CHAPTER 10

2004 Words
Marahang iginala ni Diana ang kanyang paningin sa lugar kung saan sila naroon ni Rafael. Tulad ng iginiit nito kanina ay ito nga ang pumili ng kakainan nilang dalawa. Sadya talaga nitong nilampasan ang restaurant na tinutukoy niya at mas pinagpilitang dalhin siya sa ibang lugar. Hindi rin nito sinunod ang utos niyang bumili na lang ng pagkain at sa apartment sila maghapunan. Mas gusto nitong sa labas sila kumain nang gabing iyon. Sa isang gusaling may sampung palapag siya dinala ni Rafael. Isa iyong hotel-restaurant at ang buong ground floor ay ang pinaka-restaurant. Different kind of cuisines are being served on that establishment. Hindi niya itatangging maganda ang ambiance ng lugar na mas nakadagdag pa para mapasarap ang kain niya. Yes, hindi niya itatangging naging magana siya sa pagkain para sa hapunang iyon. Noon, kung hindi sa AAC ay sa apartment na lamang siya kumakain. At dahil sa mag-isa lang naman siya ay mga madadaling lutuin lamang ang inihahanda niya para sa kanyang sarili. Pero iba sa gabing iyon. Pagkapasok nila sa naturang establisyemento ay pinaubaya na niya kay Rafael ang pag-order ng kakainin nila. Local cuisines lamang ang pinili nito at hindi nga nagkamali ang binata nang sabihin nitong magugustuhan niya ang pagkain sa restaurant na iyon. "Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito," saad niya habang iginagala ang paningin sa kinaroroonan nila. Maraming kumakain at halatang malakas sa tao ang naturang restaurant. "Hindi pa natatagalan ang restaurant na ito. I think it's just two or three years ago since it was built, I'm not sure though," imporma nito bago inubos ang juice na nasa baso nito. "Hindi ko alam na may bagong kainan na katulad nito," saad niya pa. "Dahil hindi ka lumalabas sa apartment mo maliban kung ang dahilan ay trabaho," anito saka siya pinagmasdan nang mataman. "We're back again there," wika niya na napapataas pa ng kilay. "Rafael---" "Hindi ko na ipagpipilitan ang tungkol sa pagpapatingin mo sa espesyalista, Diana." "Oh, thanks Heaven. At least, you come to your senses," she said, her eyes almost rolled upwardly. Dahil sa naging reaksyon niya ay marahan pang natawa si Rafael. It was a kind of chuckle that caught Diana's attention. Natigilan pa siya at maang na napatitig na lamang sa mukha nito. Hindi maikakailang magandang lalaki si Rafael. Hindi nga ba't hindi niya inasahang ito ang magiging bodyguard niya nang unang beses niya itong nakita? Hindi hamak kasing mas mukha itong modelo kaysa bodyguard. "I just realized that not all people who have trauma should see a specialist. Minsan ay kailangan lang gumawa ng mga bagay na makapagpapalimot sa masalimuot na nangyari sa buhay nila. That could help you forget your trauma. You just need to have a distraction, to have someone who would listen to everything that you want to say," wika nito sa seryosong tinig. Ang mga mata nito ay mataman pa ring nakatitig sa kanya. Pakiramdam pa ni Diana ay nanunuot sa kanyang kaibuturan ang mga titig na iginagawad sa kanya ng binata. Sadyang nakaiilang iyon pero sa kung ano mang rason, hindi niya magawang iiwas ang kanyang tingin. Matapang niya lang na sinalubong ng mga titig ni Rafael. "Are you referring to yourself?" walang kaabug-abog na tanong niya rito. The corner of his lips twisted upwardly. Hindi niya alam kung ngiti bang matatawag ang namutawi sa mga labi nito. "Why not? I can help you, Diana. I can be a distraction so you can forget the memories that keep on haunting you. In fact..." Saglit itong huminto na mistula bang may naalala. "Maaari mo na ngayon simulang gumawa ng mga bagay na makakapagpalimot sa iyo ng aksidenteng kinasangkutan mo." "W-What do you mean?" naguguluhang tanong niya rito. Sa halip na sagutin siya ay tinawag ni Rafael ang waiter na nasa malapit lamang ng kanilang mesa. Nang makalapit ito sa kanila ay agad na hiningi ni Rafael ang kanilang bill. Kahit pinagpilitan niyang gamitin na lamang ang kanyang card ay hindi ito pumayag at ito na mismo ang nagbayad ng mga nakain nila. She wouldn't be surprised if Rafael could afford to pay on that expensive restaurant. Halata naman sa binata na galing din ito sa may-kayang angkan. Pag-aari pa nga ng ama nito ang security agency na pinagtatrabahuan nito ngayon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan pang pumasok doon ni Rafael bilang isang protection agent gayung ang sahod na makukuha nito ay malamang na barya lamang para rito. Matapos makapagbayad ay agad nang tumayo si Rafael at hinawakan pa siya sa kanyang kaliwang palapulsuhan. Iginiya siya nito sa paglalakad at wala nga siyang nagawa kundi ang magpatianod na lamang sa pag-akay na ginagawa nito. Hanggang sa maya-maya ay halos manlaki ang kanyang mga mata nang mapansing patungo sa direksyon ng elevator ang tinatahak ng binata. Nakita ni Diana ang malaking signage sa taas ng gusaling kinaroroonan nila ngayon. Alam niyang sa mga susunod na palapag niyon ay hotel rooms na maaaring tuluyan ng mga tao. Dahil nga roon ay mrahas niyang nabawi ang kanyang kamay na hawak nito. And what she did made Rafael turned to look at her abruptly. "What---" "What do you think you're doing?" paasik niyang tanong bago pa man ito matapos sa pagsasalita. "What am I doing?" naguguluhan din nitong tanong na wari ba ay hindi nakuha ang nais niyang sabihin. "Is this what you meant with what you said a while ago?" mataray niyang tanong dito. "That you're willing to be my distraction, huh? Sa tingin mo ba ay papayag ako diyan sa iniisip mo, Rafael?" "What are you talking about, Diana?" maang nitong buwelta sa kanya sabay gala ng paningin sa kanilang paligid. Nang wari ay maproseso ng isipan nito ang nais niyang sabihin ay isang nakalolokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Ano ba ang iniisip mong gagawin ko, huh?" "It's not funny, Rafael," she said in gritted teeth. "I am not a dumb not to get what you mean a while ago. You think na papayag ako riyan sa gusto mo? Diyan sa distraction na tinutukoy mo?" "Hey, Diana," tuluyan nang natawang saad nito. Puno pa nga ng kaaliwan ang mukha nito habang nakatunghay sa kanya. "Just so you know, napakadumi ng isip mo. We are not checking in here. At wala akong balak gawin iyang nasa isip mo, unless..." Saglit nitong ibinitin ang pagsasalita at sinuyod ng mga mata ang kabuuan ng kanyang mukha. "Unless what?" she hissed at him with irritation. "Unless you say so," nakaloloko nitong wika. "You...!" Ano mang ibabato niyang salita rito ay hindi na niya naisatinig pa. Agad niya ring naitikom ang kanyang bibig nang muli nang hawakan ni Rafael ang kanyang kamay at tuluyan nang inakay papasok sa elevator. "Rafael, I am telling you---" "Puwede ba itigil mo iyang kadumihan ng isip mo, Diana," muli nitong putol sa pagsasalita niya. Nakita niya ang pagpindot nito sa pinakamataas na palapag ng gusaling kinaroroonan nila--- ang rooftop. "W-Where are we going?" "Just wait, hindi iyong kung anu-ano ang iniisip mo," anito nang may pilyong ekspresyon pa rin sa mukha. Isang irap ang ibinigay niya sa binata. Gusto niya pa nga sana itong batuhin ng ilang salita pero mas pinili niyang tumahimik na lamang. Hinintay niyang makarating sila sa palapag na balak nitong pagdalhan sa kanya. Hindi nga nagtagal ay bumukas na ang lift at bumungad sa kanya ang lamig ng panggabing hangin. Nasa rooftop na nga sila ng naturang gusali. "We're here!" Rafael exclaimed. Kinailangan pa nitong lakasan ang boses upang marinig niya sapagkat napakalakas na tugtog ang sumalubong sa kanila paglabas na pagkalabas ng elevator. They were in a bar--- a roofdeck bar located on that building! Napapalibutan lang ito ng napakataas na salaming barandilya dahilan para kitang-kita ang nakapaligid na mga establisyemento sa siyudad na iyon. Dahil sa gabi na ay pawang mga ilaw na lamang mula sa mga karatig na gusali ang nakikita niya. Isang mahabang counter ang nasa malapit ng elevator. Waring doon tumatanggap ng entrance fee sa mga papasok sa bar na iyon. At doon nga dumiretso si Rafael upang magbayad para sa kanilang dalawa. When settled, he guided her to walk. Agad pang iginala ni Diana ang kanyang paningin sa kanilang paligid. May bahagi ng rooftop na mayroong bubong at doon nga nakapuwesto ang mga sound system kung saan nagmumula ang malakas na awating pumapailanlang sa naturang lugar. Katabi niyon ay ang puwesto naman ng DJ na siyang nagmamainobra sa pagpapatugtog. May bahagi naman ng rooftop na walang bubong at nanatili lamang na open space. Doon piniling pumuwesto ng ilan habang napapaindak na sa saliw ng mabilis na tugtugin. Samantalang ang iba naman ay kanya-kanyang okupa ng mesa habang umiinom at kausap ang mga kasama. "Come, let us look for a table," narinig niyang sabi ni Rafael sabay hawak sa kanyang kamay. Naglakad ito palapit sa isang mesang malapit lamang sa salaming barandilya ng rooftop. Ang napili nitong puwesto ay nagbibigay sa kanila ng magandang view kung saan kitang-kita ang mga ilaw mula sa mga kalapit na establisyemento. "What do you like to drink?" tanong pa ni Rafael sa kanya. "I-I don't drink," aniya sabay iwas ng tingin dito. Mas bumaling siya sa mga taong nagsasayawan na ang iba ay alam niyang tinatablan na ng espirito ng alak. Hindi niya nga magawang salubungin ang mga titig ni Rafael dahil na rin sa hiyang nadarama. Nagkamali siya ng iniisip kanina. Ang buong akala niya ay may iba nang binabalak sa kanya ang binata. "Okay, I'll just order a juice for you," anito sabay taas ng kamay. Agad silang nilapitan ng waiter na marahil ay nag-aabang lamang na tawagin nila. "May I have your order, Sir?" tanong agad nito nang makalapit. "Whiskey, please," tugon ni Rafael bago siya sinulyapan. Mataman itong nakatitig sa kanya nang magpatuloy pa sa pagsasalita. "And peach lemonade for my girlfriend." Dahil sa narinig na sinabi nito ay hindi mapigilan ni Diana ang marahang mapasinghap. Agad niya pang pinagmasdan ang mukha nito at halos gusto niya pang mailang dahil sa tingin na iginagawad sa kanya ng binata. Rafael was looking at her intently. Ni hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito habang nakatingin sa kanya. Habang siya ay hindi maiwasang mapalunok. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming lumukob sa kanya dahil sa pagtukoy nito sa kanya bilang kasintahan nito. "Is there anything else, sir?" tanong pa ng serbidor. "That's all for now," tipid na sagot ni Rafael habang sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata. Tumango ang waiter bago humakbang na palayo upang kunin ang order nila. Nang tuluyan itong makaalis ay agad siyang nagsalita. "Why did you say that?" "Say what?" patay-malisya nitong tanong sabay titig sa mga taong nagsasayawan sa gitna ng bulwagan. Diana leaned on the table. Mariin niya itong tinitigan bago nagsalita. "Bakit girlfriend ang---" "Ano ba ang plano mo, Diana?" Marahas itong napalingon ulit sa kanya kasabay ng pag-awat sa iba niya pang sasabihin. "Hindi ba't magkukunwari tayong magkasintahan? Paano mo gagawin iyon, huh? Hindi ba dapat ay masanay ka muna sa kaisipang 'kasintahan' kita? Paano mo mapapaniwala ang mga taong nakapalibot sa iyo na may relasyon tayong dalawa gayong hindi mo mapigilang mapasinghap sa tuwing sasabihin kong 'girlfriend' kita?" She swallowed hard. Nag-iwas siya ng paningin kay Rafael at hindi nakaapuhap ng isasagot dito. Nang hindi nga siya nakaimik ay muli itong nagwika. "What's your plan? Kailan mo ipagsasabing may relasyon tayong dalawa?" She heaved out a deep sigh before answering him. "AAC will be celebrating its anniversary two weeks from now. I always do my speech on that occasion since my mother died. M-Maaaring doon ko na lang sabihing may relasyon tayong dalawa." Rafael shrugged his shoulders. "If that is what you want," wika nito. "So, you still have two weeks to prepare. Two weeks para sanayin ang sarili mong 'kasintahan' kita. After that event, everyone would know that... you're my girl." You're my girl... Hindi niya maiwasang matigilan. Magkukunwari silang magkasintahan. Ang tanong ay kung paano ba siya aakto bilang kasintahan nito sa tuwing nasa harap sila ng ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD