Matuling lumipas ang ilang linggo. Sa loob ng mga araw na dumaan ay naging abala si Diana sa ilang gawain sa kanilang kompanya. Bilang siya na ang namamahala sa AAC ay hindi maiiwasang matambakan siya ng maraming trabaho. Pero sa kabila ng pagiging abala ay siniguro niya pa ring makalalaan siya ng oras para sa pinaplano nila ni Rafael.
Rafael agreed to what she wanted. Ang gusto niya lang naman ay magkunwari silang magkasintahan. Gusto niyang ipaalam sa mga kakilala niya na may nobyo siya at nagbabalak nang magpakasal. Buo kasi ang loob niyang si Alex ang nagtatangka sa buhay niya. Ito lang naman ang nakikita niyang may motibong gawin iyon. Kung sakali nga namang may mangyaring masama sa kanya ay hindi ito mahihirapang angkinin ang bahay at ilang ari-ariang naiwan ng kanyang ina.
At doon niya ipapasok ang planong pagkukunwaring ikakasal na siya. Kung yaman man ang habol ni Alex, posibleng magpakita ito ng disgusto sa gagawin niya. Malamang na mabahala ito sa kaisipang maiiwan niya ang lahat ng yamang mayroon siya sa kanyang mapapangasawa.
And she wanted to be thankful that Rafael agreed to her plan. Hindi na siya mahihirapan pang maghanap ng lalaking papanggap na kasintahan niya. Idagdag pa na hindi rin naman siya maaaring basta na lang mag-alok sa kung sino mang kakilala niya upang ayaing tulungan siya sa kanyang mga plano. Hindi paniniwalaan ng Tito Alex niya, o ng kung sino mang nakakikilala sa kanya. Halos lahat ay alam na wala siyang panahon sa pakikipagnobyo.
But it would be different with Rafael. Not everyone knew him. Hindi na mahirap mangkumbinsing kasintahan niya nga ito, and that what happened between them was a whirlwind romance.
Napag-usapan na nila ang kung ano ang dapat gawin. Nais ni Rafael na palipasin muna ang ilang linggo bago nila ianunsiyong may relasyon silang dalawa. Mas madali raw 'di umanong paniwalaan na may nabuong relasyon sa pagitan nilang dalawa matapos ng ilang araw na magkasama.
And Diana agreed. Isang bagay lang talaga sa mga sinabi nito ang hindi niya sinang-ayunan--- iyon ay ang nais nitong magpatingin siya sa espesyalista upang gumaling ang trauma na mayroon siya sanhi ng nangyari sa kanila ng kanyang ina. She didn't think it was necessary. Wala lang siyang napagpilian sapagkat iginigiit iyon ng binata. Iyon pa nga ang hinihingi nitong kapalit upang pumayag na magkunwaring kasintahan niya.
Hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol doon. Maliban kasi sa abala siya sa AAC, mas ang tungkol sa plano nila ang pinaghahandaan nila ni Rafael. Isang bagay pa ang napagkasunduan nilang dalawa at iyon ay ang huwag ipaalam kahit kanino ang kanilang plano. Everything should be between just the two of them. Mas konti ang may alam, mas makakakuha sila ng magandang resulta sa gagawin nila. It was the reason why she didn't say it to anyone, not even to Kyrene or her Tita Bernadette.
Pasado alas-sais na ng hapon nang lumabas ng kanyang opisina si Diana. Siniguro niya munang natapos niya nang aralin at pirmahan ang lahat ng dokumentong natanggap niya mula sa kanilang mga empleyado. Sabado bukas at hangga't maaari ay hindi niya muna nais magdala ng trabaho sa kanyang apartment. Parang sa pagkakataong iyon ay nais niya munang ipahinga ang kanyang isipan.
Pagkalabas ng kanyang opisina ay agad niyang nakita si Rafael na sa loob ng ilang linggong pagiging bodyguard niya ay nakilala na rin ng ilang empleyado ng AAC.
"Let us go home," aniya rito saka binalingan ang kanyang sekretarya. Ilang bilin pa ang ibinigay niya rito bago pinayuhan na ring umuwi na. Nang naglalakad na sila ni Rafael patungo sa elevator ay muli siyang nagsalita. "There is a restaurant few minutes away from here. Dumaan tayo and please, buy something for our dinner. You can use my card to---"
Nahinto siya sa pagsasalita, maging sa pagbukas ng kanyang bag upang sana'y kunin ang kanyang credit card nang magsalita si Rafael. "Ako na lang," tipid nitong saad sabay pindot na sa elevator upang bumukas iyon.
Nang makapasok sa loob ay muli siyang nagwika. "Hindi mo kailangang gumastos. Use my card, Rafael. You are working for me so---"
"Hindi naman dahil pinapasahod mo ako ay hindi na ako maaaring gumastos para sa pagkain natin," maagap nitong singit sa pagsasalita niya. "Sagot ko na ang dinner natin ngayong gabi."
