CHAPTER 18

2122 Words
Maang na napatitig si Diana kay Rafael. Masusi niyang pinagmasdan ang mukha nito sa pag-asam na makakita roon ng ano mang senyales na nagbibiro lamang ito. Gusto niyang isiping walang kaseryosohan ang mga binitiwan nitong salita. Pero nang mapagmasdan niya ang ekspresyong nasa mukha nito ay halos kumalabog ang kanyang dibdib dahil sa lakas ng t***k niyon. His face mirrored so much seriousness. Mataman din nitong nakatutok sa kanya na wari bang naghihintay ng kanyang magiging reaksyon. And Diana didn't mind if he saw the shocked expression on her face. Talaga namang ikinabigla niya nang marinig ang mga sinabi nito. "N-Naiintindihan mo ba ang mga sinabi mo, Rafael? Nasisiraan ka na ba ng bait para sabihin iyan? Halos kailan lang tayo nagkakilala," wika niya sa hindi pa rin makapaniwalang tinig. "Yes and yes would be my answer to your two questions, Diana," saad nito sa seryosong tinig. "Oo, naiintindihan ko ang mga sinabi ko. I understand it very well. And yes... maybe, nasisiraan na nga siguro ako para sabihing totohanin natin ang pagpapanggap na ginagawa natin ngayon. Hindi pa natatagalan mula nang magkakilala tayo, tama ka. But despite that, I can't explain the attraction that I feel for you." Walang naisagot si Diana sa mahabang pahayag na iyon ni Rafael. Maang lang siyang nakatitig sa binata na mistula bang hindi makapaniwalang maririnig niya ang mga salitang iyon mula rito. It was out of his character. Parang ngayon niya lang ito nakitang ganoon kabokal sa nadarama nito. Hindi naman kasi ito ganoon kamasalita. Madalas ay ang tungkol lamang sa banta sa kanyang buhay at ilang detalye tungkol sa kanya ang pinag-uusapan nilang dalawa. Ni hindi ito nagkukuwento ng tungkol sa sarili nito dahilan para ngayon niya lamang nalaman na nagkaroon na ito ng anak. "I wouldn't force it to you, Diana," maya-maya ay muli nitong saad nang lumipas na ang ilang saglit ay hindi pa rin siya nakaimik. "Kung nabibigla ka man ngayon ay ganoon din ako. I didn't expect to feel this way. I've never acted like this to any woman before... ngayon lang, ngayon lang dahil ngayon lang ako nakadama ng ganito." "A-Are you telling me that... that you like me?" mahina niyang usal. "I don't know, Diana---" "You don't know?" maagap niyang saad. "You don't know and yet you are telling me this?" "I have never been in a serious relationship, Diana," anito sa mariing tinig. "Oo, may mga nakarelasyon na ako. But what I am feeling right now is different from what I felt before. All I am sure is I want you." Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Diana. Noon pa man ay nakadarama na siya ng pagkailang sa tuwing kasama niya si Rafael. Presensiya pa lang nito ay sapat na para magkagulo ang buong sistema niya. Pero matapos ng mga sinabi nito ngayon, pakiramdam niya ay mas dumoble pa ang pagkailang na iyon. Hindi niya alam kung paano tutugon dito. Hindi niya alam kung ano ba ang tamang sasabihin dito. "Diana---" "Please, Rafael," mabilis niyang saad bago pa man nito matapos ang ano mang gusto nitong sabihin. "I don't want to entertain other things right now. G-Gusto kong malaman muna kung sino ang nagtatangka sa buhay ko. Iyon lang ang gusto kong pagtuunan ng pansin ngayon." For a moment, Rafael didn't say a word. Natahimik ito at mataman lamang na napatitig sa kanya. Pagkalipas ng ilang saglit ay tuluyan nang tumalikod si Diana at itinuloy na ang pagbalik sa bahay-bakasyunan ng mga ito. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya inawat pa ng binata. Hinayaan na siya nitong umalis sa kabila ng alam niyang marami pa itong nais sabihin. Katunayan ay damang-dama niya pa ang pagsunod nito ng tanaw sa kanya. Pinilit niya lang na huwag nang lumingon dito at dire-diretso nang bumalik sa silid na inookupa niya. ***** RAFAEL heaved out a deep sigh as his gaze followed Diana. Tuloy-tuloy itong naglakad palayo sa kanya at sinundan niya nga ito ng tanaw hanggang sa tuluyang makapasok sa kanilang bahay. Nang hindi na niya ito makita ay marahan na lamang siyang napatingala sa langit kasabay ng muling pagbunga ng isang malalim na buntonghininga. "What have I done?" tanong niya sa sarili saka itinutok ang mga mata sa malawak na dagat. Wala nang ibang maririnig sa parteng kinaroroonan niya kundi ang mabining tunog ng mumunting along hindi kalayuan sa kanya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nagawa. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi kay Diana ang lahat ng mga binitiwan niyang salita. He was not that vocal with his emotion. Minsan nga ay hindi naman niya sinasabi kung ano ang nararamdaman niya para sa iba. It was the reason why he, himself, was also stunned to realize that he confessed his feelings to Diana. Hindi siya nagsisinungaling nang sinabi niyang gusto niya ito. Aminado naman siya sa kanyang sarili na nakadarama siya para rito ng atraksyon unang beses niya pa lamang ito nakita. That attraction deepened after the days that they've been together. Unti-unti ay tuluyan nang nahulog ang loob niya para rito. He has been in a relationship before. May naramdaman din naman siyang pagkagusto sa mga babaeng nakarelasyon niya. He wouldn't involve himself to anyone he didn't like. Pero kung ano man ang nadarama niya para kay Diana ngayon ay kaibang-kaiba sa kung ano ang naramdaman niya sa mga babaeng dumaan sa kanyang buhay. He didn't know why. Basta iba si Diana kahit pa kailan lamang niya ito nakilala. Muli niyang nilingon ang daang tinahak nito pabalik sa kanilang bahay. Kahit hindi niya na ito nakikita roon ay mataman pa ring nakatutok doon ang kanyang mga mata. "I'll solve your case, Diana. Sisiguraduhin nating mahuhuli ang taong nais manakit sa iyo," mahinang usal niya. Iyon ang gusto niyang mangyari. He'll make sure her life will be normal again. Gusto niyang mawala ang mga takot na nadarama nito. Gusto niyang masiguro na hindi na ito mapapahamak pa. And just like what he said a while ago, he also wanted to see her smile... an authentic smile. ***** "DIANA, are you listening to me?" Agad na napaupo nang tuwid si Diana nang marinig niya ang tinig ng kanyang Tita Bernadette. Napatikhim pa siya kasabay ng paghamig niya sa kanyang sarili. "W-What did you say again, Tita?" nahihiya niya pang tanong. "What is happening to you, hija? Parang wala ka sa sarili mo," usisa nito nang may nang-uuring tingin sa kanya. Diana cleared her throat. Nag-iwas siya ng tingin sapagkat hindi niya gustong mabasa nito ang gumugulo sa isipan niya. Kahapon nang makabalik sila ni Rafael sa Manila mula sa resort ng mga ito sa Tagaytay. Hindi pa sana nais ng binata na ibalik na siya sa kanyang apartment. Ayon kasi rito ay may tao itong inutusan na mag-imbestiga tungkol sa mga nangyari sa kanya at siya ay nais muna nitong manatili sa resort. Iyon ang gusto nito upang masiguro ang kanyang kaligtasan, bagay na labis niyang tinutulan. Diana wanted to go back to Manila. Matapos ng mga sinabi ni Rafael ay parang hindi niya na kayang makasama ito sa lugar na iyon. Naiilang siya. Katunayan, maging ngayon sa kanyang apartment ay hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang binata. "N-Nothing, Tita," sagot niya rito kasabay ng pilit na pagngiti. "May iniisip lang ako." "Like what?" tanong pa nito. "Tulad ba ng pag-alis mo na lang bigla nang dalawang araw? Tell me, where did you go, Diana?" Instead of answering Bernadette, Diana stood up from her seat. Sinalansan niya ang ilang dokumentong nasa kanyang harapan at inihanda ang kanyang sarili sa paglabas ng conference room. Kasalukuyan silang naroon sapagkat katatapos lamang ng meeting niya kasama ang ilang empleyado ng AAC. That meeting was scheduled before she and Rafael went to Tagaytay. Sadyang ngayon lamang natuloy dahil nga sa pag-alis nila ng binata. Nagsilabasan na sa conference room ang lahat ng empleyadong kasama niya sa meeting nang mapansin niyang sadyang nagpaiwan si Bernadette. Agad nga siya nitong inusisa kung saan siya nagtungo sa loob ng dalawang araw dahilan para muli niya na namang maalala ang ginawang pag-amin ni Rafael sa nadarama nito sa kanya. "I-I just had a two-day vacation, Tita," sagot niya rito. "I've been working non-stop for almost two years. Gusto ko rin namang makapagpahinga." "And where did you go?" hindi pa rin nagpapaawat na usisa nito. "Sa isang resort sa Tagaytay. Kasama ko si Rafael," walang kagatol-gatol na tugon niya rito. Kinuha na niya ang mga dokumentong nasa harapan niya saka nagsimula nang maglakad patungo sa may pintuan. Agad siyang sinundan ni Bernadette kasabay ng pagsalita