"How can you be so sure that you are still safe to live alone, Diana? Aren't you afraid that someone might just attack you in your apartment? Ni wala man lang tayong ideya kung sino ba ang maaaring magtangka ng masama sa buhay mo," mahabang lintanya ni Kyrene, Diana's best friend since she was in high school.
Frustrated, Diana stood up from the bed. Naglakad siya palapit sa salaming bintana ng silid na kinaroroonan nila. Kasalukuyan siyang nasa condo unit ni Kyrene na matatagpuan sa ika-sampung palapag ng gusaling iyon, dahilan nga para tanaw na tanaw niya ang mga ilaw mula sa mga katabing gusali at iba pang mga establisimiyento.
Alas-siyete na ng gabi at kanina pa siya nasa unit ng kanyang kaibigan. Dahil si Kyrene ang pinakamalapit sa kanya ay ito lamang ang napagsasabihan niya ng kanyang mga problema. Iyon ang rason kung bakit siya naroon ngayon. Ikinuwento niya sa dalaga ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na buwan.
"I don't have a choice, Kyrene," sagot niya habang sa bintana pa rin nakaharap. "Alam mo namang mas panatag akong mag-isa sa unit ko kaysa ang makasama sa bahay sina Tito Alex."
"Hindi ka man lang ba nag-iisip na bumalik sa ninyo? Diana, kung tutuusin ay ikaw ang mas may karapatan sa bahay na iyon kaysa sa Tito Alex mo. Dapat nga ay ikaw ang namamahala roon mula nang mamatay si Tita Stella."
Diana heaved out a deep sigh as she turned to look at Kyrene again. Hindi niya pa maiwasang makadama ng lungkot nang mabanggit nito ang pangalan ng kanyang ina.
"Alam ko pero hindi ko matagalang makasama si Tito Alex. Alam mong hindi ako malapit sa kanya," aniya na ang Alex na tinutukoy ay ang ikalawang asawa ng kanyang ina.
Mula nang mamatay ang mommy niya dalawang taon na ang nakararaan ay nagpasya na si Diana na bumukod ng matitirhan. Hindi niya kasi gustong makasama sa iisang bubong si Alex. Kung siya lang nga ang masusunod ay hindi na niya sana gustong mag-asawa pa ang kanyang ina. Nahirapan pa siyang tanggapin na muling nagbukas ang puso nito para sa ibang lalaki. Iyon ay dahil na rin sa katotohanang mula pagkabata ay daddy's girl na talaga siya.
Pero sino siya para pigilang magmahal ulit ang kanyang ina? Kung maligaya ito kay Alex, so be it. Nagsama sina Stella at Alex sa loob ng tatlong taon. Sa kabila ng tagal niyon ay hindi man lang nakuha ni Diana na mapalapit sa matandang lalaki. Ilag siyang makitungo rito, na kung bakit ay hindi niya maunawaan. Iyon ang dahilan kung bakit nang mamatay ang kanyang ina ay nagpasya siyang manirahan na lang nang mag-isa sa kanyang unit.
"What is your plan now?" untag ni Kyrene nang saglit siyang natahimik.
"Kailangan kong malaman kung sino ang nagtatangka sa buhay ko," saad niya sabay buntonghininga. "Nagdududa na ako, Ky. Pakiramdam ko ay hindi na lang aksidente ang mga nangyari. Para bang sinadya na lahat."
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay ilang beses na siyang muntik nang mapahamak. Nang una ay binalewala niya ang lahat dahil sa pag-aakalang baka aksidente lang ang mga iyon. But things changed when she realized that some were intentionally done just to hurt her.
It all started just months after her mother died in an accident and that was two years ago. Magkasama sila ng kanyang ina at pauwi na sana nang mabunggo ng isang pulang van ang kotseng iminamaneho ng kanyang ina. Sa may bahagi ng driver's seat ang napuruhan ng van at dahil doon nakapuwesto ang kanyang ina ay ito ang nagtamo ng mas maraming pinsala na agad nga nitong ikinamatay.
Siya naman ay nasa passenger's seat at kinailangan ding madala sa ospital dahil sa nangyari. She was lucky that she survived despite the wounds and injuries that she got. Nakaligtas nga siya sa aksidente pero halos gumuho naman ang mundo niya nang malamang wala na ang kanyang ina.
Tumakas ang driver ng van na bumunggo sa kanila at kahit anong pilit niyang makahanap ng ebidensiya upang malutas ang kasong iyon ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya pa ay may mga humahadlang sa kanya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina.
Mahirap man pero pinilit ni Diana na ibalik sa normal ang buhay niya. Itinuon niya ang kanyang buong atensiyon sa kanilang kompanya at halos isubsob na ang kanyang sarili sa trabaho. Akala niya ay magiging maayos na siya, ngunit ang normal na buhay na nais niyang makamit ay hindi nangyari. Napagtanto niya nga na ang ilang maliliit pang aksidenteng kinasangkutan niya nitong mga nakalipas na buwan ay parang sinadya na upang saktan siya.
Katulad na lamang nitong pinakahuling nangyari. Katatapos lang ng isang seminar na dinaluhan niya at pauwi na sana nang muntik na siyang mahagip ng isang humaharurot na motorsiklo. Nasa basement na siya noon ng gusaling kinaroroonan at palapit na sana sa kanyang sasakyan nang bigla na lang ay sumulpot ang motorsiklo mula sa kanyang kanan. Muntik na siya nitong mahagip kung hindi lang siya agad nakaiwas.
Inakala niyang muntikang aksidente lang iyon. Gusto niya pa nga sanang bulyawan ang nagmamaneho ng naturang motorsiklo dahil sa hindi pag-iingat. Ngunit agad nang natigilan si Diana nang lumingon sa kanya ang lalaking may suot na helmet. Sa hindi niya malamang dahilan at akma pa sana siya nitong aatrasan.
To her horror, Diana wasn't able to move. Natakot siya sa balak sana nitong gawin. Wari bang gusto talaga nitong masagasaan siya. Hindi lang iyon natuloy nang may dalawang lalaking dumating sa may basement. Nakasama niya ang dalawa sa seminar at palapit na rin sa pag-aaring sasakyan ng mga ito upang umalis.
That was the turning point for Diana. Doon na niya napagtantong ang lahat ng nangyayari sa kanya, maliit man na aksidente, ay pawang sinadya. Doon siya nagduda na maaaring may gusto talagang ipahamak siya.
"Sino naman ang magbabalak ng masama sa iyo, Diana?" narinig niyang usisa pa ni Kyrene.
"That is also my question," aniya sabay hakbang ulit palapit sa kama nito at doon ay naupo.
"May nakaaway ka ba? Sa trabaho? Sa kompanya ng mga magulang mo?"
"Wala," mabilis niyang sagot. "Walang problema sa kompanya, Ky. Matatagal na ang mga empleyado ng AAC. Malaki ang respeto nila kay Papa kaya maayos din ang pakikitungo nila sa akin. I don't think anyone of them wants to hurt me."
"You are rich, Diana. Wala na ang mga magulang mo at alam ng lahat na sa iyo naiwan ang mga ari-arian nila bilang solong anak ka lang. Hindi kaya dahil doon kaya may nagtatangka nang masama sa iyo?"
Agad siyang natigilan habang pinoproseso sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Kyrene. Somehow, what she said made a sense. Hindi nga naman biro ang mga ari-ariang naiwan sa kanya ngayong wala na ang kanyang mga magulang.
Ang AirCare Aviation Company o AAC ay kompanyang pag-aari pa ng kanyang abuelo, ang ama ng kanyang Papa Noel. Namulat siyang ang kanyang ama na ang namamahala ng naturang kompanya at sa kabila ng pumasok ito sa politika ay hindi pa rin nito napabayaan ang kanilang negosyo.
AAC was doing great. Hindi rin biro ang kitang pumapasok sa kanila dahil dito. Aside from that, her parents left her with other properties--- ang bahay kung saan siya lumaki, ilang sasakyan, alahas ng kanyang ina at siyempre, ang pera ng mga ito sa bangko. Lahat ng iyon ay sapat na ngang dahilan para may magtangka sa buhay niya.
"You are an only child, Diana. Kung sakali, sino ang mag-aasikaso ng lahat ng mayroon ka oras na... oras na may mangyaring masama sa iyo?" makahulugang tanong ni Kyrene.
"S-Si... Si Tito Alex?"
"May karapatan ba siya? Pangalawang asawa lang siya ni Tita Stella. Not even legal, dahil hindi naman sila kasal."
"Pero may posisyon siya sa kompanya," saad niya rito. "At sa bahay namin siya nakatira, Kyrene. Madali na lang para sa kanyang angkinin iyon sa oras na mawala ako."
"Pinagbibintangan mo na ba si Tito Alex?"
"Siya lang ang nakikita kong may motibo, hindi ba?" buwelta niya kay Kyrene sabay tayo ulit mula sa kama. "I-I don't know, Ky. Hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang mga ari-ariang si Papa pa ang nagpalago."
"So, what do you plan now?"
"Maghahanap ako ng ebidensiya kung siya ba talaga ang nagtatangka sa buhay ko," tugon niya. "Kung totoo man ang hinala kong hindi na aksidente ang lahat ng mga nangyayari sa akin, sisiguraduhin kong mananagot sa batas ang may gawa ng mga iyon."
"Pero sana ay siguraduhin mo rin ang kaligtasan mo, Diana," sansala ni Kyrene sa mga sinabi niya. "Kailangan mo pa ring mag-ingat habang naghahanap ka ng ebidensiya. Hindi mo maaaring balewalain ang mga nangyari sa iyo nitong mga nakalipas na buwan. Paano kung totoo nga ang hinala natin at balikan ka ng kung sino mang nagtatangka ng masama sa iyo?"
She heaved out a deep sigh. Hindi siya nakasagot dito. Nagpatuloy pa sa pagsasalita si Kyrene nang nanatili siyang walang imik.
"Why don't you hire a bodyguard, Diana?" bigla ay suhestiyon ng kaibigan niya.
"A what?!" she exclaimed. "Alam mong hindi ko gustong---"
"It's for your own good," giit pa ni Kyrene. "Mas maigi nang may nagbabantay sa iyo habang naghahanap tayo ng ebidensiya kung sino ba ang nasa likod ng lahat ng ito."
Hindi siya nakasagot. Ang totoo ay tutol siya sa suhestiyon ng kaibigan niya. Ang isipin pa lang na laging may bubuntot sa kanya saan man siya magpunta ay parang nagpapailang na sa kanya. Hindi siya sanay sa ganoon. She grew up to be independent. Sa kabila ng katayuan nila sa buhay ay hindi niya naman kinailangang magkaroon ng bodyguard noon. Tahimik ang buhay nila at hindi man lang nagkaroon ng kaaway ang kanyang papa.
"Think about it, Diana," saad pa ni Kyrene nang ilang saglit na ang lumipas ay tahimik pa rin siya. "I know a security agency where you can hire a bodyguard."
"W-What agency?"
"Triple Security Agency..."