CHAPTER 14

2112 Words
Agad na napasigaw si Diana nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak sa kanyang kanang braso. Isang kamay ang basta na lamang humatak sa kanya at hindi niya nga naiwasang makadama ng sakit dahil sa mariing pagkakadaiti ng mga daliri nito sa kanyang balat. Dahilan iyon para mabitiwan niya ang kanyang cell phone at malakas na bumagsak sa sahig. "W-Who are you?!" nahihintakutan niyang tanong kasabay ng pagpupumiglas at pagbawi sa kanyang brasong hawak nito. Isang lalaki ang may hawak sa kanya. Diana was so sure of that. Dahil sa paghaltak nito sa kanya ay hindi maiwasang madikit siya sa malaki nitong pangangatawan. Maging ang kamay na nakahawak sa kanyang braso ay kamay ng isang lalaki. Nasisiguro niya iyon. "Bitiwan mo ako!" halos natataranta na niyang sabi nang hindi man lang nagsalita ang taong pilit na humihila sa kanya. Kung saan man siya nito dadalhin ay wala siyang ideya. The guy was just pulling her arm harshly and forcing her to walk. Doon na nilukuban ng takot si Diana. Dahil sa emosyong biglang umusbong mula sa kanyang dibdib ay agad siyang naging alerto. Bigla na lang kasing sumagi sa isipan niya ang mga pagtatangka sa kanyang buhay nitong mga nakalipas na araw. What if this man was the one trying to hurt her? Pero sa loob talaga ng sarili niyang opisina? Buong lakas niyang itinulak ang lalaking hanggang sa mga sandaling iyon ay sinusubukan siyang hilain. May mga pagkakataon pang halos mawalan na siya ng balanse dahil sa pagpupumilit nitong sumama siya. "Bitiwan mo sabi ako!" malakas na niyang sigaw. Kahit nakadarama ng takot ay pilit niya pa ring nilagyan ng tapang ang kanyang boses. Kung empleyado niya kasi ito, di sana ay nagsalita na ito at nagpakilala sa kanya. But the man didn't do that. Base sa kilos nito ay may ibang pakay sa kanya ang naturang lalaki. Sa kabila ng takot na nadarama ay pilit na nanlaban si Diana. Dahil sa pagpupumiglas niya ay hindi pa maiwasang tumama ang kanyang kaliwang kamay sa matigas na bagay na sa hinuha niya ay ang pendant ng suot nitong kuwintas. Wari iyong pahabang bagay na kung ano man ang disenyo ay hindi niya makita dahil sa dilim. Nakaramdam pa siya ng bahagyang hapdi. Wari kasing nasugatan ang kanyang balat dahil sa pagkakatama sa naturang bagay. Mas pinaigting niya ang pagpupumiglas dito. She bended her right knee and raised it to hit the man who attacked her. Sadyang pinatamaan niya ng kanyang tuhod ang nasa gitnang bahagi ng mga hita nito. Agad nga nitong ininda ang kanyang ginawa dahilan para mabitiwan nito ang braso niya. And Diana took advantage of it. Pinakiramdaman niya ang kilos nito sa kadiliman. She heard him groaned in pain. If she was not mistaken, halos napauklo ito dahil sa ginawa niya. Bahagya nga itong napaatras at kinuha niyang pagkakataon iyon upang lumayo sa lalaki. Sa mabilis na kilos ay pumasok nang muli sa kanyang opisina si Diana. It was still dark but Diana felt him moved. Agad siya nitong sinundan at akmang papasukin sana siya sa kanyang opisina. Good thing that she was able to move faster. Agad niyang naitulak pasara ang pinto at ini-lock iyon. Mula sa labas ay rinig niya ang malakas na pagpukpok ng lalaki sa pinto kasabay ng sunod-sunod nitong pagpihit ng doorknob iyon. Wari bang gustong-gusto talaga nitong mabuksan iyon at malapitan siya. She couldn't explain the fear that crept into her. Sino ang mangangahas na gawan siya niyon sa loob mismo ng kanilang kompanya? At nasaan na si Rafael? Bakit wala pa ito? Hindi ba't marapat lang na lapitan na siya nito nang mawalan ng kuryente? "M-My phone..." sambit niya nang maalalang nabitiwan niya kanina ang kanyang cell phone. She tried to be calm and adjust to darkness. Pinakiramdaman niya ang taong nasa labas at halos magdikit pa ang kanyang mga kilay nang maya-maya pa'y bigla itong natahimik. Natigil ang pagpukpok nito sa pinto at ang pilit na pagpihit sa doorknob niyon. She walked closer to the door. Halos idaiti niya pa ang kanyang tainga sa pinto upang malaman kung naroon pa ba ito sa labas o wala na. Nang lumipas ang ilang saglit at nanatiling tahimik sa labas ng kanyang opisina ay napaatras ng isang hakbang si Diana. Kakalma na sana siya nang bigla na namang may kumatok sa pinto kasabay ng pag-ingay ulit ng doorknob dahil sa kagustuhang buksan iyon. "Diana..." said the baritone voice. Si Rafael! "Diana..." muling tawag ng binata. "Nariyan ka pa ba?" In a swift move, Diana instantly opened the door. Madilim pa rin pero naaninag niya ang malaking bulto ni Rafael na nakatayo sa may entrada ng kanyang opisina. Hawak nito ang pag-aaring cell phone na kasalukuyang bukas ang flashlight sanhi para makita niya ang mukha ng binata. "R-Rafael..." she murmured in trembled voice. "Nawalan ng kuryente--- What happened to you?" anito nang masilip ang emosyong nasa mukha niya. "Bakit ganyan ang---" Ano mang sasabihin ni Rafael ay hindi na natuloy nang bigla ay lumapit siya rito at takot na takot na isinubsob ang sarili sa matipuno nitong dibdib. Natagpuan niya na lamang ang kanyang sariling umiiyak na sa binata. Ngayon niya lang napatunayan na labis na takot at pangamba ang naramdaman niya sa kabila ng tapang na pilit niyang ipinakita kanina. And seeing Rafael right now... she didn't know... she couldn't explain. Basta nakadarama na siya ng seguridad dahil lang sa presensiya nito. ***** RAFAEL was at loss for words when Diana ran towards him. Nakasubsob na ito ngayon sa kanyang dibdib at base sa pagbaba-taas ng mga balikat ng dalaga ay marahan itong humihikbi. Naibaba niya ang kanyang kamay na may hawak sa cell phone na siyang ginamit niya pang-ilaw sa daan kanina. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito saka nagtanong. "W-What happened? Why are you crying? Don't tell me takot ka sa dilim?" magkakasunod-sunod niyang tanong dito. Sadyang nilakipan niya pa ng panunudyo ang huling tanong na binitiwan niya. Nasa may pantry nga siya kanina at abala sa pagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa ni Diana nang biglang nawalan ng kuryente. Nakiramdam pa muna siya sa paligid at umasang babalik din agad ang kuryente. Karaniwan naman sa ganoon kalaking kompanya ay may mga generator na nakahanda, katulad na lamang sa kompanya ng kanyang abuelo at ang security agency ng kanyang ama. Pero lumipas na ang ilang saglit ay nanatiling madilim sa buong AAC. Doon na siya nagpasyang lumabas ng pantry at maglakad pabalik sa opisina ni Diana. Halos mangapa pa siya sa dilim at kung hindi lang sa ilaw na nagmumula sa kanyang cell phone ay baka mahirapan siyang makabalik sa kinaroroonan ng dalaga. Halos magdikit pa ang kanyang mga kilay nang malamang naka-lock ang pinto ng opisina nito. Gusto niya pang isiping baka wala na ito roon sapagkat natagalan bago siya nito pagbuksan ng pinto. And seeing her now, Rafael didn't know why she was crying. Takot ba ito sa dilim? "Diana..." untag niya rito. Dahan-dahang umayos ng pagkakatayo ang dalaga. Kahit hindi niya pa nakikita ay alam niyang basa ang harapang bahagi ng kanyang polo shirt dahil sa pag-iyak na ginawa nito. "Diana---" "There's someone," mabilis nitong wika bago pa man siya matapos sa kanyang pagsasalita. "May tao sa labas, Rafael." "Tao?" magkadikit ang mga kilay na tanong nito. "There's no one outside, Diana." "May tao, Rafael," mariin nitong sabi sabay hakbang pa papasok sa opisina nito. He followed her. Nang tuluyan na silang nakapasok ay marahan niyang isinara ang pinto niyon. "Lumabas ako kanina. I was about to look for you but someone grabbed my arm. Akala ko nga ay ikaw," patuloy pa nito na punong-puno ng takot ang tinig. "He tried pulling my hand. He was forcing me to walk. H-Hindi... Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin." "He?" aniya, naguguluhan pa rin. "What do you mean?" "I'm sure he's a man," matatag nitong sabi. "Nadikit ang katawan ko sa kanya, Rafael. Alam kong lalaki iyon." "D-Diana, how---" Ano mang sasabihin niya ay agad na munang nahinto nang bigla ay lumiwanag na ang buong opisina nito. Bumalik na ang kuryente at ngayon ay kitang-kita na niya ang dalaga. Halos madagdagan pa ang mga gatla niya sa noo nang masilayang maigi ang mukha nito. Bakas pa ang pag-iyak sa mukha ni Diana. Nasilip niya pa ang takot na nasa mga mata nito. At dahil sa nakitang hitsura ng dalaga ay agad na umahon ang pangamba sa dibdib ni Rafael. Naging alerto rin siya at iginala pa ang kanyang mga mata sa kabuuan ng opisina nito. "Tell me, what exactly happened, Diana?" "I told you, I was about to go out. Dala ko ang cell phone ko at---" Agad itong nag-preno sa pagsasalita na wari ba ay may naalala. "My phone!" anito sabay hakbang palabas ng opisina. Sinundan ito ni Rafael at naabutan pa itong pinupulot ang pag-aari nitong cell phone na nasa sahig. "Dito," saad pa nito. "Someone grabbed me here. Pilit niya akong sinasama, Rafael." "Nakita mo ba ang mukha? Nakilala mo ba?" "No," mabilis nitong tugon sabay pasok ulit sa opisina nito. Halos pabalang nitong inilapag ang cell phone sa ibabaw ng executive desk. "Who could that be? Iyon ba ang nagtatangka sa buhay ko?" "Relax, Diana. I will investigate---" "How can you tell me to relax?" paasik nitong sabi. "Someone was trying to hurt me in my own company! Sa loob ng sarili kong kompanya, Rafael!" She's panicking again. One thing that he noticed on her, Diana often experience panic attack. Madalas pa ay hindi nito kayang kontrolin ang naturang emosyon sa tuwing nararanasan iyon. It must be her trauma that was causing it. He wasn't that expert about it, but one thing was for sure. Hindi kayang kontrolin ni Diana ang takot at pangambang namamahay sa dibdib nito. In fact, he was so sure that she's not yet over with what happened to her and her mom. "Look at this," maya-maya ay saad pa ng dalaga. "I'm not joking, Rafael. Ito ang patunay na may ibang tao kanina sa labas ng opisina ko." Mataman niyang tinitigan ang kaliwang kamay nitong nakalahad na sa kanya. Kinailangan niya pang humakbang palapit upang mapagmasdan nang maigi ang nais nitong ipakita. Nasa kamay ng dalaga ang isang galos na marahil ay natama sa isang matulis na bagay. "What happened to this?" halos tiim-bagang niyang sabi sabay hawak sa kamay ni Diana. "N-Nagpupumiglas ako kanina para bitiwan niya. I-I'm not sure but I guess, tumama sa pendant ng suot na kuwintas ng lalaking iyon." "Damn!" he cursed inwardly. "Rafael, how could someone do that inside AAC? Isa lang ang ibig sabihin niyon. Labas-pasok lang sa kompanya namin ang taong nais manakit sa akin." "Itatanong ko sa guwardiya kung sino pa ang mga narito sa kompanya sa mga oras na ito." "Don't leave me!" maagap nitong sabi. "I won't," mabilis niyang sabi. "Just relax, Diana. Kasama mo na ako. Hindi ka na malalapitan pa ng taong iyon." "I want this to be over, Rafael. Hindi na nakakatuwa. Sa sarili ko mismong opisina ay inaatake na nila ako." "Calm down," pagpapakalma niya rito. Bakas na bakas kasi sa mukha ng dalaga ang labis na pangamba. "I can't, Rafael!" halos histerikal na nitong sabi. "Hindi ganito ang buhay namin noon. I can go anywhere I want without worrying what could happen. Ngayon, sa mismong AAC ay hindi ako ligtas?" "We'll do something about it, okay? Just---" Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa nito kasabay ng pagtulo pa ng mga luha. "I-I don't like this. I don't like this, Rafael." "I said calm down, Diana. You're already trembling." Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at pilit na inaalo ang dalaga. Dahil marahil ng labis na takot na nadama kanina kaya ganoon na lamang ito. He almost cursed again when he looked at her. Fear and so much worries were on her face. Rafael knew very well that what happened a while ago just triggered the trauma and anxiety that she has. At gusto niya itong pakalmahin. Hindi niya nais na ilabas sa opisinang iyon ang dalaga na ganoon ang kalagayan. Pero ano ba ang dapat gawin? Hindi ba't dapat na matuon sa iba ang atensiyon nito para kahit papaano ay kumalma? And how could Rafael possibly do it? Ano ang maaaring makakuha ng atensyon nito para pansamantalang makalimutan ang nangyari kanina? Well, he knew something that could divert her attention. Mula sa pagkakahawak sa kamay nito ay mabilis niyang hinapit sa baywang ang dalaga palapit sa kanya. Bago pa man nito mahulaan kung ano ang gagawin niya ay mabilis nang bumaba ang kanyang mukha at siniil ito nang mariing halik. Kung bakit iyon ang ginawa niya, hindi niya rin alam sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD