"Ilang araw lang akong nawala ng bansa, tapos mababalitaan ko ngayong ikakasal ka na?" hindi makapaniwalang saad ni Kyrene kay Diana nang isang hapong dinalaw siya nito sa kanyang opisina.
Halos ilang linggo nga silang hindi nagkita ni Kyrene dahil sa kinailangan nitong puntahan sa Canada ang lolo't lola nito. Nagkasakit ang abuela nito at dahil sa labis na pag-aalala ay talagang pinuntahan ng kanyang kaibigan ang mga ito sa ibang bansa.
Ngayon na lamang sila muling nagkita. Hindi pa sana siya nito pupuntahan ngayon kung hindi niya lang sinabi ang tungkol sa 'planong pagpapakasal' nila ni Rafael nang makausap niya ito sa telepono.
Diana didn't have a plan to tell Kyrene about it. Pagkukunwari lamang nila iyon ni Rafael at wala na siyang planong ipagkalat pa sa iba ang kasinungalingang binuo nila ng binata. Mas marami kasi ang makaaalam ay mas mahihirapan siyang makalabas sa pagkukunwaring iyon.
But Kyrene was different. Bestfriend niya ito. Ngayong nasa Pilipinas na itong muli ay hindi malayong may makausap itong ibang taong nakaaalam ng 'relasyon' niya kay Rafael. Mas maigi nang sa kanya nito malaman na 'kasintahan' niya ang binata. Saka niya na iisipin kung anong dahilan ang sasabihin niya sa mga ito oras na putulin na nilang dalawa ni Rafael ang pagkukunwaring ginagawa nila. Maaaring sabihin niya na lang na naghinawalay na sila ng binata. Bahala na!
Diana heaved out a deep sigh and stood up from her swivel chair. Marahan siyang naglakad patungo sa harapan ng kanyang executive desk kung saan naroon ang visitor's chair na kinauupuan ni Kyrene.
"I am not lying, Ky. N-Nobyo ko na si Rafael," wika niya sa mahinang tinig.
Hindi niya gustong magsinungaling sa matalik niyang kaibigan pero iyon ang napagkasunduan nila ni Rafael. Dapat ay silang dalawa lang ang makaaalam na pagkukunwari lamang ang kanilang relasyon.
"That soon?" Kyrene said exaggeratedly. "Pag-uwi ko ay may nobyo ka na? And not just a boyfriend, ah. Fiance mo na ngayon ang bodyguard mo? Are you serious?"
Hindi mapigilan ni Diana na marahang matawa dahil sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito. "You heard it, Kyrene. R-Rafael proposed to me and I accepted it. K-Ka... Kasintahan ko naman siya kaya tinanggap ko na."
"Pinag-isipan mo ba iyan?"
"Of course I did," matatag niyang saad para maniwala ito.
"Diana, hindi pa natatagalan mula nang i-hire mo siya bilang bodyguard," giit nito.
Diana almost rolled her eyes upwardly. "Exactly, what Tito Alex and Tita Bernadette told me," napapailing niyang sabi. "Let me just remind you, Ky. Ikaw ang nag-suggest na kumuha ako ng bodyguard."
"Exactly, Diana," balik nito sa kanya. "I suggested for you to hire a bodyguard... a bodyguard, Diana. Hindi boyfriend." Saglit itong natigilan at nagpakawala ng isang buntonghininga. Nang magpatuloy ito sa pagsasalita ay bahagya nang naging mahinahon ang tinig nito. "Though, I would be very happy if you really have a boyfriend now. Alam mo namang wala akong ibang hangad para sa iyo kundi ang maging masaya. Nabigla lang ako na ang boyfriend mo ay ang nakuha mong bodyguard."
"Thank you for always wishing me happiness, Ky," totoo sa loob na saad niya. Hindi niya pa maiwasang makonsensiya dahil sa paglilihim niya rito.
"Are you really happy now? Mahal mo ba talaga si Rafael?" magkasunod na tanong ni Kyrene.
Hindi niya maiwasang mapaisip dahil sa huling tanong na binitiwan nito. Mahal niya ba si Rafael? Was it even possible to love a person whom you just have met? Pero si Rafael ay inamin nang may nadarama ito sa kanya, hindi ba? Gusto siya nito kahit hindi pa natatagalan mula nang magkakilala sila at base sa nakikita niya sa binata ay seryoso ito nang sabihing manliligaw ito sa kanya.
And how could she explain the emotion that she felt towards him. Hindi ba't sa tuwing kasama niya ito ay may idinudulot na banyagang damdamin sa kanya ang binata? Attracted na rin kaya siya rito?
"Diana..." untag ni Kyrene sa pananahimik niya.
Hinamig ni Diana ang kanyang sarili bago sumagot dito. "What happened between us was a whirlwind romance, Ky. You saw him a while ago. H-Hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Rafael."
Napakilala niya na nga ang dalawa kaninang pagdating ni Kyrene. Dahil sa nabanggit niya sa kanyang kaibigan ang tungkol sa 'relasyon' nila ni Rafael ay agad itong sumugod sa AAC. Sa tuwina ay nasa labas lamang ng opisina niya ang binata para magbantay sa kanya dahilan para agad na niyang mapakilala ang mga ito sa isa't isa.
"He's handsome, yes," puna ni Kyrene. "Hindi naman nga kataka-taka na magkagusto ka sa kanya. Kung talagang mahal mo siya at masaya ka, you know I would be happier for you."
She smiled softly at her. Kumpara kina Alex at Bernadette, hindi nagpakita ng pagtutol si Kyrene matapos malaman na 'nobyo' niya si Rafael.
*****
AGAD na napalingon si Diana sa direksyon ng pinto ng kanyang opisina nang biglang bumukas iyon at sumilip mula sa labas si Rafael. Hindi pa maiwasan ang pag-angat ng kanyang kilay nang basta na lamang nitong buksan iyon nang hindi man lang kumakatok.
Nahinto siya sa kanyang ginagawang pagpirma sa ilang dokumentong nasa kanyang mesa at tuluyang hinarap ang binata. "Why?"
"Marami ka pa bang gagawin?" tanong nito na nakapagpakunot ng kanyang noo.
"Ito na lang ang kailangan kong pirmahan," aniya sabay pakita ng ilang dokumentong pipirmahan niya pa. Kaunti na lang iyon sapagkat tapos niya na kanina ang iba. "Why, Rafael?"
"Kailangan na ba ang mga iyan?" usisa pa nito kasabay ng paghakbang palapit sa kanya.
Sukat sa tanong nito ay mas nagdikit ang kanyang mga kilay. "H-Hindi naman," aniya. "I'll be needing these by Friday. Bakit ba?"
"Good," wika nito. "Let's go."
"Let's go?" pag-uulit niya. "Saan? Rafael, alas-tres pa lang ng hapon---"
"At wala ka nang meeting sa hapong ito, hindi ba?" Ibubuka niya sana ang kanyang bibig para magsalita nang unahan na siya ng binata. "I asked your secretary, Diana. Wala ka nang appointment ngayon. So, you can go now."
"Not just because I have nothing else to do and I am the boss, I can leave early, Rafael. Balak kong tingnan mamaya ang ginagawa ng mga empleyado ng AAC."
"Alam ko, Diana," giit nito, may tipid pang ngiti sa mga labi. "Hindi ko sinasabing pabayaan mo ang trabaho mo. It's just that... ngayong hapon lang ang nakita kong tamang pagkakataon para maipakilala kita sa kanila."
"M-Maipakilala? Kanino?" May kutob na umahon mula sa kanyang dibdib pero mas pinili niyang hintayin ang magiging sagot nito.
"Just come with me, Diana," giit ni Rafael sa halip na sumagot.
Mas lumapit pa ito sa kanya at nagkusa nang ayusin ang mga dokumentong nasa harapan niya. Sinalansan nito ang mga iyon saka siya hinawakan sa kanyang kamay. Walang napagpilian si Diana kundi ang tumayo na rin. Agad niya pang inabot ang kanyang shoulder bag nang magsimula nang humakbang si Rafael palabas ng kanyang opisina.
"Hindi mo man lang ba hahayaang mag-retouch muna ako, Rafael? Basta mo na lang ako hihilain nang hindi pa nakakapag-ayos ng sarili," aniya na may halong paninita ang tinig. Naglalakad na sila sa pasilyo patungo sa may elevator.
"You don't have to do that, Diana. Maganda ka naman lagi," saad nito sabay sulyap sa kanya.
She wasn't able to answer. His compliment made her blushed. Damang-dama niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi dahilan para iiwas niya ang kanyang paningin dito.
Tuluyan na silang nakarating sa ground floor ng AAC at ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi ay mas dumoble pa nang may ilang empleyado silang nakakasalubong sa paglalakad. Lahat ay bumati sa kanya at lahat din ay napapatingin sa mga kamay nila ni Rafael na ngayon ay magkahawak na. Gustuhin niya pang bawiin ang kanyang kamay ay hindi niya magawa. Rafael was holding her tight as if he didn't want her to let go.
"Where are we going, Rafael?" usisa niya rito nang nasa loob na sila ng sasakyan nito. Mula nang umuwi sila mula sa resort ng mga ito sa Tagaytay ay sasakyan na nito ang ginagamit nila.
"I'm meeting my mom. Noong isang linggo pa siya, actually, humihiling na makita kami. You know, because of my job, bihira na lang ako makauwi sa bahay."
Marahas siyang napalingon dito. "W-What do you mean? We... We are meeting your mom?"
"Yeah," anito. Saglit itong sumulyap sa kanya saka muli nang ibinalik sa daan ang paningin. Nagmamaneho na ito ngayon at kung saan man ang tungo ay hindi niya alam.
"But, Rafael..." Hindi niya natapos ang pagsasalita. Umayos siya sa pagkakaupo at ibinaling na lamang ang kanyang paningin sa labas ng sasakyan. Dahil sa mga sinabi nito ay hindi niya maiwasang makadama ng kaba.
"Relax," narinig niyang sabi ni Rafael. "My mom is the nicest person that you could ever meet, Diana."
"Why didn't you tell me about this, Rafael?" may inis sa tinig na sabi niya. Nilingon niya pa ito at hindi nga itinago ang yamot na nadarama. "We are just pretending, right? I told you, hindi na natin kailangan pang ipaalam sa mga magulang mo ang tungkol sa kunwaring relasyon natin."
Hindi ito umimik at tahimik na nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Nang lumipas ang ilang saglit na wala nang nagsalita sa kanilang dalawa ay pinili na lamang ni Diana ang manahimik din. Isinandal niya ang kanyang sarili sa kinauupuan saka muling itinuon ang paningin sa labas ng kotse nito.
Halos kinse minutos ang itinagal ng pagmamaneho ni Rafael bago nila narating ang isang restaurant. Agad na nitong ipinarada ang sasakyan saka lumabas na mula sa may driver's seat. Siya man din ay kumilos na upang lumabas sa kotse nito ngunit bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto sa may panig niya ay naroon na si Rafael. Ito na ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
Naiilang man ay umibis na si Diana mula sa may passenger's seat. Dahil sa malapit lamang sa kanya si Rafael ay hindi maiwasang halos magdikit ang kanilang mga katawan nang tuluyang siyang lumabas ng kotse nito. Naamoy niya pa ang panlalaking pabango nito na waring nanuot sa kanyang ilong.
"Let's go. Nagpa-reserve ako ng mesa para---"
"You invited me--- no... not invited. Basta ka na lang nagdesisyon na makipagkita tayo sa mommy mo," wika niya nang akmang igigiya na siya nito papasok sa loob ng restaurant. "Pati ba naman pag-aayos sa sarili ko, hindi mo ako hahayaan? I'll just fix myself, Rafael."
"Okay..." pagsusuko nito. "I'll wait for you inside."
Pagkawika niyon ay hinawakan na siya nito sa kanyang siko at inalalayan sa paglalakad. Pumasok na sila sa restaurant at itinuro pa muna sa kanya ni Rafael ang mesang ayon dito ay pina-reserve nito para sa kanila. Wala pa roon ang mga magulang nito dahilan para tumuloy na muna siya sa comfort room ng naturang establisyemento.
Pagdating sa comfort room ay inayos niya ang kanyang sarili. Naglagay din siya ng lipstick kahit pa hindi naman tuluyang nabura ang nilagay niya kanina. Hindi niya alam kung bakit pero ngayong alam niyang haharap siya sa mga magulang ni Rafael ay gusto niyang maging maayos ang kanyang hitsura. Hindi niya rin naman gustong may masabi sa kanya ang pamilya ng binata.
Until suddenly, Diana stopped what she was doing. Bakit ganoon na lamang ang nasa isip niya? Bakit ba mahalaga para sa kanya kung ano man ang isipin ng ama't ina ni Rafael? Does it matter to her?
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga saka tuluyan nang tinapos ang kanyang ginagawa. Nang makitang maayos na ang kanyang hitsura ay lumabas na rin siya ng comfort room at akmang pupuntahan na ang mesang itinuro sa kanya ni Rafael kanina. Ngunit biglang bumagal ang kanyang paglalakad nang matanawan niya si Rafael sa dulo ng pasilyong patungo sa comfort room. Sa hinuha niya ay hinihintay siya ng binata upang sabay na silang lumapit sa mesang pina-reserve nito.
Diana was about to call him when suddenly a woman came. May matamis na ngiti sa mga labi nito at ikinawit pa ang dalawang kamay sa kanang braso ni Rafael. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi niya alam. Hindi niya na rin magawang pakinggan pa sapagkat mabilis na ring umalis ang babae at naglakad na patungo sa mga mesang naroon.
That's when Rafael turned to look at her. Agad pa itong ngumiti nang makita siya. "Are you done?" anito sabay gala ng paningin sa kanyang mukha. "You're beautiful, Diana, kahit kaninang hindi ka pa nag-reretouch."
Diana's right eyebrow arched upwardly. "You've been complimenting me since a while ago, Rafael. At dinala mo rin ako rito para ipakilala sa mga magulang mo. And yet, here you are having chitchat with another woman."
"Chitchat with another woman?" nagtataka nitong tanong. Hanggang sa mayamaya ay waring nakuha naman nito ang nais niyang sabihin. "Ang tinutukoy mo ba ay iyong babaeng narito lang kanina?"
"May iba pa ba?" mataray niyang tanong na ikinatawa nito nang marahan. Hindi niya pa mapigilang mainis dahil sa naging reaksyon nito. "Nakakatawa ba, Rafael? Bakit hindi mo ako pinakilala roon sa babae?"
"I'm planning to do that, sweetheart," anito na may pilyong ngiti sa mga labi. "You're right. Narito tayo para maipakilala kita kay Mommy. And yeah, I'm gonna introduce you to that woman. Gusto ko rin namang makilala mo ang kapatid ko."
Natigilan siya dahil sa mga sinabi nito. "W-What do you mean?"
"That's Ariella, Diana, my younger sister. She's looking for us. Ang sabi ko'y hihintayin na kita at sabay nang lalapit sa mesa."
"T-That's your sister?"
"Yes... and you don't have to be jealous of her... or anyone else---"
"Who said I'm jealous, Rafael?" paasik niyang saad dito.
"Wala naman," nakaloloko pa nitong sabi. "But your eyes said it all, sweetheart."