CHAPTER 7

1875 Words
Hindi nakahuma si Diana sa kanyang kinauupuan at mataman na lamang na napatitig sa kamay ni Rafael na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahigpit na nakahawak sa kanya. Dama niya pa ang maya't mayang pagpisil ng binata sa kanyang kamay na wari bang paraan nito para pakalmahin siya. Diana swallowed hard. Agad niyang hinila ang kanyang kamay dahilan para mabitiwan iyon ng binata. Napalingon pa sa kanya si Rafael at alam niyang nakita nito ang pagkailang na nakarehistro sa kanyang mukha. Nag-iwas siya ng kanyang paningin at mas piniling yumuko sa kanyang cell phone na nasa ibabaw ng mesa. "Relax, Diana. Namumutla ka," wika ni Rafael sa tinig na kababakasan ng pag-aalala. "How can I relax, Rafael?" she said. Her voice was laced with frustration. "H-Hindi ko gusto ang ganito. I-I... I just want a peace of mind. Bakit kailangang may manggulo sa akin?" "Hindi kaya may nagkamali lang ng tawag sa numero mo---" "That's ridiculous!" bulalas niya. "Kung nagkamali man ng tawag, kahit papaano ay magsasalita pa rin ang nasa kabilang linya. Pero hindi niya ginawa, Rafael. Malalalim na hininga lang ang narinig ko." "You are not familiar with this number?" usisa nito sabay yuko pa sa kanyang cell phone. "No," mabilis niyang sagot. "Naka-save riyan lahat ng numero ng mga kakilala ko. That is my private mumber, Rafael. Iba ang gamit ko pagdating sa trababo. Tanging mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang binibigyan ko ng numerong iyan." "At kabilang doon ang Tito Alex mo?" "Of course," tugon niya. "K-Kasintahan siya ni Mama. Definetely, h-he's almost a family." Tuwid na napatayo si Rafael. Alam niyang napapaisip ito tungkol sa tawag na natanggap niya. "Kung kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang may alam ng pribadong numero mo, iisa lang ang ibig sabihin niyon. Isa sa kanila ang tumawag sa iyo kanina. Kung sino man ang nanggugulo sa iyo ay kakilala mo lang, Diana." "Tama kaya ako na si Tito Alex nga ang nasa likod ng lahat ng nangyayari sa akin?" "Hindi natin alam," sansala nito sa mga sinabi niya. "Mahirap ang mangbintang lang, Diana. We need evidences to prove that he's really the one behind all of these." "Siya lang naman ang nakikita kong may motibo, Rafael. Naging karelasyon siya ni Mama. Kung sakaling nabubuhay pa ngayon si Mama ay hindi malayong mangyari na magkaroon siya ng access sa lahat ng mayroon kami. But my mother d-died. Of course, automatically, sa akin mauuwi lahat ng naiwan ng mga magulang ko." "At gusto ka niyang mawala para mauwi na sa kanya ang lahat, ganoon ba?" anito sa seryosong tinig. "Diana, technically, walang habol ang Tito Alex mo sa lahat ng mayroon ka. Kasintahan lang siya ng mama mo." "Pero sa bahay siya nakatira ngayon, Rafael," katwriran niya pa. "You think he will still leave our house once I'm gone? Hindi na, Rafael. Aangkinin niya na ang bahay ng mga magulang ko, ang dalawang sasakyang naroon at mga gamit na hindi rin biro ang mga halaga. Those, alone, could make him richer. Idagdag pa roon ang share niya rito sa AAC." "So, iniisip mo na talagang yaman ng mga Baltazar ang motibo ng pagtatangka sa buhay mo?" tanong nito. "Sa tingin mo ay ano pa ang ibang puwedeng maging rason? Wala akong kaaway, Rafael," saad niya. Agad na hinugot ni Rafael ang cell phone nito mula sa bulsa ng suot nitong pantalon. Ilang segundo itong tumingin doon at kung ano man ang tinitingnan ng binata ay wala siyang ideya. Nang wari ay mainip na sapagkat nanatili pa rin itong tahimik ay nagtanong na si Diana. "A-Ano ang tinitingnan mo?" usisa niya. "Your father was a former politician, right?" tanong nito habang sa pag-aaring cell phone pa rin nakatingin. "I was just checking if your father had some controversies before... o kung may nakabangga ba siyang ibang malalaking personalidad." "My father was a sensible man," wika niya sabay tayo mula sa kanyang swivel chair. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa tapat ng kanyang executive desk habang nagpatuloy pa sa pagsasalita. "Wala akong natatandaang nagkaroon siya ng kaaway. T-There were some who envied him but I don't think they were the one behind what's happening to me." "Hindi tayo nakasisiguro, Diana. Alam nating madumi ang mundo ng politika. Paano kung nakaaway pala ng ama mo ang nasa likod ng mga nangyayari sa iyo ngayon?" saad nito. Huminto na ito sa pagtingin sa cell phone at mataman siyang pinagmasdan sa mukha. "Kung tama ka man, Rafael, ano naman ang mapapala ng nakaaway noon ni Papa? My father is already dead. Para saan pa ang pagbabanta niya sa buhay ko ngayon gayong matagal nang patay ang ama ko?" "Diana---" "Hindi ba't mas kapani-paniwala pa kung iisipin nating dahil sa natanggap kong mana mula sa mga magulang ko ang dahilan ng lahat?" patuloy niya pa sa pagsasalita. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon si Rafael na matapos ang ano mang gusto nitong sabihin. "At ang Tito Alex mo talaga ang nakikita mong salarin sa lahat ng ito?" "I-Is there anyone else?" balik-tanong niya. Mariin pa siyang napalunok nang biglang may naalala. "Malapit ako sa mama ko, Rafael, pero nang naging nobyo niya si Tito Alex, dama kong may nag-iba sa relasyon naming dalawa. We're not that close anymore. M-Mas... Mas pinapaburan niya na lahat ng sabihin ng lalaking iyon kaysa sa mga suhestiyon ko." Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga habang ipinapasok na ulit sa bulsa ng pantalon nito ang pag-aaring cell phone. "Kung tama ang hinala mo na ang mana mo ang rason ng pagtatangka sa buhay mo, kailangan nating mag-isip ng paraan para lumantad ang totoong salarin, Diana." "W-What do you mean?" "Pinaghihinalaan mo ang Tito Alex mo, hindi ba?" tanong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. "Kailangan muna nating patunayan na naghahabol nga siya sa manang natanggap mo." "H-How can we do that?" "I don't know," wika nito. "But come to think of it, kung desidido nga siyang magkaroon ng parte sa yaman ng mama mo, ikaw ang una niyang aalisin sa landas niya para makuha iyon." Nahulog sa malalim na pag-iisip si Diana. Slowly, she walked towards her swivel chair and sat on it again. "Hindi niya gustong mauwi sa akin ang lahat kaya gusto niyang mawala ako. Kung sakaling magtagumpay man nga siya, ang dali na lang para sa kanyang angkinin ang bahay... pati ang shares ni Mama sa kompanyang ito. May koneksiyon si Tito Alex. He can easily do that, especially that they lived together." "Maliban na lang kung... may mapag-iiwanan ka ng yaman mo, Diana. Doon lang mawawalan ng habol ang Tito Alex mo." She looked at him intently. Unti-unti ay nagiging klaro na sa kanya ang lahat. "I already know what to do!" biglang bulalas niya na ikinakunot pa nito ng noo. "What?" anito sa salubong na mga kilay. Diana stood up again as she told him what's in her mind. "Ngayon ay sigurado na akong dahil sa yaman kaya may nagtatangka sa buhay ko. And I am really thinking that it might be Tito Alex. I'm sure gusto niya akong mawala para madali na lang para sa kanyang makuha ang bahay namin at iba pang ari-arian bilang nobyo siya ni Mama. But all his plans will be ruined once he found out that I have someone whom I can give my wealth once he killed me." Agad na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Rafael dahil sa mga sinabi niya. Dama niya pang hindi nito nagustuhan ang huling tatlong salitang binitiwan niya. Ngunit hindi na nagbigay pa roon ng komento ang binata. Mas pinagtuunan nito ng pansin ang pagtatanong sa kanya. "At paano masisira ang plano niya kung sakali, Diana? Kanino mo iiwan ang lahat ng ari-ariang mayroon ka oras na may mangyari nga sa iyo? You are single, Diana. Wala kang anak na maaaring maging tagapagmana ng lahat ng mayroon ka." "Wala akong anak, obviously," halos nakataas ang kilay na saad niya rito. "But I can get a husband." "Get a husband?" ulit nito sa mga sinabi niya. Agad pang nagkaroon ng kaaliwan sa mukha nito nang magsalita. "Parang ang dali lang para sa iyong gawin iyan. Do you have a boyfriend?" "Wala," maagap niyang tugon. Parang gusto niya pang mapahiya dahil sa kaisipan na wala siyang nobyo. Baka isipin nitong wala man lang nanliligaw sa kanya. Of course, there were some who tried to court her. Pero ni isa sa mga iyon ay hindi niya man lang hinayaang makapasok nang tuluyan sa buhay niya. "Wala? So, how can you get a husband? Besides, bakit iyan ang naisip mong gawin, Diana?" "Ikaw na rin mismo ang nagsabi na kailangan nating mapatunayan na yaman ko nga ang habol ni Tito Alex. Kung mapatunayan nating oo, maaaring siya nga ang nagtatangka sa buhay ko." "At ano ang kinalaman ng pagkakaroon mo ng asawa?" "Analyze it, Rafael," aniya sabay titig dito nang mataman. "Kapag nalaman ni Tito Alex na nagbabalak akong mag-asawa, mababahala siya. Iisipin niyang masisira ang mga plano niya dahil kung sakaling may mangyayari sa aking masama, sa asawa ko mapupunta lahat ng mayroon ako. All his plans will be ruined. Mas magkakaroon ng karapatan ang magiging asawa ko kaysa sa kanya, hindi ba?" Nakita niya ang pag-ismid nito. "So, nagpaplano kang magkunwaring ikakasal ka?" "Yes," walang pagdadalawang-isip na sagot niya rito. "Let us find out if Tito Alex would give a violent reaction once I announced that I am getting married." "And how would you do that, Diana? Sa iyo na rin nanggaling na wala kang nobyo." Disimulado siyang napalunok. "I-I---" "What?" "I will look for someone who can pretend as my fiance," wika niya sabay tayo ulit. "Are you out of your mind?" bulalas nito. "Panibagong problema ang hinahanap mo, Diana. Saan ka hahanap ng lalaking papayag diyan sa kalokohan mo?" She was silent for a while. Nakatuon lamang sa mukha nito ang kanyang paningin habang nag-iisip ng isasagot sa mga sinabi nito. Saan nga ba siya makahahanap? May lalaki nga bang papayag sa nais niyang mangyari? "Why are you staring at me like that?" Rafael asked with so much seriousness on his voice. Alam ni Diana na nasilip nito sa kanyang mukha ang ideya na unti-unting nabubuo sa kanyang isipan. Bakit pa nga ba niya poproblemahin kung saan makahahanap ng lalaking tutulong sa kanya, eh nasa harapan na niya ang sagot? "I will double your income, Rafael---" "No, Diana. Kalokohan iyang naiisip mo," mariin nitong sabi dahilan para mahinto siya sa pagsasalita. Bakas din sa mukha nito ang pagtutol. "Come on, Rafael," saad niya. "Dodoblehin ko ang sahod ko sa iyo. Maliban sa ibabayad ko sa Triple Security, bibigyan kita ng karagdagang bayad. Name your price. You know I can pay you." "You also know that I don't need your money. I have my own," buwelta nito sa kanya. "This is just part of the plan, Rafael," giit niya. "Pareho nating gustong matigil na ang lahat ng ito. And it is also your job to help me solve this case, isn't it? So, bakit pa ako maghahanap ng ibang lalaking magpapanggap na fiance ko kung nariyan ka naman?" "Diana---" "Please, Rafael," awat niya rito. "Trust me, I will double my payment... just pretend as my fiance. Let's tell everyone that you'll marry me." "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD