PROLOGUE

1071 Words
PROLOGUE TWO YEARS AGO: "Are you sure about it?" tanong ni Kyle kay Rafael habang magkatabi silang nakaupo sa harap ng counter ng isang bar. Hawak ni Rafael ang kopita ng alak habang doon nakatutok ang kanyang mga mata. Narinig niya ang tanong ng kanyang kaibigan ngunit matagal bago siya nakasagot dito. Matagal niya na ring pinag-isipan ang tungkol sa bagay na iyon. In fact, it was long overdue. Nang dumating sa buhay niya ang kanyang anak, dapat ay iyon na ang una niyang ginawa. But he never did. Mas inuna niyang ikonsidera ang sitwasyon nila ni Hanna, ang ina ng kanyang anak. "Iyon naman ang dapat na gawin, hindi ba?" bwelta niya kay Kyle bago inisang lagok ang laman ng kopitang hawak niya. Kyle looked at him intently. Matagal na niya itong kaibigan at alam niyang kilalang-kilala na siya nito. Nahihinuha niya ring alam nitong hati ang puso niya sa desisyong ginawa niya. "You don't love her, do you? Raf, gagawin mo lang---" "Pareho nating kilala si Hanna, Kyle. You know she is also important to me." "But not in a romantic way," sansala pa nito sa kanya. What he said was true. Magkakaibigan silang tatlo. Naging schoolmates niya sina Hanna at Kyle noong kolehiyo dahilan para maging malapit sila sa isa't isa. At totoo rin ang mga sinabi nito na hindi niya mahal si Hanna sa romantikong paraan. Yes, she is important to him. Ngunit iyon ay bilang kaibigan lamang. Iyon ang rason kung bakit hati talaga ang kanyang puso at isipan sa pasya na kanyang ginawa nitong mga nakalipas na araw. Nabuntis niya si Hanna. Hindi planado at kapwa hindi nila sinasadya. Kaarawan noon ng isa pa nilang kakilala at kapwa sila nakainom ng dalaga. It was not his intention to take her. Ngunit dahil na rin sa alak na tumalab sa kanila nang gabing iyon ay kapwa sila nakalimot. Nagising na lamang siya sa apartment na tinitirhan ni Hanna. Katabi niya na ito sa kama at parehong walang saplot sa katawan. Kung paanong humantong sila sa tinutuluyan nito ay hindi na niya maalala pa. He was horrified to learn that something happened between them. Ngunit si Hanna ay kalmado pa at hindi niya man lang nakitaan ng pagkabahala. She never demanded. Ni hindi nito pinilit na panagutan niya ang nangyari. Gusto niyang isipin na marahil ay kapwa sila ng nararamdaman. That maybe they both don't love each other in a romantic way. Na baka pwedeng hayaan na lang nila at kalimutan ang isang gabing iyon. But everything changed when he learned that she got pregnant. Nagbunga ang nangyari sa kanila, bagay na labis din na ikinabigla ng kanilang mga pamilya. He tried being responsible. Tinanggap niya ang katotohanan na magiging ama na siya. Naroon siya sa piling ng dalaga nang mga panahong dinadala nito ang kanyang anak, hanggang sa magsilang ito--- si Riley, his son. Aminado siya na nag-iba din ang takbo ng buhay niya mula nang dumating si Riley. He never doubted that he was, indeed, his son. Halos kamukha niya ito kahit sanggol pa lamang. Naging ama siya sa kanyang anak. Maayos ang lahat maliban sa relasyong mayroon siya kay Hanna. They never talked about them. Kapwa sila naging magulang sa bata ngunit hindi kailanman humigit sa pagkakaibigan ang relasyong mayroon silang dalawa. Their family never asked about it. Ipinagpalagay na lamang ng mga ito na may namamagitan nga sa kanila. They never denied it, pero hindi rin naman nila sinabi na magkaibigan lamang sila ng dalaga. Hanggang sa lumipas ang mahigit isang taon na ganoon lamang ang set-up nila ni Hanna. Nanatili itong nakatira sa inuupahang apartment. May mga araw na doon din siya nagpapalipas ng araw upang makasama ang kanilang anak. But most of the time, he spent his days on his own condo unit. Hanggang sa wari ay napagod na rin siya sa sitwasyon nila. Since Riley came, he never had a serious relationship with other women. Mas natuon na ang pansin niya sa kanyang mag-ina. At nitong mga nakalipas na araw niya lamang napagdesisyunan ang isang bagay--- why not make his relationship with Hanna official? May anak siya dito. Maayos naman ang lahat sa kanila. Wala rin naman siyang magustuhan na ibang babae kaya bakit nga ba hindi niya na lang pag-aralang mahalin ang dalaga nang higit pa sa isang kaibigan? Sa ganoong paraan ay magiging buong pamilya pa ang maibibigay niya sa kanyang anak. "Don't you think you are being unfair, Raf?" narinig niyang muling saad ni Kyle dahilan para muling mabalik dito ang kanyang atensiyon. "You don't love Hanna. Masasaktan mo lang siya." "Being friends is a good start, Kyle. Gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak ko." Hindi na ito nagsalita pa. Kilala siya nito. Kapag buo na ang pasya niya ay alam nitong hindi na mababali pa. He planned to ask Hanna to be his girl. Gusto niyang gawing opisyal ang kanilang relasyon. Plano niya na rin na ayain na itong magpakasal. Siguro nga ay tama si Kyle. Magiging unfair siya para kay Hanna at para sa kanyang sarili. But he wanted to do this for Riley. Ilang minuto pa ang lumipas nang magpasya na rin silang umuwi. Nang tingnan niya ang oras mula sa kanyang suot na relong pambisig ay mag-aalas dies pa lang ng gabi. They headed to the parking lot where their cars were located. Bago niya pa man malapitan ang kanyang kotse ay tumunog na ang kanyang cell phone na nasa bulsa lamang ng kanyang pantalon. He answered it. Numero ng kanyang ama ang nakita niya sa screen na siyang tumatawag. "Hello, dad..." aniya dito. Pinakinggan niya ang mga sinasabi nito mula sa kabilang linya. Naririnig niya itong nagsasalita ngunit halos hindi na niya maunawaan ang lahat. "W-What do you mean?" he asked in trembled voice. "May problema ba, Raf?" usisa pa ni Kyle na katulad niya ay naudlot din ang paglapit sa sarili nitong sasakyan dahil sa pagtawag ng kanyang ama. Hindi na niya ito nasagot. Maging ang kanyang ama ay hindi na niya makausap nang matino. Iisang bagay na lamang ang naglalaro sa kanyang isipan at iyon ay ang pinakamasamang balitang natanggap niya sa buong buhay niya--- he lost them. Namatay si Hanna kasama ang kanyang magdadalawang taong gulang na anak sa isang aksidente. Bago niya pa man mabigyan ng buong pamilya si Riley ay nawala na ito. At ni wala man lang siyang nagawa upang protektahan ang kanyang mag-ina...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD