Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Diana habang tatlong pares ng mga mata ang matamang nakatutok sa kanya. Sabay-sabay ngang napatingin sa kanya sina Bernadette, Alex at Rafael. Pare-parehong pagkagulat ang ekspresyong nakalawaran sa mukha ng mga ito.
She expected for Alex and Bernadette to be shocked. Alam niya namang iyon ang magiging reaksyon ng mga ito at handa siyang sagutin ang ano mang sasabihin ng dalawa. Ang hindi niya alam kung paano haharapin ay si Rafael na alam niyang mamaya lang ay mang-uusisa na. Waring nagimbal ito sa mga narinig at ngayon nga ay nagtatakang napalingon sa kanya.
Bakit nga naman ito hindi mabibigla? After his confession, she declined entertaining him. Halos mag-iwasan nga sila matapos makauwi galing sa resort ng mga ito sa Tagaytay, tapos ngayon ay bigla na lamang siyang magpapahayag na ikakasal na silang dalawa?
Nakarinig siya ng isang pagtikhim. She knew very well that it was Rafael. Pero sa halip na lumingon sa binata ay pinanatili niyang nakatingin kina Bernadette at Alex habang may isang pilit na matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"You heard it right, Ma'am... Sir," narinig niyang sabi ni Rafael. Hindi man nila napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon pero mukhang nakuha naman nito ang dapat gawin. Agad nga nitong sinakyan ang mga sinabi niya, bagay na nais niyang ipagpasalamat agad dito. "I and Diana are getting married. I proposed to her when we were in Tagaytay."
Muling napalunok si Diana dahil sa huling pangungusap na binitiwan nito. His last sentence was half true. Hindi man proposal ang ginawa nito pero hindi ba't talaga namang naghayag ito ng nadarama sa kanya nang nasa Tagaytay sila?
"Proposed? At tinanggap mo agad, Diana? That soon?" sunod-sunod na tanong ni Bernadette sa kanya. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagtutol.
"Why not, Tita?" balik niya rito. "Rafael is my boyfriend. And... And I-I love him."
Naramdaman niyang napatayo nang tuwid si Rafael dahil sa mga sinabi niya. Nagkukunwari lamang sila ngunit dahil sa pag-amin na ginawa nito nang isang araw ay para bang kayhirap na bitiwan ang mga ganoong salita sa kanilang pagpapanggap ngayon.
"Bakit hindi mo man lang muna sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito, Diana?" tanong naman ni Alex sa seryosong tinig na agad niyang ikinalingon dito. May bahid ng pananaway kasi ang tinig nito at waring hindi niya nagustuhan iyon. Ever since he became her mother's boyfriend, he really acted as if he's her father. Hanggang ngayon ba naman na kahit wala na ang kanyang Mama?
"Hindi ko ho alam na kailangan kong sabihin sa iyo ang lahat ng tungkol sa akin," saad niya sa malamig na tinig. She knew she was being rude. She just couldn't help it.
Hindi siya ganoon. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina na maging magalang. Hindi niya lang maiwasang masagot si Alex. Actually, she doesn't hate him. Hindi siya galit sa matandang lalaki kahit nang ipakilala ito sa kanya ng kanyang ina bilang kasintahan nito. Ni hindi niya na nga hinadlangan ang relasyon ng dalawa. It's just that there's something about Alex. May kakaiba siyang nadarama rito na hindi niya maunawaan pero nasisiguro niyang hindi galit iyon.
Siguro ay hindi lang siya sanay na pinanghihimasukan na rin nito ang buhay niya. Nang manirahan ito sa kanilang bahay ay pansin niyang ang desisyon na nito ang mas nasusunod kaysa sa kanyang ina. Kahit nga ang pagbukod niya ng tirahan ay tinutulan nito. But because she was determined to live alone, he wasn't able to stop her from moving to her own apartment.
At ngayon, kahit ang plano niyang 'pagpapakasal' kay Rafael ay dapat niya munang ipaalam dito? Hindi niya maintindihan kung bakit gayung kasintahan lang naman ito ng kanyang ina.
Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ni Alex. Hindi niya alam kung bakit pero may nasilip siyang sakit na nakiraan sa mga mata nito. Dahil ba sa pagsagot na ginawa niya?
"Alam ko ho na hindi niyo inaasahan ang tungkol sa plano naming pagpapakasal ni Diana," narinig niya nang saad ni Rafael. Inayos pa nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay at sadyang pinagsalikop pa ang kanilang mga daliri. "I promise to make it formal. Handa ho akong iharap sa inyo ang mga magulang ko para pormal na pag-usapan ang kasal namin ni Diana."
Sukat sa kanyang mga narinig ay marahas na napalingon si Diana kay Rafael. Hindi maiwasang umusbong ang kaba mula sa kanyang dibdib. She wanted to believe that it was just part of their pretension. Na baka nasabi lang iyon ng binata para mas maging kapani-paniwala ang mga nauna niyang sinabi. Pero nang pagmasdan ni Diana ang mukha ni Rafael ay kitang-kita niya ang kaseryosohan sa binata. Hindi niya alam kung magaling lang ba itong umarte o sadyang totoo na sa loob nito ang mga sinabi.
Disimulado niyang nabawi ang kanyang kamay na hawak-hawak nito sabay tuwid ng tayo. Nag-alis pa siya ng bara sa kanyang lalamunan upang hamigin ang kanyang sarili. Humarap na siyang muli kina Alex at Bernadette. Pilit siyang nagpakita ng tuwa sa mga ito.
"That's it," nakangiti niyang sabi. "We'll schedule a day for that, Tito Alex... Tita Bernadette. I'm sure Rafael's parents will be so glad to meet you. Right, sweetheart?"
Lumingon ulit siya kay Rafael pagkawika niyon. May isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi ngunit ang kanyang mga mata ay nagbabadya ng paninita. Disimulado niya lamang iyon ginawa. Hindi niya rin naman gustong mapansin nina Alex at Bernadette na hindi totoo ang mga sinabi nila.
Pero si Rafael ay nakuha agad ang ibig sabihin ng makahulugang tinging iginawad niya rito. Hindi niya alam kung nananadya ba ito pero sa halip na magseryoso ay isang nakalolokong ngiti pa ang namutawi sa mga labi ng binata.
"Of course, sweetheart," he said mischievously. "They would be so glad to talk about our wedding."
"Diana, are you sure about this? H-Hindi ka ba nabibigla lang sa mga pasya mo?" biglang singit ni Bernadette. "How much do you know this man? Ni hindi pa natatagalan ang relasyon ninyo pero pinag-uusapan na ninyo ang kasal? Paano kung yaman mo lang ang habol ng lalaking iyan?"
Agad na napatikhim si Rafael dahil sa mga sinabi ni Bernadette. Si Diana naman ay agad na natigilan at matamang napatitig sa matandang babae.
"Sinasabi niyo ho ba na pera ko lang ang habol ni Rafael? Have you heard about his family? Ang mga Certeza?" sunod-sunod niyang tanong. "They are well-off just like Baltazar."
Hindi nakaligtas kay Diana ang paglunok na ginawa ni Bernadette. Si Alex naman ay agad na napayuko ng ulo na wari bang iniiwasan ang mga titig niya. Kung bakit ay hindi niya alam.
"Nagmamalasakit lang ako, Diana. Alam nating lahat kung ano ang mga naiwan sa iyo ng mga magulang mo," giit pa ni Bernadette.
"I also know it, Tita. In fact, itong mga iniwan sa akin nina Mama't Papa ay walang kaso sa akin kung magiging kahati ko man si Rafael. Magiging asawa ko naman siya, hindi ba?"
"Diana---"
"I'll go back to my office, Tita... Tito Alex. Kung may kailangan pang ayusin sa mga napag-usapan natin kanina sa meeting ay sabihin niyo lang kay Juliet. Siya na ang bahalang makipag-usap sa akin tungkol sa bagay na iyon. Excuse us..."
Pagkawika niyon ay lumingon na siya kay Rafael at nagbigay na ng senyales na bumalik na sila sa kanyang opisina. Agad namang tumango ang binata pero bago tuluyang sumunod sa kanya ay magalang pa muna itong nagpaalam kina Alex at Bernadette.
*****
ISINASARA pa lamang ni Rafael ang pinto ng opisina ni Diana nang agad na itong nagsalita. "Have you noticed that? Pareho silang tutol nang sabihin nating magpapakasal tayo, Rafael?"
Rafael sighed and stared at Diana's face. Bakas sa magandang mukha nito ang pagkabahala at kahit hindi man nito sabihin ay alam niyang nagpagulo sa isipan nito ang naging takbo ng pakikipag-usap nila kina Alex at Bernadette kanina.
Matapos nga nilang iwan ang dalawang nakatatanda ay agad na silang pumasok sa opisina ni Diana. Agad na lumapit ang dalaga sa swivel chair nito at naupo habang siya ay marahan pa lamang na naglalakad palapit dito.
"Parehong nabigla, Diana, pero magkaiba ang nakikita kong pagtanggap nila sa mga sinabi natin kanina."
"What do you mean?" tanong nito sa magkadikit na kilay.
"You're right. Somehow, pareho nga silang nagpakita ng pagtutol nang basta mo na lang ipamalita na ikakasal na tayong dalawa," saad niya rito. "But didn't you noticed that their reactions were somehow different? Your Tita Bernadette was concerned about your wealth. Ganoon na ganoon din nang kinausap niya ako, Diana."
Napabuga ito ng malalim na buntonghininga saka nag-iwas ng tingin sa kanya. "I-Inaalis na ba natin si Tito Alex sa mga maaaring nagtatangka sa buhay ko, Rafael?"
"No," mariin niyang sabi. "Not until someone is proven guilty, everyone is still a suspect, Diana. Ang sinasabi ko lang ay ang napapansin ko sa dalawa."
She turned to look at him. "At ano ang napapansin mo?"
"Just like what I said, Bernadette is so concern with your wealth. Hindi ba't ang hinahanap natin ay ang taong naghahangad ng yaman mo? Iyon lang naman ang nakikita mong motibo ng kung sino mang nagtatangka sa buhay mo, hindi ba?"
"Pero imposibleng si Tita Bernadette, Rafael," mariin nitong saad sabay ayos ng pagkakaupo. "K-Kung sakaling may mangyaring masama sa akin ay wala siyang makukuha mula sa akin. Wala siyang habol sa lahat ng mayroon ako. She's not even a relative unlike kay Tito Alex na naging kasintahan ni Mama at ngayon ay nakatira pa sa bahay namin. Kung mawala man ako, madali niya na lang maaangkin ang bahay maging ang ibang mayroon si Mama."
"Paano kung mali ka? Diana, to tell you the truth, mas pagmamalasakit ang nakikita ko sa kasintahan ng mama mo. Para siyang ama na nabahala dahil basta na lang nagpasya ang anak niya na magpapakasal."
Saglit itong natigilan bago marahang napaismid. "He was like that even before. Iniisip ko na pilit niya lang kinukuha ang loob ko dahil nga sa kasintahan siya ng mama. He wanted me to accept him. Pero ano ang malay natin kung pakitang-tao niya lang ang lahat, Rafael?"
"Buo na talaga ang paniniwala mo na ang Tito Alex mo ang nagtatangka sa buhay mo? Do you hate the old man, Diana?"
"No," mabilis nitong sagot saka sumandal sa swivel chair nito. "Strange, Rafael, but I don't feel that way. H-Hindi ako namumuhi kay Tito Alex. Maybe it's just that... I don't like the idea that Mama had a relationship again after my father died."
Nagkibit siya ng kanyang mga balikat. "Mas maiging magmatyag muna tayo, Diana. Mahirap ang basta lang magbigay ng konklusyon. Oobserbahan ko silang dalawa."
She heaved out a deep sigh. Muli na itong naupo nang maayos at niyuko na ang ilang dokumentong nasa ibabaw pa ng mesa nito. "May kailangan lang akong tapusin. Hintayin mo na lang ako sa labas," pag-iiba na nito sa usapan.
"Yeah," tugon niya at humanda na para sa paglabas ng opisina nito. "Habang nasa labas ay iisipin ko muna kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang ko na kailangan nilang mamanhikan sa Tito Alex at Tita Bernadette mo."
Agad na nabitiwan ni Diana ang mga dokumentong ngayon ay hawak-hawak na nito't pinag-aaralan. Pinanliitan siya nito ng mga mata saka nagsalita. "You can't be serious, Rafael. Nagpapanggap lang tayo, hindi ba? Hindi mo na kailangan pang sabihin sa mga magulang mo ang tungkol sa bagay na iyan."
"Paano kung magtanong ulit ang Tito Alex mo?" nanunudyo niya pang tanong.
Diana's eyebrow arched upwardly. "Maraming pupuwedeng idahilan, Rafael. Just let them think that we don't have time for it yet."
"But I am a man of words, Diana. Besides, may plano talaga akong sabihin kay Dad na gusto kong ligawan ang kliyenteng binigay niya sa akin."
"Ligawan?!" biglang bulalas nito na wari bang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
He smiled mischievously. "I told you about it, right?"
For a moment, Diana was at loss for words. Para itong itinulos sa kinauupuan at maang na napatingin lamang sa kanya. Her stares were locked on him, her lips slightly open. At doon natuon ang mga mata ni Rafael. Hindi pa maiwasang sumagi sa isipan niya ang dalawang pagkakataong nahagkan niya ang mga labing iyon.
Pilit niyang hinamig ang kanyang sarili at iwinaksi ang mga tumatakbo sa kanyang isipan. Damn, but just looking at her turned him on!
"Hihintayin kita sa labas," saad niya bago mabilis nang tumalikod. Hawak na niya ang doorknob ng pinto nang magsalita si Diana.
"A-Are... Are you really serious, Rafael?"
Marahan niya itong nilingon. A soft smile curved on his lips. "Never been as serious as this in this lifetime... just now, sweetheart," malumanay niyang saad bago tuluyan nang lumabas ng opisina nito.