Matamang sinusundan ng tingin ni Diana ang bawat galaw ni Rafael. Mas nauna ito sa pagpasok sa kanyang apartment na agad ngang dumiretso sa mahabang sofa at doon ay naupo. Samantalang siya ay nanatili sa may hamba ng pintuan. Nakatayo lang siya roon at sa binata lamang nakatuon ang mga mata.
Mag-aalas sais na ng hapon at mula sa AAC ay nakabalik na sila sa kanyang apartment. Naging abala sa mga natitirang oras ng maghapon si Diana at pinagtuunan niya na ng pansin ang ilang gawain sa kanilang kompanya. Samantalang si Rafael ay nanatili lamang sa labas ng kanyang opisina. Alam niyang kinainipan nito ang paghihintay sa kanya. Bakas kasi iyon sa mukha nito nang mag-aya na siyang umuwi.
Bandang alas-singko ng hapon nang gumayak na sila paalis ng AAC. Buong akala niya ay hindi na nito bubuksan pa ang paksa tungkol sa sinabi nitong mananatili ito sa kanyang apartment habang namamasukang bodyguard niya. But Diana was dumbfounded when Rafael insisted for her to give him her car's key. Wala siyang nagawa kundi ang ibigay iyon sa binata. Ito na nga ang nagmaneho para sa kanya at kung nasaan na ang sarili nitong kotse ay hindi niya na alam. Ginamit nila ang sari-sarili nilang sasakyan patungo sa AAC kanina, pero pag-alis nila kanina ay wala na roon ang pag-aaring kotse ng binata.
"Where is your car?" hindi niya nga maiwasang itanong dito.
Lumingon ito sa kanya bago nagsalita. "I asked my mother's driver to get it. Dumating siya kanina sa AAC at habang abala ka sa opisina mo, bumaba ako para ibigay sa kanya ang susi."
Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng isa niyang kilay. "So, you are really serious with what you said a while ago?"
"Mukha ba akong nagbibiro kanina, Diana? Besides, bakit ka ba nariyan at hindi pumasok dito sa loob? This is your home, isn't it?"
"I don't think it's a nice idea for you to stay here, Rafael," mataray niyang sabi. "I-I... I mean, to live here while working as my bodyguard. Studio type lang itong apartment ko. Nakikita mo naman, hindi ba?"
"Naisip mo ba iyan nang pumunta ka sa Triple Security?" balik-tanong nito sa kanya. "Diana, kahiit hingin mo pa lahat ng record ng protection agents ng kompanya ni Dad, lahat kami ay ganito ang gawa. Ang iba nga ay nadedestino pa sa malalayong lugar para lang makasama at mabantayan ang mga kliyente namin. Saan ka ba nakakita ng bodyguard na malayo sa binabantayan niya?"
Disimuladong napalunok si Diana. Of course, she knew that. Naiintindihan niya naman ang tungkol sa bagay na iyon. Sadyang hindi niya lang talaga maiwasang mabagabag sa kaisipang makakasama niya ang binata sa apartment niya araw-araw. Parang gusto niya pa tuloy pagsisihang pumayag siya sa suhestiyon ng kaibigan niyang si Kyrene na kumuha siya ng bodyguard.
Nang makita ni Rafael ang samu't saring emosyong nakalarawan sa kanyang mukha ay agad itong napatayo mula sa kinauupuan. He stared at her intently as if studying her emotion.
"Naaasiwa ka ba na makasama ako rito sa apartment mo?" diretsahang tanong ni Rafael sa kanya. "Don't tell me, natatakot ka sa akin, Diana?"
"Bakit naman ako matatakot sa iyo?" buwelta niya rito sa paasik na paraan. She even did her best to make herself firm in front of this man.
Sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay iba ang mga lumabas sa bibig ni Rafael. "Let me just remind you, Diana, trabaho lang ang dahilan kung bakit ako narito. Kailangang lagi akong nasa malapit sa iyo para maimbestigahan ang kaso mo. Besides, paano na lang kung biglang umatake na naman ang nagtatangka sa buhay mo at nasa malayo ako? Paano kita mapoprotektahan?"
"Okay... Okay..." sumusuko niyang sabi sabay hakbang na papasok ng kanyang apartment. Agad siyang lumapit sa pandalawahan niyang dining table at inilapag doon ang kanyang bag. Then, she faced Rafael again and continued talking. "Maliit lang itong apartment ko, Rafael. I chose this on purpose. Gusto ko lang manirahan nang mag-isa at dahil nga mag-isa lang naman ako ay maliit na espasyo lang ang gusto ko. You see..." Itinuro niya pa ang kabuuan ng lugar bago may idinagdag. "Studio type lang ito at walang ibang kuwarto. Saan ka matutulog ngayon?"
Isang paismid na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ng binata bago niyuko ang mahabang sofa na kanina ay kinauupuan nito. "Ilang kliyente na ang nagkaroon ako, Diana. I can always adjust for my client. Kahit dito sa sofa ay maaari akong matulog."
"Fine!" pinal niyang saad. "I just have some rules while you are staying here in my apartment."
"Rules?" anito na napapataas pa ang kilay. Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Diana ang kaaliwang nakiraan sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "And what are your rules, Kamahalaan?"
"I don't tolerate smoking. Kung naninigarilyo ka man, sa labas ka---"
"Just for the record, I don't smoke, Diana," mabilis nitong awat sa pagsasalita niya.
"Then, that's good to hear. But I'm sure you drink," mariin niya pang sabi. "You can't drink alcohol, o kahit anong nakalalasing while you are here."
"Of course," tumatango-tango nitong tugon. Nakikinig at sumasagot ito sa bawat sinasabi niya pero wari bang hindi naman nito sineseryo ang mga iyon. It was as if he was just indulging her.
"And the main rule that you should follow..." wika niya ulit. "You can't go to where I am sleeping. Off limits doon."
Sukat sa mga sinabi niya ay marahang natawa si Rafael. Ang kaninang paismid lang nitong ngiti ay mas lumawak pa at bakas na bakas na nga ang kaaliwan sa mukha nito.
"Dalawa lang ang magiging rason para puntahan kita riyan sa tinutulugan mo, Diana," anito na sadyang itinuro pa ang direksiyon ng kanyang kuwarto. "Una, kung may banta ng panganib sa iyo at kailangan kitang iligtas. I am your bodyguard. You can't stop me from going there to save you. Alangan namang panoorin lang kitang napapahamak."
"Okay, that can be an excuse," mataray niyang sabi. "And what is the second reason?"
Rafael shrugged his shoulders. Hindi pa rin maalis ang kaaliwan sa mukha nito nang sagutin ang tanong niya. "I'll just go there... if you invite me."
Ilang saglit na hindi nakapagsalita si Diana. Kinailangan niya pang iproseso sa kanyang isipan ang mga sinabi nito para tuluyan niyang maintindihan. Nang makuha niya ang ibig nitong sabihin ay agad na naningkit ang kanyang mga mata.
"Bastard!" asik niya sabay hablot ng kanyang bag at mabilis na humakbang patungo sa kanyang kuwarto. Hindi niya na hinintay pang sumagot sa kanya si Rafael. Basta niya na lang itong iniwan doon dahil sa inis na nadarama. Kung hindi niya lang pinagkakatiwalaan ang ama nitong si Mr. Certeza ay baka tumutol siyang makasama ito sa apartment niya.
But she trusts his dad. Siguro naman ay matino rin ang anak katulad ng ama nito...
*****
"WHAT do you mean? Is there a problem with your bodyguard?" magkasunod na tanong ni Kyrene kay Diana mula sa kabilang linya. Kasalukuyan niyang kausap ang kanyang kaibigan habang nasa loob siya ng kanyang opisina sa AAC.
"I don't know, Ky. I-It's just that... napakaantipatiko," napapabuntong-hiningang sabi niya rito.
"Napakaantipatiko?" ulit nito sa sinabi niya. For some reasons, Diana heard the amusement on Kyrene's voice that made her eyes rolled upwardly. "For sure, isa na naman itong bodyguard mo sa mga tinarayan mo. Am I right, Diana Baltazar?"
"Why does everyone think that I am a snob?"
"Hindi ba?" buwelta nito. "You talk less, Diana, at aminin mo, may katarayan ka."
"Just because I talk less with others doesn't mean I am a snob, Kyrene. I-I... I just don't feel like socializing."
Narinig niya ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntonghininga. "And that started when you and Tita Stella met an accident," seryoso nitong saad. Nawala na ang kaaliwan sa tinig nito. "It has been two years, Diana. Ibalik mo sa dati ang buhay mo. I know it's hard but you have to."
Mariin siyang napalunok. Ni hindi niya na nagawa pang sumagot kay Kyrene. Naisandal niya na lamang ang kanyang likod sa sandalan ng swivel chair na kanyang kinauupuan. Hindi niya na namang mapigilang maalala ang mga nangyari noon. That incident haunted her for the past two years. Ibang trauma ang idinulot niyon sa kanya dahilan para may mag-iba sa pagkatao niya.
Since that accident, inilayo niya ang kanyang sarili sa karamihan. Bihira na siyang lumabas at halos ituon ang buong atensyon sa trabaho. Naging mailap din siya sa iba at waring may inilagay na napakataas na pader palibot sa kanyang sarili dahilan para isipin ng iba na mataray siya.
Isa na nga roon si Rafael. The man thought that she's a snob just because she didn't smile to her employees. Pero wala siyang pakialam sa opinyon nito. Bahala itong isipin kung ano man ang gusto nitong isipin.
Hindi na rin nagtagal ang pakikipag-usap niya kay Kyrene. Matapos nitong magbigay pa ng ilang payo sa kanya ay nagpaalam na rin ang kaibigan niya. Kasalukuyan din kasi itong nasa trabaho at may kailangan nang gawin.
Nailapag na ni Diana ang kanyang cell phone sa ibabaw ng mesa. Katulad ni Kyrene ay may ilang trabahong naghihintay na rin sa kanya pero ilang saglit na ang lumipas ay hindi pa rin siya kumikilos sa kanyang swivel chair. Nakasandal lang siya roon at hindi pa nga maiwasang ipikit ang kanyang mga mata.
Tama si Kyrene. Kailangan niyang ibalik sa dati ang kanyang sarili. Matapos kasing mamatay ng kanyang ina ay parang nawalan na rin ng kulay ang buhay niya. She's alive, yes! Humihinga siya, nagigising araw-araw at maraming pagkakataon para magawa ang ano mang gusto niyang gawin sa buhay. But despite that, she felt like she died two years ago together with her mother. At kung kailan niya maibabalik sa dati ang buhay niya ay hindi niya alam.
Maya-maya pa, ang lahat ng tumatakbo sa isipan niya ay agad nang naputol nang muling tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya ulit iyon upang alamin kung sino ang tumatawag. Iilan lang ang may alam ng pribado niyang numero at kapag ganoong may tumatawag doon ay alam niyang importante iyon.
She picked up the phone and checked who's the caller. Halos magdikit pa ang kanyang mga kilay nang makitang hindi pamilyar ang numerong nasa screen. Hindi rin iyon naka-save sa kanyang cell phone dahilan para wala siyang ideya kung sino ang tumatawag.
Nevertheless, Diana clicked the answer button. Agad niya nang dinala sa tapat ng kanyang tainga ang aparato. "Hello..." wika niya.
She waited for someone to answer. Halos mainip pa siya dahil ilang segundo na ang lumipas pero wala pa ring nagsasalita mula sa kabilang linya.
"Hello, may I know who is this?"
No one answered. Gusto niyang isiping pinutol na nito ang tawag. Pero may naririnig pa si Diana na mabibigat na paghinga. Alam niyang sinasadya iyon para iparinig sa kanya. Dahil doon ay agad pang umahon ang kakaibang pagkabahala mula sa kanyang dibdib. Paulit-ulit lang na paghugot ng malalim na hininga ang naririnig niya na kung ano man ang ibig sabihin ay hindi niya alam.
Out of fear, she abruptly ended the call. Halos pabagsak niya pang naibaba ang kanyang cell phone sa ibabaw ng kanyang mesa saka binalingan ang intercom na nasa malapit niya.
"Juliet, please ask Rafael to come in," utos niya sa kanyang sekretarya. Ni hindi niya na ito hinintay na sumagot at muli nang niyuko ang pag-aari niyang cell phone. Hindi nga nagtagal at pumasok na ang binata.
"Pinapapasok mo raw ako. Ano ang kailangan mo---" Agad itong nahinto sa pagsasalita nang makita ang labis na pagkabahala sa kanyang mukha. "What happened?"
"S-Someone called," aniya sabay usog pa ng kanyang cell phone upang ipahiwatig na roon niya natanggap ang naturang tawag.
"And what's the matter?"
"H-Hindi... Hindi nagsasalita," nauutal niyang sabi. "I can only hear heavy breathes."
"What do you mean?" tanong nito sa seryosong tinig kasabay ng agad na pagkuha ang kanyang cell phone at tiningnan ang numerong naroon.
"I don't know. Pribadong numero ko iyan, Rafael. Kung may tatawag man ay kakilala ko. Pero kung kakilala ko iyan, bakit hindi nagsalita? That someone was just intentionally letting me hear his... or her breathing."
"You're panicking, Diana," anito na may pang-aalo sa tinig.
"Who wouldn't, Rafael? Pati ba naman sa pribadong numero ko ay may nanggugulo na?"
"Relax," mabilis nitong saad sabay abot sa kanang kamay niya. Mariin iyong hinawakan ni Rafael kasabay ng muling pagwika. "Aalamin ko kung sino ang gumagawa nito sa iyo."
Awtomatikong napatitig si Diana sa kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay. She could feel the warmth that his palm was giving her. Alam niya namang hinawakan lang siya nito upang pakalmahin. Aminado din naman siyang nabahala dahil sa tawag na natanggap. Pero bakit agad siyang natigilan dahil sa paghawak nito?