Iginala agad ni Diana ang kanyang paningin sa buong paligid pagkababa na pagkababa niya pa lang mula sa sasakyan ni Rafael. Katulad ng nais ng binata ay isinama nga siya nito sa resort na pag-aari ng pamilya nito na matatagpuan sa Tagaytay. Hindi sana siya sang-ayon sa ideyang iyon ngunit dahil sa iginiit iyon ng binata ay wala siyang nagawa.
They travelled to Tagaytay two days after that incident at AAC. Ang nais nga sana ni Rafael ay umalis agad sila ngunit hindi siya pumayag. Tinapos niya muna ang ilang mahahalagang kailangan gawin sa kompanya at nag-iwan ng ilang habilin sa kanyang sekretarya bago sila bumiyahe.
Sasakyan ni Rafael ang kanilang ginamit sa pagtungo sa resort ng mga ito. Isang lalaki na sa hinuha niya ay driver ng pamilya Certeza ang nagdala ng kotse ng binata sa kanyang apartment at iyon nga ang ginamit nila sa pagpunta roon, bagay na hindi na niya kinontra pa.
"Welcome to our private resort, Diana..."
Marahas siyang napalingon kay Rafael nang marinig niya ang tinig nito. Humakbang ito palapit sa kanya at hindi niya pa nga maiwasang mapapitlag nang marahan nang bigla siya nitong hawakan sa kanyang kanang siko upang igiya na sa paglalakad.
She flinched not because she was afraid of him. What she felt was very far from that. Aminado nga siya na kapag nasa paligid si Rafael ay nakadarama siya ng kaligtasan. Just like what happened at AAC days ago. Nang makita niyang ito ang nasa labas ng kanyang opisina ay bahagyang nabawasan ang takot na nadama niya. Somehow, she felt secured when he was around.
Hindi lang maiwasang mapapitlag ni Diana nang madaiti ang palad ni Rafael sa kanyang balat dahil sa kung anong emosyong nadarama niya sa tuwing nagkakalapit silang dalawa. It's unfamiliar emotion that she has never felt with anyone before. Alam niyang pagkailang iyon ngunit alam niya ring may kaakibat pa iyon na emosyong hindi niya kayang bigyan ng pangalan.
"S-Sino ang narito sa resort ninyo?" tanong niya habang naglalakad sila. She just wanted to start a conversation to ease the uneasiness she was feeling.
"Katiwala lang," tugon nito sa kanya. "Minsan ay nagpupunta rito sina Mom at Dad kung gusto nilang magpahinga mula sa nakapapagod na trabaho sa Manila. My sister also visits here once in a while."
"M-May kapatid kang babae?"
"Yeah," anito sabay sulyap sa kanya. "Kaedad mo lang si Ariella, my younger sister."
Hindi na niya nakuha pang magsalita sapagkat nakapasok na sila sa loob ng bahay. Sliding door na salamin ang nagsisilbing pinakapinto niyon. Pagkapasok ay malawak na sala ang bubungad kung saan naroon ang isang set ng sofa, malaking flat screen TV na nakasabit sa dingding at speaker na nasa ibabang bahagi niyon.
"Lima ang silid sa bahay na ito. You can have the one on the right side. Katabi lang iyon ng silid na inookupa ko sa tuwing narito kami," imporma nito sa kanya.
"O-Our things," biglang saad niya. Lumingon pa siya sa pintuan nang maalala ang mga dala nilang gamit na nasa sasakyan pa nito.
"Ako na ang magdadala ng mga iyon sa silid mo," wika nito. "You can have a stroll first if you want. Magpapahanda lang ako ng tanghalian natin."
Wala sa sariling napatango na lamang siya. Hindi nga nagtagal ay lumabas mula sa kusina ang isang babaeng sa hinuha niya ay lampas kuwarenta na ang edad. Ipinakilala ito sa kanya ni Rafael na siyang katiwala sa resort na iyon--- si Manang Luisa. Tanging ito at ang asawang si Mang Cris ang tumatao sa resort ng mga Certeza at nagmamantini ng kalinisan doon. At kahit nga nagpresinta si Rafael na tumulong sa paghahanda ng tanghalian nila ay hindi na pumayag ang matandang babae. Inako na nito ang pagluluto dahilan para ayain na lamang siya ng binata na maglakad-lakad sa may baybayin.
"Why did you choose to work as a protection agent, Rafael?" tanong niya habang marahan silang naglalakad-lakad. Dama niya ang pagtama ng maliliit na alon sa kanyang mga paa. Alas-nueve pa lamang ng umaga at kahit papaano ay dama niya na ang init mula sa sikat ng araw ngunit hindi niya na iyon inalintana pa.
"What do you mean?" balik-tanong nito sa kanya. Saglit pa siya nitong sinulyapan bago itinuon ang mga mata sa malawak na dagat.
"I can see that you came from a well-off family, Rafael. Pag-aari ng ama mo ang security agency kung saan kita nakuha bilang bodyguard. And this," aniya sabay gala ng paningin sa kanilang paligid. "Only those rich can afford to have a private resort. So, bakit ka pa namamasukan bilang bodyguard sa Triple Security?"
"May masama ba sa pagiging bodyguard, Diana?"
"I am just curious. Alam mong wala akong ibang ibig sabihin sa tanong ko, Rafael," wika niya sa napapataas na kilay.
What she did made him chuckled. Wari bang naaliw pa ito dahil sa naging reaksyon niya. "To be honest, my parents were against it, especially my mom. Halos hindi na mapalagay si Mommy sa tuwing may napupunta sa aking mga delikadong trabaho. Hindi lang naman sa akin, pati sa aking ama ay ganoon din siya."
"And I understand her," susog niya sa mga sinabi nito. "Kahit ako man siguro, kung alam kong nasa delikadong trabaho ang asawa't anak ko, baka matawag ko na ang lahat ng santo upang dasalan."
Tuluyang huminto sa paglalakad si Rafael. Napalingon siya rito at nahuling mataman itong nakatitig sa kanya. "W-Why?" nagtataka niyang tanong. Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi niya ang naging dahilan ng paghinto nito sa paglalakad.
"Hindi mo ba gugustuhing magkaroon ng asawang may ganitong trabaho, Diana?" tuwiran nitong tanong sa kanya.
She swallowed hard and avoided his stares. Mas itinuon niya na lamang ang kanyang paningin sa dagat habang sinasagot ang tanong nito. "H-Hindi ko naman masasagot ang tanong na iyan. At a-ayoko ring magsalita nang patapos, Rafael."
"So, it would be okay for you to have a boyfriend who works as a bodyguard?"
Diana abruptly turned to look at him. Hindi mapuknat ang paninitig nito sa kanya dahilan para mas lalong makadama siya ng pagkailang. "Saan patungo ang tanong na iyan, Rafael?"
He shrugged his shoulders. "Mahirap bang sagutin ang tanong ko, Diana?"
"Ano pa ang kailangan kong sabihin, Rafael? Hindi ba't alam na rin naman ng ilang nakakikilala sa akin na nobyo ko ang bodyguard ko? If it wasn't okay with me, you think I would agree to this plan? You think I would ask you to pretend as my boyfriend? Hindi ako tumitingin sa estado ng buhay, Rafael, kung iyon ang gusto mong malaman."
Pagkawika niyon ay nilampasan na niya ang binata. Tinahak na niya ang daan pabalik sa bahay-bakasyunan ng mga Certeza at iniwan na niya si Rafael sa may baybayin. Diana knew very well that he's following her with his gaze. She just did her best not to look at him again. Hindi niya alam kung para saan ang mga tanong nito kanina. Nakadagdag lang sa pagkailang na nadarama niya para sa binata ang usapang namagitan sa kanila ngayon.
*****
"MULA NANG umalis kayo ay iisang sasakyan pa lamang ang nagtungo rito, Sir."
Rafael's forehead furrowed when he heard what Marlo said. Kausap niya ito sa kanyang cell phone at ngayon nga ay nanghihingi siya ng impormasyon tungkol sa pinapagawa niya rito.
Kasamahan niya rin sa Triple Security si Marlo. Isa rin ito sa mga protection agent sa kompanya ng kanyang ama. Sa kasalukuyan ay walang hawak na kliyente ang binata dahilan para ito na lamang ang pinakiusapan niyang gawin ang nais niya kapalit ng bayad mula sa sarili niyang pera.
"Kilala mo ba kung sino?" tanong niya sa seryosong tinig.
"Yes, Sir," sagot nito. Sa kabila ng kapareho niya lang din ito ng trabaho sa Triple Security ay hindi na nawala ang pagtawag nito ng 'sir' sa kanya. Katunayan, halos lahat naman ng mga ito ay ganoon ang tawag sa kanya at alam niya kung bakit--- isa siyang Certeza at pag-aari nila ang kompanyang pinapasukan nila.
"Sino, Marlo?"
"Si Mr. Alex Villanueva..."
"Are you sure?" maagap niyang tanong sabay hakbang patungo sa teresa ng silid na inookupa niya sa tuwing naroon siya sa resort.
Rafael's jaws tightened. Hindi niya alam kung ano ang iisipin matapos marinig ang mga sinabi ni Marlo. Isa sa mga iniutos niya rito bago sila magtungo sa Tagaytay ay ang magmanman ito sa apartment ni Diana. Gusto niyang malaman kung sino ang pupunta roon upang sadyain ang dalaga.
At alam niyang kilala ni Marlo si Alex Villanueva. Bago sila umalis ay nagpakita siya rito ng mga larawan ng mga taong pinaghihinalaan nilang nagtatangka sa buhay ni Diana. Isa na nga sa mga iyon si Alex.
"Are you sure about that?" ulit niya sa kanyang tanong.
"Yes, Sir," wika nito. "Bumaba pa ho ng kanyang sasakyan si Mr. Villanueva kaya kitang-kita ko nang magmasid siya sa apartment ni Miss Baltazar."
"What did he do there?" usisa niya pa.
"Wala na, Sir. Nang mapansin niyang walang tao ay umalis na rin siya."
Hindi niya maiwasang mapatiim-bagang. Tama nga kaya si Diana? Ang Tito Alex nga kaya nito ang nagtatangka sa buhay nito? Hindi naman malapit sa isa't isa ang dalawa kaya ano ang dahilan para magtungo sa apartment ng dalaga ang matandang lalaki?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang maagaw ang kanyang atensyon. Natuon ang kanyang mga mata sa ibaba nang mula sa kanyang kinatatayuan ay makita niya si Diana na naglalakad patungo sa baybayin.
Pasado alas-otso na ng gabi. Pagkatapos nilang makapaghapunan ay pinayuhan na niya itong magpahinga habang siya naman ay pumasok na rin sa kanyang silid upang makibalita nga kay Marlo. Hindi niya inaasahang nasa ibaba pa ang dalaga at ngayon nga ay patungo pa sa dagat.
"I'll just call you again, Marlo," mabilis niyang saad sabay putol na sa kanilang usapan kahit hindi pa ito nakasasagot sa kanya.
Bitbit ang kanyang cell phone ay agad na siyang lumabas sa kanyang silid upang sundan si Diana. Nasa may baybayin na ang dalaga nang tuluyan niya itong malapitan. Hindi pa mapigilan ni Rafael ang kanyang sarili na pagmasdan ang kabuuan nito. She was wearing a cardigan. Nahuhulaan niyang pantulog na lamang ang suot nito sa ilalim niyon.
Hinamig niya ang kanyang sarili saka tumikhim sanhi para mapalingon ito sa kanya.
"R-Rafael..." anito nang makita siya.
"Nakita kita mula sa teresa na papunta rito. Hindi ka pa ba inaantok?"
Nagkibit ito ng mga balikat at sa halip na sagutin ang tanong niya ay mas pinili nitong humarap sa dagat. "N-Nakakatakot pala pagmasdan ang dagat sa gabi, Rafael. I just realize it now." she said in almost a whisper.
"Matatakot ka lang pagmasdan iyan kung iyon ang isisiksik mo sa isipan mo. But if you force yourself to think that it's not scary, well it's not that scary, Diana."
"Look at it... a-ang dilim. P-Para bang walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa iyo oras na lumapit ka pa sa tubig."
He looked at her intently. Madilim na at tanging ang liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing tanglaw nila. May ilang ilaw din silang ipinalagay sa mga posteng kawayan malapit sa baybayin ngunit gasino na lamang ang liwanag mula roon na umaabot sa kanila.
Ganoon pa man, hindi hadlang iyon upang masilip niya ang emosyong nakalarawan ngayon sa mukha ni Diana. Alam niyang takot ang nakarehistro roon.
"Kung natatakot ka, bakit narito ka ngayon, Diana?"
Lumingon ito sa kanya kasabay ng pagyakap sa sarili. "I-I was just wondering if I can be able to conquer my fear, Rafael." Huminto ito sa pagsasalita upang pagak na tumawa. "P-Paano kung ganito rin ang gawin ko sa sitwasyon ko ngayon? Sa halip na magtago rito, bakit hindi ko na lang harapin ang problemang mayroon ako?"
"Isusuong mo ang sarili mo sa panganib?"
"I just want all of this to be done, Rafael. Walang maitutulong kung magtatago lang ako---"
"I'm working on it, Diana. May inutusan akong imbestigahan ang mga nangyayari sa iyo kasama na ang pag-atake sa iyo sa AAC."
He wasn't lying. Maliban sa pagmanman sa apartment ni Diana, nagpatulong din siya kay Marlo na lutasin ang kaso nito.
"Kung nabubuhay si Mama ay hindi mangyayari ang lahat ng ito, Rafael. Hindi ko alam kung bakit kailangang mag-isa ko itong harapin ngayon."
"Who told you that you're alone? Narito ako, hindi ba?"
Natigilan ito at manghang napatitig sa kanyang mukha. Waring hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. "Y-You're here because I'm paying you, Rafael. But it doesn't change the truth that I'm alone... I'm just living alone."
Narinig niya ang pagkabasag ng tinig nito. Isa pa sa mga rason kung bakit patuloy itong inaatake ng anxiety ay ang kaisipan na mag-isa na lang ito sa buhay, na wala na ang mga magulang nito. And his heart instantly went out for her. Alam ni Rafael na hindi lang simpleng pagkahabag ang nadarama niya para kay Diana. It was more than that.
He heaved out a deep sigh and reached for her wrist. Basta niya na lamang itong hinila palapit sa kanya at ikinulong sa kanyang mga bisig. Hindi man nito sabihin ngunit alam niyang iyon ang kailangan nito. She needed someone whom she could cry her heart out to. At gusto niyang ipresinta ang kanyang sarili bilang karamay nito, hindi lang dahil sa binabayaran siya nito bilang bodyguard.
"R-Rafael..." bulong nito nang wari ay mailang dahil sa kanyang ginawa.
Agad siyang tiningala ni Diana nang bahagya niyang luwagan ang pagkakayakap dito. The moment their eyes met, Rafael felt the urge to hold her still. Hawak niya pa rin ang dalaga at hindi makapa sa kanyang dibdib ang kagustuhang bitiwan ito.
"Rafa---"
Ano mang sasabihin ni Diana ay hindi na nito naisatinig pa. Mabilis nang bumaba ang kanyang mukha at basta na lamang sinakop ang bibig nitong bahagya pang nakaawang. He kissed her. The urge of wanting to kiss her was so strong that he, himself, wasn't able to fight it...