"Whatever," mataray niyang sabi sabay ayos na ng kanyang bag sa pagkakasukbit sa kanyang balikat. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa basement ng AAC kung saan naroon ang kanyang sasakyan. Nauuna siyang maglakad kaysa kay Rafael na marahan lamang na nakasunod sa kanya.
Tuloy-tuloy na saang lalapit si Diana sa kanyang kotse nang bigla ay matigilan siya. Isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig at ang mga sinasabi nito ay agad na nakakuha ng kanyang atensiyon.
Si Alex...
Nakatayo ito sa mismong tabi ng pag-aari nitong sasakyan at kasalukuyang may kausap sa cell phone. Hindi sila napansin ng matandang lalaki sapagkat nakatalikod.
"Yes, please do it..." narinig niyang saad ni Alex sa kung sino mang kausap nito. "I will double your p*****t. You can name your price and you know that money is not a problem... Yes... Yes." Saglit pang tumigil sa pagsasalita si Alex na wari ba ay pinakikinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
Si Diana ay tuluyan nang nahinto sa paglalakad at matamang nakinig na lamang sa mga sinasabi ni Alex. Maging si Rafael ay napatigil na rin sa kanyang tabi. Katulad niya ay na kay Alex na ang buong atensiyon nito. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring ideya ang matandang lalaki na naroon sila.
"Of course, you should do that," patuloy pa ni Alex sa pagsasalita. "Kapag nagawa mo na ang pinapagawa ko ay makahihinga na ako nang maluwag. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari."
Hindi mapigilan ni Diana ang marahang mapasinghap. Ano ang ibig nitong sabihin? May nais itong ipagawa? Handa itong doblehin ang bayad sa kung sino mang kausap nito sa cell phone basta magawa ang iniuutos nito? Iyon ba ang tungkol sa pagtatangka sa buhay niya?
Mariin siyang napahawak sa strap ng kanyang shoulder bag. Ang mga sinabi nito ay waring nagpaigting lang ng mga hinala niyang ito nga ang nasa likod ng lahat ng mga nangyayari sa kanya.
"Napakasimple lang ng mga iniuutos ko. I am sure you can---"
Ano mang sasabihin pa ni Alex ay hindi na natuloy nang bahagya itong kumilos ay mapalingon sa kinatatayuan nila ni Rafael. Kita niya ang pagkabiglang lumarawan sa mukha nito na para bang hindi inaasahang makikita siya roon.
"D-Diana..." usal ni Alex sabay baba ng cell phone. Ni hindi na nito nagawa pang makapagpaalam sa kausap at basta na lamang tinapos ang tawag. "K-Kanina ka pa ba riyan... I mean, kayo?" anito sabay sulyap din kay Rafael na tahimik lamang na nakatayo sa kanyang tabi.
"No," tugon niya sa seryosong tinig. "W-We are just about to leave. How about you?"
"P-Pauwi na rin," wika nito habang isinisilid na sa bulsa ang pag-aaring cell phone. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntonghininga saka tinitigan si Rafael. "He's your bodyguard. Does it mean he's staying in your apartment, Diana?"
Napalingon siya kay Rafael at nakipagpalitan dito ng isang makahulugang tingin. Then, she faced Alex again and answered his question. "Yes, Tito Alex. Rafael is staying in my place. Is there a problem with that?"
"You are living alone in that apartment, Diana. Don't you think it's unethical to let a man live with you and---"
"Unethical?" ulit niya sa salitang ginamit nito. "Rafael is my bodyguard, Tito Alex. He's working for me that's why he needs to be with me twenty-four hours."
"Diana, I was just---"
Hindi nito natapos ang pagsasalita nang muli siyang magwika. "Tumira ka rin naman sa bahay namin kahit hindi kayo kasal ni Mama at naroon ka pa rin ngayon kahit wala na siya. Hindi ba unethical iyon para sa inyo?"
"Diana..." narinig niyang sabi ni Rafael. Naramdaman niya pa ang paghawak nito sa kanyang kanang braso na wari ba ay pinaaalalahanan siyang kumalma.
Alex cleared his throat. Disimulado nitong hinamig ang sarili saka muling nagsalita. "I was just concern, Diana. Hindi ko alam kung bakit mo kailangan ng bodyguard. You chose to live alone, pero ngayon ay kumuha ka ng bodyguard? May nangyayari ba, Diana?"
Alex' voice suddenly changed as he asked his last question. Gusto pang isipin ni Diana na pag-aalala ang lumarawan sa mukha nito pero hirap siyang paniwalaan iyon. Baka sadyang magaling lang talaga itong magkunwari. For all she knew, paraan lamang iyon ng matandang lalaki para umuwi siya sa kanilang bahay at doon ay tuluyang mahulog sa masasama nitong balak.
