CHAPTER 12

2115 Words
Agad na napalingon si Rafael sa dalawang taong magkapanabay na tumayo nang marinig ang mga sinabi ni Diana--- sina Alex at Bernadette. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang mga ito na ngayon ay kapwa nagpapakita ng pagkabigla. Ni hindi pa naitago ng mga ito ang disgustong ekspresyon matapos banggitin ni Diana na 'kasintahan' siya nito. "You heard me, Tita," narinig niyang pagpapatuloy ni Diana sa pagsasalita. Sadyang nilakipan pa nito ng galak ang tinig na wari ba ay totoong masaya sa kanilang 'relasyon'. "I was... filled with so much sorrow since Mama died, but when I met him..." She stopped for a while and stared at him. Kung sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang totoo sa loob ng dalaga ang mga binibitiwan nitong salita. Ni walang bakas sa mukha nitong nagkukunwari lamang sila. She could be a good actress if she ever tries to enter showbiz industry. "...everything changed. Thank you, sweetheart." "Diana---" Akmang magsasalita rin sana si Alex nang maitikom nito ang bibig sapagkat nagpatuloy pa si Diana. "I know that managing a company as big as AAC is not easy, but thank you everyone for making it possible for me. Let's enjoy the night and cheers for more years of AirCare Aviation Company." Isang masigabong palakpakan na ang narinig niya nang tuluyang matapos sa pagsasalita si Diana. Ang ilan ay kinuhanan pa ito ng litrato sanhi para hindi agad nakababa ng stage ang dalaga. Nang lumipas na ang ilang segundo ay tumayo na rin si Rafael at agad nang naglakad palapit upang salubungin at alalayan ito sa pagbaba, bagay na hindi tinanggihan ni Diana. Hinawakan niya na ito sa kanang siko hanggang sa tuluyan itong nakababa ng stage. "Was it convincing?" agad nitong tanong sa kanya. Sadyang may ngiti pa ito sa mga labi nang magtanong sa kanya. Alam niya kung bakit ganoon na lang ang lawak ng ngiti nito. Almost everyone was still looking at them at hindi gustong ipahalata ng dalaga na nagkukunwari lamang sila. Diana wanted to think that they're having sweet talk at that moment. "Let's make it more convincing," bulong niya rito kasabay ng paghapit sa baywang nito. Sa halip na sa siko niya ito hawakan ay lumipat na ang kanyang kamay sa baywang nito. And Rafael couldn't help but smiled. Dama niya kasi ang marahang pag-igtad ni Diana dahil sa ginawa niya. "What do you think you're doing?" pabulong nitong asik sa kanya. "Sweetheart, huh?" tudyo niya at ni hindi man lang pinansin ang pagtataray na naman nito. "Rafael---" "Diana..." Ano mang isasagot sa kanya ni Diana ay hindi na natuloy sapagkat narinig na nila ang pagtawag ng isang tinig--- si Alex. Magkapanabay pa silang napalingon ng dalaga sa matandang lalaking naglalakad na palapit sa kanila. "Tito Alex," wika ni Diana. Hindi agad nagsalita si Alex at sa halip ay mataman siyang pinagmasdan. Nang-uuri ang tingin na iginawad nito sa kanya at kahit hindi ito umimik ay alam niya ang tumatakbo sa isipan nito. Alam niyang hindi nito gusto ang mga narinig kanina, na 'magkasintahan' sila ni Diana. "What is it, Tito Alex? May gusto ka bang sabihin? The program is still ongoing," untag ni Diana sa matandang lalaki kasabay ng pagsulyap sa emcee na nasa stage. Patuloy ito sa pagsasalita na sa ngayon ay binabanggit ang mga pagbabagong naganap sa AAC sa mga nakalipas na taon. "Can I talk to you for a while, hija... privately?" Rafael cleared his throat. Inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa baywang ni Diana at tuwid na lamang na napatayo. Nilingon niya pa ang dalaga at matamis na ngumiti rito. "It's okay, sweetheart. I'll just wait here." Diana didn't speak and just had a hesitant expression on her face. Nang hindi pa tuminag sa kinatatayuan nito ang dalaga ay marahan siyang tumango rito, nag-uudyok na kausapin na nito ang matandang lalaki. Marahan nang hinamig ni Diana ang sarili nito saka tumango kay Alex. Wala nang ibang salitang nagpatiuna na ito sa paglalakad upang bahagyang lumayo sa karamihan. Nang makahakbang na si Diana ay tinapunan pa muna siya ng isang sulyap ni Alex bago sumunod na rin sa pag-alis. Naiwan si Rafael at sinundan niya na lamang ng tanaw ang dalawa. Nakita niya pang lumabas ng function hall si Diana at naglakad patungo sa pasilyong papunta na sa direksyon ng mga elevator. Malamang na doon nito kakausapin ang kasintahan ng ina nito. Hanggang sa maya-maya ay maagaw ng isang tinig ang kanyang atensyon dahilan para maputol ang pagtanaw niya kina Alex at Diana. "The last time Diana introduced you to me, you are just her bodyguard. Ngayon, boyfriend ka na niya?" Marahas na napalingon si Rafael sa pinagmulan ng tinig. Nakita niya si Bernadette na naglalakad na rin palapit sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang pagsulyap nito sa daang tinahak nina Diana at Alex. Nasisiguro niyang nakita nito ang paglabas ng dalawa kanina. "What is your name again?" Bernadette asked him. "Rafael... Rafael Certeza, Ma'am." "Rafael," ulit nito sa pangalan niya. "And Diana hired you as her bodyguard, didn't she? Now, all of the sudden, magkasintahan na kayo?" "Yes," buo ang loob na sagot niya rito. Mataman niyang pinagmasdan ang babaeng kaharap. Hindi niya ito lubusang kilala. Ang nabanggit lang sa kanya ni Diana ay matalik itong kaibigan ng ina nito. Nakapagtrabaho rin ito sa AAC dahil na rin sa tulong ng mga magulang ni Diana. Hanggang doon lang ang alam niya kay Bernadette. Simula kasi nang naging bodyguard siya ni Diana ay halos hindi naman siya kibuin ng babae. Abala ito sa trabaho at kung lalapit naman kay Diana ay ang dalaga lamang ang kinakasap. And Rafael was okay with that. He didn't mind at all. Sino nga naman siya para kausapin lagi ng ibang kakilala ni Diana? Ang alam lang naman ng mga ito ay bodyguard lamang siya ng dalaga. "How did that happen, Rafael? Hindi pa natatagalan mula nang mamasukan ka bilang bodyguard lang ni Diana?" Hindi maiwasang magdikit ang mga kilay niya. "Wala akong nakikitang rason para dugtungan ng 'lang' ang salitang bodyguard, Ma'am. It is a decent job." Bernadette chuckled. "You know what I mean, Rafael," natatawa nitong sabi. Kinailangan pa nitong bahagyang hinaan ang boses sapagkat malapit lamang sila sa stage kung saan patuloy pa ring nagaganap ang programa para sa anibersaryo ng AAC. "What exactly do you mean, Ma'am?" "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. You know, parang anak ko na si Diana. Matalik kong kaibigan ang kanyang ina at simula nang mamatay si Stella, lagi ko nang sinisigurong maayos ang lahat kay Diana. Hindi ko siya gustong mapahamak lang." "At iniisip mong ako ho ang magdadala sa kanya ng kapahamakan?" "Kailan ka lang ba naging bodyguard ni Diana? Hindi pa natatagalan, Rafael. Paanong naging kayo agad---" "It doesn't matter how long or short you've known a person, Ma'am," katwiran niya sa mababang tinig. "Kapag nagmahal ka ay mararamdaman mo na lang iyon." Sukat sa mga sinabi niya ay marahang natawa ulit si Bernadette. Halatang hindi ito kumbinsido sa mga sinabi niya. "Really? Or was it because of Diana's status?" Rafael's jaws tightened. "Ano ang ibig mong sabihin? That I am---" "That you might be taking advantage of Diana," mabilis nitong singit sa pagsasalita niya. "Hindi pa siya tuluyang nakakalimot sa mga nangyari sa kanila ng kanyang ina dalawang taon na ang nakararaan, Rafael. I'm sure you know about it. Sobrang dinamdam ni Diana ang mga nangyari at hindi ko gustong malamang sinasamantala mo ang kahinaan niya ngayon. Ni hindi ka pa niya tuluyang kilala." Bahagyang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Rafael. Bernadette was thinking about Diana's condition. Nauunawaan niya naman iyon. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito ngayon. Kailangan ba talagang may masilip siyang galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya? Ganoon ba kaimportante para rito si Diana na sadyang kaya nitong tutulan ang 'relasyon' nila dahil lang sa iniisip nito ang kapakanan ng dalaga? Nagdududang pinagmasdan niya nang mataman ang babaeng kaharap. "I appreciate your concern for Diana, Ma'am, kahit pa... hindi ka niya kaanu-ano," aniya sa seryosong tinig. Agad pang umigting ang mukha nito dahil sa huling apat na salitang binitiwan niya. Sadya niya pang pinagdiinan ang mga iyon na wari bang may nais ipaintindi rito. Nagpakawala siya ng buntonghininga saka nagpatuloy pa. "But I assure you, hindi ko sasaktan si Diana. Excuse me, Ma'am." Hindi na niya hinintay kung ano man ang isasagot ni Bernadette. Tuluyan na siyang naglakad palabas ng function hall at balak na roon na lang hintayin si Diana hanggang sa matapos itong makipag-usap kay Alex. ***** AGAD na hinarap ni Diana si Alex nang tuluyan silang nakalayo sa pinagdadausan ng anniversary party ng AAC. Naglakad sila palabas ng function hall hanggang sa marating nila ang bahaging malapit na sa elevator. Alam niya ang dahilan kung bakit siya nito nais na makausap at hangga't maaari ay hindi niya rin naman nais na may ibang taong makarinig ng pag-uusap nila. "What is it, Tito Alex?" agad niyang tanong dito. "You know why I wanted to talk to you, Diana," anito sa banayad na tinig. "What's the meaning of what you said a while ago?" "Ano ho ang hindi malinaw sa mga sinabi ko? Na kasintahan ko si Rafael?" "He's working as your bodyguard. At hindi pa natatagalan simula nang mag-umpisa siya bilang bodyguard mo. Paanong naging magkasintahan kayong dalawa?" "Kailangan ko ho bang isa-isahin kung paano ako niligawan ni Rafael hanggang sa maging kami? Tito, I don't think that's necessary." "Sinagot mo siya nang ganoon kabilis?" "What happened to us was a whirlwind romance," katwiran niya rito. Pilit niya pang nilakipan ng diin ang bawat salitang binitiwan upang mas kapani-paniwala ang mga iyon. Gusto niyang mapapaniwala itong may relasyon nga sila ni Rafael. If that happened, her next announcement would be her engagement with him. Gusto niyang makita kung mababahala ba itong may ibang taong maaari niyang pagbahagian ng kanyang yaman oras na mawala siya. "Whirlwind? And you are living together in your apartment?" "He is still my bodyguard, Tito Alex. He needs to be with me as my bodyguard---" "Bodyguard na hindi ko alam kung bakit mo kailangan," mabilis nitong awat sa ano pa mang sasabihin niya. "What is really happening, Diana? May problema ba?" For a while, Diana didn't speak. Mataman na lamang siyang napatitig sa mukha ni Alex at pilit na naghahanap ng senyales na sinsero ito sa pagtatanong sa kanya. Kinaringgan niya kasi ng pag-aalala ang tinig nito na wari ba ay nababahala sa kalagayan niya. Hanggang sa maya-maya ay disimulado na siyang napalunok. Hinamig niya ang kanyang sarili saka nagwika. "I'm not a kid anymore, Tito Alex. Kung ano man ang relasyong mayroon kami ni Rafael ay hindi ko kailangang isangguni kahit kanino... kahit sa iyo." May kung ilang saglit na natigilan si Alex. Hindi man nito sabihin ay alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya. And she didn't mind at all. Simula pa man nang maging kasintahan ito ng kanyang ina ay umaakto na itong ganoon, wari bang ito ang kanyang ama at pilit na nagpapakita ng malasakit sa kanila ng kanyang mama. Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "Huwag mo sanang isiping pinapakialaman ko ang buhay mo, Diana. But think of it, kung nabubuhay ang Mama mo---" "Don't drag my mother's name in our conversation, Tito Alex," mabilis niyang putol sa ano mang sasabihin nito. "Wala na si Mama, and like what I said a while ago, nasa tamang edad na ako. Wala akong makitang mali kung makipagrelasyon man ako sa isang lalaki." Pagkawika niyon ay akmang maglalakad na sana ni Diana pabalik sa function hall kung saan sila nanggaling. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang muli niyang marinig ang tinig ni Alex. Dahilan iyon para muli siyang matigilan at lumingon dito. "Sa tingin mo ay ano ang sasabihin ng mga taong makaaalam na magkasama kayo sa iisang bubong ng kasintahan mo, Diana? You are letting that man stay in your apartment." "It's my problem to handle, Tito Alex, not yours," she said firmly. Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad na sa pasilyong pabalik sa pinagdadausan nila ng pagdiriwang. Bahagya pang naging mabagal ang paghakbang niya nang makita si Rafael na nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ni Alex. Hindi mahirap hulaan na narinig nito ang mga huling sinabi ng matandang lalaki, sanhi para mataman itong titigan ni Rafael. Kung ano man ang tumatakbo sa isipan ng binata ngayon ay hindi niya mahulaan. Mistula itong hindi makapaniwala sa mga narinig na sinabi ni Alex. "Let's go back inside," aya niya rito bago nagpatiuna na sa paghakbang. After announcing their 'relationship', she knew very well that a lot things will change in her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD