Tuloy-tuloy na naglakad si Rafael papasok sa study room ng kanyang amang si Ronniel. Alas-siyete na ng gabi at kagagaling lamang niya sa kanilang kompanya--- ang Triple Security Agency, ang kompanyang sinimulan ng kanyang ama, katulong ang mga ninong niya na sina Jeric at Marco.
Ang Triple Security Agency ay isang private security company. They provide guard and patrol services, katulad na lamang ng bodyguards and security guard services sa ilang malalaking establisimiyento sa kanilang lugar.
Ang nasabing kompanya ay sinimulan ng kanyang ama at ng mga kaibigan nito ilang taon pa lamang siya. Dating mga undercover ng kapulisan ang mga ito at nang magretiro ay nagpasya na lamang na magsimula ng sarili nitong negosyo. At ang security company nga ang itinayo ng mga ito.
Nagsimula siyang pumasok sa Triple Security Agency ngayong bente-singko anyos na siya. Bagay iyon na labis na tinututulan ng kanyang ina na si Arianna. Ever since ay hindi pabor sa uri ng trabaho nila ng kanyang ama ang kanyang ina. Hindi sa ano pa man na rason, kundi labis lamang itong nag-aalala sa tuwing nasa duty nga siya.
Minsan pa ay nakiusap ang kanyang ina sa kanya na ang negosyo na naiwan ng kanyang Lolo Ricardo na lamang raw ang asikasuhin niya. He tried before pero hindi siya tumagal sa kompanya ng kanyang abuelo.
Minsan din ay ang boutique naman na pag-aari ng kanyang ina ang ginawa nitong dahilan. Kung ayaw niya raw hawakan ang kompanya ng mga Certeza ay tumulong na lamang siya sa pamamalakad ng boutique na pag-aari ng kanyang ina. Bagay iyon na hindi niya sinang-ayunan. Mas nababagay sa kanyang nakababatang kapatid na si Ariella ang ganoong negosyo.
Ang puso niya ay nasa ganitong propesyon, katulad na lamang ng kanyang ama. Kaya naman, sa huli ay pasya niya pa rin ang nanaig.
Gustuhin man ng mga ito na ilagay lamang siya sa opisina at mga paperwork lamang ang gawin ay hindi siya pumayag. Mas nais niyang magkaroon ng assignment. Mas nais niyang nabibigyan ng trabaho sa labas ng Triple Security Agency.
Mas mga delikadong trabaho ay mas pabor para sa kanya. Iyon ang gusto niya. Iyon ang lagi niyang hinihiling.
"Good evening, dad," wika niya sa ama nang makapasok sa study room nito. Naabutan niya pa itong abala at may binabasa na ilang dokumento na nakasilid sa isang folder.
Agad na isinara ni Ronniel ang folder na hawak at tinitigan siya habang naglalakad palapit dito. Naupo siya agad sa visitor's chair na nasa harap ng mesa ng kanyang ama. Ang kanyang mga paa ay itinaas niya pa sa katapat na upuan.
"Gusto niyo raw ako makausap?" saad niya sa kanyang ama sa pagod na tinig.
"Tapos na ang trabaho mo kay Mrs. Alba, hindi ba?" tukoy nito sa isang milyonaryang babae na kumuha sa serbisyo nila ilang buwan na ang nakalilipas.
Kinailangan nito ng bodyguard habang narito sa bansa. Ngunit nang mag-migrate na ito sa Estados Unidos ay natapos na rin ang trabaho niya rito, trabaho na labis niyang kinainipan. Damn, pero wala siyang ibang ginawa kung hindi ang sundan ito kung saan man magpunta. Ang bawat araw na itinatrabaho niya rito ay labis na ikinabagot niya.
Hindi ganoong mga trabaho ang nais ni Rafael. What he liked was something exciting. Iyong mapapalaban siya. Iyong mabubuhay man lamang ang dugo niya... iyong delikado.
"Yes, dad," nababagot na tugon niya sa naging tanong nito kanina.
Ilinapag ni Ronniel ang folder na hawak nito sa ibabaw ng mesa at iniusog pa palapit sa kanya. "Bagong trabaho," tipid nitong saad sa kanya.
"And what is it?" tukoy niya sa ilinapag nitong folder. Hindi na niya pinagkaabalahan pang buksan iyon. Alam naman niya na ipapaliwanag iyon sa kanya ng kanyang ama kahit hindi siya magtanong.
Ronniel was so hands-on when it comes to their company. Bawat kliyenteng lumalapit sa Triple Security Agency para kumuha ng serbisyo ng mga protection agents ay masusing pinag-aaralan ng kanyang ama. Sinisiguro nito na malulutas nila ang bawat problemang inilalapit ng kanilang mga kliyente.
"Anak ng isang sikat na politiko, nais kumuha ng isang bodyguard." Ronniel started explaining to him. "Twenty-one years old. You know, typical na anak ng mayaman. Kailangan niya ng isang bodyguard dahil---"
"Dad, seryosong trabaho ang gusto ko," giit niya sa kanyang ama. Nahinto ito sa pagsasalita dahil sa pagsingit niya.
"It is a serious work, Raf. Sino ba ang nagsabi sa iyo na biruan ito?" seryosong wika ni Ronniel sa kanya, bagaman nakitaan niya ng kaaliwan ang mga mata nito nang sabihin ang mga iyon.
"We offer security services. Hindi ang maging babysitter ng mga anak ng mayayaman na ganito. For sure, wala na naman akong ibang gagawin kung hindi ang sundan ito saan man magtungo. You do not expect me to follow this client every time she would go on a shopping," reklamo niya rito. "Bakit hindi na lang ang kaso ni Fiona ang ibigay mo sa akin? Mas delikado iyon, more challenging."
Ang Fiona na tinutukoy niya ay ang bunsong anak ng Uncle Jake niya. May-ari ang mga ito ng isa sa pinakamalaking pharmaceutical companies sa bansa. At kamakailan lang ay nagkaroon ng problema sa pamilya ng mga ito dahil sa nangyari sa kanyang Uncle Jake. Naaksidente ito at inakala nilang lahat na patay na. Iyon pala ay sadyang inilayo ito sa pamilya nito.
Because of what happened, nais ng mga itong bigyan ng proteksyon si Fiona. Nais ng pamilya Olvidares na masigurong wala nang manganganib sa mga ito.
At ganoong mga trabaho ang nais niyang hawakan. Iyong alam niyang may panganib talagang nakaamba sa mga magiging kliyente. Iyong may mga kalaban silang kailangang sugpuin. Hindi katulad nitong ibinibigay ng kanyang ama sa kanya ngayon. Isang anak ng mayamang politiko na naghahanap ng magiging bodyguard? For all he knew, kapritso lamang ito at hindi naman talaga nanganganib ang buhay.
"Ang kaso ni Fiona ay ibinigay ko na kay Randall, Raf," saad ng kanyang ama pagkaraan ng ilang saglit. Ang Randall na tinutukoy nito ay isa rin nilang kasamahan sa trabaho.
Randall is one of the best. Sa Triple Security Agency din ito namamasukan. Magaling ito sa trabaho, aminado naman siya roon. Sa ilang taon nitong pamamasukan sa kompanyang pag-aari ng kanyang ama at mga kaibigan nito ay ilang assignments na rin ang napagtagumpayang tapusin ni Randall.
"Bakit hindi niyo na lang sa akin iyon ibinigay, dad?" Rafael exclaimed to his father. Nasa tinig niya ang panghihinayang nang sabihin ang mga iyon.
"Will you shut up, Raf? Gusto mo ba talagang mamatay sa pag-aalala ang iyong ina?" saway ni Ronniel sa kanya. "Sa tingin mo ba ay hindi ko napapansin na sinasadya mong isabak ang sarili mo sa panganib? Na sinasadya mong malapit ka sa kapahamakan? At ang Mommy Aria mo ay labis na nag-aalala para sa iyo dahil sa mga ginagawa mo."
Rafael lost for words for a moment. Natahimik siya at hindi nakaapuhap ng ano mang isasagot sa kanyang ama. Hindi niya akalaing mapapansin iyon ng kanyang ama. Hindi niya akalaing alam nito ang lahat ng mga ginagawa niya.
Yes, that was true. Simula nang mangyari ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya ay mas ninais na lamang niyang mga delikadong trabaho ang hawakan. Sinasadya niya ang bagay na iyon. Somehow, he wanted to torture himself. Iniisip niya na kasalanan niya ang lahat ng mga nangyari noon kaya marapat lamang na pahirapan niya ang kanyang sarili.
"Why, Raf?" untag ng kanyang ama sa pananahimik niya. "Why are you doing all of these to yourself? Dahil ba sa pagkawala ng mag-ina mo?"
Marahas siyang napalingon sa kanyang ama. Hindi niya maiwasang makadama ng kirot sa kanyang puso dahil sa mga nabanggit nito. At alam niya na hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Ronniel.
"Pinapahirapan mo ang sarili mo dahil sa mga nangyari noon. Think of your mom, Rafael," nag-aalalang wika pa nito sa kanya. "We almost lost you when you were still a child. Alam mo iyon. Huwag mo sanang bigyan ng sama ng loob ang iyong ina. Take this job or leave Triple Security Agency," maawtoridad na saad ni Ronniel.
Pagkawika niyon ay tuluyan na itong tumayo at iniwan siya sa may study room.
Rafael was left thinking about what happened two years ago. Nawala sa kanya ang kanyang mag-ina. And somehow, he wanted to blame himself for that. At simula nga nang mangyari iyon ay mas binuhos na lamang niya ang kanyang panahon sa trabaho. Kinukuha niya ang mga mas delikadong trabaho. Mamatay man siya, pakiramdam niya ay nararapat lamang iyon sa kanya dahil hindi niya nagawang protektahan ang kanyang mag-ina.
Pahablot niyang kinuha ang folder na binigay ng kanyang ama kanina. Nababagot na binuklat niya iyon. He knew very well that this would be a boring job. Isang anak mayaman na kanyang babantayan sa loob ng ilang buwan. Walang thrill, walang challenge. Para lang siyang nagbabantay ng isang bata. A babysitter for that matter!
Until Rafael saw her profile. Agad siyang napaupo nang tuwid at binasang maigi ang mga nakasulat sa papel na kanyang hawak. Then his attention was caught by the photo attached on it--- a woman whose smile was vibrant. Punong-puno ng buhay ang ngiti nito, kabaliktaran ng kung ano ang nadarama niya sa kasalukuyan.
She is beautiful. No! Beautiful is such an understatement. This woman is gorgeous, with exceptional beauty that any woman would want to have... and any man would like to drool over.
Agad niyang isinara muli ang folder. Pabalang niya na ibinalik iyon sa ibabaw ng mesa ng kanyang ama. Ang nais niya ay mahihirap na mga trabaho, iyong mahihirapan siya sa kalaban. Hindi ganitong sa kliyente siya mahihirapan na pakitunguhan.
He stood up abruptly. Lumabas siya mula sa study room at hindi na muli pang pinagtuunan ng pansin ang nilalaman ng folder na binigay sa kanya ng kanyang ama.
*****
MARAHANG sinalinan ni Kyle ng alak ang kopita ni Rafael nang makita nitong wala nang laman iyon. Hindi siya tumanggi bagkus, hinintay iyong mapuno saka muling dinala sa kanyang bibig para uminom.
"So, ilang buwan ka na namang mawawala niyan dahil may bago ka na namang assignment na hahawakan," saad ni Kyle habang sa kopita naman nito nagsasalin ng inumin.
Rafael finished drinking from his goblet. Nang muli na namang masaid ang laman niyon ay ibinaba niya ang kopita sa ibabaw ng counter ng bar na kinaroroonan nilang magkaibigan.
Pasado alas-dies na iyon ng gabi at ksalukuyan silang nasa isang sikat na bar. Nagkayayaan silang magkaibigan na magtungo roon matapos ng ilang buwang hindi pagkikita. Dahil sa may hinawakan siyang kliyente ng Triple Security Agency ay natuon ang buong atensyon at panahon ni Rafael sa trabaho. Ngayon lamang siya ulit nakalabas ng ganito sapagkat natapos na nga ang pagiging bodyguard niya kay Mrs. Alba.
Nababagot na napabuntonghininga siya. Kyle looked at him with puzzlement.
"Para saan ang buntonghiningang iyan?" usisa nito.
"I was suggesting for dad to give me Fiona's case. Kay Randall niya na pala naibigay iyon."
Kilala ni Kyle ang mga pangalang binanggit niya. Kilala nito ang ilang katrabaho niya tulad ni Randall at pamilyar din ang binata sa ilang kaibigan ng kanilang pamilya tulad ng mga Olvidares.
"So? May bagong trabaho naman siyang ibinigay sa iyo, hindi ba?"
"A job that would bore me to death," wika niya. "Kung ang kaso ni Fiona ang binigay niya sa aking trabaho ay baka nabuhay pa ang dugo ko. That's more challenging."
Kyle chuckled. "How about the job he gave you? Isn't it challenging? Ano'ng uri ng kliyente ba ang hahawakan mo?"
Rafael sighed. Muling sumagi sa isipan niya nakitang larawang ng kliyenteng hahawakan niya. For some reasons, her face was distracting him these past few days.
"Bata pa," tipid niyang saad.
"Gaano kabata ang batang iyan?"
"Twenty... twenty-one, I'm not sure. Anak ng dating politiko, maganda." Kung bakit niya idinagdag ang huling salita ay hindi niya alam. Naging dahilan pa iyon para marahas na mapalingon sa kanya ang kaibigan.
"Maganda," ulit nito bago nakalolokong may idinagdag. "At hindi ba puwedeng maging dahilan iyon para mabuhay ang dugo mo?"
Pinanliitan ito ng mga mata ni Rafael. "You know I don't have time for that."
"Come on, Raf. It's been two years since Hanna and Riley died. Wala naman sigurong masama kung bibigyan mo rin ng pagkakataon ang sarili mo para sumaya. Masyado mong sinusubsob ang sarili mo sa trabaho. I know you've been doing it for purpose. Come on, man. Hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo dahil lang sa nangyari sa mag-ina mo."
Rafael wasn't able to speak. Sa haba ng sinabi ng kanyang kaibigan ay wala man lang siyang naisagot. Maliban sa kanyang mga magulang, napansin din pala nito ang ginagawa niyang pagsubsob sa trabaho.
He couldn't help it. He felt like it was unfair to be happy while Hanna and Riley died. Ni wala man lang siyang nagawa para mailigtas ang mga ito. So, paano niya pa pipiliing maging masaya? Is there even a chance for him to find a woman that would make him fall in love?