Ilang mahihinang katok ang ginawa ni Rafael sa pinto ng isang studio type na apartment. Kanina pa siya naroon ngunit wala man lang magbukas sa kanya ng pinto. Sa lahat ng ayaw niya pa naman ay ang maghintay nang matagal. At iyon ang kanina niya pang ginagawa sa harap ng naturang apartment. Naiinip na siya, sa totoo lang. At kung siya lang talaga ang masusunod ay kanina pa siya umalis.
But Rafael didn't have a choice. Muli silang nagkausap ng kanyang ama at iginiit nitong tanggapin niya ang bagong assignment na ibinibigay sa kanya. Wala siyang napagpilian kundi ang sumang-ayon na lang. It was either he accept the new assignment being assigned to him, or he will resign on his job as a protection agent on Triple Security Agency. Iyon ang naging kondisyon ng kanyang ama.
He was compelled to accept the assignement given to him.. Hindi niya rin naman gustong huminto sa pagiging protection agent. So far, he was starting to like the job. Ang hindi niya lang gusto ay ang uri ng assignment na ibinigay sa kanya ng ama. Kung si Fiona lang ang babantayan niya ay wala siyang magiging reklamo.
He heaved out a deep sigh and impatiently raised his right hand once again to knock at the door. Akmang kakatok na siya nang bigla namang bumukas na ang pinto at mula sa loob ay pupungas-pungas pang humarap sa kanya ang isang babae.
"What do you need?!" naiirita nitong wika sa kanya. Marahil ay dahil sa naistorbo niya ito sa pagtulog kaya halata sa tinig nito ang pagkayamot.
Rafael's forehead furrowed. Alas-diyes na ng umaga at kakagising lang nito? Samantalang siya, maaga pa lang ay nagsisimula na ang araw. Galing na siyang Triple Security Agency dahil sa may kinailangan pang kunin na ilang dokumento. Pero ang babaeng ito ay nag-aalburoto pa dahil lang sa naistorbo niya ang tulog nang alas-dies ng umaga?
But then, hindi na niya pinatulan ang pagtataray ng dalaga. Bumaba na ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang kaharap. Hindi niya pa maiwasang mapalunok nang mapagmasdan ang hitsura nito.
Isang manipis na roba lamang ang suot nito na wari ba ay ipinatong lamang sa pantulog na nasa katawan nito ngayon. Her hair was dishevelled, halatang kakabangon lamang mula sa higaan. There was no trace of make-up on her face, yet she looked so beautiful even without it.
The woman has expressive eyes. Matangos ang ilong nito at may mga labing kahit walang bahid ng lipstick ay natural na ang kapulahan. And he wondered, are those lips soft? And her body! Litaw na litaw ang kurba ng katawan ng dalaga sa manipis na kasuotan nito. And just by looking at her, his body reacted at once.
"Bullshit!" he hissed on his breath, uncaring if the woman heard him.
"Excuse me?!" she exclaimed. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang pagmumura niya.
"Baka naman pwedeng ayusin mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa akin?" he said mockingly to her. Muli pang bumaba-taas ang kanyang paningin sa katawan ng dalaga upang makuha nito ang ibig niyang sabihin.
Ngunit sa halip na bigyang pansin nito ang mga sinabi niya ay pinagtaasan pa siya nito ng kilay. Wari bang balewala ritong manipis na kasuotan lamang ang nasa katawan nito ngayong kaharap siya.
"Who are you and what do you need? Alam mo bang nakaiistorbo ka ng tulog?" mataray nitong wika sa kanya.
Yeah. A typical rich man's daughter--- Rafael thought to himself. Halata sa hitsura ng babae na lumaki ito sa maalwan na buhay. She looked sophisticated and spoiled.
Nang hindi pa siya agad nakasagot ay umangat ang isang kilay nito. Rafael stood up straight as he answered her.
"I am from Triple Security Agency," wika niya rito.
Dahil sa mga sinabi niya ay agad na naging seryoso ang ekspresyon sa mukha nito. Mataman siya nitong pinagmasdan na wari bang sinusuri kung hindi siya nagsisinungaling.
"You will be my bodyguard?!" hindi makapaniwalang wika ng dalaga.
Rafael heaved out a deep sigh, saka niya isinandal ang kanyang sarili sa hamba ng pintuan ng apartment nito. Napahalukipkip pa siya saka ito ginantihan ng matamang titig.
"Sa kamalasan ko ay oo. Ako nga, Miss."
*****
DIANA stopped on her tracks. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago niluwagan na ang pagkakabukas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi man niya inaya ang binata na tumuloy ay naramdaman niya pa rin ang paghakbang nito papasok.
Diana turned to look at him again. Nahuli niya pa ang binatang iginagala ang paningin nito sa kabuuan ng kanyang tinitirhan. It was a small apartment only. Sapat lamang iyon para sa isang katao. Sa kabila ng may kakayahan naman siyang kumuha ng malaking matitirhan, o kahit condo unit man lang, mas pinili ni Diana na roon manuluyan nang magpasya siyang bumukod ng matitirhan.
It was a studio type apartment, a combination of bedroom, kitchen and living room all in one. Siya na lamang ang nagpalagay ng partition wall para kahit papaano ay mahiwalay ang pinakakuwarto sa living room area. Ang banyo naman ay malapit sa kusina.
Wala rin gaanong gamit sa apartment niya. Ang mga naroon lamang ay yaong mga kailangan niya. Nang nabubuhay pa kasi ang kanyang ina ay may mga pagkakataong umuuwi pa rin naman siya sa kanilang bahay.
"Are you done assessing my place?" tanong ni Diana na ikinalingon ng lalaki sa kanya.
The man looked at her intently. He has a serious expression on his face. Sa tantiya niya ay matanda lang ito sa kanya ng apat o limang taon. Guwapo ito, matangkad at may kaputian ang kulay ng balat. Sa ibang pagkakataon ay hindi niya iisiping isa itong protection agent. Why, this man could pass to be a model!
"You live here alone?" usisa nito.
"Obviously," tugon niya sabay hakbang patungo sa kusina. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Sa kabila ng may kanipisan ang kanyang suot ay wala siyang nakikitang dahilan para magbihis pa. Kung galing ito sa security agency, siguro naman ay hindi ito masamang tao.
Kumuha siya ng isang tasa at akmang magtitimpla ng kape para sa kanyang sarili nang muli siyang mapalingon sa binata. "Care for a cup of coffee?"
"Yes, please. Black, no sugar."
Napaangat ang isa niyang kilay. Ang uri ng kapeng gusto nito ay kabaliktaran ng gusto niya. She preferred her coffee with cream and a little bit of sugar.
"Where are your parents?" narinig niyang tanong nito. Sumagot si Diana habang abala sa pagtimpla ng kanilang kape.
"Matagal nang wala ang papa ko. My mom... she died two years ago." Halos naging pabulong ang mga huling salitang binanggit niya. Sa tuwing naaalala niya ang kanyang ina ay hindi niya pa rin talaga mapigilang malungkot.
"Sorry to hear that," wika ng binata bago humakbang palapit sa sofa. Naupo ito roon at inilapag sa may center table ang isang brown envelope na kanina niya pa napansing hawak nito. Then, he spoke again. "Nasa envelope na iyan ang profile ko and record sa Triple Security. Just in case, hindi ka naniniwalang ako ang itinalagang bodyguard mo."
Diana looked at him. Saglit lang iyon at muli niyang itinuon ang pansin sa pagtitimpla ng kape.
Dahil nga sa suhestiyon ni Kyrene ay nagtungo siya sa Triple Security Agency para mag-hire ng bodyguard. Nang una ay tutol pa sana siya sa ideyang iyon. Hindi niya gusto ang ideyang may nakabuntot sa kanya saan man siya magpunta. Kaya nga nagpasya siyang bumukod ng matitirhan dahil sa nais niya sanang mapag-isa lagi.
Ngunit dahil sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na linggo ay napagdesisyunan niyang ikonsidera ang mga sinabi ni Kyrene. Kung totoo man ngang may nagtatangka sa buhay niya ay mas maigi nang may bodyguard siyang kasa-kasama.
She went to Triple Security Agency the other day to inquire for their services. Nakausap niya ang isa sa mga mismong may-ari ng establisyemento, si Mr. Ronniel Certeza. Halos magtaka pa nga si Diana nang sabihin nitong ito na ang pipili ng bodyguard na ibibigay sa kanya. Inaasahan niya kasing siya ang pipili ng kung sino mang iha-hire.
Though, she didn't mind at all. Dahil sa ito naman ang may-ari ng naturang agency ay nasisiguro ni Diana na alam ni Mr. Certeza kung sino sa mga empleyado nito ang maaasahan at magaling sa larangang iyon. Ang hindi niya lang inaasahan ay ang lalaking ito ang ibibigay sa kanya bilang kanyang bodyguard. Tulad ng nauna niyang naisip pagkakita sa lalaki, mistula itong isang modelo, sa bihis pa lang at tindig.
Naglakad na siya palapit sa lalaki. Inilapag niya sa ibabaw ng center table ang mga tasa ng kapeng itinimpla niya. Sadyang iniusog niya pa ang tasang laan para rito. Then, without a word, Diana picked up the envelope he put on the table.
Sinusundan nito ng tingin ang bawat kilos niya at halos mailang pa si Diana dahil doon. Alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata nito habang kinukuha niya ang laman ng dala nitong envelope. Pinasadahan niya iyon ng basa at hindi pa maiwasang magdikit ang kanyang mga kilay nang mabasa ang pangalan nito.
"Rafael Certeza?" tanong niya dito. "You are a Certeza?"
"Yes," tipid nitong sagot.
Marahas siyang napalingon sa binata. "Kaano-ano mo si Mr. Ronniel Certeza?"
The man sat up straight. May gumuhit na isang ngiti sa mga labi nito bago nagwika. "Well, I happened to be his son."
"S-Son?!"