nito. "Si Rafael? Kayong dalawa lang?" "Yes, Tita---" "Kayong dalawa lang, Diana?" anito na waring naninita. "Hindi pa natatagalan nang makilala mo ang lalaking iyon pero naging kasintahan mo na siya agad. At ngayong hindi pa natatagalan ang relasyon ninyo, sumama ka na sa kanya sa isang lugar na kayong dalawa lang?" Diana abruptly turned to look at her. Parang hindi niya nagustuhan ang nakalakip na malisya sa tinig nito. "I just had a vacation, Tita. Nagpahinga lang ako ng dalawang araw." "Diana, I am just concern," giit nito. "Hindi na ako bata, Tita Bernadette," saad niya kasabay ng tuluyan nang paglabas sa conference room. Saglit pa siyang natigilan nang makita sa labas ang lalaking pinag-uusapan nila. Rafael was sitting at the couch outside the conference room. Sa tuwing may meeting siya kasama ang mga empleyado ng AAC ay doon ito naghihintay. Nang makita nga siya nito kasama si Bernadette ay agad na itong tumayo. "Are you done?" tanong ni Rafael sabay sulyap din sa babaeng katabi niya. "Y-Yes," aniya sa mahinang tinig. "May kailangan lang ako---" Ano mang sasabihin niya ay hindi na natapos pa nang may sumingit na isang tinig sa kanilang usapan. "Diana, you're back. Where have you been, hija?" Halos sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita--- si Alex. Naglalakad ito palapit sa kinaroroonan nila. Hindi ito dumalo sa meeting kanina at kung bakit huli na ito pumasok sa AAC ay hindi niya alam. Kita niya pa ang ginawang pagsulyap ni Alex sa kanyang bodyguard bago siya na ang tuluyang binalingan. "Hindi ka pumasok ng ilang araw. Why, Diana?" Hindi niya mapigilang mapataas ng kilay matapos marinig ang mga sinabi nito. "I don't think I need to tell anyone of you my whereabouts, Tito Alex... Tita Bernadette. I was just away for two days." "I was just curious, Diana. Walang ibang ibig sabihin ang tanong ko," katwiran pa ni Alex. "I and Rafael went to Tagaytay," aniya sabay sulyap pa sa binata na ngayon ay mataman ding nakatitig sa kanya. "Anyway, I'm back. May kailangan ho ba kayo?" "You know what I was trying to say a while ago, Diana," saad naman ni Bernadette sa kanya. "I'm just concern. Hindi pa natatagalan mula nang makilala mo ang lalaking iyan pero sumasama ka na sa kanya kung saan-saan. Are you even thinking?" "W-What do you mean?" singit muli ni Alex na kay Bernadette laan ang tanong na binitiwan. Bernadette looked at Alex before she answered. "Nagtungo siya sa Tagaytay kasama ang lalaking iyan," saad nito sabay sulyap pa kay Rafael. "Sa resort na pag-aari ng aming pamilya ko dinala si Diana, Ma'am... Sir," saad ni Rafael sa dalawa. "I assure you na walang masamang nangyari sa kanya habang naroon kami. S-She just took a break from her work." "At wala akong nakikitang masama kung magbakasyon ako kasama si Rafael," maagap niyang susog sa mga sinabi ng binata. "H-He's my boyfriend." "You're not getting my point, Diana," mariing saad ni Bernadette. Hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ito kung magpakita ng disgusto sa 'relasyon' niya kay Rafael. Maliban kay Alex, isa rin ito sa tutol sa pakikipagrelasyon niya. And Diana couldn't help but to think about it. Bakit ganoon na lamang kung makatutol ang mga ito? She forced herself to smile. Lumingon siya kay Rafael at matamis na ngumiti. Nilapitan niya pa ang binata at ikinawit ang kanyang mga kamay sa kanang braso nito. Sadyang nagulat pa ito dahil sa ginawa niya. Simula nang makauwi sila kahapon sa kanyang apartment ay halos hindi sila magkibuang dalawa tapos heto't bigla na lamang siyang naging masuyo rito. "Don't worry, Tita Bernadette... Tito Alex," aniya sabay baling ulit sa dalawa. "Walang dapat ipag-alala. Maliban sa nasa tamang edad na ako para gawin ang ano mang naisin ko, Rafael and I are planning to get married as soon as possible. Kaya wala akong nakikitang masama kung magkasama man kaming nagbakasyon. Right, sweetheart?" Rafael wasn't able to answer. Maang lamang itong napatitig sa kanya at waring hindi inaasahang sasabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon. Samantalang sina Alex at Bernadette ay kapwa nabigla rin sa mga sinabi niya. "You're getting married?!" bulalas ni Bernadette. "Magpapakasal kayo?!" gulat ding tanong ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD