CHAPTER 8

2267 Words
Marahang hinahalo-halo ni Rafael ang kapeng katitimpla niya lamang. Sa tasa nakatitig ang kanyang mga mata ngunit wala talaga roon ang kanyang atensiyon. Hanggang nang mga sandaling iyon kasi ay laman pa rin ng isipan niya ang inialok ni Diana kanina. Hindi niya pa maiwasang mapailing kasabay ng paghinto niya sa paghahalo ng kape. Inilapag niya muna sa may lababo ang kutsaritang ginamit at dala ang tasa ay naglakad na siya patungo sa may sala. Ilang hakbang lang iyon mula sa may lababo at naroon nga ang sofa kung saan siya natutulog mula nang manuluyan siya sa apartment ni Diana. Nakauwi na nga sila ng dalaga. Nang tingnan niya ang oras kanina ay pasado alas-onse na ng gabi. Kanina pa tulog si Diana at katunayan ay patay na ang mga ilaw sa loob ng apartment nito. Tanging ang malamlam na liwanag na nagmumula sa isang ilaw malapit sa may lababo ang iniiwang bukas roon sa tuwing gabi. At dahil hindi pa siya dalawin ng antok ay nagpasya si Rafael na bumangon at magtimpla ng kape. He wanted a wine actually. Pero dahil nga isa sa mga kondisyon ni Diana habang nananatili siya sa apartment nito ay ang bawal uminom, mas pinili niyang magkape na lang. Kung makakatulog pa siya ngayong gabi dahil doon ay hindi niya alam. Naupo si Rafael sa mahabang sofa saka inilapag na muna ang tasa sa ibabaw ng center table. Muling sumagi sa isipan niya ang naging pag-uusap nila ni Diana kanina sa opisina nito. Nauunawaan niya naman ang nais nitong mangyari. Gusto ng dalagang ipaalam sa lahat, lalong-lalo na kay Alex na ikakasal na ito upang malaman kung magbibigay ba ng negatibong reaksyon ang matandang lalaki. Kung sakali kasing si Alex nga ang nagtatangka sa buhay ng dalaga dahil sa paghahabol sa yaman ng mga Baltazar, baka mabahala ito na magpapakasal na si Diana. Oras kasing may mangyaring masama sa dalaga ay sa 'asawa' nito mauuwi ang lahat ng yamang mayroon ito. Sa bagay na iyon ay nauunawaan ni Rafael ang punto ni Diana. Kapag nga naman napatunayan nilang naghahabol si Alex sa yaman ng mga Baltazar ay baka nga ito ang nagtatangka sa buhay ang dalaga. Pero ang isuhestiyon nitong siya na ang magpanggap na nobyo nito? Magpanggap na mapapangasawa nito? For him, it was absurd. Hindi niya kayang magkunwari nang ganoon. Hindi niya yata kakayaning umarteng kasintahan niya si Diana sa harap ng ibang tao. Nagpakawala si Rafael ng isang malalim na buntonghininga sabay abot sa tasa ng kape. Sumisimsim na siya roon nang bigla ay matuon ang kanyang mga mata sa direksyon kung saan naroon si Diana at natutulog. Studio type nga lang ang apartment na tinitirhan ng dalaga. Isang partition wall lamang ang naghihiwalay sa bahaging tinutulugan nito at sa kusina't sala. Pagkauwi nila ay agad na itong tumuloy roon at mas inabala na ang sarili sa ilang iniuwing trabaho mula sa AAC. Kahit nang maghapunan silang dalawa ay hindi na nila muling napag-usapan pa ang tungkol sa alok na ginawa nito kanina. Mariin niyang tinanggihan iyon. Matapos niyang sabihing hindi siya sang-ayon sa balak nito ay iniwan na niya ang dalaga sa opisina nito kanina. Pakiramdam pa nga ni Rafael ay napahiya si Diana dahil sa pagtangging ginawa niya. Muli niyang dinala sa kanyang bibig ang tasa ng kape at doon ay uminom. Hanggang sa mayamaya ay nahinto ang lahat ng tumatakbo sa isipan niya nang makarinig ng marahang ingay. Dahil sa trabahong mayroon siya ay nasanay si Rafael na maging alerto sa bawat tunog na maririnig niya, kahit iyon pa ay kasinghina ng tunog na naririnig niya ngayon. Agad niyang nailapag ang tasa sa center table at mabilis na napatayo mula sa kanyang kinauupuan. Mataman niya pang pinakinggan kung ano nga ba ang narinig niya at noon lang napagtanto ni Rafael na nagmumula sa bahaging kinaroroonan ni Diana ang naturang tunog. Hindi niya pa nga mapigilang mapakunot-noo. Unti-unti na kasing nagiging prominente sa kanyang pandinig ang tunog na umagaw ng kanyang atensiyon. At nasisiguro niyang kay Diana nanggagaling ang tunog na iyon. Humahaluyhoy ba ang dalaga? Abruptly, Rafael walked towards where Diana was sleeping. Hindi na niya inisip pa ang kondisyon nitong bawal siya magtungo roon. Sa may partition wall pa lang ay nakita niya na ang pang-isahang kama kung saan nakahiga ang dalaga. Pabaling-baling ito sa pagkakahiga at halos nalilis na ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya si Diana. Nang nasa may paanan na siya ng kama ay noon niya lang napagtantong tulog pa ang dalaga at ang dahilan ng mabining haluyhoy nito ay dahil sa nananaginip ito. "M-Ma..." he heard her murmured. Pabaling-baling ang ulo nito habang tinatawag ang ina. "M-Mama..." "Diana..." wika niya sabay lapit pa sa kinahihigaan nito. Naupo pa siya sa gilid ng kama sabay hawak sa balikat ng dalaga. "Wake up, Diana." Ilang ulit niyang niyugyog nang marahan ang mga balikat nito. Nang hindi magising si Diana ay umangat pa ang kanang kamay niya at banayad na hinawakan ang isa nitong pisngi. For a moment, Rafael wasn't able to move. Saglit siyang natigilan at matamang napatitig na lamang sa mukha nitong puno pa rin ng pagkabahala. Dama niyang hindi maganda ang panaginip na nararanasan nito ngayon. "Diana..." muli niyang gising dito. "Diana, gumising ka." Nang bahagya niya nang nilakasan ang pagyugyog sa mga balikat ng dalaga ay saka pa lamang ito nagising. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at agad pa ngang natuon sa kanya ang paningin nito. Her eyebrows furrowed. Agad na rumihestro sa magandang mukha nito ang pagtataka kung bakit siya naroon at nakaupo pa sa kama. "Rafael?!" mayamaya ay bulalas nito kasabay ng marahas na pag-upo sa kama. "What are you doing here?!" Gusto niyang sagutin ang tanong nito. Gusto niyang ipaliwanag kung bakit siya naroon at nakaupo pa sa mismong tabi nito. Pero ano mang sasabihin ni Rafael ay agad nang naawat. Ni walang lumabas na ano mang salita mula sa kanya sapagkat mulagat na lamang siyang napatitig sa mukha ni Diana. And from her face, his stare moved down to her... breasts. Manipis na pantulog lamang ang saplot nito at dahil sa walang suot na panloob ang dalaga ay halos mabanaag na niya ang mayayaman nitong dibdib. "Damn!" he hissed inwardly and stood up abruptly from her bed. Walang paalam na bumalik siya sa sala kung saan siya natutulog. ***** MATAMANG nakatitig si Diana kay Rafael habang naglalakad ito palapit sa kanya. Mula sa kusina ay bitbit nito sa kanang kamay ang isang baso ng gatas na ito mismo ang nagtimpla. Nang tuluyang makalapit sa kanya ay inilapag nito ang naturang baso sa ibabaw ng center table. Doon ay may isa ring tasa ng kape na sa hinuha niya ay malamig na dahil sa kanina pa tinimpla. "Drink this. This could help you to calm down," narinig niyang saad nito. "T-Thank you..." sambit niya sa mahinang tinig. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntonghininga saka naupo sa pang-isahang sofa. "You were having a nightmare a while ago. Iyon ang dahilan kung bakit ako naroon at nakaupo sa kama mo. I was waking you up." Diana swallowed hard. Nagising nga siya kanina at nakita si Rafael na nakaupo sa kanyang tabi. Hawak pa nito ang balikat niya na wari ba ay ginigising talaga siya. Hindi niya pa maiwasang mabigla pagkakita rito. They've talked about it. As much as possible, she didn't want for him to go near her room. Pero hindi nga maiwasang puntahan siya roon ni Rafael. Alam niyang naroon lang naman ito upang gisingin siya. She was having a nightmare... again. Sa loob ng dalawang taong lumipas ay madalas niyang mapanaginipan ang kanyang ina at ang aksidenteng kinasangkutan nilang dalawa. "Madalas ka bang makaranas nang ganoon? Para ka nang binabangungot, Diana. Madalas ka pa man ding mag-isa rito," wika pa nito. Nahimigan niya pa ang pag-aalala sa tinig nito nang magsalita. "I-It just started two years ago... w-when my mother died," tugon niya sabay salikop ng robang suot. Pinagsalikop niya rin ang kanyang dalawang braso sa kanyang harapan na wari bang niyayakap niya ang kanyang sarili. And Rafael couldn't help but swallowed. Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito habang nakatitig sa kanya. Dahil nga sa nagulat siya kanina pagkakita rito ay marahas na napaupo si Diana sa kama. Nawala na sa isipan niyang isang manipis na pantulog lamang ang saplot niya sa katawan dahilan para mahantad sa paningin ni Rafael ang kanyang dibdib. He abruptly stood up and left her there. Sa kabila ng pagkailang ay bumangon si Diana at sinundan ito upang makausap. Pinatungan niya lamang ng roba ang pantulog na suot. Doon na siya tinimplahan ng gatas ni Rafael, bagay na hindi na niya tinanggihan pa. "You were traumatized because of what happened to you and your mom," konklusyon nito sa nararanasan niya. Mapait siyang napangiti dahil sa mga sinabi nito. "I saw her, Rafael. I saw my mom with so much blood on her face before I lost my consciousness on that day. That image is haunting me until now." "Kaya mo siya laging napapanaginipan," komento pa nito. "Yes. In my dreams, she was still alive. Pero punong-puno na siya ng dugo habang nasa sasakyan pa kami. She was asking for help and wanted to be out of our car. She was asking for help, Rafael. S-She was asking for help and---" "Hey..." Agad na nahinto sa pagsasalita si Diana nang biglang lumapit sa kanya si Rafael at naupo sa kanyang tabi. "You are panicking again. Calm down." Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. "Have you seen a doctor, Diana?" bigla ay tanong nito. Pinanliitan niya ito ng mga mata. "What do you mean? You're thinking that I am---" "Seeing a specialist doesn't mean you're crazy," mabilis nitong awat sa ano mang sasabihin niya. "Diana, you are traumatized because of what happened before. You have to overcome the emotional pain that's bothering you. You have to overcome the trauma that the accident caused you." Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Diana. Ni hindi niya na namalayang nanunubig na pala ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang pinipigilan niyang pumatak. Alam niyang napansin iyon ni Rafael. Mas lumarawan pa nga ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ang nagbabadya niyang pag-iyak. "I just can't accept the fact that my mother died because of an accident, Rafael. She died just because of a reckless driver who shouldn't, in the first, hold a wheel." Agad na napatiim-bagang si Rafael. Hindi nakaligtas sa paningin ni Diana ang galit na sumalamin sa mga mata nito. Pakiramdam niya pa ay may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon ang nadarama ng binata. Para bang hindi na lang iyon dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang ina. Hinamig ni Diana ang kanyang sarili bago nagsalita ulit. "H-Hindi mawala sa isipan ko ang duguang imahe ni Mama, Rafael. For the past two years, iyon ang gumugulo sa mga panaginip ko. Iyon ang rason kung bakit gusto ko siyang bigyan ng hustisya. Until now, hindi pa rin nahuhuli ang driver na nakabunggo sa amin." "What do you mean?" magkadikit ang mga kilay na tanong nito. "A van bumped as that day. Dalawang taon na ang nakararaan pero hindi pa rin nahuhuli kung sino ang nagmamaneho ng van na iyon. Ni wala kaming lead kung nasaan na ang sasakyang iyon." "Wala bang imbestigasyong naganap?" usisa pa ng binata. "Mayroon," tugon niya. "Actually, Tita Bernadette even hired a private investigator to look for a lead, to find out who was driving that red van. I-I... I don't know pero wala kaming makuhang sagot." Saglit siyang huminto sa pagsasalita upang pagak na tumawa. "Minsan, naiisip kong ano ang silbi ng yamang mayroon ako? Ni hindi ko malutas ang nangyari sa amin noon ni Mama. Ni wala akong magawa." "It wasn't your fault, Diana. Stop blaming yourself," anito sa seryosong tinig. Mayamaya ay nang-usisa pa ito. "You said that your Tita Bernadette was conducting an investigation about it?" "Yes," she answered in a low voice. "H-Hindi ko alam kung... kung bakit pero minsan pumapasok sa isipan ko na, paano kung konektado sa aksidenteng ikinamatay ni Mama ang mga nangyayari sa akin ngayon? I survived that accident. Paano kung binabalikan ako ng kung sino mang sakay ng van na iyon?" Maang na napatitig sa kanya si Rafael. Mistulang pinoproseso nito sa isipan ang posibilidad ng sinabi niya. "Are you saying na sinadya kayong bungguin ng van na iyon?" "M-Maybe... I don't know. It was the reason why I want to know who's behind everything that's happening to me now. Baka kung sakaling malaman ko kung sino ang nagtatangka sa buhay ko, baka mabigyan ko na rin ng hustisya si Mama." Rafael heaved out a deep sigh. "Okay," wika nito sa malumanay na tinig. "I'll help you solve everything, Diana. Tungkol sa inialok mo rin kanina... I'm accepting it." "Y-You... I mean, t-tinatanggap mo na?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yes," saad nito habang hindi mapuknat ang paninitig sa kanya. "Alamin natin kung ang Tito Alex mo nga ang nagtatangka sa buhay mo. Pumapayag ako sa gusto mo, but in one condition, Diana." Nagkaroon ng ilang gatla ang kanyang noo dahil sa mga sinabi nito. "W-What?" "You'll see a specialist for that trauma you're experiencing. May kakilala akong---" "Rafael, hindi ko kailangan ng doktor," mariin niyang awat dito. "It's for your own good, Diana. Hindi mo dapat ikulong sa takot ang sarili mo. You need to be free from that emotional pain that you're going through. Kapag pumayag ka, papayag ako sa gusto mo. You can start telling everyone that I'm marrying you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD