CHAPTER 11

2307 Words
Dumating ang araw ng pagdiriwang ng anibersaryo ng AirCare Aviation Company. Sa loob ng ilang taon mula nang maitatag ang kanilang kompanya ay hindi nawawala ang magarbong selebrasyon sa tuwing anibersaryo nito. Nakasanayan na iyon ni Diana mula nang magkaisip siya. Ngunit nitong mga huling taong nagdaan ay ibang-iba na ang pagdiriwang na idinadaos sa kanilang kompanya. Dati ay lagi siyang nababalot ng pananabik sa tuwing papalapit na ang araw na iyon. And it was because of one reason--- kasama niya noon ang kanyang ama at ina. Now, everything has changed. Wala na ang mga ito. Wala na ang dalawang taong labis na mahalaga sa kanya. Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Diana habang masusi niyang pinagmamasdan ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Tapos na siyang mag-ayos at suot niya na rin ang damit na sadyang pinagawa niya pa para sa gabing iyon. Diana was wearing an emerald green gown. Ang haba niyon ay abot sa kanyang sakong. May maninipis na strap ang naturang kasuotan dahilan para maging exposed ang mapuputi niyang balikat. At dahil nga sa kulay ng kanyng suot ay mas lumitaw ang kaputiang taglay niya. The curve of her body was also emphasized because of her evening gown. Halos ihulma niyon ang balingkinitan niyang katawan. May mahaba iyong slit sa kaliwang bahagi dahilan para makita ang kanyang binti sa tuwing lalakad siya. Siya lamang ang nag-ayos sa kanyang sarili. Kung dati ay lagi niyang kasabay ang kanyang ina sa pagpapaayos sa makeup artist na kanilang kinukuha, ngayon ay tanging siya na lamang ang gumagawa niyon sa kanyang sarili. Hinayaan lang ni Diana na nakalugay ang kanyang mahabang buhok na sadyang ikinulot niya ang mga dulong bahagi. Naglagay din siya ng makeup sa mukha at nang masigurong maayos na ang lahat sa kanya ay humakbang na siya palabas ng kanyang kuwarto. Bitbit ang kanyang clutch bag ay nagtungo na sa may sala si Diana. There, she saw Rafael. Nakaupo ito sa sofa at halatang naghihintay na sa kanya. Awtomatiko pa nga itong napalingon sa kanya nang maramdaman ang paglabas niya mula sa kanyang silid. Ni hindi pa nakaligtas sa paningin ni Diana ang saglit na pagkatameme nito habang nakatitig sa kanya. Gusto niya pang isiping paghanga ang lumarawan sa mukha nito, but then, she didn't want to assume. "Shall we go? A-Are you ready?" magkasunod niyang tanong kasabay ng mataman ding pagtitig dito. Katulad niya ay nakagayak na rin para umalis si Rafael. Isang white long-sleeved polo ang suot nito na pinaresan ng itim na slacks. Nakapaloob pa ang laylayan ng polo nito sa suot na pang-ibaba sanhi para maging pormal itong tingnan. Sa mga paa ay itim na sapatos naman ang suot ng binata. Una na niyang isinuhestiyong siya na ang sasagot sa isusuot nitong damit. She could afford it and she didn't mind if she would be the one to buy for him. But Rafael declined her offer. Kaya raw nitong bilhan ng damit ang sarili nito, bagay na hindi niya naman pinagdududahan. Tulad ng una na niyang naisip, alam niyang galing din naman sa maalwan na pamilya si Rafael. Hinayaan niya na lamang ang binata sa gusto nito at hindi niya man gustong ipahalata pero mas lumitaw ang pagiging magandang lalaki nito dahil sa gayak ngayon. "Let's go," saad na nito sabay tayo na mula sa sofa. She didn't say a word. Nagpatiuna na siyang lumabas at hinayaang ang binata na ang magsara ng kanyang apartment. Sa loob ng ilang linggong magkasama sila roon ay alam na rin nito ang mga kailangang gawin sa tuwing aalis sila. In fact, waring nasasanay na siya sa presensiya nito at hindi niya man gustong aminin, natagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na kampante sa tuwing kasama niya ang binata. Maya-maya pa ay laman na sila ng kalsada. Dala ang kanyang sasakyan ay nagtungo na sila sa AAC kung saan laging idinaraos ang pagdiriwang ng anibersaryo ng nasabing kompanya. The party will start at exactly seven in the evening. Pasado alas-sais pa lang ngunit nag-aya na siya ritong umalis. Pagkahinto pa lang ni Rafael ng kanyang sasakyan sa tapat ng AAC ay agad na siyang lumabas mula sa may passenger's seat. Akmang maglalakad na sana siya papasok ng kompanya nang tawagin siya nito. "Diana..." anito na ikinalingon niya. "Yes?" tanong niya nang nakakunot ang noo. "Are you ready for the plan?" Diana swallowed hard before she answered him. "I am," sagot niya sa mahinang tinig. "I should be, Rafael. Pakiramdam ko naman, malalaman natin kung sino ang nagbabanta sa buhay ko dahil dito sa gagawin natin. Nakasalalay sa pagpapanggap natin ang lahat." "So, galingan mo ang pag-aarte, Diana," he said mischievously. "Ako?" buwelta niya rito. "Baka sa iyo mo dapat sabihin iyan, Rafael." She heard him smirked. "Don't worry, Diana. I could be the best boyfriend that you could have." Tinaasan niya ito ng isang kilay. Alam niya namang nanunudyo lang ito. Pero sa kung ano mang kadahilanan ay gusto niyang isiping may iba pang laman ang mga binitiwan nitong salita. Hinamig niya na ang kanyang sarili at hindi na tinugon pa ang mga sinabi ni Rafael. Sa halip ay tumalikod na siya at akmang itutuloy na sana ang pagpasok sa AAC. Naawat lang ang binabalak niyang gawin nang muli na naman siyang tawagin nito. "Diana..." "What?" she said impatiently as she turned to look at him again. "You look gorgeous tonight. If I'm truly your boyfriend, I would really proudly say that you're my girl." Diana was dumbfounded because of what he said. Hindi siya agad nakapagbigay ng ano mang reaksyon sa mga sinabi nito. Admiration was really on his face right now while staring at her. So, she was right after all. Paghanga nga ang nakita niyang nakiraan sa mukha nito kanina nang makita siyang lumabas mula sa kanyang silid. Did he find her beautiful? Diana didn't want to sound conceited, pero sanay na siyang makatanggap ng mga papuri mula sa iba. A lot was admiring her, not only because of her physical attributes but also because of how she managed their company since her parents died. Sanay na siya, pero bakit iba ang dating sa kanya ng papuring binitiwan ni Rafael? She tried so hard to compose herself. Hindi niya gustong ipahalata ang pagkailang na nadama dahil sa mga sinabi nito. Isang alanganing ngiti na nga ang iginawad niya rito bago nagwika. "T-Thank you..." she said in almost a whisper. "Y-You... You look handsome as well. Bagay sa iyo ang suot mo. And yeah, I will announce later that your my boyfriend... so, brace yourself. I am sure, haharap tayo sa maraming katanungan." "I am ready, sweetheart," tugon nito sa seryosong tinig. Kung kanina ay halos matigilan na siya dahil sa papuring binitiwan nito, ngayon naman ay daig niya pa ang natuklaw ng ahas sapagkat ni hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. And it was because of the endearment that he used. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang dating sa kanya ng ginamit nitong salita. Sunod-sunod na lamang siyang napalunok bago nagkibit na ng kanyang mga balikat. Wala nang ibang salitang tumalikod na siya at nagpatiuna nang maglakad papasok ng AAC. Sa may entrada pa lang ay binati na siya agad ng guwardiyang nakatalaga roon. Ilang empleyado rin ng kanilang kompanya ang nakasabay niya sa pasilyo na magalang ding bumati at pinuri pa ang kanyang gandang mas lumitaw dahil sa ayos niya. Ang pagdiriwang ng anibersaryo ng AAC ay gaganapin lamang sa malawak na function hall sa ground floor niyon. Ilang araw pa lang bago ang pagdiriwang ay naging abala na ang mga empleyadong itinalaga niya para sa pag-aasikaso ng naturang okasyon. Isang makeshift stage ang ginawa ng mga ito na nilagyan ng mga palamuti at iba't ibang mga bulaklak. Sa background niyon ay nakalagay ang pangalan ng kanilang kompanya at kung ilan taon na ito mula nang maitatag. Maliban sa venue ay ang ilang empleyado na rin ng AAC ang nag-asikaso ng para sa catering at iba pa. Ilang mga pabilog na mesa ang naroon na napapalibutan ng mga silya. Sa gitna ng bawat mesa ay mga bulaklak na magaganda ang pagkakaayos. Alam niyang ang mga bulaklak na iyon ay nagmula pa sa flower shop na lagi nang pinagkukuhanan ng kanyang ina sa tuwing may pagdiriwang, hindi lang sa kanilang kompanya kundi maging sa mga personal na okasyon sa kanilang pamilya. "Hija..." Agad na napalingon si Diana sa kanyang kaliwa nang marinig ang tinig ng kanyang Tita Bernadette. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa kanya. Diana couldn't help but stared at her. Bernadette was wearing a black gown. Ang disenyo niyon ay naaayon lamang sa edad nito. And as usual, she looked sophisticated with her looks right now. "Good evening, Tita," bati niya rito matapos nitong makipagbeso-beso sa kanya. "You look gorgeous as always," papuri nito na sadyang ikinatawa niya nang marahan. "You too, Tita." "Well," saad nito sabay sulyap pa kay Rafael na nasa likuran niya lamang. "Mabuti't narito na kayo. Maya-maya ay magsisimula na ang program. Anyway..." Saglit itong huminto sa pagsasalita at ikinawit ang mga kamay sa kanyang kanang braso. "Jeffrey is here, hija. He's been waiting for you since a while ago." Bernadette's eyes darted on the stage. Sinundan niya ang hinayon ng mga mata nito at agad niya ngang natanawan ang binatang tinutukoy ng kanyang Tita Bernadette. Doon ay nakatayo si Jeffrey, ang pamangkin nitong matagal nang nagpapalilad-hangin sa kanya. Dahil sa malapit siya sa matalik na kaibigan ng kanyang ina ay naging malapit na rin sa kanya ang ilan sa mga kamag-anak at kakilala nito. At isa si Jeffrey sa mga iyon. Laki itong ibang bansa sapagkat doon naninirahan ang kapatid ni Bernadette. Tatlong taon pa lang mula nang umuwi ng Pilipinas ang binata. Agad itong ipinakilala sa kanya ni Bernadette na paglipas lang ng ilang buwan ay nagsimula nang magpahayag ng damdamin sa kanya. Damdamin iyon na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya naman tinutugon. Wala siyang makapang espesyal na pagtangi para sa binata. "Good evening, Diana," bati ni Jeffrey na hindi na niya namalayang nakalapit na pala sa kanila. Nakipagbeso pa ito sa kanya na hindi na niya natanggihan pa. "G-Good evening. I-It's nice that you're here." "Tita Bernadette invited me. You don't mind, do you?" Ni hindi siya nito hinintay na makasagot. Akmang magbubuka pa lamang siya ng kanyang bibig para magsalita nang agad nang may idinagdag si Jeffrey. "Who is he?" tanong nito na kay Rafael nakatitig. "Oh, don't mind him, hijo. He's just---" "Makikilala mo siya mamaya, Jeffrey," mabilis niyang saad dahilan para maawat ang ano pa mang sasabihin ni Bernadette. "W-What do you mean, Diana?" Bernadette asked with so much puzzlement on her face. Hindi niya ito tinugon. Nagkibit na lamang siya ng kanyang mga balikat at iginala ang kanyang paningin sa paligid upang hanapin ang kanyang sekretarya. "Where is Juliet?" "S-She's at the backstage," tugon nito. "H-How about Tito Alex?" "Parating na rin iyon, Diana..." Tumango na lamang siya rito. She excused herself and walked towards the stage. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Rafael. Agad na niyang hinagilap ang kanyang sekretarya at nang makita ito ay inudyukan nang simulan ang programa. The event went smoothly. Nagsidatingan na ang iba pang empleyado at mga shareholders ng AAC kabilang na si Alex. Nagkaroon ng pagbabalik-tanaw sa mga taon na nagdaan at pagbabagong nangyari sa AAC. Her employees prepared a powerpoint presentation that showed something about their company. Hindi pa nga maiwasang maging hilam sa luha ang mga mata ni Diana nang maipakita rin ang tungkol sa kanyang mga magulang at kung paano namuno ang mga ito sa kanilang kompanya. Naging dahilan pa iyon para muli siyang mangulila sa mga ito. Hanggang sa maya-maya ay tinawag na siya ng emcee upang magbigay naman ng kanyang paunang salita. Agad na siyang tumayo at hindi na nga niya tinanggihan ang pag-alalay na ginawa ni Rafael sa kanya. Hawak siya sa braso ay inihatid siya ng binata hanggang sa makaakyat siya ng stage. Then, he went back to his seat. She heard as the crowd gave her a loud applause. Ginawaran niya ng matamis na ngiti ang mga ito bago nagsimula nang magsalita. "To everyone who's here, good evening. Before anything else, I would like to congratulate the employees who made this event extra special. Salamat sa pag-aasikaso ng lahat." Masigabong nagpalakpakan ang lahat lalo na yaong mga empleyadong nakatalaga sa pag-aayos ng naturang okasyon. "AAC has been successful through out the years and this success won't be possible if not with all of you. I'm sure my dad would agree to me if I say that above anything else, AAC's people are its gems." Mariin siyang napalunok pagkaalala sa kanyang ama. Kinailangan niya pang hamigin ang kanyang sarili bago magpatuloy pa sa pagsasalita. "Nawala man sina Papa't Mama, I'm still very grateful because of all of you who have been always there to help me in managing AAC. Isang karangalan para sa akin ang pamunuan ang mga empleyadong may malasakit para sa aming kompanya. Thank you for all of you..." She stopped for a while. Hinayon ng kanyang mga mata ang mesang kinaroroonan ni Rafael. Agad pang nagsalubong ang kanilang mga mata. He was looking at her intently in a way as if no one was around them. "A-And of course, I want to take this moment to thank the man who gives me more inspiration everyday. My boyfriend, Rafael Certeza..." Agad na nagkaroon ng ingay mula sa kanilang paligid. Nakita niya ang pagbulungan ng mga taong naroon habang napapasulyap pa kay Rafael. Ngunit kung may mas nakaagaw ng pansin ni Diana, iyon ay ang nakitang pagtayo ng dalawang taong puno ng pagkalito ang mukha--- sina Bernadette at Alex. "W-What do you mean, Diana?" tanong ni Bernadette sa kanya. Si Alex naman ay hindi nagsalita pero hindi nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagtiim ng mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD