Tuloy-tuloy na naglakad papasok sa kanyang opisina si Diana. Agad siyang lumapit sa kanyang executive desk at halos pabagsak na inilapag doon ang kanyang clutch bag. Napabuntonghininga pa siya bago humarap kay Rafael na noon ay nakasunod sa kanya sa paglalakad. Isinasara pa nito ang pinto nang agad nang magtanong sa kanya.
"Ano ang napag-usapan ninyo ng Tito Alex mo?" usisa nito.
"As expected, he's against with the idea that you are my boyfriend," sagot niya rito.
"And?" susog pa nito. "What exactly did he say?"
Naupo muna si Diana sa kanyang swivel chair. Matapos nga siyang kausapin ni Alex ay bumalik sila si Rafael sa loob ng function hall kung saan ginaganap ang anniversary party ng AAC. Nanatili pa muna sila roon ng ilang saglit bago niya inaya si Rafael sa kanyang opisina upang makausap ito nang sarilinan tungkol sa planong sinisimulan na nilang isagawa ngayon.
"Hindi siya sang-ayon sa relasyon natin," tugon niya sa tanong nito kanina. "Hindi siya makapaniwala na sa ganoong kaikling panahon ay naging nobyo kita."
"Was it because I'm just your bodyguard?" anito sabay hakbang palapit sa kanyang mesa. Naupo ito sa visitor's chair na nasa kanyang harapan.
"He didn't say exactly as that," wika niya sabay ayos ng pagkakaupo. "It was more like... nagtataka siya."
"Nagtataka?"
"Gusto niyang malaman kung bakit ako kumuha ng bodyguard. He was asking if there's a problem or what. He... He even questioned the idea that you're staying at my apartment. Hindi raw magandang tingnan na may 'relasyon' tayong dalawa pero magkasama tayo sa iisang bubong. Baka kung ano raw ang isipin ng iba tungkol sa atin."
"And you defended that?"
"Of course," mabilis niyang sagot. "I told him you're still my bodyguard. Obviously, you have to stay with me."
May kung ilang saglit na hindi nakaimik si Rafael. Base sa ekspresyon ng mukha ng binata ay nahulog na ito sa malalim na pag-iisip. Wari bang may isang bagay na sadyang nagpagulo sa isipan nito.
"Why? What is wrong?" hindi niya mapigilang itanong dito.
Hinamig nito ang sarili bago siya sinagot. "While you were talking to your Tito Alex a while ago, your Tita Bernadette also talked to me." Bahagyang umangat ang isang kilay niya. Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Alam mo bang tutol din siya sa 'relasyon' nating dalawa?"
"I'm expecting that," maagap niyang sagot. "Ever since, Tita Bernadette has been protective to me especially after my mother d-died."
He tilted his head as he talked again. "Iyon naman ang plano, hindi ba? Kailangan nating malaman kung may taong tututol sa pakikipagrelasyon mo, lalo na kung engagement na ang sunod mong iaanunsiyo. But I forgot to tell you that we should consider the reason why they are against with this 'relationship'."
"What do you mean?" nagtatakang tanong niya.
"Diana, kasasabi mo lang na nagtataka ang Tito Alex mo kung bakit ka kumuha ng bodyguard. At ikaw na rin mismo ang nagsabi na nababahala siya sa sasabihin ng iba oras na malamang magkasama na sa iisang bubong. They all know now that we're 'having a relationship'. Sa tingin mo ay hindi sila mag-iisip na baka may ginagawa na tayong iba?"
"What---?" She wasn't able to finish her sentence when she realized what he meant. Mariin pa siyang napalunok at halos madama pa ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil sa mga sinabi ni Rafael. Huli na kasi nang maproseso ng kanyang isipan kung ano ang ibig nitong sabihin.
"Diana, what if your Tito Alex was just concerned to you?" tanong nito nang ilang saglit na ang lumipas ay hindi pa rin siya nakaimik.
"Then what?" paasik niyang tanong. "May iba pa bang maaaring maging salarin sa lahat ng mga nangyayari sa akin? Rafael---"
"Hindi mo ba itatanong kung ano ang mga sinabi sa akin ni Bernadette, Diana?" buwelta nito sa kanya. "Alam mo bang pinagbintangan niya akong sinasamantala ang estado mo sa buhay? That I am just after your wealth?"
Marahas na napatayo mula sa kanyang swivel chair si Diana. Pinanliitan niya ng kanyang mga mata si Rafael kasabay ng pagtanong dito. "What are you trying to say, Rafael? Si Tita Bernadette ang iniisip mong---"
"I am just stating some possibilities, Diana. Kapag may nireresolbang kaso, lahat ng anggulo ay kailangang pag-aralan. 'Ika nga nila, everyone is a suspect," paliwanag nito sabay tayo na rin mula sa kinauupuan. "She was mad. Hindi niya tanggap na may relasyon tayong dalawa. She's worried that I might just taking advantage of you, Diana."
"And don't you think it's normal? Nag-aalala lang siyang baka yaman ko lang ang habol ng 'nobyo' ko, Rafael."
"Yeah," he said sarcastically. "Kahit hindi mo siya kaanu-ano?"
"Hindi ko rin kaanu-ano si Tito Alex," mariin niyang katwiran.
"Pero ang Tito Alex mo ay mas nag-aalala sa kalagayan mo, sa sasabihin ng mga tao kapag nalamang nagsasama tayo sa iisang bubong," saad nito sa kanya. "Don't you get my point? Alex was concerned with you while Bernadette was thinking about your wealth."
"Mas kilala ko si Tita Bernadette kaysa kay Tito Alex, Rafael."
Rafael looked at her intently. "How about your mom, Diana? How much do you know her?"
Nagkaroon ng ilang gatla ang kanyang noo nang marinig niya ang tanong nito. Ni hindi niya pa makuha kung paanong nasali sa usapan nila ang kanyang ina. "Why do you ask?"
"Just answer me," pagpupumilit nito.
"I know my mom so much, Rafael. Malapit kami sa isa't isa lalo na nang nabubuhay pa si Papa."
"So, alam mong hindi niya basta-bastang hahayaang makapasok sa buhay niya... sa buhay ninyo ang isang lalaking hindi niya gaano kakilala?"
"Ano ba ang gusto mong sabihin, Rafael?"
"Sa tingin mo ba ay papayag ng mama mo na maging nobyo niya si Alex kung alam niyang hindi ito mabuting tao?" tanong pa nito. "Think of it, Diana. Kailangan mong buksan sa ibang bagay ang isipan mo. At least, you should---"
"Paano kung magaling lang manlinlang si Tito Alex? Maaaring nahulog na lang si Mama sa mga pambobola niya. Si Tito Alex lang naman ang maaaring may mapakinabangan kapag nawala ako, eh. Siya lang ay may motibo para saktan ako."
Sa muli ay natahimik si Rafael. Dama niyang may gusto pa itong sabihin pero mas pinili na lang na tumahimik. Maya-maya pa ay nagpakawala na lamang ito ng isang buntonghininga at hindi na ginatungan pa ang mga sinabi kanina.
Pilit niya na ring pinakalma ang kanyang sarili. After a couple of minutes, nag-aya na siyang bumalik na sila sa function hall na pinagdadausan ng pagdiriwang. Halos hindi sila nagkibuan ni Rafael sapagkat alam ni Diana na sa pagkakataong iyon ay magkaiba sila ng opinyon.
*****
NAHINTO sa pagbabasa ng ilang dokumento si Diana nang bigla na lang ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Lunes at kahit halos mag-aalas siyete na ng gabi ay tambak pa rin siya ng mga dokumentong kailangang aralin.
Nahinto siya sa kanyang ginagawa at natuon ang mga mata sa taong bagong dating. It was Bernadette. Ni hindi ito kumatok at basta na lamang pumasok. Sanay siya sa ganoong gawain ng matandang babae. Dahil sa malapit ito sa kanilang mag-ina ay hindi na ito dumadaan sa kanyang sekretarya at nakapapasok sa kanyang opisina kailan man nito gustuhin.
Now, looking at the old woman, Diana couldn't help but think about her conversation with Rafael. Isinasama ito ng binata sa mga taong pinaghihinalaang maaaring nasa likod ng mga pagtatangka sa buhay niya. And it was only because Bernadette showed disapproval with their 'relationship'.
Iyon ang bagay na hindi nila napapagkasunduan ni Rafael. For her, Bernadette's disapproval was normal. Matalik itong kaibigan ng kanyang ina. Hindi naman siguro ito mag-iisip na gawan siya ng masama. Alam niyang nag-aalala lamang ito dahil sa kaisipang naging nobyo niya ang binata sa ganoong kaikling panahon.
Pero hindi ba't iyon din ang mga sinabi ni Alex sa kanya nang kausapin siya nito? Kaybilis niya naman daw naging nobyo si Rafael. Alex even showed concern about the idea that Rafael was staying at her apartment. Pero kung totoo man ngang pag-aalala iyon ay hindi niya alam. For all they know, baka magaling lang din talaga ito magkunwari.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila nagkasundo ni Rafael. He was giving Alex a benefit of a doubt. Gusto nitong imbestigahan lahat ng nakasasalamuha niya at isa nga roon si Bernadette.
"Still not yet done with your work?" tanong ni Bernadette habang naglalakad palapit sa kanya.
"Just need to finish these, Tita," aniya nang nakangiti.
Masuyo siya nitong pinagmasdan kasabay ng pag-upo sa visitor's chair na nasa kanyang harapan. "Puwede naman sigurong ipagpabukas iyan."
"Malapit na hong matapos. Uuwi na rin ako maya-maya lang."
"Iyong sekretarya mo ay nakauwi na, pero ikaw ay narito pa."
"Nagpaalam ho sa akin si Juliet kanina. Kaarawan ng mama niya kaya gusto niyang umuwi nang maaga. Pingabigyan ko na at hinayaan siyang umuwi kaninang alas-tres pa lang. Not everyone is still given a chance to be with her mother so she has to take that opportunity."
Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Bernadette. "Naalala mo na naman si Stella. Diana, I'm sure your mother is just looking down at you... guiding you. Hindi niya magugustuhan kung makikita kang laging malungkot sa tuwing naaalala mo siya."
"H-Hindi ko lang ho maiwasan, Tita."
Bernadette sighed again and stood up. "Mabuti pa ay ipagpabukas mo na iyang natitirang trabaho mo, Diana. Lumabas tayo. Let's have a dinner. Kung gusto mo ay mag-bar tayo pagkatapos para maaliw ka at matuon naman sa iba ang atensyon mo. I'll invite Jeffrey so you can---"
"I don't feel like going out tonight, Tita," agad na niyang putol sa ano pa mang sasabihin nito. "Besides, I don't think it's a nice idea to go out with another man. Nasa labas lang ang k-kasintahan ko at naghihintay rin sa akin."
Dahil sa mga sinabi niya ay agad na naging seryoso ang ekspresyong ng mukha nito. "You are really serious with your relationship with him?"
"Mukha ba akong papasok sa isang relasyong hindi ko sigurado," saad niya sa matatag na tinig. Hindi niya rin sana nais na magsinungaling sa matandang babae pero iyon ang napagkasunduan nila ni Rafael. Mas kaunti ang makaalam ng kanilang plano ay mas maigi.
Nagkibit na lamang ng mga balikat si Bernadette. "I just hope na kilalanin mo pa muna siya, Diana. I'm just worried, you know."
"I know, Tita, and thank you."
"Anyway, hindi na ako magtatagal. Uuwi na rin ako. Nakita ko lang sa labas ng opisina mo ang bodyguard mo, so I decided to come in," wika nito. "Magkita na lang ulit tayo bukas."
Tumango na siya't tumayo. Nakipagbeso pa siya rito at sinamahan pa ito palabas ng kanyang opisina. Nang tuluyan nang makapagpaalam si Bernadette ay nilingon niya si Rafael na tahimik lamang na nakaupo sa isang couch. Sinundan din nito ng tingin ang papaalis na si Bernadette na hindi man lang pinansin ang binata.
"You're not yet done?" tanong na lamang nito sa nababagot na tinig.
"Konti na lang," sagot niya. "Ayoko nang iuwi pa ang mga iyon sa apartment kaya tatapusin ko na lang. You want coffee?"
His face softened because of her question. "Ako na lang ang magtitimpla ng kape para sa atin."
Agad na itong tumayo at naglakad patungo sa pantry na ilang hakbang lamang mula sa kanyang opisina. Hindi na siya nakakontra pa at hinayaan na lamang ang binata. Nang tuluyan itong nakapasok sa pantry ay bumalik na rin siya sa loob ng kanyang opisina. Itinuloy na niya ang nakabinbin pang trabaho. As much as possible, gusto niya iyong matapos ngayon upang ibang gawain naman ang harapin niya bukas.
Ngunit ilang minuto pa lamang na nakasubsob si Diana sa kanyang ginagawa ay natigilan na siya. Bigla na lang kasing nawalan ng kuryente at nabalot ng kadiliman ang kanyang opisina. Hindi rin naman siya nabahala. Bihira man mawalan ng kuryente sa kanilang lugar ngunit laging nakahanda naman ang AAC. Ilang generator ang nakaantabay sa kanilang kompanya.
Pero agad siyang nabalot ng pagtataka nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Kung sadyang brownout pa, dapat ay awtomatiko namang gagana ang mga generator. Pero bakit wala pa rin?
Out of curiosity, Diana slowly stood up from her swivel chair. Kinapa niya pa ang kanyang cell phone na nasa ibabaw lamang ng kanyang mesa. Binuksan niya ang flashlight niyon kasabay ng paghakbang palabas ng opisina niya. Kabubukas niya pa lamang ng pinto niyon nang isang malakas na tili na ang nanulas mula sa kanya.
From the dark, someone grabbed her right arm that made her scream.