CHAPTER 15

2055 Words
Halos manlaki ang mga mata ni Diana dahil sa ginawa ni Rafael. She didn't expect that he would do it. She didn't expect that he would kiss her! She's having a panic attack a while ago. Nagsimula siyang makaranas ng ganoon mula nang masangkot silang mag-ina sa isang aksidente. May mga pagkakataong naiisip niyang baka maulit ang mga nangyari, na ano mang oras ay baka muli siyang maharap sa kapahamakan. At mas umigting ang ganoong damdamin nang mapagtanto niyang ang ilang maliliit na aksidenteng nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na buwan ay waring sinasadya na. And she had the feeling that it was the reason why her anxiety and trauma were triggered. Mas dumadalas siyang makaranas ng panic attack dahil doon. Katulad na lamang kanina. Ang katotohanang sa loob na mismo ng AAC siya inatake ay mas nagpausbong ng pangamba sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya tuloy ay hindi na siya ligtas saan man siya magpunta. And that caused for her to panic. Hirap siyang pakalmahin ang sarili at alam niyang pansin iyon ni Rafael. Ang hindi niya lang inasahan ay ang bigla nitong paghapit sa kanyang baywang at basta na lamang hinalikan ang kanyang mga labi. His lips were just touching hers. Ni hindi kumikilos ang mga labi nito at mariing nakalapat lamang sa kanya. Gustuhin mang umiwas ni Diana ay hindi niya nagawa. Hawak nito ang kanyang batok dahilan para mahalikan siya nito nang walang kahirap-hirap. Hanggang sa maya-maya ay iniangat ni Diana ang kanyang mga kamay at marahang itinulak si Rafael sa dibdib nito. Hindi naman siya nahirapang gawin iyon sapagkat agad siyang binitiwan ng binata. Napaatras pa ito ng isang hakbang at matamang napatitig sa kanya matapos niyang maitulak. "W-Why... Why did you do that?!" gimbal niyang tanong dito. Halos maramdaman niya pa ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa kaisipan na hinalikan siya ni Rafael. Hanggang sa ang pagkagimbal na iyon ay napalitan ng inis. Nanliliit ang mga matang tinitigan niya ito saka paasik na nagsalita ulit. "How dare you kiss me, Rafael!" "Finally, you are back on your senses," wika nito sabay hakbang palapit sa pahabang sofa na naroon. Laan iyon para sa mga bumibisita sa kanyang opisina. Naglakad nga papunta roon si Rafael at prenteng naupo na wari bang wala itong ginawa. "Back on my senses? What do you mean?" mataray niyang sabi. "You are panicking, Diana. Halos nanginginig na ang mga kamay mo dahil sa sobrang takot kanina. I just did something to get you back on your track." "At ang paghalik sa akin ang naisip mong paraan para mangyari iyon? How dare you---" "I don't have a choice, Diana. Pakiramdam ko, ano mang oras ay mahihimatay ka na lang dahil sa panic attack. Now, I know it won't happen anymore. Mas gusto ko pang makita kang nagtataray nang ganyan kaysa ang punong-puno ng takot katulad kanina." "So what do you want me to do? Gusto mong pasalamatan kita ngayon dahil sa ginawa mo?" Hindi agad nakapagsalita si Rafael. Ni hindi nito pinatulan ang pagtataray niya. Nakatitig lang ito sa kanyang mukha at wari bang iniisip din ang halik na namagitan sa kanilang dalawa. Hanggang sa maya-maya, ang mga mata nitong nakatutok sa kanyang mukha ay sa kanyang labi na lamang partikular na nakatuon. Diana didn't even have any idea what he was thinking while looking intently at her lips. She couldn't help but swallowed hard. Nag-iwas siya ng kanyang paningin dahilan para maputol din ang mataman nitong pagtitig sa mga labi niya. She has this feeling that after what he did, things would never be the same between them. Narinig niya ang marahan nitong pag-alis ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "Hindi ang paghalik ko sa iyo ang mas dapat nating pag-usapan ngayon, Diana," saad nito sa kalmado pa ring tinig. "Let's talk about what happened to you a while ago. Kailangan kong makausap ang mga security guard na naka-duty ngayong gabi rito sa kompanya ninyo." Gusto niya pa itong talakan dahil sa paghalik na ginawa sa kanya. It was such a big deal for her. Hindi siya basta-bastang nagpapahalik lang kahit kanino. Ngunit ang balak niyang gawin ay isinantabi niya muna. Tama ang binata. Mas marapat na alamin muna nila kung sino ang taong bigla na lang ay umatake sa kanya kanina. Nang hindi pa siya kumilos ay marahan nang tumayo si Rafael. "Get your things, Diana. Iuuwi na kita pagkatapos kong kausapin ang security dito sa kompanya ninyo." Pahablot niyang kinuha ang kanyang cell phone at shoulder bag. Nang makita ni Rafael na dala niya na ang mga iyon ay ito na ang nagpatiuna sa paglabas ng kanyang opisina. Iginala pa nito ang paningin sa kanilang paligid bago siya inakay nang maglakad. Akmang hahawakan nito ang braso niya upang alalayan sa paglalakad nang iiwas iyon ni Diana. "Isasantabi ko muna ang ginawa mong paghalik sa akin, Rafael, dahil mas gusto kong alamin kung sino ang taong umatake sa akin dito sa mismong loob ng AAC. But it doesn't mean, palalampasin ko iyon," nangangalaiti niyang sabi rito. Rafael smirked. "I won't say sorry for kissing you, Diana. I just did it to calm you down. Kaya kung hindi mo gustong maulit iyon, subukan kong kontrolin ang sarili mo't pakalmahin." "Yeah, right," she said sarcastically. "My bodyguard has his own way of calming others down. I wonder kung ilang babae na ba ang napakalma mo sa ganyang paraan." Sukat sa mga sinabi niya ay mas lumawak pa ang ngiting nasa mga labi ni Rafael. "Just for the record, sweetheart," pilyong wika nito. "I've never done it to anyone before... sa iyo pa lang. At hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit iyon kapag kinailangan kong pakalmahin ka. It's effective, isn't it?" Pinanliitan niya ito ng mga mata at sa halip na sumagot pa ay binilisan niya na lamang ang paglalakad. The mischievous smile that was on his lips turned into a chuckle because of her reaction. Bagay iyon na mas nagpainis sa kanya. ***** MATAMANG pinagmasdan ni Rafael ang security guard na nasa kanyang harapan. Pinag-aaralan niya ang bawat kilos nito at pananalita. Pagkababa nga nila mula sa opisina ni Diana ay nilapitan niya ang head ng security na nakatalaga para sa gabing iyon. Gusto niyang makausap ang mga ito tungkol sa insidenteng nangyari kanina sa dalaga. Una na ay inusisa niya kung bakit inabot ng ilang minuto bago gumana ang generator ng naturang kompanya. AAC was such a big company. Sa ganoon kalaking establisyemento ay naka-stand by lang naman ang mga generator para kung sakaling mawalan ng kuryente ay may magagamit pa rin ang kompanya. Bakit kanina ay hindi gumana sa AAC? At ang pinakapinagtataka ni Rafael, bakit sa AAC lamang nawalan ng kuryente? Nang suriin niya naman ang mga kalapit na gusali at ibang establisyemento ay halatang hindi nawalan ng kuryente ang mga iyon. "Pasensiya na, Ma'am... Mr. Certeza. Aalamin ho namin kung ano talaga ang nangyari," saad ng security head. "What do you mean? Hindi niyo pa alam kung ano ang nangyari? Who's in charge on power control?" nagtataka niyang tanong. "Ako ho, sir," tugon naman ng isa pang lalaking nasa kanyang harapan. "Where were you a while ago? At bakit dito lang sa AAC nawalan ng kuryente kanina? What happened?" "Nagkaroon lang po ng problema sa linya pero naayos na rin po agad." "Nagkaroon ng problema sa linya?" ulit niya sa mga sinabi nitong halata namang pagdadahilan lamang. Nasa kanyang dibdib ang pagdududang hindi nagsasabi ng totoo ang lalaking kausap niya. "How about the generator? Bakit hindi niyo agad napagana?" "E-Eh kasi po..." The man stopped talking for a while. Napakamot pa ito sa ulo na wari bang nag-aalangan na sabihin sa kanya ang tumatakbo sa isipan nito. "What?" untag niya. "Kausap ko lang ho kanina si Sir Alex. N-Nasa may pasilyo ho kami malapit sa opisina niya kaya hindi ko ho agarang naasikaso." "Si Tito Alex?" agad namang tanong ni Diana na kanina pang tahimik sa kanyang tabi. Nang bumaba sila ay pinaubaya nito sa kanya ang pakikipag-usap sa mga empleyado nito. Alam niyang hindi pa tuluyang nakababawi ang dalaga mula sa nangyaring pag-atake rito na nadagdagan pa ng paghalik na ginawa niya kanina. "Yes, Ma'am," tugon ng lalaki kay Diana. "Narito pa ho siya kanina." "W-Where is he now?" Diana asked. "Kalalabas lang ho kani-kanina lang." Rafael's face hardened. Napalingon pa siya kay Diana na ngayon ay napapatingin din sa kanya. Hindi man nito sabihin ngunit alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Hinamig na niya ang kanyang sarili at muli nang hinarap ang dalawang lalaking kausap nila. "We'll go ahead. Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko." "No problem po," tugon ng head ng security bago si Diana naman ang kinausap. "Patawad ho, Ma'am. Hindi na ho mauulit ito. Patitingnan ko rin ho sa maintenance kung ano ang problema sa linya ng kuryente." "Just make sure it won't happen again," mariing wika ni Diana bago siya inaya na. "Let's go, Rafael." Mabilis nang naglakad si Diana palabas ng AAC. Sinundan niya na ang dalaga hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng sasakyan nito. Bago pa man tuluyang sumakay sa kotse ay humarap na ito sa kanya at nagwika. "You heard that? Narito pa si Tito Alex kanina. Narito siya nang eksaktong may umatake sa akin, Rafael. At kausap pa siya ng empleyado ko, huh? What? Sinadya niyang kausapin si Patrick para hindi agad maasikaso ang pagpapailaw sa AAC?" wika nito na ang tinutukoy ay ang isa sa mga kausap nila kanina. "For all we know, he hired someone to attack me while he was busy diverting my employee's attention." "O maaari ring kasabwat ng taong nagtatangka sa buhay mo ang ilan sa mga empleyado mo rito sa AAC, Diana," aniya na nagpadikit sa mga kilay nito. "W-What do you mean?" "Hindi ako masagot nang maayos ng empleyado mong kausap ko kanina," wika niya. "Hindi mo ba napansin na para siyang nag-iiwas sa pagsagot sa mga tanong ko? Come on, Diana. This is such a big company. Hindi niyo man lang ba sinisigurado na maayos ang linya ng kuryente ninyo? Or as the president, hindi mo na napagtutuunan ng pansin iyon?" "Every month ay may inspeksiyon ng lahat-lahat dito sa kompanya, Rafael. Kahit nang nabubuhay pa si Papa ay sinisiguro niyang maayos ang lahat---" "So, hindi ka rin naniniwala na may problema sa linya ng kuryente ninyo?" "What are you trying to say, Rafael?" He looked at her intently. Unti-unti ay kinabakasan na rin ng pagdududa ang magandang mukha ng dalaga. "What happened a while ago was planned, Diana. Plinanong patayin ang kuryente para may umatake sa iyo sa dilim. Pagkakamali ko lang na hindi kita agad binalikan nang nawalan na ng kuryente. I'm sorry for that." Mariin itong napalunok. "S-Si... Si Tito Alex kaya?" "We're not sure, Diana," saad niya sa seryosong tinig. "Iyon ang rason kung bakit hindi ko binanggit sa mga empleyado mo na may taong nais kang saktan kanina. Hindi ko gustong isipin nilang nababahala na tayo ngayon. Just let them think that you're not worried at all while we're investigating about it." Hindi ito nakaimik na mistula bang iniisip pa rin ang mga nangyari. Nang nanatili itong tahimik ay nagpatuloy pa si Rafael sa pagsasalita. "Isa lang ang sigurado ako ngayon, Diana. Hindi ka na ligtas maging dito mismo sa kompanya ninyo. And I think we need to do something about it." "A-Ano ang ibig mong sabihin?" "I need to bring you somewhere... sa ligtas na lugar, sa malayo sa kung sino mang nagtatangka sa buhay mo." "Rafael, I have a lot of things to do and---" "Mas importante pa ba iyan kaysa sa buhay mo?" awat niya sa ano pa mang sasabihin nito. "Diana, ang mahalaga ay malayo kita sa panganib." "At saan ako pupunta?" tanong pa nito. "My family owns a private resort in Tagaytay. Doon ka muna mananatili." "S-Sa inyo? Rafael, alam mong---" "Nagkukunwari naman tayong magkasintahan, hindi ba?" muli niyang putol dito. "And we are planning to level it up, right? Gusto mong ipamalita na ikakasal tayo. Then, announce it after staying at our resort. I am sure all of them will be shocked, Diana." "P-Paano ang pamilya mo? A-Ano na lang ang sasabihin nila?" "Ako ang bahalang mag-isip ng ano mang sasabihin sa kanila. Ang isipin mo ngayon ay ang tungkol sa pag-alis natin. We will leave tomorrow, Diana..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD