"Anak ka ng may-ari ng Triple Security?!" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Diana sa lalaking kanyang kaharap. Prente pa rin itong nakaupo sa sofa at may nakalarawan pang kaaliwan sa mukha habang nakatitig sa kanya.
"You don't believe it?" tanong nito. "Do I need to call my dad for you to believe me?"
Hinamig ni Diana ang kanyang sarili at marahang inilapag na ulit sa ibabaw ng mesa ang hawak niyang papel at envelop. She was doing it while her eyes were still looking at him. "You are his son and yet you are working as one of the protection agents? Buti pinayagan ka ng mga magulang mo?"
The man just shrugged his shoulders. "It's my personal choice."
"So, meaning, your parents are against it?" pang-uusisa niya pa.
Mabilis itong tumayo bago waring nababagot na nagsalita. "You keep on asking questions about me, Miss Baltazar. Hindi ba dapat ay ako ang magtanong ng ilang impormasyon tungkol sa iyo? I need to know a lot of things about you, especially about the reason why you hired a bodyguard."
Sukat sa mga sinabi nito ay napabuntong-hininga na lamang si Diana. Pinagsalikop niya pa ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "It's a long story, Mr. Certeza."
"Call me Rafael," anito bago muling bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Balewalang iniunat pa nito ang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan niyon. "You can have my whole day, Miss Baltazar. Now tell me, why did you hire a bodyguard?"
Bago sumagot ay naupo muna si Diana sa pang-isahang sofa na katapat lamang nito. "I told everything to your dad. Wala ba siyang binanggit sa iyo?"
"Miss Baltazar, wala tayong mapag-uusapang matino kung bawat tanong ko ay sasagutin mo ng panibagong tanong. Remember, I will work for you. I need to understand everything about your concern. Now, give me the details why you hired a bodyguard."
Ang huling pangungusap na binitiwan nito ay punong-puno ng awtoridad. Wari bang nanghihingi talaga ito ng kasagutan. Dahil doon ay napabuntonghininga ulit si Diana at walang napagpilian kundi ang magsimulang magsalaysay dito.
"I'm experiencing some threats in my life," aniya na ikinakunot ng noo ng binata.
"Threats? What do you mean threats?"
"It all started after my mother died. Inisip ko na baka aksidente lang lahat, na nagkataon lang. But everything changed because of one incident."
"What incident?" usisa pa nito kasabay ng pag-upo nang tuwid.
"I was about to go home. Pasakay na ako ng sasakyan ko nang muntikan na akong mahagip ng isang motor."
Bahagyang umangat ang isang kilay nito dahil sa mga sinabi niya. "Hindi mo ba naisip na baka aksidente lang. Maaaring hindi sinasadya ng nagmamaneho."
"That's what I thought at first," susog niya sa mga sinabi nito. "Pero hindi pa rin ba sinasadya iyong binalak niya pa akong atrasan para masigurong masasagip niya talaga ako?"
Rafael tilted his head slightly. Hindi ito nagsalita at mistula bang pinoproseso sa isipan ang mga sinabi niya. Dahil sa tahimik lamang ang binata ay nagpatuloy pa sa pagsasalita si Diana.
"I am not so sure about it, Rafael. Pero iyon na ang nararamdaman ko nitong mga nakalipas na linggo. To tell you the truth, kahit ang pagkamatay ni Mama ay gusto kong isiping sinadya at hindi aksidente lamang."
"How did your mother die?" tanong nito.
"Car accident," tipid na tugon niya.
Diana saw how Rafael was at loss for words momentarily. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paglunok. Kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon nito sa mga sinabi niya ay hindi niya alam.
"Car accident," ulit nito sa mga sinabi niya nang mahamig na ang sarili. "Gusto mong isipin na hindi iyon aksidente?"
"Yes," mabilis niyang sagot. "Dalawang taon na ang lumipas, Rafael, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang nagmamaneho ng van na bumunggo sa amin."
"Dalawang taon?" tanong nito na puno ng kuryosidad.
"Yes," aniya. Ni hindi na niya napansin pa ang pagbalatay ng kakaibang emosyon sa mukha ni Rafael. "Nagkaroon ng imbestigasyon sa nangyari pero napakailap ng resulta. Kahit anong gawin namin ni Tita Bernadette ay wala kaming makuhang impormasyon tungkol sa bagay na iyon."
"Bernadette? Who's Bernadette?"
"My mom's best friend," imporma niya rito. "She's helping me about my mom's case... our case, actually. I was with my mother during that accident."
Sukat sa mga sinabi niya ay mataman siyang pinagmasdan ni Rafael. Rumihestro rin ang labis na kuryosidad sa mukha nito. "How are you?"
Diana shrugged her shoulders. "I was hospitalized for weeks, got some bruises but I survived."
"T-That's good to hear," anito sa mahinang tinig. "Hindi lahat ng nasasangkot sa aksidente ay nakakaligtas."
Diana's eyebrows furrowed. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may mas malalim pang kahulugan ang mga binitiwang salita ni Rafael. Pero dahil sa mas gusto niyang pagtuunan na lamang ng pansin ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya ay hindi na siya nagbigay pa ng komento sa mga sinabi nito.
Nag-alis na ng bara sa lalamunan nito si Rafael. Umayos pa ito sa pagkakaupo bago muling nagwika. "Iniisip mo na may nagtatangka sa buhay mo kaya ka kumuha ng bodyguard. May nakikita ka bang rason kung bakit iyon gagawin sa iyo ng sino man? I mean, what could be the motive?"
"My father was a politician when he was still alive. We own an aviation company. Ako na ang namamahala niyon ngayong pareho nang wala ang mga magulang ko. Hindi ba sapat na rason iyon para pagtangkaan ang buhay ko?"
"You're an only child?" Tumango lang siya bilang sagot dito. Nang hindi nga siya nagsalita ay muli pa itong nagtanong. "If ever, I mean... you know, kung mawala ka man, kanino maiiwan ang lahat ng mayroon ka?"
"I am very much single, Rafael. I don't have a heir yet," mariin niyang saad dito. "H-Hindi ko pa napapagdesisyunang magpagawa ng last will. So, I-I... I don't know. Pero kung sakali man---"
"Kung sakali man ay ano?" maagap nitong tanong.
"There's Tito Alex. Bagong kinakasama siya ni Mama. Actually, sa bahay namin siya nakatira ngayon."
Nakita niyang nahulog sa malalim na pag-iisip si Rafael. Hinayaan niya itong ianalisa ang mga sinabi niya. Hanggang sa maya-maya'y ito na rin mismo ang nagsatinig ng bagay na siyang napag-usapan na rin nila ni Kyrene.
"Are you telling me that you're suspecting this Alex?"
"H-Hindi ko alam," wika niya rito. "Ayokong mangbintang, Rafael, pero siya lang ang nakikita kong may motibo. Siya ang namamahala sa bahay. May posisyon din siya sa aming kompanya."
Tumango-tango ito. "I want to meet this Alex, Miss Baltazar."
"O-Of course," wika niya. "You can come with me in our company."
Tumayo na ito sabay kuha ng tasa ng kapeng tinimpla niya kanina para rito. "I'll drink this outside while I'm waiting for you." Iyon lamang at naglakad na ito patungo sa pintuan. Bago pa man nito tuluyang mabuksan iyon ay natigilan na ang binata dahil sa muli siyang nagsalita.
"Diana, Rafael..."
The man turned to look at her again. Nasa mukha nito ang pagtatanong na wari ba ay hindi naunawaan ang nais niyang sabihin.
Diana heaved out a deep sigh and stood up. Awtomatikong nabaling ang paningin ni Rafael sa kanyang kabuuan na hanggang nang mga sandaling iyon ay tanging pantulog na pinatungan lamang ng manipis na roba ang saplot. Gusto niya pa sanang mailang sa uri ng tingin na iginagawad nito sa kanyang katawan. But Diana made herself firm in front of him. Hindi siya nagpakita ng pagkailang kahit pa ang totoo ay iyon na ang labis niyang nararamdaman.
"Just call me Diana," aniya upang maagaw na ang atensyon nito. "You want me to call you Rafael, then call me Diana."
Pagkawika niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran at agad nang naglakad patungo sa kanyang kuwarto upang maghanda ng kanyang isusuot. Ni hindi niya na alam kung gaano pa katagal na nakatayo roon si Rafael at nakasunod ng tingin sa kanya. Lumipas pa ang ilang saglit bago niya narinig ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. Malamang na sa labas na nga ito maghihintay sa kanya.
*****
"GOOD MORNING, Ma'am Diana..."
"Good morning, Ma'am..."
Sunod-sunod ang pagbati ng mga empleyado ng AirCare Aviation Company kay Diana. Halos lahat ng makasalubong nila ay nagbibigay galang dito at sadyang humihinto pa sa paglalakad upang batiin ang dalaga. Ngunit sadyang walang sinagot sino man sa mga ito si Diana. Ni ang tanguan man lang ang mga empleyado ay hindi nito ginawa at sa halip ay tuloy-tuloy lamang na naglakad.
Rafael couldn't help but smirked inwardly. Diana was a snob. Kahit pagngiti ay ipinagkakait nito sa mga taong nakakasalubong nila. He wondered, paano ba nito nagagawang pangasiwaan ang ganoon kalaking kompanya gayung halos wala yata itong kinakausap kahit isa sa mga empleyado nito?
Tuloy-tuloy itong naglakad patungo sa direksyon ng elevator. Sa wari pa ni Rafael ay private elevator ang nilapitan nito na laan lamang para sa mga may matataas na katungkulan sa AAC. Ito na ang pumindot niyon at nagpatiuna na nga sa pagpasok nang bumukas na ang lift. Nang nasa loob na silang dalawa ay si Rafael na ang nagpresintang pumindot ng button kung saang floor sila pupunta.
"Where are we heading?" tanong niya muna rito.
"Fifteenth," tipid at halos walang emosyon nitong sagot.
The corner of Rafael's lips twisted upwardly. Napapailing na lamang siya nang pindutin ang numerong binanggit nito.
"Don't you know how to smile?" hindi niya maiwasang itanong sa dalaga.
"What do you mean?" mataray nitong buwelta sa kanya.
"Binabati ka ng mga empleyado niyo. Hindi mo man lang gantihan kahit isang ngiti."
"Hindi kita isinama rito para sermunan ako, Rafael. And just to tell you, I'm not a snob. I always talk to our employees. Kayrami ko lang iniisip ngayon."
Sukat sa mga sinabi nito ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rafael. Mataman na lamang siyang napatitig dito. Bakas nga sa mukha ng dalaga na may gumugulo sa isipan nito. Hindi na niya kailangang hulaan kung ano iyon. For sure, it's all about the threats that she has been receiving in her life right now.
Rafael couldn't help but think about their conversation a while ago. Hindi mawala sa isipan niya ang tungkol sa nabanggit nitong dahilan ng pagkamatay ng sarili nitong ina--- dahil sa isang aksidente sa daan. At kasama pa 'di umano si Diana sa naturang aksidente na masuwerte lamang nitong nalampasan. She survived the accident but her mother died.
Sunod-sunod na napalunok si Rafael. Ang rason kung bakit namatay ang ina ni Diana ay kaparehong rason kung bakit nawala sina Hanna at ang anak nilang si Riley. At pareho ding dalawang taon na ang nakalipas mula nang mangyari iyon.
Dahil sa pagsagi ng kanyang mag-ina sa isipan niya ay hindi maiwasang umahon ang ilang katanungan sa isipan ni Rafael. Kung iisipin ay nadamay lamang sa karambola ng ibang mga sasakyan ang kotseng sinasakyan nina Hanna at Riley pero parehong namatay ang mga ito. How unfair! Kung sana ay nakaligtas din ang mga ito katulad ni Diana... kung sana lang...