahalaga sa kanila. Lagi na lang nila sinasabi na Shany dapat ganito kataas ang grades mo. Dapat paglaki mo maging passion designer ka. Ate, hindi man lang nila pinapakinggan kong ano ang gusto ko," makulimlim nitong sabi sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Gussto ka lang nila protektahan at gusto lang nila na mapabuti ang buhay mo. Kaya, huwag kang magdamdam sa kanila. Bakit hindi mo sa kanila ipakita na nagpupursige ka sa pag-aaral mo? Tiyak na magiging proud pa sila sa 'yo," wika ko.
"Kahit kailan hindi nila na apreciate ang grades ko. Simula noong nagkasakit si Kuya sa kaniya na lahat ng atensyon ng mga magulang namin. Tapos simula noong umalis siya at pumuntang ibang bansa pakiramdam ko iniwan niya ako at hindi na ako mahalaga sa kaniya. Tapos pagbalik niya magpapakasal rin naman pala siya. Kaya, minsan parang ayaw ko na umuwi sa bahay dahil parang wala namang nakakakita sa halaga ko, Ate," iyak nitong wika sa akin.
"Hali ka. Tabi ka rito sa akin," Sabay hila ko ng kamay niya at pinatabi sa akin.
Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. "Minsan inaakala natin na hindi tayo mahal ng mga taong nakapaligid sa atin. Minsan kulang tayo sa atensyon. Pero, hindi natin alam na para sa atin ang ginagawa nila. Noong ganiyan ang edad ko sa 'yo. Akala ko hindi ako mahal ni Daddy dahil puro trabaho nalang ang ginagawa niya. Pero, noong nalaman ko na nagpapakapagod siya dahil sa akin para mabigyan ako ng magandang buhay na realize ko kung gaano ako kamahal ni Daddy, pero wala na siya. Pero, no'ng nabubuhay siya nagiging masunurin akong anak. Kaya, habang nariyan pa sa 'yo ang mga taong mahal mo. Ipakita mo sa kanila na mahalaga sila sa 'yo. Dahil alam ko na mahalaga ka rin sa kanila," wika ko.
"Salamat, Ate. Pero nasasakal na ako minsan. Kailangan perfect ang kilos ko, ang tawa ko. Ate, pakiramdam ko para akong robot na sunudsunuran na lang sa mga gusto nila. Hindi ako makakatawa ng malakas kailangan mahina lang. Mas gustuhin ko na lang maging mahirap basta malaya sa lahat ng gusto kong gawin kaysa maraming pera na hindi naman ako masaya," Iyak pa nito.
Niyakap ko na lang siya para maibsan ang naramdaman niya. "Tahan na lilipas din ang lahat," sabay hagod ko sa kaniyang likuran.
"Salamat, Ate. Sana naging Ate na lang kita."
"Ituri mo na lang akong Ate mo. Kahit hindi tayo magkadugo ay puwede mo pa rin ako maging Ate. Kapag may problema ka tawagan mo lang ako ha?" sabay ngiti ko sa kaniya.
"Opo Ate." aniya saka kumalas sa akin.
Inubos namin ang milk tea na in-order namin at pinapasok ko na ito sa paaralan niya. Pqgkatapos ay pumunta naman ako kina Allysa dahil tumawag ito sa akin at nagyaya sa bar. Pinuntahan ko naman ang kaibigan ko dahil gusto ako nitong makita.
----------------------
Reynold
Isang linggo na akong walang balita kay Crystal. Hindi na ako naging intrisado pa sa kaniya. Pero sa kabila ng puso ko ay nagtatanong kung kamusta na kaya ito? Ngunit hindi ako dapat magpadala dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin noon. Ayaw ko na magpakabaliw sa pag-ibig.
Minsan na akong nabigo kaya ayaw ko na maranasan ulit sa isang tao. Natapos ko na ang gawain ko sa opisina kaya gusto kong surpresahin ang kapatid ko. Tinawagan ko si Mang Oscar ang driver ni Shany. Ako na ang magsundo sa aking kapatid.
Nang nasa paaralan na ako ay naghintay ako sa labas. Nakita ko naman si Mrs. Dela Costa ang adviser ni Shany.
"Good morning, Mrs. Dela Costa," bati ko.
"Magandang tanghali sa 'yo Mr. Johnson. Hinihintay mo ba si Shany?" tanong nito sa akin.
"Yes, Mrs. Dela Costa. By the way kamusta naman ang pag-aaral ng kapatid ko?" tanong ko.
"Kaya nga pinatawag ko ang guardian niya dahil gusto ko makausap. Pero, pumunta na rito kanina ang kapatid niyong babae. Hindi ko akalain na may maganda pa lang Ate si Shany. Kasing ganda niya rin," ngiting wika ng teacher sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. "Kapatid na babae? Anong pangalan?"
"Hindi ko na naitanong. Ang sabi ni Shany kapatid niyo raw iyon," sabi naman ni Mrs. Dela Costa.
Tumango-tango na lang ako at baka si Scarlet iyon ang pinsan namin.
"May problema po ba sa grades ng kapatid ko?" tanong ko.
"Bagsak siya sa english subject niya at bumaba ang mga grades niya. Hindi na nga siya mapasama sa top. Saka lagi siyang absent," sabi pa ng teacher ni Shany sa akin na ikinagulat ko.
Malalim naman akong nagbuntong hininga. "Hayaan niyo Mrs. Dela Costa. Pagsabihan ko ang kapatid ko at alamin ko kung ano ang problema niya," sabi ko na lamang sa teacher ng aking kapatid.
"Sige, Mr.Jonhson. May pasok pa ako," paalam nito sa akin at tumango lang ako..
Nagtataka ako kong sino ang pinakilalang kapatid ni Shany sa adviser niya. Kaya tinawagan ko si Scarlet agad niya naman sinagot ang tawag ko.
"Scarlet, pumunta ka ba rito sa school ni Shany kanina?" tanong ko.
"Hindi, Kuya. Nasa Shope ako mula kanina," sabi pa nito.
"Gano'n ba? Kamusta ka na?" tanong ko.
"Ayos lang ako kuya. Nililibang ko lang ang sarili ko. Saka nga pala next month na pala ang kasal ninyo ni Honey. Hindi ko pa nakikita ang damit ko," wika nito sa akin.
"Tingnan mo na lang mamaya. Yayain mo si Honey para makita mo ang gown mo. Naka-ready na ang lahat kami na lang ni Honey ang hindi."
"Bakit naman, Kuya? H'wag mo sabihin na hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex-girlfriend mo?" sabi pa nito.
Si Scarlet ang magiging maid of honor namin ni Honey.
"Dont talk about her. She's nothing to me now," wika ko sa kaniya.
"Okay, sabi mo eh! Sige Kuya."
"Sige, bye," saka ibinaba ko na ang linya.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Shany sa paaralan nila. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako.
"K..Kuya!" aniya sabay halik sa pisngi ko.
"Kmusta na ang kapatid ko, hmm?" sabay gulo ko ng buhok nito.
"Ayos lang po, Kuya. Bakit ka pala narito?" tanong niya.
"Syempre gusto kitang ipasyal. Saan mo gusto mamasyal, ha?" tanong ko sa kaniya
Nag-isip muna ito bago sumagot. "Gusto ko sa love tree, Kuya."
Bahagya naman akong natigil sa sinabi niya. "B..bakit gusto mo roon?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"Maganda kasi roon. Sige, na kuya ipasyal mo na ako roon," pagpupumilit niyang wika sa akin.
"Sige, sige." Pinagbuksan ko na ito ng pinto ng kotse. Sumakay na ito at sumakay na rin ako. Habang sa biyahe na kami ay hindi ko muna tinanong sa kaniya ang tungkol sa grades niya at kung sinong kapatid ang tinutukoy ng teacher niya.
Pagdating namin sa lugar na kung saan ang love tree ay bumaba na kami. After 4 years ay ngayon lang ulit ako nakabalik sa lugar na ito. Binili ko ang lupang ito at tinaniman ng puno at pinangalanan kong love tree. Hindi ko alam kung anong klaseng puno ito basta ang dahon niiya ay malalapad. Sumasabit ako rito ng mga piraso ng mga plastik na iba't ibang kulay. At ngayon ay malago na ang puno at dahon nito. Dito ko noon balak magpatayo ng bahay para sa amin ni Crystal.
Dito ko balak manirahan kasama ang mga magiging anak sana namin. At gusto ko sa punong ito ay dito kami uupo ni Crystal at magpapahinga sa lilim nito. Pero, lahat ng mga pangarap ko para sa kaniya ay biglang naglaho nang nakipaghiwalay siya sa akin.
Lagi ko dinadala rito si Shany at kwenekuwento ko sa kaniya na dito ko dadalhin ang babaeng mahal ko. Ang magiging Ate niya. Si Shany pa ang laging nagdidilig sa punong ito noon.
"Kuya, hindi mo na ba talaga mahal si Ate Wifey?" tanong ni Shany na hindi ko inaasahan.
"Shany, bata ka pa. Kaya, hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko," wika ko at tumingala sa kahoy.
"Kuya, mas gusto ko rito dahil kapag nandito ako nakikita ko ikaw. Nakikita ko ang dating ikaw na masiyahin, puno ng pangarap at puno ng pagmamahal. Pero, bigla ka na lang nawala sa akin kuya," ani Shany.
"What are you talking, hmmm? Hindi naman ako nawala, Shany. I'm still your brother," wika ko sa kaniya.
"No, Kuya. Hindi na ikaw ang dati kong Kuya. Sana bumalik na lang ang pagmamahal mo kay Ate Wifey. Sana si Ate Wifey na lang ang pakasalan mo," sabi pa ng kapatid ko. Kahit hindi niya pa nakita s Crystal ay gustong-gusto niya na ito para sa akin.
"how many time i told you na hindi ko na siya mahal. At huwag mo na siyang tawaging Ate Wifey dahil ibinaon ko na siya sa limot, Shany. Sabihin mo nga pala sa akin. Ano ang pinaggagawa mo sa school niyo, ha?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"W..wala. Kuya, huwag mo ibahin ang usapan. Gusto ko bumalik sa buhay mo si Ate Wifey," wika pa nito.
"Shany, enough! Hindi totoo si Wifey. Isa lang siyang panaginip," sabi ko sa aking kapatid.
Dati ay lagi ko kuwenekuwento sa kaniya ang tungkol kay Crystal at Wifey ang tawag ko sa kaniya. Lagi ko sinasabi kay Shany na wala na akong ibang mamahalin na babae kundi si Crystal lang. Puno ng pangarap ang puso ko noong kami pa.
"Kuya, sabi mo wala kang ibang mamahalin at papakasalan kundi si Ate Wifey lang. Sabi mo habang nabubuhay ang punong ito at lumalaki ay gano'n rin ang pagmamahal mo para sa kaniya," ani Shany.
"Shany, ano ba ang gusto mo mangyari, ha? Gusto mo bang masira ulit ang buhay ko dahil sa babaeng 'yon? Inilibing ko na siya sa limot. Kaya, kung maari lang ay huwag mo ng banggitin ang babaeng 'yon!" galit kong wika sa kapatid ko.
"Gusto kong bumalik ang dating ikaw, Kuya! Dahil alam ko na kapag bumalik ang pagmamahal mo kay Ate Wifey ay babalik rin ang dating ikaw," sabi pa nito sa akin.
"Lahat ng tao Shany nagbabago. Some day gano'n ka rin. Kaya, huwag mo ng banggitin ang babaeng iyon! Dahil kahit isang katiting na pagmamahal ay wala na akong naramdaman para sa babaeing iyon. Kaya, puwede ba tigilan mo ako. At ano ang problema mo, ha? Bakit may bagsak ka? At bakit laogi kang hindi pumapasok sa paaralan, ha? Ano ang problema mo?" madiin kong tanong sa kaniya.
"Huwag mo na akong tanungin, Kuya. Gusto ko na umuwi," nakasimangot nitong ngiti sa akin.
"All right! Sa bahay natin pag-usapan ito," galit ko ng sabi sa kaniya. Pinasakay ko na siya para makauwi na kami. Habang sa biyahe kami ay hindi kami nagkikibuan. Gusto kong alamin kung ano ang problema ng kapatid ko.
Pagdating sa bahay ay padabog namang bumaba si Shany ng sasakyan kaya sinundan ko na ito. "Shany! Ano ba ang problema mo, ha?" tanong ko.
"Wala, Kuya!" pagmamaldita pa nito sa akin. Nang na sa living room na kami ay naroon naman sina Mommy at Daddy pati si Lola.
"Oh! Bakit nagsisigawan kayong dalawa?" tanong ni Mommy.
"Tingnan ninyo ang anak ninyo Mom, Dad. Kung hindi pa ako pumunta sa school niya ay hindi ko pa nalaman na may bagsak siya!" wika ko sa mga magulang namin.
Kaya halos hindi naman makapaniwala ang dalawa sa sinabi ko tungkol kay Shany.