Nakulong na lamang sa lalamunan ni Diana ang kanyang pagsinghap. Hindi rin maiwasan ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa ginawa ni Rafael. Sa ikalawang pagkakataon ay inangkin nito ang mga labi niya! Sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan siya nito!
Agad niya pa ngang naitukod ang kanyang mga palad sa matitipunong dibdib ng binata. Dahil sa biglaang paghapit nito sa kanya ay halos nawalan siya ng balanse at ang paghawak sa dibdib nito ang awtomatikong naging tugon ng kanyang katawan. Bagay iyon na halos gusto niyang pagsisihan.
Hindi nakatulong ang pagtukod niya ng mga palad sa dibdib ni Rafael. Pakiramdam niya nga ay waring mas nagdagdag iyon ng dahilan para mawala rin siya sa kanyang sarili. The moment her palms touched his masculine chest, all her sanity almost left her. She just found herself closing her eyes and savouring the kiss he was giving her.
Katulad ng naunang paghalik sa kanya ni Rafael, nakadampi lamang ang mga labi nito sa kanya. Ni hindi iyon ginagalaw ng binata na mistula bang binibigyan pa siya ng pagkakataong umatras at umiwas dito. At iyon nga ang dapat gawin ni Diana. She needed to stop him. She should stop him! Pero sa halip na iyon ang gawin niya, ang kabaliktaran ang kanyang naging reaksyon na naging sanhi para tuluyang lumalim ang halik na iginagawad sa kanya ni Rafael.
The moment Diana didn't show any protest, his kiss deepened. Hindi na lang bastang nakadampi ang labi nito sa kanya. His lips started to move in a sensual way, kissing her passionately. And as if on cue, Diana parted her lips in a way like she was inviting him to kiss her more.
And he did. Ang kaninang nag-aalangan pa nitong paghalik sa kanya ay nauwi sa agresibong paraan. Mas naging malalim at mas naging mapaghanap ang mga labi nito. Hindi pa nga maiwasan ni Diana na mariing maikuyom ang kanyang mga kamay sa damit ng binata na wari bang doon kumukuha ng lakas ng loob upang tugunin ang paghalik na ginagawa nito.
"D-Diana..." mabuway na sambit ni Rafael sa pangalan niya nang saglit nitong pakawalan ang kanyang mga labi. His eyes were locked on hers and his breath was almost caressing her skin.
"W-What... What are we doing, Rafael?" she asked, her voice was just barely above whisper. "P-Paraan mo pa ba ito para pakalmahin ulit ako?"
Hindi niya alam kung bakit pero rumihestro ang kaaliwan sa mukha ng binata. A mischievous smile appeared on his lips as if what she said amused him. Hanggang sa maya-maya ay sumeryoso ito ulit saka nagwika. "If you would ask me, gusto ko talagang alisin ang takot diyan sa dibdib mo, Diana. I want you to think that you're not alone. Na kahit wala na ang mga magulang mo ay hindi ka mag-isang haharap sa problemang mayroon ka ngayon. I want you to overcome your fear... your anxiety. And I'm willing to help you not just because you're paying me as your bodyguard."
"W-Why would you do that?"
"Because I just want to," maagap nitong sagot sa kanya. "Simula nang maging bodyguard mo ako, hindi pa kita nakita man lang na ngumiti, Diana. An authentic smile, for that matter. Iyon ang gusto kong makita sa iyo."
Marahan siyang napailing. Hawak pa rin siya ng binata at halos magkadikit pa rin ang kanilang mga katawan ngunit dahil sa itinatakbo ng pag-uusap nila ay parang hindi na niya alintana iyon.
She opened her mouth to say something when suddenly shut it again. Bigla kasing tumunog ang cell phone ni Rafael na hawak nito sa isang kamay. It was a sound from a notification that someone sent a message to him. Umilaw pa nga ang screen ng cell phone nito nang dumating ang mensahe dahilan para sabay pa silang mapayuko roon ng binata.
At parang napasong dali-daling bumitiw si Diana kay Rafael nang makita ang screen ng cell phone nito. Agad pa siyang napahakbang paatras bago dahan-dahang bumaling muli sa mukha ng binata. Nakatunghay na rin ito sa kanya at waring nahuhulaan na rin kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
"Diana..."
"W-Who... Who is he?" tanong niya kahit pa may umuusbong nang pagdududa sa kanyang dibdib.
Nang umilaw ang screen ng cell phone nito dahil sa may mensaheng natanggap ay bumalandra sa kanya ang wallpaper ng binata--- isang batang lalaki! The boy must be one or two years old. Nakangiti ito sa larawan habang hawak-hawak ang isang laruan.
Who could be that boy? Ayon naman kay Rafael ay babae ang kapatid nito. Maaari kayang anak nito ang batang nasa wallpaper nito?
"Rafael---"
"He's Riley... my son..." Rafael added the last two words in almost a whisper.
Son... his son! Halos manlaki ang mga mata ni Diana nang marinig niya ang mga sinabi nito. May anak na ito. May asawa na ito. He's not single anymore and yet here she was allowing him to kiss her... to pretend as her boyfriend. Ano na lang ang sasabihin ng asawa nito kapag nalaman na may namagitang halik sa kanilang dalawa?
"M-May... May anak ka na," aniya sa mahinang tinig. "May asawa ka na't pamilya pero pumayag kang magpanggap na kasintahan ko. Paano kapag nalaman ng asawa mo ang tungkol dito? P-Paano kapag nalaman niyang may ibang babae kang hinahalikan?"
"Diana, you don't understand---"
"No, Rafael," putol niya sa ano mang sasabihin pa nito. "I understand. I understand that we are doing something wrong. H-Hindi ka dapat pumayag na magtanggap na nobyo ko. In the first place, you should not kiss other woman. What if your wife learned about it---"
"They are dead."
Sa muli ay hindi niya natapos ang kanyang pagsasalita dahil sa pagsingit ni Rafael. Hindi pa mapigilang mapasinghap ni Diana nang marinig niya ang mga sinabi nito. Gusto niya pang isiping kinaringgan niya lamang iyon ngunit nang mataman niyang pinagmasdan ang mukha ng binata ay nasilip niya roon ang pagdaan ng kalungkutan na marahil ay dahil sa pagkaalala sa mag-ina nito.
"T-They're dead?" ulit niya pa. "W-What do you mean?"
Rafael exhaled a heavy air. Isinilid nito ang cell phone sa bulsa ng suot nitong cotton shorts. Ni hindi na nito pinagkaabalahan pang tingnan ang mensaheng natanggap kanina.
"They're dead, Diana. My son and his mom, Hanna, died two years ago," pagsasalaysay nito. "Riley was just two years old that time. Naaksidente sila sa daan na kapwa nila ikinamatay."
"Oh God..." she murmured. She couldn't imagine how painful it was for Rafael to lose them both. Dalawang taon pa lang ang anak ng mga ito at nasisiguro ni Diana na labis na ininda ng binata ang pagkawala ng mag-ina nito.
"Bago pa man ako makarating sa ospital kung saan sila dinala ay pareho na silang wala, Diana. I wasn't able to save them from what happened. Just because of someone's recklessness, I lost my son."
"J-Just like what happened to my mom," halos pabulong niyang saad. Hindi niya pa alam kung narinig iyon ni Rafael. It was as if she was just talking to herself.
Agad kasing sumagi sa isipan niya ang kinasangkutan din nilang aksidente ng kanyang ina. Buhay pa sana ang kanyang mama kung hindi lang dahil sa driver ng pulang van na iyon na hanggang ng mga oras na iyon ay hindi pa nila nahuhuli.
"Yeah," marahang saad ni Rafael na ikinatingala niya rito. Umabot sa pandinig nito ang huling pangungusap na binitiwan niya. "Just like what happened to you and your mom."
"Kaya ba tinutulungan mo ako ngayon? Dahil ba pareho ang dinanas namin ni Mama sa mag-ina mo?"
He was silent for a while. Nang salubungin niya ang mga titig nito ay nagbabadya ng ibang emosyon ang mga mata ni Rafael. Emosyon iyon na hindi niya kayang bigyan ng pangalan. Mataman lang itong nakatitig sa mukha niya na wari ba ay naghahanap ng mga tamang salitang isasagot sa kanya.
"Iniisip mo bang ginagawa ko sa iyo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa mag-ina ko, Diana?"
"Hindi ba, Rafael?" balik niya rito. "Ikaw na rin ang nagsabi that you weren't able to save them from what happened. Iyon ba ang dahilan kaya nagtatrabaho ka bilang protection agent sa kompanya ninyo kahit hindi naman kailangan? You want to protect other people because it was something you weren't able to do for your son and wife. You want to rectify what happened to them by helping others. Kaya ba ganoon na lamang ang kagustuhan mong tulungan akong malaman kung sino ang nagtatangka sa buhay ko? Na kahit ang anxiety ko ay gusto mong lutasin?"
"What the hell are you talking about, Diana?" anito na may ilang gatla sa noo.
She swallowed hard. "W-We should stop what we first planned, Rafael. H-Hindi tamang pumayag kang magpanggap na kasintahan ko. Kahit... Kahit pa sabihing patay na ang asawa't anak mo, hindi pa rin tama. Respect is the only thing that I could give to your lost," mahaba niyang pahayag bago tumayo na nang tuwid. "P-Papasok na ako sa loob. Maybe it's right to go back to Manila tomorrow."
Hindi na niya ito hinintay pang makasagot. Pagkawika niyon ay agad na siyang tumalikod upang pumasok na sa bahay-bakasyunan ng mga ito. Ngunit ano mang balak niyang pag-iwas ay agad nang naawat. Ilang hakbang pa lamang ang kanyang nagagawa nang muli na siyang natigilan dahil sa muling pagsalita ni Rafael.
"I don't have a wife, Diana. I have never been married to anyone... not even with Riley's mother."
Marahas ang ginawa niyang paglingon kay Rafael. Hindi niya maiwasang maguluhan dahil sa mga sinabi nito.
"Hindi ako kasal sa ina ng anak ko. Hindi iyon nangyari kahit dalawang taon na si Riley dahil wala akong relasyon kay Hanna maliban sa magkaibigan kaming dalawa," patuloy pa nito.
"H-Hindi kita maintindihan..."
"What happened to us was a one-night stand, Diana. Both of us were drunk," pagsasalaysay pa nito. "She's a close friend. Nang magbunga ang nangyari sa aming dalawa, hindi ako nagdalawang-isip na panagutan ang anak ko. I've been a father to my son, pero hindi humigit sa pagkakaibigan ang relasyon namin ni Hanna."
Hindi niya alam kung ano ang iisipin matapos ng mga sinabi nito. "W-Why are you telling me that?"
He chuckled. Nagkibit pa ito ng mga balikat bago siya sinagot. "I don't know. I can just let you think that I really had a wife, hindi ba? But I felt this urge to explain to you. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong isipin mong nagkaasawa na ako, Diana."
Her heart skipped a beat. "B-Bakit?"
Hindi agad sumagot si Rafael. Mataman muna nitong pinagmasdan ang kanyang mukha bago nagwika. "Alam kong alam mo ang sagot, Diana."
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. She knew what he was trying to say but she didn't want to entertain it. "N-No, Rafael. Hindi tama. Hindi pa natatagalan mula nang mawala ang mag-ina mo."
"Diana---"
"At hindi pa natatagalan mula nang magkakilala tayong dalawa," mabilis niyang dagdag bago pa man nito matapos ang ano mang sasabihin sa kanya. "Iuwi mo ako sa Manila bukas na bukas din, Rafael."
Mabilis na niya itong tinalikuran at akmang itutuloy na ang pagbalik sa bahay ng mga ito nang muli na namang magsalita si Rafael. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ito hinarap pa. Nagsalita ito habang nakatalikod siya.
"You're a coward, aren't you?" anito sa mababang tinig. "You have so much fear in your heart, Diana. Nauunawaan ko ang takot na nararamdaman mo dahil sa banta sa buhay mo. I understand that, but not the fear you have right now. Natatakot kang intindihin ang pinag-uusapan nating dalawa."
"What do you want me to do, Rafael?" aniya sabay ng muling pagharap dito. "Do you want me to entertain other things knowing that I have threat in my life? I have so much in my plate right now. Hindi ko na gustong dagdagan pa iyon."
"Diana---"
"Enough," awat niya rito. "Alam ko kung saan papunta ang usapang ito. You are my bodyguard, Rafael. I'm trusting you with my life. Kaya nga ikaw ang naisip kong kunin para magpanggap na nobyo ko, hindi ba? It's because I trust you. Huwag mong sirain ang tiwalang iyon. Huwag mong lakipan ng ibang bagay ang pagpapanggap nating dalawa."
"Paano kung sabihin kong gusto kong totohanin ang pagpapanggap na iyon?" bigla ay tanong nito na nakapagpatigil sa kanyang kinatatayuan.