"Let us go, Diana," narinig niyang aya ni Rafael. Marahan pa siya nitong hinila sa kanyang braso upang igiya na patungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan. "Aalis na ho kami, Sir. Excuse us."
"Mag-iingat kayo," saad ni Alex, mas laan para kay Rafael.
Isang tango lang ang itinugon dito ni Rafael bago tuluyan nang naglakad paalis. Hawak pa rin siya nito sa kanyang braso dahilan para wala na siyang mapagpilian kundi ang ihakbang na rin ang kanyang mga paa.
Ramdam niya pa ang pagsunod ni Alex ng tanaw sa kanila ngunit hindi na niya ito nilingon pa. Pinagbuksan na siya ni Rafael ng pinto sa may passenger's seat at agad na nga siyang pumasok roon. Sumakay na rin ang binata sa may driver's seat at nang makapuwesto roon ay agad na nitong binuhay ang makina ng sasakyan.
Binabagtas na nila ang kahabaan ng kalsada nang humarap siya sa binata at nagsalita. "Did you hear what he said over the phone a while ago? Rafael, iyong mga sinabi niya... ang tungkol kaya sa mga nangyayari sa akin ang tinutukoy niya?"
Saglit siyang nilingon ni Rafael bago muling ibinalik ang paningin sa unahan ng sasakyan. "Maaaring oo, maaari din namang hindi, Diana."
"Rafael---"
"Look," maagap nitong singit bago pa man niya matapos ang pagsasalita. "Maraming maaaring iutos ang Tito Alex mo sa kung sino man ang kausap niya, Diana. Baka tungkol sa trabaho ang tinutukoy niya. We can't be so sure."
Hindi niya mapigilang panliitan ito ng mga mata. "To whom are you working for, Rafael? Lahat na lang ng sabihin ko ay kinokontra mo?"
"Hindi iyon sa ganoon," mariin pa nitong sabi. "We need more evidence. Walang direktang sinabi ang Tito Alex mo na patungkol sa pagbabanta sa buhay mo. Kailangan pa natin ng mas solidong ebidensiyang siya nga ang nagbabalak sa iyo ng masama."
"Then, we should proceed with our plan now," wika niya sabay ayos sa pagkakaupo. Mas ibinaling niya ang kanyang mga mata sa bintana sa may panig niya.
"If that's what you want," anito, napapakibit pa ng mga balikat. "We can start telling them that we have a relationship."
"I'll tell Kyrene about it this weekend," imporma niya rito. Ang kaibigan niya ang gusto niyang unang makaalam na may "relasyon" sila ni Rafael. Hindi niya alam kung paniniwalaan iyon ni Kyrene lalo pa't kilalang-kilala siya nito bilang pihikan sa pakikipagrelasyon. "After that, sa AAC naman natin ipagsabi. I'm sure malalaman naman ni Tito Alex iyon kapag---"
Hindi na niya natapos ang ano mang sasabihin nang mapansing malayo na ang tinatakbo ng kanyang sasakyan. Noon niya lang din napansing nilampasan na ni Rafael ang restaurant na tinutukoy niya kanina. Ang daang tinatahak nito ngayon ay iba sa daang patungo sa apartment niya.
"Where are we going?" agad niyang tanong dito. "Nalampasan mo na ang restaurant na sinasabi ko, Rafael."
"Hindi ko gusto roon," anito sanhi para magdikit ang mga kilay niya. "May alam akong mas masarap kainan. Doon tayo kakain."
"As far as I know, ako ang boss sa ating dalawa, Rafael. Bakit ikaw ang masusunod?"
Rafael turned to look at her. There's a mischievous smile on his lips as he answered her. "Una, dahil ako ang nagmamaneho at ako ang magpapasya kung saan ko ito ihihinto," wika nito sabay baling na ulit sa unahan ng sasakyan. "Second, I want you to try that place, Diana. Masarap ang mga pagkain at maganda ang lugar. I'm sure you can relax there."
"Rafael, my instruction was we will just buy food and eat in my apartment. Ayokong lumabas."
Sukat sa mga sinabi niya ay agad na naging seryoso ang ekspresyon nito sa mukha. "You need to do it once in a while, Diana. Hindi kailangang lagi kang mag-isa. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa trabaho't apartment mo lang. You need to unwind, to relax, to try to live a life."
"I hired you as a bodyguard, Rafael, hindi para pakialaman ang ginagawa ko sa buhay."
"I know," seryoso nitong sagot. "Pero masama bang tulungan ka? Pakiramdam ko'y ikinulong mo na ang sarili mo sa sarili mong mundo matapos mong maaksidente. Besides, kailangan nating lumabas. Kailangan mong masanay sa akin."
"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong.
"Magiging magkasintahan tayo, hindi ba?" anito na sadyang pinagkadiinan pa ang salitang magkasintahan. "May magkasintahan bang hindi malapit sa isa't isa? So, sa labas tayo ngayon kakain. Consider this night as our first date."
"Date?!" bulalas niya.